23- BOYFRIEND
Napabuntong hininga siya nang may mag-deliver na naman ng chocolate at flowers sa kaniya. Tatlong araw na ang lumipas simula noong nakita niyang may sugat sa mukha ang binata. Alam niyang napaaway ito kay Darren dahil kinwento ni Jeth kay Shayla at nakarating sa kaniya.
Zaire is smiling to her like nothings happened. Pero kahit gano'n alam niyang may iba rito, ramdam niyang mainit talaga ang dugo nito kay Darren.
May iilan ding esdtudyante na nagtatanong kung sila na ba ni Zaire pero hindi siya sumasagot at sa tuwing nananahimik siya mas lalong umiiba ang mood ng binata kahit hindi nito sabihin.
Sabay silang pumasok ni Zaire kanina kahit isang oras pa ang pagitan ng oras ng klase nila. Mas dumoble ang pag-alaga nito sa kaniya. Maalaga naman din ito kahit magkaibigan pa lang sila no'n ang kinaibahan lang aso't pusa sila dahil laging may asaran at pikunan.
"Kanina ka pa buntong hininga ng buntong hininga!" sita sa kaniya ni Shayla.
"Pagkatapos ng breaktime natin kanina, parang pareho kayo wala sa mood ni Zaire!" dugtong pa nito habang inaayos ang hawak na papers. May activity kasi sila na ibinalik kaya may mga hawak silang mga bondpapers na may print.
"Ako ata ang may kasalanan. Hindi ako sumasagot pag may nagtatanong sa akin kung boyfriend ko na ba si Zaire. Tapos si Darren pa," pagkwento niya sa kaibigan.
"Huwag mong intindihin ang iba! dapat proud ka dahil nakuha mo ang kinahuhumalingan ng halos lahat ng babae dito sa university!" Tumayo ito at humarap sa kaniya.
"Confidence kailanga mo sis. Ang confidence hindi lang kailangan pag sumasayaw ka, dapat confident ka sa lahat ng bagay na ginagawa mo. Hindi ka naman nagmamayabang, kaya okay lang!" bulalas nito at kinuha ang bag.
Natulala naman siya at napaisip. Mas malala kasi ang pagiging introvert niya kaysa sa pagiging extrovert. Tiyaka ngayon lang siya nagka-boyfriend kaya naman hindi niya alam kung ano ang dapat gawin.
She let out a deep breath before she get her phone in her pocket. She send a message to Darren. Kailangan niya itong makausap sa personal at gusto niya rin ibalik ang mga chocolates na pinapadala nito. Hindi kasi niya ito nakausap noong isang araw at kahapon dahil hindi niya naabutan sa school, marahil ay may training ata ang mga tourism students na 3rd year sa labas ng school.
To Darren,
Can we talk? please meet me at the back of gymnasium.
Nagulat siya nang ilang minuto rin ay nagreply ito.
From Darren,
Okay. I'm going there now. See you.
"Mauuna na ako, Shay. Ingat ka sa pag-uwi." Tumango naman ito at hindi na nagtanong. Lumabas siya ng room nila at sumakay ng elevator para bumaba at makalabas ng building.
Mahigpit ang hawak niya sa isang paper bag na may lamang bulaklak at tsokolate.
May iilan siyang estudyante na nakakasalubong at binabati siya. Pamilyar ang iba at alam niyang mga taga dance club iyon. Tanging tango at ngiti lang ang bati niya sa mga ito.
Dumeretso siya kong saan sila sa magkikita ni Darren. Siya ang nauna roon kaya pumwesto siya sa may dulo para maghintay.
Halos dalawang minuto lang naman siya naghantay at dumating na ito. Malawak ang ngiti nitong lumapit sa kaniya.
Nakangiti nga ito pero hindi abot sa mata lalo na ng bumagsak ang tingin nito sa paperbag na hawak.
Hindi siya nagsalita at inabot ang hawak kay Darren.
"It's yours, please don't give it back to me." Umiling siya rito at tinaas na ang tingin sa mukha nito.
"Pasensiya na, pero hindi ko 'to matatanggap." Mahina ang boses niya at naibagsak niya ang tingin sa baba dahil nahihiya siya rito.
"Its because of Zaire? Bakit? sinabihan ka ba niya at binalaan na 'wag—"
"He's my boyfriend," bulalas niya na ikinatigil ng lalaki. Nakita niya ang pagkislot ng labi nito at tiyaka ngumiti.
"Sinagot mo na pala siya..." Tumango siya rito at inabot ang kamay nito para mahawakan ang paperbag. Hindi kasi ito kumikilos para kunin ang paperbag na inaabot niya.
Alam niyang masasaktan ito pero hindi naman niya hahayaang mas masaktan at magselos si Zaire.
Ramdam niya naman na may tiwala sa kaniya ang binata pero ramdam niya rin na hindi talaga ito komportable kay Darren.
"You know how playboy—"
"Alam ko. Alam ko ang ugali niya. He's not perfect but he's real. Please 'wag mo na sanang sabihin kong ano ang mga maling nagawa niya. It's all in the past and i trust my heart to him now," mahabang lintanya niya.
Ayaw niya marinig ang pang-ja-judge ng ibang tao kay Zaire dahil hindi naman nila lubos kilala ang binata. Siya, alam niya ang totoong ugali nito at kung gaano kaalaga at gaano kabuti ang puso nito.
