27- NIGHTMARE
"Miss anghel ko, ito na po ang prutas para sa iyo." Jojo gave her a basket full of different fruits. Panigurado na pinapaabot ito ni aling Clara. May pakwan na medyo hindi kalakihan at meron ding ubas, mansanas at saging.
"Stop calling 'Miss anghel ko' ang asawa ko, liit." Kinurot niya sa tagiliran si Zaire. Pinapatulan na naman si Jojo na mas bata sa kanila ng limang taon.
"Matangkad ka lang kaya naliliitan ka sa akin, atleast kami ni miss anghel ko ay magkasingtangkad!" sagot naman ni Jojo habang nakatingala kay Zaire.
"Sige na Jojo, salamat dito ha?" nakangitin ani niya. Mabilis nagbago ang expression nito at ngumiti ng matamis sa kaniya.
"Walang anuman. Balik ako mamaya pag may iutos ulit si inay." Nagpaalam ito sa kaniya at nang tumingin kay Zaire ay binelatan ito.
Napabuga siya ng hangin bago balingan ng tingin ang taong nasa tabi niya. Bawat tayo niya kasi ay sinusundan siya nito. Halos pati sa banyo ay parang gustong sumunod din nito.
"Patol na patol ka sa bata ah!" sambit niya at nagtungo sa kusina para ilagay ang prutas sa lamesa. Kumuha siya ng isang mansanas at hinugasan iyon para balatan ang balat.
Ayaw niya kasi nang may balat na mansanas, tiyaka trip niya rin isawsaw iyon sa kaunting asin.
Weird na ba siya?
"Bata man siya, gusto ka pa rin niya!" sumimangot ito at inagaw ang peeler at mansanas sa kamay niya. Ito ang nagbalat ng apple kaya kinuha niya ang asin at naglagay sa platito. Hinugasan niya na rin ang mga ubas para makain nila.
Kahapon sila nakauwi galing sa beach. Sulit din ang pag-stay roon sa resort na tinulugan nila dahil napaka-aliwalas at nakaka-relax. Wala silang ginawa kun'di mag-relax at magsaya ni Zaire. Typical dates of couple, kakain, manonood lang ng movie sa isang kwarto at magku-kuwentuhan.
They sleep in a same bed but nothings happen. Zaire is being respectful to her, talagang papakasalan siya nito dahil parang lagi nitong pinapaalala sa kaniya.
"Pag nagpakasal na tayo, ikaw ang magluluto at ako ang magta-trabaho."
Ayan na naman siya...
"Paano kung hindi kita sagutin? paano kung ayaw ko magpakasal sa'yo?" natigilan ito at napatingin sa kaniya.
"You don't see me as your husband?" 'di makapaniwalang tanong nito. Kita niya ang kaba nito dahil alam niya ang habit nitong pag dila sa labi pag kinakabahan.
"I'm just asking! ito naman. Why are you nervous?" she chuckled. Kinuha niya ang balat na mansanas at hiniwa iyon. Binitbit niya ang bowl ng ubas at mansana sa platito na may asin papunta sa sala.
Sumunod din agad si Zaire nang makapaghugas na ng kamay.
"It will never happen. Hindi ka hihindi sa akin," malakas na loob nitong sambit at umupo sa tabi niya.
"Eh paano nga kung may mangyari sa akin? paano pala kung namatay ako bago pa tayo magpakasal?" i joked. Kinain ko ang mansanas at napapikit pa ako sa sarap.
Napatingin naman siya ulit kay Zaire na nanahimik. Nakatulala ito at hindi niya mabasa ang iniisip.
"Hoy!" sigaw niya rito.
"D-don't say that," bumuntong hininga ito at uminom ng tubig na nasa sala sa lamesa.
"Don't be too serious!" tumawa ulit siya dahil mukhang nawala na ito sa mood.
"I had a nightmare yesterday... and it was bad..." Humina ang boses nito kaya kumunot ang noo niya.
"That's why when you woke up, you hugged me tightly?" Kahapon kasi nang nagising ito, nagulat din siya dahil pabangon ang gising nito at pinagpapawisan.
