24- YAKAPSULE


Nakarating sila sa bahay ni Zaire. Pagkapasok nilang dalawa ay dumeretso siya sa sala at umupo sa sofa. Grabe, sobrang pagod talaga siya buong araw. She's mentally and physically exhausted. She doesn't feel sorry that she slapped Abegail's face. 


Hindi naman siya palaaway pero sumosobra na talaga ang babae na 'yon. 


Tama ba ang halikan ang lalaking may girlfriend na? No, right?! 


Ngayon niya lang naramdaman ang ganitong galit sa dating babae ng binata. She knows that this is because she developed her feelings for Zaire. 


"Andie..." Huminga siya ng malalim bago muli tingnan ang binata. Dahan dahan itong lumapit sa pwesto niya at tumabi na rin ng upo. 



Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil pisil. Nagmamakaawa ang mukha nito na parang gusto mag-explain. 


Hindi naman siya galit dito dahil nakita niya naman ang buong pangyayari. Ang babaeng 'yon ang may kasalanan, ito ang unang nanghalik kaya wala naman siyang galit sa binata. Talagang na-stress lang siya at nagalit dahil kay Abegail.


"I'm sorry. I didn't know that she will kiss me. Ang bilis nang pangyayari kaya hindi ako nakaiwas," paliwanag nito at nilapit ang mukha sa mukha niya. Ngumuso pa ito habang nakakunot ang noo.


Damn. He's cute! This side of him makes my heart melt.


"Umalis ka sa harapan ko! mag toothbrush ka muna dahil may dumikit na germs sa labi mo," marahan niya itong tinulak palayo sa kaniya nang niyakap na siya nito. 


Mabilis itong tumayo at walang reklamo na sumunod. Patakbo itong dumeretso sa taas para tumungo sa kwarto. 


Doon na lumabas ang ngiti niya. Nakagat niya ang labi dahil gusto niyang kurutin ang pisngi ni Zaire. 


Iniwan niya ang gamit sa sofa at tanging cellphone lang ang dala nang sundan niya ito sa may kwarto. Hindi naman naka-lock kaya deretso pasok na siya. Narinig niya ang tunog ng tubig, hindi niya alam kong nag-shower na rin ito. 



Kaysa maghantay siya ay umupo siya sa kama at tumingin ng pagkain na mai-o-order. Gutom na rin siya at para mabilis ay mag-o-order na lang siya. 


Nag-order siya ng fried chicken at carbonara dahil natakam siya roon. Nang matapos siya mag-order ay muli siyang tumayo at umupo naman sa gaming chair ng binata. Binuksan niya ang laptop nito at in-open ang valorant. 


Mukhang nag-shower na rin kasi ng tuluyan si Zaire dahil dinig niya ang tuloy tuloy na agos ng tubig. 



Naglaro lang siya roon hanggang sa marinig niya na na lumabas ito. Nilingon niya ito pero inalis niya rin ang tingin dahil naka-shorts lang ito at walang suot na pang-itaas. 


Matagal niya na itong nakikitang ganoon minsan ang ayos pero hindi namna siya ganitong kinakabahan. 


"I'm done. Nag-shower na rin ako." Tumango lang siya rito habang nakatingin sa nilalaro niya. Lumapit ito sa kaniya at yumuko kaya mas amoy niya ang shower gel na ginagamit nito. 


Tumikhim siya dahil parang may bumara sa lalamunan niya. Hindi siya makapaniwalang ganito na talaga ang epekto sa kaniya ng binata. 


Natigilan siya ng inagaw nito ang mouse at pinatay ang nilalaro niya. Inikot nito ang gaming chair at hinatak para makalapit siya rito na umupo sa dulo ng kama.


"You can talk to me now. I used mouthwash after I brushed my teeth. I took a bath too, so I'm very clean now." She crossed her arms and looked at him intently. 


She wants to act like a jealous girlfriend now. Magpapakipot din muna siya, gusto niya lang makita itong nagpapaliwanag pa at nagmamakaawa.


