29- HIS MARK
Nang matapos ang klase nila sa araw na 'yon ay sa field muna siya tumambay. Presko ang hangin kahit may kainitan. Doon naman siya umupo sa may bench sa ilalim ng puno. Maraming estudyante ang nagkalat dahil nga unang araw pa lang ng pasok. May mga nagto-tour din at ang iba naglalaro pa sa damuhan.
Pwede ka kasing maglatag doon ng sapin at maglaro ng mga cards o kumain, basta wala lang magkakalat.
"Ate! nahanap ka rin namin." Kumunot ang noo niya nang may lumapit sa kaniyang dalawang babae. Medyo familliar sa kaniya ang mga ito.
"Natatandaan mo pa ba kami ate? Kami po 'yong pumunta sa room niyo para magpa-picture sa'yo. Sa dance club po kami!" nakangiting sambit nito. Napatango naman siya nang maalala iyon, kaya para familliar sa kaniya.
"Ano 'yon? may kailangan ba kayo?" tanong niya.
"Ate, baka naman po pwede kang mag-perform bukas? Welcoming po kasi ng mga new students at may program po. Kahit hindi ka po sa dance club, baka po pwede niyo kami irepresent para marami po sa amin sumali? please po?" ani ng isa at pinagdikit ang palad.
"Sige na po ate Al, please po? Gusto lang po namin ipagmalaki na may professional dancer dito sa university natin," dugtong pa ng isa.
Napakamot naman siya sa ulo niya dahil hindi niya alam ang sasabihin. Bukas ay wala siyang pasok. Monday, Wednesday at thursday na lang kasi ang schedule niya. Mas kaunti ang subjects nila pero mas mabigat ang gagawin dahil sa thesis.
"Uh... sige. Ako naman bahala sa sayaw 'di ba?" Halos mapatalon sa tuwa ang dalawa dahil nag apir pa sa harapan niya.
Sunod sunod ang tango naman nila. "Opo, ikaw na po bahala. Ito po pala, para sa'yo." Inabot nito ang isang paper bag at nakita niyang may mini cake at dalawang iced coffee na naka bote.
"Salamat," nakangitin sambit niya.
"Walang anuman po ate Al! See you po bukas!" Bago makaalis ang dalawa ay inabot ng mga ito ang program flow sa kaniya.
10am pala dapat naka stand-by na siya bukas. Napapikit siya nang may tumamang bola sa kaliwang bahagi niya.
"Sorry po!" sigaw ng isang lalaki na alam niyang mas lower year dahil sa suot na i.d
Lumapit ang tatlong lalaki sa kaniya kaya inabot niya ang bola ng soccer dito.
"Uy, ikaw po 'yong sumayaw last sem 'di ba?" tanong ng isang lalaki.
"Uh, yes." Ayaw niya sana makipagkwentuhan sa mga ito pero mukhang mapilit ang isa.
"What's your full name miss? 'di kita mahanap sa social media eh," ani nito na parang hindi nahihiya.
Bago pa siya magsalita ay may tumawag na sa kaniya.
"Andie!" napabaling siya ng tingin kay Zaire na nakasimangot na habang nakatingin sa tatlong lalaki.
Mabilis itong naglakad papunta sa kaniya kaya napatayo na siya at lumapit na rin dito.
"Who are they?" tanong nito sa kaniya nang mahawakan ang isang kamay niya.
"Lower years, hindi ko kilala."
"What do you need from her?" maangas na tanong ni Zaire kaya pinisil niya ang kamay nito para senyasan na tumigil.
"Ah, tinatanong lang po—
"I'm asking her name, why?" maangas din na tugon noong lalaking malakas ang loob. Kita niya na pinipigilan ng dalawa ang kasama pero ayaw nito magpaawat.
"Why?" sumeryoso na ang tono ng boses ni Zaire kaya hinahatak niya na ang kamay nito para umalis na.
"I'm interested to her. Ano bang pakialam mo?" nanlaki ang mata niya nang tila ba'y naghahamon ang lalaki.
"Can't you this? She's my girlfriend, brute."
"So what?"
She scoffed when she heard the answer of the guy.
"Excuse me? can't you understand the situation? wala kaming panahon makipag-away sa'yo. If you're interested with me, then thank you but i don't have interest with you because of your attitude." Hindi niya na ito hinantay magsalita dahil hinatak niya na ng pwersa si Zaire bago pa ito makipagbugbugan sa lalaking 'yon.
