21- RIVAL
Sabay silang pumasok ni Zaire, as usual. Pilit nitong hinahawakan ang kamay niya pero ayaw niya dahil nahihiya siya sa mga estudyante na dumadaan.
"Tumigil ka!" babala niya rito nang inakbayan naman siya.
"Lagi naman kitang inaakbayan kahit hindi pa tayo," pagdadahilan nito. Napaka-clingy talaga nito sobra.
Ayaw niya kasing maging PDA dahil nahihiya siya. Nang nakaakyat na sila sa floor kung nasaan ang room nila ngayon ay huminto siya sa paglalakad at hinarap ang binata.
Luminga linga muna siya, mabuti na lang walang nasa labas ng hall kaya mabilis niya ginawa ang dapat gawin.
"Okay ka na? umalis ka na dahil male-late ka pa sa klase mo!" kunwaring pagtataray niya rito pagkatapos niya bigyan ng isang mabilis na halik sa labi ang binata.
Lumawak naman ang ngiti nito at tumango-tango.
"Sabay tayo mag lunch ha? see you later!" natutuwang paalam nito. She just nodded and turn around but her body froze when she saw Shayla.
Nakataas ang isang kilay nito at nagtatanong ang mga mata.
"Akala mo hindi ko nakita 'yon!" malakas ang boses nito habang tinuturo pa siya kaya mabilis ang lakad niya para lapitan ito.
"Magpapaliwanag ako!"
"Tsk. Kaibigan mo ako tapos hindi mo sa akin sinabi? Kailan pa?" tanong nito sa kaniya.
"Noong isang araw," bulong niya. Shayla squinted her eyes while looking at Andie.
Mayamaya ay nag-umpisa na itong tuksuin siya at pinagsusundot pa ang tagiliran niya kung saan malakas ang kiliti niya kaya hindi niya mapigilang hindi mapangiti lalo.
"Kinikilig ang gaga!" bulalas niya.
"H-hindi ah! kinikiliti mo kasi ako!" pagdadahilan niya habang papasok sila sa room. Sa oras na 'yon ay hinihiling niya na dumating na ang professor nila dahil hindi talaga siya tinitigilan ni Shayla sa pang-aasar.
"Kaya pala naka liptint tapos nagpulbo! Lumakas ata ang amoy ng perfume mo?" pinanlakihan niya ng mata ang kaibigan dahil napakalakas ng boses nito at parang mas kinikilig na ata ito kaysa sa kaniya.
"Ang ingay mo naman, Shay!" pansin sa kaniya ni Jasper kaya agad niyang hinawakan sa kamay si Shayla dahil baka i-kwento nito sa mga kaklase.
Mas lalo itong tumawa ng malakas at nailing na lang.
"Wala! masaya lang ako dahil may love life ako!" sambit nito kay Jaspere.
"Parang sinabi mo na wala akong love life! Mayroon din ako 'no!" giit ni Jasper.
"Nandiyan na si ma'am, mamaya na ang asaran niyo guys," saway ni Maze sa kanila.
"So paano si Darren?" nawala ang ngiti niya dahil sa tinanong nito. Hindi na siya nakasagot dito dahil tuluyan nang nakapasok ang professor nila.
Paano nga ba? ayaw niya itong masaktan pero kailangan niya rin naman sabihin dito na hindi talaga pwede.
Tinuon niya na lang muna ang pansin sa mga tinuturo sa kanila ng professor nila. Dalawang oras iyon at may kasunod pa na isang oras.
Lumipas ang oras at nang lunch time na ay nagsitayuan na sila dahil tapos na ang klase. Inayos niya ang gamit niya at hinantay si Shayla na kinakausap lang ang ka-groupmates sa business plan.
Sa wakas din malapit na matapos ang pasok. Isang buwan na lang ay tapos na. Isang taon na lang din ang hihintayin para maka-graduate na sila.
Sabay silang lumabas ni Shayla at dumeretso canteen para kumain. Tinext niya na rin si Zaire na nasa canteen na siya at kasama niya si Shayla.
"Aalis ba ako at hihiwalay sa'yo para kayong dalawa lang dito sa table?" tanong sa kaniya ng kaibigan habang nakangiti at tinataas baba ang kilay.
"Huwag! dito ka na," ani niya. Baka mas lalong pag-usapan sila ng mga nakakaalam na estudyante. Ang alam pa lang kasi ng mga iba ay nililigawan siya ni Zaire.
"Speaking of your boyfriend slash bestfriend, 'yon na siya oh! Harang harang agad ng gagang Abegail!" napalingon siya sa nginuso ni Shayla. Tama nga ito, nakaharang sa harapan ng binata si Abegail.
Hindi niya alam kung anong pinag-uusapan pero kita niya naman sa galawan ni Abegail na nilalandi nito si Zaire.
"Lapitan mo kaya!" utos sa kaniya ni Shayla. Hindi siya kumibo at tiningnan lang ang gagawin ni Zaire. Nakita niya itong sumeryoso at nakita niya rin kung paano natigilan si Abegail dahil sa sinabi ng binata.
Nilagpasan nito ang babae at lumibot ng tingin at nang nagtama ang paningin nila ay muling sumilay ang maganda nitong ngiti. Mabilis itong lumapit sa kanila at umupo sa tabi niya.