"So? bakit ka pumayag na kausapin siya?" tanong niya rito. Tinaas niya rin ang isa niyang kilay. Mukha na siguro siyang maarte at masungit na girlfriend. 


Bigla siyang na-excite sa ginagawa niya. 


"Gusto ko lang din makausap siya at para malaman niyang totoong nag-seryoso na ako. Hindi ko naman alam na gano'n ang mangyayari..."


"Siya lang ang mas matagal na fling mo 'di ba?" 



"Y-yeah? i guess?" Gusto niyang tumawa dahil mukhang hindi pa ito sigurado. 



Tumunog ang cellphone niya at nakita niyang message iyon ng food delivery. Tumayo siya sa pagkakaupo at tumungo sa pintuan para lumabas at bumaba.


"Saan ka pupunta?" natatarantang tanong ni Zaire at hinawakan pa ang siko niya. Nakakunot na ng husto ang noo nito.


"Bitawan mo ako, Zaire—"


"No! You won't get out of my house until we're okay," nakasimangot na ani nito at pilit siya hinahatak papunta sa kama.


Malakas niyang tinadiyakan ang hita nito. Gulat itong napatingin sa kaniya habang iniinda ang sakit sa hita.


"Gago ka ba! Kukunin ko 'yong order kong pagkain!" bulyaw niya rito at tinalikuran. Patakbo siyang bumaba dahil ayaw niyang paghintayin 'yong nag-deliver. 


"S-sorry! Akala ko kasi uuwi ka na," sigaw nito habang sinusundan siya.


Nang makuha niya ang pagkain ay nagpasalamat siya sa delivery man. Pumasok din siya agad at nakabuntot pa rin sa kaniya si Zaire.


Inagaw pa nito ang pagkain na bitbit niya at ito na ang naglagay sa lamesa. Pansin niyang hindi pa rin ito nagbibihis ng pang-itaas na damit.


"Kung magbihis ka kaya muna 'no? gusto mo ba pasukan ng hangin 'yang katawan mo?" sita niya rito. Tumigil ito sa paghahain ng pagkain sa lamesa at binalingan siya.


Sumilay ang kakaibang ngisi nito at proud na humarap pa sa kaniya. 


"Bakit? nakaka-distract na ba ang katawan ko?" nailing siya nang finlex pa nito ang katawan. 


"Ewan ko sa'yo! Tabi nga at kakain na ako," tinabing niya ito para makaraan at makaupo sa upuan.


"Huwag ka na magtampo, Andie ko. Sorry na please," hinatak siya nito at niyakap sa likod. Pumaikot ang dalawa nitong kamay sa bewang niya at nilapag nito ang baba sa balikat niya.


"I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry," sunod sunod na sambit nito. Napabuntong hininga siya at tinanggal ang pagkakayakap nito at hinarap.

Tiningan niya ito sa mga mata at ngumiti rito.


"Alam ko naman na hindi mo kasalanan 'yon." 


"I promise! Kahit gusto ako kausapin ng mga babae riyan, hindi ko sila papansinin! All my ex-flings? I'll block them so they can't message or call me." 


Umiling siya rito at niyakap ang binata. 


Yakapsule is all I need to ease my mind. His warm hug makes my heart warm too.


"If your ex-fling asked you to talk to them, then you can talk to them. You should say apologize even that they know your rules. Nasaktan mo pa rin sila, kaya para mapatanag sila at tigilan ka nila, kailangan mo mag-sorry."


Yes. She is allowing him to talk to his ex-flings. Babae siya at nararamdaman niya ang mga ibang babae na nasaktan at umasa kay Zaire. 


He trusts Zaire so much now. He trusts her heart to him more than anyone.



"Still, i'm really sorry because that was happened." Ngumiti siya at tumango rito.


"Apology accepted," she said. Kumalas siya sa yakap at hinatak na ito para umupo.




Kumain sila at masayang nagkwentuhan. Magaan na ang loob niya dahil nagkausap na sila at nasabi niya na rin na boyfriend niya ang binata. She only hopes that whatever challenge they encounter, they will be able to fix it.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top