"Ano naman ba ang napanaginipan mo? tungkol sa akin? na mamamatay ako?" tumawa ulit siya dahil napakaseryoso nito.
"Yes... but it will never happen because I'll protect you at all cost."
She smiled and hugged Zaire. Panaginip lang naman iyon pero parang seryosong seryoso ito kaya niyakap niya.
"Tama na nga sa panaginip na 'yan! manood na tayo ng horror movies," ani niya at inabot ang remote. Mabuti na lang smart tv ang nandito sa bahay na ito, atleast mai-lo-login nila ang account sa netflix at makakapanood.
Nakadalawang movie sila sa hapon na 'yon at nang lumipas ang oras at hapunan na ay sakto ang pagpunta ulit ni aling Clara kasama si Jojo.
Nasa pinto pa lang ang mga ito ay amoy niya na ang pagkaing dala ng mga ito. Nakabukas pa rin kasi ang bintana. Magsasara pa lang sila dahil baka pumasok ang lamok.
"Hi ulit miss—" bago pa matuloy ni Jojo ang sasabihin nito pinutol na agad ni aling Clara.
"May birthday sa kabilang kanto, kilala namin at may lechon sila. Pinabibigay sainyo, isa 'yon sa natulungan ng magulang niyo sa korte. Maghapunan na kayo, aalis na rin kami."
Inabot naman ni Zaire ang pagkain at nakita niyang hindi lang lechon dahil may isa pang ulam doon at cake.
"Salamat aling Clara," sambit niya rito. Nagpaalam din ang mga ito at naawa pa siya kay Jojo nang hatakin ito sa tainga ni aling Clara para hindi na siya gambalain pa.
"Kain na tayo," yaya sa kaniya ni Zaire.
Siya na ang nag-ayos ng pagkain, may tira pa naman sila kaninang kanin dahil nagsaing siya. Hinainan niya ng pagkain si Zaire at tuwang tuwa naman ito.
"Ang ganda talaga ng asawa ko," pagmamalaki niya.
"Ang gwapo naman ng asawa ko," pakikisabay niya sa trip nito.
"Gusto mo magpakasal na tayo? pwede naman na," malawak na ngising sambit nito.
"My parents and my mom will allow it for sure," dugtong pa nito.
"Magpi-piloto ka 'di ba? marami ka pang pagdadaanan diyan sa magiging trabaho mo! Tiyaka lagi kang aalis tapos gusto mo na ako pakasalan?" Umupo siya sa harapan nito at kumain na rin.
"Then, i'll change my career?" suggest nito na mukha pang seryoso.
"Gusto mong batukan kita? ilang taon ka naghirap sa pag-aaral at pagtraining tapos, change career?" pinaningkitan niya ito ng mata.
"Just kidding, wife. Still, i'll make time for you and for the baby." Naubo siya sa sinabi nito. Talagang nasamid siya sa isang kanin dahilan para mapatayo siya. Kinuha niya ang tubig at uminom. Naramdaman niya pa ang kamay ni Zaire na hinihimas ang likod niya. Hindi niya man lang napansin na umikot na ito para puntahan siya.
"Bwisit ka!" singhal niya rito at napaupo sa upuan habang hinahabol ang hininga. Nanubig pa ang mata niya dahil sa pag-ubo ng malala.
"Why? did i said something wrong?" maang-maangan na tanong nito.
"Baby mo mukha mo! ang advance ng utak mo talaga!"
"Sorry, can't help to foresee the future with you."Inirapan niya ito dahil kinilig siya sa sinabi nito. Parang may kumikilit na naman sa tiyan niya para hindi mapakali ang buong sistema niya.
Itong lalaki talaga na 'to! Hindi nagsasawang pakiligin siya araw-araw. Talagang kada-araw ay may banat ito o may ginagawa para guluhin ang sistema niya.
At sa mga ginagawa nito ay hindi siya nagsasawa, mas lalo lang ata siyang nahuhulog at pakiramdam niya kung sakali mang iwan siya nito ay hindi niya kakayanin.
Wala na, sanay na sanay na ang puso niya.
Parang naka-ukit na nga ang pangalan nito sa dibdib niya at panghabang buhay na 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top