31- PRANK
Papasok siya sa school mag-isa, dumeretso siya ng library para isauli ang libro na hiniram niya.
Pagkatapos niya roon ay tumungo siya papunta sa locker nila pero pagliko niya pa lang ay napatigil na siya.
She froze when someone threw dirty water at her. Malansa iyon at amoy na amoy niya dahil sapul ang ibang tubig sa mukha niya.
Pinunasan niya ang mukha para makadilat siya at nakita niya ang dalawang lalaki na patakbong umalis sa kinatatayuan kanina. May mga estudyante na dumadaan at ang nakasaksi sa nangyari ay nakatulala pa rin sa kaniya dahil sa gulat.
Tatanungin niya sana ang babae kung nakita niya kung sino iyon pero lumakad na ito paalis.
Some students look at her with pity, but some of them are laughing.
What a great day.
They are not freaking high school, but some mature students still do this to bully.
Hindi niya alam kung siya ba talaga ang target o talagang siya lang ang napag-trip-an?
Dumeretso siya sa shower room ng mga women players ng school at doon nag-stay habang hinahantay si Shayla na minessage niya na.
She have extra clothes in her bag kasi may dance class siya mamayang gabi at deretso na sana siya after class nila.
"What happened?!" napatakip ito ng bibig nang makita siyang basa. "You smell like a fish, Al."
She let out a deep heavy sigh. Totoo naman kasi, napakalangsa ng amoy niya. Hindi niya alam kung saang tubig iyon, parang galing pa sa pinaglinisan ng isda.
"Who did this to you?! napaka-childish naman!" inis na saad ni Shayla at inabot sa kaniya ang toiletries na gamit nito.
Mabuti na lang may access siya rito sa shower room at hindi siya mahihirapan dahil kay Shayla.
"I'll wait for you here, mag-shower ka na." Nilagay niya ang bag sa sink at kinuha niya lang ang damit niya tiyaka pumasok na sa cubicle. Nag-umpisa siyang maligo at si Shayla naman ay nagku-kuwento sa kaniya.
"Nakasalubong ko rin si ma'am Esperanza at nagpa-excuse na ako dahil sa nangyari. Mag-report na lang daw tayo sa guidance tungkol sa nangyari. Mabuti na lang at magle-lesson lang siya ngayon kaya okay lang."
Sinabunan niya ang buhok niya ng mabuti pati na rin ang katawan niya dahil sa sobrang langsa niya.
"Do you have any idea who did this to you? 'di mo ba nakita?" tanong pa sa kaniya ni Shayla.
"Hindi ko alam, basta dalawang lalaki nakita ko. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang target o ako lang napag-trip-an nila."
Binilisan niya ang pagligo at nang matapos ay lumabas na rin sila ng shower room. Pinabanguhan niya pa ang bag niya dahil natalsikan ng kaunting maruming tubig kanina.
Dumeretso sila sa guidance office para ipaliwanag ang nangyari at makahingi ng slip. Ayaw niya na sana pa magsumbong pero wala siyang magagawa dahil kailangan niya ipaliwanag kung bakit hindi siya naka-uniform ngayon.
"You just saw two men, right? We can check the CCTV so we can find them," ani ng guidance counsilor habang pinipirmahan ang slip at inabot sa kaniya.
"Uhm, kahit 'wag na po ma'am. Ngayon lang naman po ito nangyari sa akin, baka hindi naman po sinasadiya." Ayaw na rin kasi palakihin pa ang gulo. Panigurado pag nahuli ang dalawang lalaki ay hindi ito titigil pahirapan siya.
"But still, hindi tama iyong ginawa nila sa'yo. We don't tolerate bullying in this university. Don't worry; we will not say anything about you if we caught them."
Tumango na lang siya rito at nagpasalamat.
Pagkalabas nila ni Shayla sa guidance office ay naglakad sila papunta sa locker nila. Ilalagay niya muna ang basang damit sa locker para wala siyang bitbit sa room.
Pagkabukas niya ng locker niya ay napaatras siya dahil sa nakita. Napasigaw rin si Shayla at diring diri na tumingin sa loob ng locker niya.
"Disgusting cockroaches! who the hell did this?!" sigaw ni Shayla at napating sa mga students na dumadaan at ang iba naman ay nakiki-chismis na.
Bumaba ang tingin niya sa nakadikit na note sa ibabang bahagi ng locker door.
It's a prank! *with middle finger drawing*
She's speechless. Ngayon alam niya na na sinadiya talaga ang nangyari kanina. May taong gustong gusto pahirapan siya at alam niya na kung sino iyon..
"Oh my gosh! That is so disgusting! sobrang dumi na siguro ng locker mo kaya iniipis na!"
Speaking of the devil...
Nilingon niya si Abegail, malawak ang ngisi nito at parang tuwang tuwa sa nangyayari.
"Ikaw ba ang may kagagawan nito?" galit na tanong ni Shayla sa mga ito.
"Do you have evidence?" singit ni Zerlaine.
"Wow! isa ka talagang buntot at spokeperson ni Abegail 'no? singit ka ng singit hindi ka naman tinatanong!" maarteng bulalas ni Shayla at umirap sa mga ito.
"Pakialam mo?" Zerlaine scoffed.
"So sad—" pinutol niya ang sasabihin ni Abegail kaya napatingin ito sa kaniya habang nakataas ang isang kilay.
"Oo nga nakakawa... naawa ako sa may kagagawan nito. She don't have a good manner, isip bata at walang magawa sa buhay. Panigurado kinahihiya na 'to ng mga magulang—"
"What did you say?!" umalingawngaw ang sigaw ni Abegail sa hallway.
Inosenteng tumingin siya rito. "Bakit ka nagagalit? guilty?" she smirked.
"You bitch!" susugurin na sana siya nito nang kinuha niya ang ipis at binato sa mukha nito dahilan para mataranta ito.
"Omg! please remove it to my uniform!" pagtitili nito habang 'di mapakali. Nagtawanan ang ibang mga tao roon dahil kay Abegail. Nagpupuyos ito sa galit nang tingnan siya.
Akala niya susugurin pa siya nito ulit pero tumalikod na lang ito at mabilis na naglakad paalis.
"Abe, wait!" sigaw ni Zerlaine habang hinahabol ang kaibigan.
Marahil ay napahiya na kaya hindi na siya sinugod ng mga ito. Hindi na siya nahirapan alisin ang mga ipis dahil lumabas na ang ilan dahil naka-open ang locker niya.
Akala niya titigilan na siya nito pero hindi pa rin pala. Lumipas na ang bakasyon pero hindi pa rin ito maka-move on kay Zaire.
She think that Abegail is too obsessed with Zaire. Hindi na maganda ang ginagawa nito na kung ano anong pangbu-bully.
"She's freaking crazy!" Shayla blurt out.
Napabuntong hininga na lang siya at sinarado na ang locker. Umakyat na sila sa room bago pa dumating ang susunod na professor nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top