26- MAKING OUT
Kinabukasan ay pumunta sila sa Malapascua, mag-overnight stay sila sa isang resort doon. Ang pupuntahan kasi nila sa Malapascua ay 'yong Logon Beach. Kagabi pa siya excited dahil nga gusto niya na mag dagat talaga.
Nang makapag-check in sila sa resort ay kumain muna sila roon ng lunch bago muli umalis at sumakay ng tricycle para tumungo sa beach.
"Will you wear a swimsuit?" halos pasigaw na tanong ni Zaire dahil maingay ang tricycle.
Tinaasan niya ito ng kilay bago magsalita. "Sa tingin mo'y nagsusuot ako no'n?"
"I'm just asking!"
"Bakit pagbabawalan mo ako?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa mukha nito.
"No, I respect what you wear but i can't help to be a possesive when it comes to you. Hindi mo man pansin pero maraming lalaki ang tingin ng tingin sa'yo," ani nito at hinapit pa siya.
"Sa'kin? 'di ba lalaki ako manamit?"
"It's not all about you wear, Andie ko. Maganda ka talaga kahit anong gawin mo," pinisil nito ang kaniyang pisngi at niyakap siya.
Hindi na siya nagsalita pa at sumandal na lang din dito. Hindi naman sobrang tagal ang byahe nila mula sa resort hanggang sa beach, wala pa sigurong 30 minutes dahil wala namang traffic at mabilis ang takbo ng tricycle.
Bumaba sila at nagbayad sa sinakyan. Nang makapagbayad sa cottage ay patakbo siyang tumungo sa dagat. Ang paa niya puno na ng buhangin, hindi niya mapigilan na hindi mapangiti.
Ramdam niya na talaga ang bakasyon. Huminto siya at hinantay si Zaire, hinawakan naman agad nito ang kamay niya tiyaka sila naglakad ng sabay.
Nilagay nila ang mga gamit na bitbit nang makapunta sa cottage nila. 'Di naman marami ang dinala nila, bag na may lamang damit na pamalit at towel, kaunting prutas, chips, bottled water at bumili rin sila kanina sa nadaanang nag-iihaw ng isda. May malapit din namang mga kainan kaya hindi na mahirap bumili kung kulangin man sila sa pagkain.
"Let's take a picture here." Sinet-up ni Zaire ang phone stand at nilagay doon ang phone. Nag-picture sila ng ilang beses bago niya hinubad ang damit. Nakasuot na kasi sa kaniya ang rushguard at cyclings kaya pinatungan niya na lang ng t-shirt at shorts nang bumyahe sila para hindi na hassle magpalit.
"Stripping here? wow, lakas naman ng loob ng Andie ko," pang-aasar sa kaniya ni Zaire.
"Duh, kita mong may damit pa ako oh? balot na balot nga eh! baka gusto mo maghubad talaga ako—"
"Don't you dare."
Nilabas niya ang dila at nag-make face sa harap nito. Hindi niya na ito pinansin at patakbong pumunta sa may dagat.
Nakapaglagay na siya ng sunscreen kanina pa lang kaya deretso ligo na siya. Sumalubong ang alon sa kaniya kaya lumangoy siya. Marunong naman siya lumangoy, marunong na para hindi malunod.
Pinunasan niya ang basang mukha gamit ang kamay at tinawag si Zaire na lumalapit sa kaniya. Naka-topless na ito at naka-shorts.
Hinintay niya ito lumangoy papunta sa kaniya, hindi niya nga napansin na nakalapit na ito dahil hindi ito umahon, bagkus ay hinawakan siya sa bewang at hinatak pababa.
Hinampas niya ito at hinabol ang hininga nang maiangat ang ulo.
"Abnormal ka talaga!" sigaw niya rito. Nalasahan niya kasi ang alat ng dagat. Tumawa lang ito at niyakap siya ng mahigpit.
"Let's stay like this for a while," bulong nito.