He may be a playboy and a bad guy for others eyes but for her Zaire is a real and a kind man. Nobody's perfect, we have different flaws and it's normal. Hindi natin alam ang kaniya-kaniyang pinagdadaanan ng tao kaya dapat hindi natin sila basta-basta jina-judge.
Napaatras ito at napatango habang nakatingin sa kaniya.
"Okay... I got it... I'm sorry... Sinadiya kong initin ang ulo niya dahil gusto ko malaman kung seryoso siya sa'yo. I just waited for you to tell me that he's your boyfriend now."
She pursed her lips and look away when she read his eyes with a hint of sadness.
"Sorry," she said with a little voice. She's really sorry.
"I-its fine... Uhm... yeah, i got to go. May meeting pa kami kasama ang coach." Umatras ito at tumalikod sa kaniya. Nakatayo lang siya roon habang nakatanaw sa likod ng lalaki na minsan niya ng nagustuhan.
Crush and love is different. Kahit may tao kang hinahangaan at gusto pag nahulog ka sa iba at na-inlove, wala na 'yan.
Bumigat ang pakiramdam niya dahil alam niyang nakasakit siya, pero wala talaga siyang magagawa kun'di harapin ito.
Mas lalo lang itong masasaktan pag hindi niya pa sinabi ang totoo at umasa pa ito.
Nagsimula siyang maglakad at umalis sa lugar na 'yon. Dederetso siya kung nasaan ang room nila Zaire. Dumaan siya sa may canteen para bumili lang ng tubig dahil naubusan na siya, pagkatapos niya roon ay lumabas siya pero agad napatigil ang paa niya sa paghakbang nang makita si Abegail na kasunod ni Zaire.
Napahigpit ang hawak niya sa bote ng tubig. Sinundan niya ito ng tahimik para tingnan ang dalawa.
"What do you want to talk about? kailangan talaga dito?" buryong sambit ng binata. Napangiti naman siya dahil tinataboy nito ang babae.
"I can't belive that she's already your girlfriend! Seryoso ka ba talaga? bakit hindi na lang ulit ako? i can do anything for you Zaire! I can be your bed buddy, or anything else."
Medyo lumapit siya sa may malaking tatlong trashcan para doon magtago.
"Okay," seryosong sambit ng binata na ikinalaki ng mata niya.
Nakita niya na lumawak ang ngiti ni Abegail na kala mo ay nanalo ng lotto.
"Really?! i know you can't resist me and my body, babe." Naikuyom niya ang kamao niya dahil may galit na bumubuo sa puso niya.
Bago pa siya umalis ay muling nagsalita ang binata.
"Okay... I will say that if i'm still Zaire who wants to play with women. But i'm sorry to say, that the Zaire before is gone. I'm loyal and faithful to my girlfriend, Abegail. Stop pushing yourself to me."
Nakagat niya ang labi dahil sa sinabi ng binata. Her heart is beating faster and loudly.
"W-what?! loyal? faithful?" 'di makapaniwalang ani ni Abegail. Umiling iling ito na parang hindi matanggap.
"Sabihin mo ulit na loyal at faithful ka pagkatapos nito!" sigaw nito at tiyaka tumingkayad para hatakin ang kwelyo ni Zaire.
Umawang ang labi niya nang lumapat ang labi nito sa binata. Mabilis ang pangyayari, mabilis ang galaw nito.
Umakyat ata ang dugo niya sa ulo dahil talagang iba na ang pakiramdam niya. Nakita niyang tinulak ng malakas ni Zaire si Abegail at pinunasan ang labi.
"What the f— Andie?!" sinipa niya ang isang trash can dahilan para mapatingin ang dalawa sa kaniya.
"Tss. You saw that bitch—" hindi niya na pinatapos ang sasabihin nito dahil malakas niyang sinampal ang kaliwang pisngi nito.
Ngayon lang siya nakasampal dahil laging kamao ang tumatama sa mukha ng kumakalaban sa kaniya.
"Bitch? you are the bitch here. Kulang ka ba sa aruga? you are kissing someones boyfriend?! Kung kating kati ka na sa iba mo ipakamot, 'wag sa boyfriend ko!" singhal niya rito at mabilis na hinatak si Zaire paalis doon.
Ilang segundo lang ay narinig niya na ang malakas na sigaw ni Abegail. Tinatawa siya nito pero hindi niya pinansin. Seryoso lang siya habang hatak hatak si Zaire papuntang building kung nasaan ang room nito.
Tumigil siya nang makarating at mabilis na hinarap ito. Magkasalubong pa rin ang kilay niya at ramdam niya ang takot sa mata ng binata.
"Let me explain, hindi ko ginusto—"
"Let's talk in your house. Pagod ako, gusto ko na magpahinga. Kunin mo na ang bag mo para makauwi na tayo," utos niya rito na dali-dali namang sinunod.
Nagpakawala siya ng malakas na buntong hininga. Sumilay ang ngisi sa labi niya nang makitang pulang pula ang palad niya.
Sa ginawa niyang pagsampal pakiramdam niya ay gumaan kahit papaano ang dibdib niya.
Hindi niya alam na ganito ang kagaan pag nakaganti ka sa taong puro hirap na lang ang binibigay sa'yo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top