Hindi niya napigilan 'di mag-react dahil sa attitude nito.
"Ang tatapang ng mga third year ngayon ah?" ani nito. Napabaling naman siya ng tingin dito at sinamaan ng tingin.
"Dapat hindi mo na pinapatulan ang mga gano'n."
"Eh, bakit mo pinatulan?" ngumisi na ito sa kaniya.
"Ayaw mo ba? Nakakaasar kaya attitude, mayabang! katulad mo!" tumigil ito sa paglalakad kaya hinatak niya ang kamay niya na hawak nito. Tumakbo siya papunta kung nasaan naka-park ang kotse nito.
Nilingon niya ito at pinabilis maglakad.
"Bilisan mo! kailangan ko pa mag-practice ng sayaw," utos niya rito.
"Why? akala ko ba bukas pa training mo ulit?" tanong nito nang makalapit. Binuksan nito ang sasakyan at pumasok agad siya. Nang makapasok na rin ito at pinaandar ang sasakyan ay tinutok niya agad ang aircon sa kaniya.
"Sasayaw ako bukas sa welcoming event, nakiusap sa akin 'yong mga taga dance club."
Malakas itong bumuntong hininga.
"You'll get famous again..." Pinatunog nito ang dila at napasuklay pa ng buhok. "I should give you a mark, para makita nilang may nagmamay-ari na sa'yo."
Kinunotan niya ito ng noo nang lumapit ito sa kaniya at hawakan ang batok niya gamit ang isang kamay. Nakiliti pa siya dahil sa paghawak nito. Nilapit nito ang mukha kaya literal na lumaki ang mata niya.
"Don't move, wife." Nahigit niya ang hininga niya at napapikit na lang dahil hindi niya alam ang gagawin nito. Para pang nang-aakit ang boses nito kaya mas lalo siyang di mapakali.
Umawang ang labi niya nang lumapat ang labi nito sa gilid ng labi niya. Awtomatikong lumapit din siya rito para mabigyan pa ng access ang binata. Dapat ay tinutulak niya ito pero bakit parang gusto niya pa ang ginagawa nito.
Mabuti na lang ay tinted ang kotse nito at walang makakakita sa kanila. Inangat niya ang ulo ng gumapang ang halik nito sa leeg niya hanggang sa...
"Fuck!" daing nito nang malakas niya itong tinulak. Napahawak siya sa leeg niya at agad kinuha ang cellphone niya para tingnan kung anong lagay ng leeg niya.
Lalong lumukot ang mukha niya dahil kita niya ang bakas ng kagat at sipsip doon ni Zaire.
Mark?
Woah! hindi niya man lang inisip na ito ang tinutukoy nito!
"Gago ka ba! alam mong may sayaw ako bukas!" sigaw niya rito. Nakahawak pa rin ito sa likod ng ulo dahil nauntog ito sa bintana.
"You have my mark so if the see it, they know you're in a relationship," katwiran nito. Kinagat niya ang labi dahil sa gigil. Nawala ang mood at kilig niya rito at napalitan ng inis.
Okay lang sana kung wala akong pasok at— shit! ano ba 'tong sinasabi ko?
Napasandal na lang siya sa upuan at napahalukipkip. Talagang laging may ginagawa ito na kinaiinis niya.
"Andie," tawag nito sa malambing na boses.
"Paandarin mo na! may gagawin pa ako!"
"Baby?"
"Isa!"
"Mahal ko?"
"Dalawa!"
"Asawa ko? mahal na mahal kita. I can't help to get jealous to every man around you, kahit alam ko naman na mas gwapo ako."
She scoffed and rolled her eyes then he glanced at him.
"Iandar mo na! 'di mawawala lagi 'yang pagpapaangat mo sa sarili mo ah!" pinanlakihan niya ito ng mata kaya dali dali itong kumilos at pinaandar na ang sasakyan. Binaling niya ang tingin sa kanang gawi at gumilid para matago ang mukha niya. Natatawa kasi siya dahil nagmamakaawa talaga ang mukha nito.
Kaya kahit anong asar niya rito pag nanlambing ang binata ay talagang napapangiti siya dahil hindi pa rin siya sanay sa ganitong side nito.
Bwiset ka talagang lalaki ka! pagkatapos mo guluhin ang sistema ko papainitin mo ang ulo ko tapos mapapatawa mo ulit ako? tsk.
She just bit her lips to suppress her smile.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top