"What do you want for lunch?" tanong agad nito.
"Hi! Hi to me? baka pwedeng bumati ka muna sa akin? am i invisible?" react ni Shayla na ikinatawa niya.
Bumaling naman si Zaire rito.
"Hi," ani nito at agad din naman binaling muli sa kaniya ang tingin. "What do you want to eat? may pasta ata sila ngayon? or gusto mo sa labas na lang tayo kumain? masiyadong maingay at maraming kumakain dito." Sumimangot ang mukha nito kaya pasimple niyang hinawakan ang kamay nito.
"Huwag na, dito na lang tayo kumain."
"Tss. Love birds," pagpaparinig ni Shayla.
"May sisig sila, iyon na lang kakainin ko," tumayo siya kaya napatayo na rin ang binata.
"Ako na ang oorder," ani nito. Umiling siya rito at tiningnan si Shayla na nakatutok sa cellphone. Malawak na ang ngiti nito, paniguradong kausap ang boyfriend na si Jeth.
"Anong gusto mo?" tanong niya rito. Napaisip naman ito bago magsalita.
"Burger steak and potato croquettes." Nakita niyang nilabas nito ang wallet kaya pinigilan niya.
"Libre ko na,"
"You sure?" Tumango siya rito.
"Iba talaga pag may jowa!" sigaw nito kaya pinanlakihan niya ng mata.
"I like you! sige, ipagsigawan mo lang na kami na, para naman hindi na ako magtago," natatawang saad ni Zaire kay Shayla.
"Wow! Like mo lang ako kasi gusto mo ang ginagawa ko?! how dare you! I liked you— ugh, nevermind, i have loving boyfriend na kaya hindi na kita gusto!" Shayla crossed her arms while rolling her eyes.
"Good to know and good for you," kibit balikat na sambit ni Zaire. Hinatak niya na ito dahil mukhang papatulan pa ata ng away ni Shayla.
Gusto niyang matawa ng malakas dahil kung umasta ito ay parang hindi nito hinabol habol ang binata.
Talagang loyal na loyal ito kay Jeth.
Um-order sila ng pagkain ni Zaire at may mga nagpapapansin na naman sa kaniyang mga babae. Hinayaan niya na lang dahil wala naman siyang magagawa. Hanggang papansin lang naman ang mga ito at isa pa sa kaniya na si Zaire.
Sa akin na siya...
She bit her lips because of what she is thinking right now.
Ganito ba pag in-love? 'yong tipong mapapangiti ka na lang sa mga naiisip mo tungkol sa iyong kasintahan.
Bumalik din sila sa pwesto nila. Nagsimula silang kumain at habang inaabutan pa siya ng ulam ni Zaire ay may naglapag ng food tray sa tabi niya. Napatingin siya rito at naihinto ang pagsandok ng pagkain sa kutsara.
"Hi, Al!" bati ni Darren. "Is it okay for us to take a sit here? wala na kasing ibang pwesto," paliwanag nito.
"Babe!" nakangiting bati ni Shayla kay Jeth. Tumabi ito sa kaibigan na kaharap nila ni Zaire.
Narinig niya ang pagbagsak ng kutsara at tinidor ni Zaire kaya mabilis siyang nagsalita.
"Ha? ah sige, okay lang." Pumayag na siya dahil para makaupo na ito dahil may mga iilan na tumitingin sa pwesto nila. Inabot niya ang isang kamay ni Zaire na nakalapag sa hita nito. Mukhang badtrip na ito dahil nandito si Darren.
"Late kami dinismissed ng prof namin," rinig niyang saad ni Jeth kay Shayla.
"Grabe naman! hindi ba siya nagugutom?" nakasimangot na tugon ni Shayla.
Nginitian niya si Zaire at mas umusog dito para hindi na mag alburoto.
"Eat," bulong niya rito na sinunod naman kahit wala na sa mood. Binilisan niya kumain dahil nakaramdam siya ng matinding awkwardness lalo na pinag-gigitnaan siya ng dalawang lalaki.
"Excuse me po! Sino po si ma'am Andie Loucinda Madrigal? flower delivery po!" Nanlaki ang mata niya nang may sumigaw ng pangalan niya. Napatingin siya sa isang delivery man na tila naghahanap kung sino sa mga estudyante ang sinigaw na pangalan.
"Flower?" natutuwang saad ni Shayla. Tiningnan niya si Zaire, walang makikitang ekspresyon sa mukha nito.
Doon na siya kinabahan.
"Here, kuya! I'm the one who ordered for here!" malakas na sigaw ni Darren kaya napatingin sa kaniya si kuya delivery man.
Mabilis itong lumapit sa kanila kaya tumayo si Darren para abutin iyon. Nagsimulang magtilian at magbulungan ang mga estudyante sa loob ng canteen. Maraming tao at maraming nakiki-isyoso.
Hindi na siya mapakali at hindi niya ito gusto. Ayaw niya ang ganitong attention, lalo na alam niyang galit na si Zaire.
"Flowers for you, Al." Inabot ni Darren ang boquet ng bulaklak kaya mas lalong nagsigawan ang mga estudyante. Siya naman ay naestatwa at wala sa sariling tinanggap ang bulaklak dahil hiyang hiya na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top