28- BACK TO SCHOOL
Na-late siya ng gising dahil late na siya nakatulog kagabi dahil kay Zaire. Paano ba naman kasi gumala pa sila at alas dose na ng umaga nakauwi at mga 1am na siya nakatulog. Hinablot niya ang bag niya nang makapagsapatos na. Dali-dali siyang lumabas at kita niya roon na nakaabang na si Zaire.
Sumakay agad siya at sinenyasan itong umandar na. Uminom muna siya ng tubig dahil talagang hiningal siya sa kakamadali.
"Chill, first day pa lang naman ngayon. For sure, wala masiyadong gagawin," sambit nito.
"Kahit na! Nakakahiya sa mga bagong professor, lalo na sa first subject namin ngayon. Ikaw kasi mamayang 9am pa klase mo, ako 8am at alam mo ba kung anong oras na ngayon?! 7:30!" inis na saad niya rito.
Tumawa lang ito dahil tarantang-taranta siya. Hindi siya sanay na ma-late lalo na kung first day of school. 4th year college na sila at dapat disiplinado na sila sa time management.
"Okay, boss! Let's fly!" anunsyo nito at mas pinabilisan pa ang takbo ng sasakyan. Hinayaan niya na lang ito dahil magaling naman ito mag-drive at may tiwala siya rito.
Inayos niya ang kaniyang buhok at naglagay ng lipbalm sa labi. Nag-aaral na siya ng mga simpleng ayos dahil pagnagka-trabaho siya ay kailangan niya pa rin mag-ayos at mag-make up kahit papaano.
Napasandal siya sa kinauupuan ng maayos. Medyo traffic pa kaya kinakabahan pa siya lalo.
Napakabilis talaga ng araw, parang kailan lang ay nasa cebu sila ni Zaire at kung saan-saan nag ga-gala.
Ngayon 4th year na sila at paniguradong magiging limitado na lang ang pagkikita nila ni Zaire. Well, hindi naman niya masiyadong iniisip iyon dahil isang kanto lang ang layo ng bahay nito sa kaniya pero siyempre magiging pagod talaga sila dahil sa mga kaniya-kaniyang gawain.
Si Zaire naman ay naka-focus na lalo sa fligh training dahil kailangan niyo ma-kompleto ang flying hours. Ang schedule nila ay kaunti na lang ang tugma sa isa't isa.
"Tomorrow, I have to earn fly hours, but I'll still take you to school before I go."
"Huwag na, mapapagod ka lang. Alam ko naman na lagi kang pagod pag may training kayo tapos gigising ka pa ng mas maaga para lang maihatid ako." Ayaw niya ng gano'n.
Yes, she knows that Zaire is trying to be a good boyfriend, but she understands too that he can't always be there for her because they are now busy.
"It's fine with me, promise!" Hinawakan nito ang isang kamay niya. Papasok na sila sa school at kita niyang may 5 minutes pa siya bago mag-start ang klase.
"It's not fine with me, Zaire ko." Mariin ang boses niya at tiningnan ito. "I understand that we're getting busier because we are now 4th-year college. Let's shedule our quality time, 'yong hindi napapagod ng husto ang isa," pinisil niya ang kamay nito at nang makapag-park na sila ay binigyan niya ito ng halik sa labi.
Sanay na siya na siya ang humahalik dito.
"Fine. Ikaw ang masusunod, boss!" he chuckled. Bumaba rin sila ng sasakyan at halos patakbo na siyang kumilos na ikinatatawa ni Zaire.
Naiba ang room nila pero same building pa rin. Natanaw niya ang mga kaklase niya at ngumiti siya nang magtama ang mata nila ni Shayla. Nakita niya pa ang mga iba at kinawayan siya kaya ngumiti lang siya. Ang hindi niya lang nakita ay si Maze dahil paniguradong busy na naman ito sa council. Bababa na iyon ng pwesto at magkakaroon ng event next next week para doon. Gano'n naman kasi lagi ang nangyayari.
"Bakit parang pinagpawisan ka na? Don't tell me you two—" bago pa matapos ni Shayla ang sasabihin ay nag-react na siya.