Napabuntong hininga siya at niyakap din ito. Pinatong niya ang baba niya sa balikat nito at pinikit ang mata.
Ang simoy ng hangin at ang medyo kalmadong dagat ay nagpapakalma sa kaniya. Plus, the warm hug he gave.
Lumayo ito ng kaunti pero hindi pa rin binibitawan ang pagkayakap sa bewang niya gamit ang isang kamay.
"I love you," he said. "Hindi ko alam na ganito kasarap maging in-love."
"Siyempre, sa akin ka na in-love," pagmamayabang niya at tiyaka tumawa. Zaire look at her intently while smiling.
Pero unti-unting nawala ang ngiti nito nang bumaba ang tingin nito sa kaniyang labi. Parang may bumara roon kaya wala sa sariling napalunok siya. Hindi siya makagalaw at para bang biglang nag-iba ang ihip ng hangin.
Mas lalo siyang hinapit ng binata at sa isang iglap lang ay nakalapat na ang labi nito sa kaniya. Her heart is pounding fastly. Nagwawala iyon ng husto na para bang gusto makawal sa ribcage niya.
Gamit ang isang kamay ay hinawakan ni Zaire ang pisngi niya habang hinahalikan siya nang marahan pero malalim.
She slowly closed her eyes and the next thing she knew she's kissing back. Mukhang nagulat ito sa ginawa niya dahil narinig niya ang daing nito. Hihiwalay na sana siya dahil baka nasaktan ito dahil hindi siya marunong humalik pero mas lalo lang diniin ng kasintahan ang labi sa kaniya.
Inayos niya ang pagkapulupot ng kaniyang kamay sa leeg nito. Umawang pa ang labi niya dahil ekspertong kinagat nito ang ibabang labi niya hanggang sa makapasok ang mainit nitong dila. Para bang may hinahanap iyon dahil napakalikot sa bunganga niya.
It feels... so good.
Lumikot ang kamay nito at ramdam niya ang haplos nito sa bewang niya nang maibaba ang isang kamay.
She thought that there's something will happened but Zaire suddenly stopped and looked at her.
"You're driving me crazy, Andie. How can you kiss me back like that." mariin ang boses nito at 'di niya malaman kung galit ba ito o ano.
"W-why? h-hindi ba o-okay?" kinakabahang sambit niya.
"No." Naibaba niya ang tingin at napanguso dahil sa narinig. "No. It's fucking good and your lips was so innocent." Napatingin siya ulit dito at ramdam niya ang pagpipigil nito.
She bit her lips, trying not to smile.
"Then why did you stop?" she asked while playing Zaire's wet hair.
"Because if i continue, i might take you here, Andie." Seryoso ang mukha nito kaya nag-init ang pisngi niya at naitigil niya ang paglalaro sa buhok nito.
"I don't want that. We should get married first, after that i plan to own you," mas lalong nag-init ang pisngi niya dahil sa sinabi nito. Naisubsob niya ang mukha sa matipunong dibdib nito at hinampas ito sa braso.
"Multiples times... I'll mark every inch of your body, Andie ko. So that's everyone know that you're mine," he chuckled and hugged her tightly.
"Gago!"
"Language,"
"Tsk. Parang 'di nagmumura!" Tinulak niya ito ng malakas at lumangoy. Nang makaahon siya ay narinig niya ang baritonong tawa nito kaya sinamaan niya ito ng tingin. Mabuti na lang walang masiyadong tao na nags-swimming.
"I love you Andie Loucinda Madrigal!" sigaw nito. Nanlaki ang mata niya at napalinga-linga sa paligid. Kinikilig siya pero nahihiya rin siya dahil baka masiyado na silang PDA.
Tumakbo siya papuntang cottage nila para umiwas sa tingin ng iilan na taong lumingon dahil sa lakas ng sigaw ni Zaire.
Naiiling na lang siya habang umiinom ng tubig.
Being in love feels so good...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top