22- MAN TALK
Mainit ang ulo ni Zaire nang makapasok pabalik sa classroom. Last subject na lang nila at wala na siyang klase. Hihintayin niya na lang ang dalaga para sabay sila makauwi.
"Pre, balita ko may nanliligaw na kay Al, ha?" tanong ni Godwin sa kaniya. Isa ito sa mga kaibigan at nakakasama niya minsan sa galaan.
"He's not courting, Andie." Wala siya sa mood at talagang gusto niyang manuntok pag naiisip ang senaryo kaninang lunch time.
That asshole is pestering me.
He always doesn't feel good when man wants to approach Andie. Kaya nga ay tinatakot niya talaga ang mga lalaki na gustong ligawan si Andie. Siya kasi lagi ang nakakarinig ng mga bali-balita lalo na noong highschool sila.
Siguro nga may pagtingin na siya sa dalaga noon pa, bulag lang talaga siya at hindi iyon na-realize. Nasanay kasi siyang siya lang ang kadikit ni Andie na lalaki. Bilang lang sa kamay niya ang pinagkakatiwalaan niyang mga lalaki na talagang kaibigan lang ang turing kay Andie.
Oo, nagseselos talaga siya. Gusto niyang manapak ng tao at mas lalong gusto niyang sapakin ang Darren na 'yon.
Dumating ang professor nila kaya hindi na rin nagtanong pa si Godwin sa kaniya. Buong discussion ay wala sa hulog ang utak niya, sinamahan pa ng mga babaeng text ng text sa kaniya at inaaya siya sa kung saan-saan.
Pagkatapos ng klase ay lumabas na siya ng room. Inaya pa siya ni Godwin mag billiards pero tinanggihan niya na ito dahil may dapat siya kausapin.
He will talk to Darren, alam niyang malapit na rin matapos ang klase nito. Kaklase nito si Abegail kaya alam niya na sa ganitong araw ay halos pareho ang tapos ng klase nila.
Dumeretso siya sa labas ng building kung nasaan ang building ng tourism students. Paiba-iba sila ng building at room depende sa subject pero minsan naman iisang room lang.
Umupo muna siya sa isang bench na malapit doon. Mabuti na lang ay hindi sobrang init at may dalawang puno na nasa tabi.
Mayamaya ay nakita niya na naglabasan ang section nila dahil nakita niya si Abegail at 'yong babaeng laging kasama nito, hindi niya na matandaan ang pangalan.
Sa dami ng babaeng nakilala at nakasama niya ay malimutin na siya sa pangalan. Pati nga mukha minsan ng mga ito ay hindi niya na matandaan dahil 'yong iba ay ilang oras niya lang nakakasama.
Tumayo siya at lumapit sa mga ito.
"B-babe! sabi na nga hindi mo ako matitiis—" pinutol niya agad ang sasabihin ni Abegail nang makita siya.
"Where's Darren?" seryosong tanong niya rito.
"Darren? why? is this about your tomboy bestfriend?!" he glanced at Abegail with no emotion in his eyes. Napaatras ito at mukhang natakot.
"Stop bullying my wife, Abegail. Kong ayaw mong pumatol ako sa babae."
"W-wife?!" gulat na utas ng kasama nitong babae. Hindi niya ito pinansin nang makita si Darren na kakalabas lang ng building kasama ang mga kaibigan nito na sa tingin niya ay ka team ng lalaki.
Nilapitan niya ito agad.
"Let's talk. Follow me," ma-awtoridad na saad niya sa lalaki. Hindi niya ito hinantay magsalita at tinalikuran na. Naglakad siya papuntang likod ng building at naramdaman niya naman na sumunod ito.
Huminto siya at nilingon ito. He stared at him coldly. Mas lalong umakyat ang dugo niya nang makita itong ngumisi.
"Why? anong sasabihin mo? tigilan ko si Al?" natatawang ani nito. Nilagay nito ang kamay sa bulsa at sumandal sa pader.
"Yes. Stop trying to get my girlfriend's attention, you moron." His jaw clenched when Darren laughed.
"Girlfriend? eh bakit hindi niya masabi sa akin na mahal ka niya? when we had a dinner that night i asked her but she didn't say anything. Tiyaka kung kayo na talaga bakit hindi niya sinasabi?"
Naikuyom niya ang kamao niya. Alam niyang sinasadiya nitong initin ang ulo niya.
"We want it private."
"Private or secret?" He licked her lower lips out of frustration. This guy is pissing him big time.
"Wala na sa'yo 'yon. It's our relationship. Bakit? hindi mo ba matanggap na kahit ikaw ang naunang manligaw sa kaniya ay hindi ka pa rin niya nagustuhan?"
Nawala ang ngisi nito kaya mas natuwa siya.
"You're a piece of trash, Zaire. A cassanova who don't know how to take a relationship seriously. Al is your friend, pero pinatulan mo? Why? dahil wala ng thrill ang mga ibang babae at gusto mo naman saktan ang sarili mong kaibigan?" galit na sambit nito.
Lumapit siya rito at kinwelyuhan ito. Mas matangkad siya ng kaunti sa lalaki kaya tinitigan niya ito sa mata.
"Yes, you fucker! I was a playboy, and I'm a fucking trash. I was; it's past tense, so listen carefully. I don't want you to contact my girlfriend in any way. She's mine." Malakas niya itong tinulak at nilagpasan.
"No. I still pursue her. Ipapa-realize ko sa kaniya na dapat hindi ikaw ang iniibig niya," sigaw nito.
Napatigil siya sa paglalakad at binalikan ang lalaki. He punched him in the face. Napaupo ito at nagpunas ng labi na pumutok.
Tinalikuran niya ito para iwanan na sana pero hindi niya napansin ang pagtayo nito kaya nahatak nito ang damit niya at nasuntok din siya sa mukha.
"Fuck," he cursed. Napahawak siya sa pisngi niya dahil sa ginawa nito.
"Still, won't stop pursuing her." Muli niyang kinuyom ang kamao niya at sinapak ito, dahil sa bilis niya ay tumama ang kamao niya sa panga nito. Binitawan niya ang bag niya sa lapag at patuloy na nakipagsuntukan dito.
"Oh my gosh! Anong ginagawa niyong dalawa!" napatingin siya sa umawat sa kanila at kita niya na si Abegail ito kasama si Jeth at 'yong isang babae.
Napaatras siya nang tinulak siya ni Abegail palayo kay Darren na hawak hawak na ni Jeth.
Dinilaan niya ang labi niyang dumugo na rin.
"Nababaliw na ba kayo? ano 'to?! dahil lang sa babae na 'yon?!" sigaw no'ng babaeng kasama ni Abegail.
"Yes, Zerlaine. They are both insane. Kasalanan ito ng Al na 'yon!" bulalas ni Abegail. Napawaksi siya sa kamay nitong nakahawak sa braso niya.
"Huwag mong sinisisi rito si Al, Abegail," banta ni Darren.
Sinuklay niya ang buhok niya at mabilis na kinuha ang bag na nasa sahig. Bago siya umalis ay binigyan niya ng masamang tingin ang lalaki.
Dumeretso siya sa parking lot at sumakay sa kotse. Doon niya na lang hihintayin si Andie. Gusto niya munang magpalamig dahil nakikisabay ang init ng ulo niya sa panahon.
Nilabas niya ang phone niya at nag-message sa dalaga.
To my Andie,
I'll wait for you here at the parking lot. I want to hug you, I love you.
Nilapag niya ang cellphone sa hita at napasandal sa kinauupuan. Napapikit siya at maisip niya lang ang mukha ni Andie ay kumakalma na ang sistema niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top