"Hindi ah! Tumakbo ako kasi male-late na ako," paliwanag niya agad. Tumawa naman ang kaibigan na parang nababaliw dahil hindi mapakali.
"Masyadong defensive!" ani ni Shayla.
"Sige na, papasok na ako," baling niya kay Zaire.
"Okay. Sa library na alng ako tatambay habang nagpapalipas ng oras." Hindi siya naka-react agad nang hatakin siya nito at yakapin ng mahigpit.
"Excuse me? nasa tabi niyo pa ako 'di ba?" inirapan silang dalawa ni Shayla at tinalikuran na para pumasok sa room. Hinampas niya sa dibdib si Zaire, nakakunot ang noo niya habang nagpipigil ng ngiti.
"Sige na! see you later. Ako naman ang mahahantay sa'yo." Nagpaalam na siya rito at pumasok na rin sa classroom.
"Landi!" pagkaupo niya sa tabi ni Shayla. Ngumingisi ito at halatang inaasar siya.
"Inggit?" pang-aasar niya.
"Wow! Parang dati lang hindi ka ganiyan ah!" asar pa nito.
"Loka loka!" natawa na lang siya at nailing.
"But i'm happy for you, may lovelife ka na at mas lalong nagiging blooming pa. Ano bang pinapakain sa'yo?" bulong nito at nag-iba ang tingin sa kaniya.
She rolled her eyes and pushed Shayla when she got too close.
Alam niya ang kaberdehan na iniisip nito.
"Kung ano-ano iniisip mo," ani niya. Lumayo ito at naging overacting.
"Ako?! hindi kaya! baka ikaw? ano bang nasa-isip mo?" tumawa ito ng malakas. "I'm talking about the food!"
Sinundot sundot pa nito ang tagiliran niya pero hindi na siya nagsalita dahil may pumasok na na bagong prof.
"Good morning class!" bati nito sa kanila. Sabay sabay silang tumayo at bumati, sanay na kasi sila sa gano'n.
Sa dalawang oras na schedule nito ay nag lesson ito kaagad. Nakita niya ang ibang kaklase niya na nakasimangot dahil siguro na umasa na mabilis lang ang magiging klase. Medyo strict din ang bago nilang prof pero okay naman ito magturo.
Medyo kumakalam na ang tiyan niya nang matapos ang first subject kaya gusto niya talaga mag lunch time. Paano ba naman ay hindi siya nakakain ng maayos dahil late na siya. Tanging cereal lang ang nakain niya hindi pa ubos.
Nag-cr siya mag-isa, sasamahan pa sana siya ni Shayla pero hindi naman ito magc-cr kaya hindi niya na pinasama.
Nakasalubong niya pa si Abegail na mag-isa, akala niya hindi siya nito papansinin dahil wala sa tabi nito si Zerlaine. Pero akala niya lang pala dahil papasok pa lang siya sa banyo ay hinarangan na siya nito.
"What?" she asked.
"You have confidence now to talk to me like that?" Abegail scoffed.
"Anong gusto mo maging pipe ako sa harapan mo? humarang ka kasi may sasabihin ka 'di ba?"
There's no emotion written on her face. She doesn't have a mood to be friendly.
Umawang ang labi nito at parang nagpipigl ng galit.
"Okay. Give me that attitude! It's fine with me because i can make you beg in the future. Hindi ako magandang kalaban, Al. Inagaw mo ang akin? pwes gagawin ko ang lahat para magdusa ka," ngumiti ito na parang may masamang pinaplano pero sanay na siya sa ginagawa nito.
"Wala akong inagaw, Abegail. At kung naging sa'yo man siya ay hindi siya seryoso noon." Ayaw niyang pumatol pero iba si Abegail sa naging fling ni Zaire. Matindi ito at talagang malakas ang loob kalabanin ang mga lumalapit na babae sa binata.
Aambahan sana siya nito nang may dumaan na professor at saktong papasok din sa banyo kaya nilagpasan niya ito at sumunod doon.
Binilisan niya lang ang pag-cr at tumingin tingin pa siya sa paligid dahil baka surpresahin siya ni Abegail ng kalokohan. Nakahinga naman siya nang makabalik sa room ng safe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top