25- VACATION
Ilang linggo ang lumipas at mas nakahinga na siya ng maluwag. All her sleepless nights and hardwork for her studies are paid off. Tapos na ang finals ibig sabihin no'n ay tapos na ang klase. Bakasyon na at makakapahinga na siya.
Ngayon ay may lakad silang dalawa ni Zaire, pupunta sila sa Cebu para mag bakasyon ng isang linggo. Doon sila manunuluyan sa bahay bakasyunan ng pamilya nito. Nakapagpaalam na sila at nalaman na rin ng magulang ni Zaire at ng mommy niya na silang dalawa na ni Zaire.
Nagulat pa nga siya dahil parang hindi na nagulat ang tatlo. Tuwang-tuwa naman ang mommy ni Zaire at ang mommy niya naman ay binalaan lang silang dalawa sa mga limitasyon nila.
"Kompleto na ba lahat ng gamit mo?" tanong ng binata habang nilalabas ang maleta na dala niya. Isang malaking maleta at isang duffel bag lang ang dala niya bukod pa sa sling bag na bitbit niya.
"Oo, ikaw ba wala ng nakalimutan? Malapit na ba 'yong grab?" tanong niya pa. Wala kasing maghahatid sa kanila kaya nag-grab na lang sila.
"Wala na akong nakalimutan. You're here beside me. Ikaw lang naman ang kailangan ko," banat nito. Inirapan niya ito at muling tiningnan ang sling bag na bitbit niya. Nandoon na ang phone, wallet, id at mga importanteng bagay. Okay na siya at ready na umalis.
Dumating ang grab ng 8:12am, nilagay nila ang gamit sa compartment bago sumakay. 1:30pm pa naman ang flight nila, talagang kailangan lang maaga dahil hindi natin alam kung biglaang may mabago sa oras ng alis.
Nakarating sila ng 10am sa airport at nag check-in agad sila. Inasikaso muna nila ang mga dapat gawin bago sila pumunta sa isang restaurant. Mabuti na lang ay hindi naman masiyado gaano karami ang mga tao kaya hindi rin sila nagtagal.
Zaire ordered food while she look for a table. Doon siya pumwesto sa gawing dulo na couch ang upuan.
"Hi miss! I think i saw you on social media?" napaangat ang tingin niya sa isang foreigner na lumapit sa kaniya.
"Are you talking to me?" paninigurado niya kahit wala namang ibang tao na malapit sa kaniya. Sinilip niya si Zaire at nag-o-order na ito.
"Yes! You are dancer right? You competed with a dance competition!" may kalakasan ang boses nito kaya nakita niyang napalingon si Zaire sa kanila. Kumunot ang noo nito at dali-daling lumapit sa kaniya nang makapagbayad.
"Excuse me?" ani ni Zaire at humarap sa lalaki.
"Oh! Hi! Are you the boyfriend?" nakangiting tanong ng lalaki nang harapin si Zaire.
"Yes," mariin na sambit nito at tumabi sa kaniya.
"Oh, don't get me wrong guys," tumawa ito at tinaas pa ang dalawang palad na parang sumusuko. "This is my calling card," dugtong pa nito at nilabas ang wallet tiyaka kinuha ang dalawang calling card at binigyan sila ng tig-isa.
Her eyes widened when she saw the name of the company.
Dance For Life Agency
Marion Jones, CEO.
Napatakip siya ng bibig at napatingin dito na tumawa dahil sa reaksyon niya.
"Y-you're the DFL, CEO?!" she gasped.
Dance for life agency is the biggest dance agency in New York! She knows it because they have a dance crew that is always number 1 in a competition.
She dream to take a class there. Balak niya pa ngang mag-apply maging choreographer kung papasa siya sa mga ito.
"Yes, dear! I saw you when your group competed! It was amazing, but you are the one who caught my eyes. You're fierce, you're good at dancing, and the way you move your body is strong and sharp. You better apply to us. I'll get you a sponsorship to train for my agency. Then you'll get work after that. I think you'll be a better choreographer."
Speechless siya. Napatingin siya kay Zaire at nakangiti na ito sa kaniya.
"Thank you for the offer sir. I'll just email you if i already decided. T-this is actually one of my dream," she said. Hindi pa rin siya makapaniwala na makakasalubong niya ang isang CEO ng gusto niyang agency sa New York, pero mas hindi siya makapaniwala na napansin siya nito.
"No problem, dear! Thanks to both of you. Thankfully I stopped here to buy a coffee," he chuckled.
Nagpaalam sila rito dahil kailangan na nito umalis. Sakto naman na sinerve na ang order nila. Nakatitig pa rin siya sa hawak hawak na calling card.
She can't believe it! This is not a dream!
"Congrats!" nakangitin sambit ng binata sa kaniya. Niyakap niya ang braso nito dahil kinikilig pa rin siya sa nangyari.
"Should i accept his offer? after i graduate?" masayang sambit niya rito at humiwalay para tingnan ito.
"You should if it makes you happy. I'm just here to support you, Andie. If you live to New York, i can stay there too," kibit balikat na sambit nito.
"You're going to be a pilot! baka nakakalimutan mo na busy ka rin ng sobra?"
"Still, sa'yo pa rin ako uuwi." Binangga niya ito ng braso niya dahil kinikilig siya rito. Suportado talaga nito ang pagsasayaw niya.
"Kumain na nga tayo! matagal pa naman, isang taon pa bago ako maka-graduate," natatawang sambit niya habang tinatabi ang calling card sa wallet niya.
Mabilis lang ang oras at nang time na ng departure nila ay dumeretso na sila sa eroplanong sasakyan nila.
Lagi naman silang magkasama ni Zaire pero iba pa rin ngayon na magbabakasyon silang dalawa lang.
Halos isang oras lang ang kanilang byahe papuntang cebu. Tumawag sila ng taxi at nagpahatid sila sa destinasyon nila at habang nasa taxi ay ramdam niya ang init dahil tanghaling tapat. Excited siyang maligo ng pool o dagat, basta gusto niya magbabad sa tubig.
Nakarating sila sa bahay bakasyunan nila Zaire. Pangatlong beses pa lang ata siya nakapunta rito? ang una at pangalawa ay noong kasama niya ang mommy at daddy niya at 'yong pangalawa ay kasama niya ang mommy niya na lang.
Tita Zai and Tito Rex are good people and are like family to her.
Tinulungan siya ni Zaire sa pagbitbit ng mga gamit. Gusto pa nga nito na mauna na siyang pumasok at ito na ang bahala sa lahat. Hindi naman siya pilay o may kapansanan para hindi mabitbit ang mga gamit.
Nailing na lang siya rito pero hindi mapigilan hindi kiligan.
"Ay nako narito na pala kayo!" napalingon sila nang marinig ang boses na 'yon. Ang nangangalaga sa bahay na ito, si Aling Clara.
"Aling Clara, magandang hapon po," bati niya rito.
"Magandang hapon din hija! Nako napakalaki mo na, ang ganda ganda mo!" halos pasigaw na sambit nito at nilapitan siya para yakapin.
"Salamat po," sambit niya.
"Zaire hijo, mas lalo ka pang gumwapo ah! Parang maraming babae ang naghahabol sa'yo," tuwang-tuwa na puna nito kay Zaire.
"Siyempre ako pa ba aling Clara? sino ba ang hindi mapapalingon sa mukhang 'to?" Napairap siya dahil sa kayabangan nito.
Pero totoo naman talaga na guwapo ito at talagang lilingunin.
"Pero siyempre, loyal na ako sa girlfriend ko," inakbayan siya nito at hinapit. Napapalakpak si aling Clara dahil sa gulat.
"Kayong dalawa na?! hay nako, tingnan mo nga naman! madalas kayong magtalo noon e no'ng pumunta kayo dati rito kaya 'di ako noon makapaniwala nang sabihin ng mga magulang niyo na close kayo."
Nakipag-kuwentuhan pa ito habang tinulungan sila sa pagpasok ng mga gamit.
"Nagpakuha kasi ako kay Jojo ng mga buko para makapagtimpla ako at mainom niyo! Pero iyon ang tagal tagal! nakikipaglandian na naman siguro sa kung saan saan," inis na kwento nito sa kanila.
Hindi niya kilala si Jojo pero mukhang anak nito, dahil alam niyang may anak itong lalaki.
"Nay! Ito na ho ang mga buko," nakalukot ang mukha ng isang binatilyo nang lumapit ito sa kay Aling Clara.
"Ay sus! nakipagharutan ka na naman sa mga babae doon!" galit na utas ni Aling Clara sa anak. Napatingin naman ang binatilyo sa kanila pero tumagal ang titig nito sa kaniya.
"Abay, ikaw talaga nay! Kung sinabi mo na may darating na magandang dilag ay sana kanina pa ako rito!" Nilagpasan nito ang ina at humarap sa kaniya.
"Hello miss ganda! Langit na ba 'to?" napakunot ang noo niya rito dahil hindi maintindihan.
"Dahil para kang anghel!" kinikilig na ani nito. Hindi niya alam ang ire-react niya. Magsasalita sana siya pero naunahan na siya ng katabi niya.
"Yes, she's an angel and she's mine." Nagkatinginan sila ni aling Clara at 'di mapigilan 'di matawa.
Mukhang mas bata kasi talaga si Jojo sa kanila pero pinapatulan pa ni Zaire.
"Mag-asawa nga naaagaw kayo pa kayang mag-jowa lang— aray! aray!" napaatras siya nang binatukan ng malakas ni aling Clara ang anak.
"Hay nako Jojo! Talagang papatulan mo pa 'yang mga alaga ko?!"
"Ako ang anak mo nay! bakit sila ang kinakampihan mo? totoo naman na naaagaw ang—"
"Piste kang bata ka!" Hindi niya alam kung maaawa ba siya o matatawa kay Jojo na hinabol na palabas ng bahay ng ina.
Naramdaman niya ang kamay ni Zaire sa bewang niya kaya napabaling siya rito.
"Mukhang kailangan mataas ang bakod ko sa'yo ah?" he clicked his tounge. Mukha na itong badtrip.
"Ikaw talaga napakaseloso! Ikaw lang naman ang mahal ko," hinatak niya ang mukha nito at mabilis na hinalikan sa pisngi. Nakita niya ang pamumula ng tainga nito kaya napabungisngis siya.
"Tara na nga at mag-ayos na ng gamit!" Tinalikuran niya ito. Naramdaman niya namang tumakbo ito para mahabol siya.
"Tara na sa kwarto, sa labi naman dapat!" nanlaki ang mata niya nang buhatin siya ni Zaire. Hinampas niya ito at pinanlakihan ng mata pero nginisihan lang siya. Mabuti na lang hindi sila nakita ni aling Clara dahil nakakahiya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top