20- THREE WORDS
Busy si Zaire sa pagluluto ng meat dahil talagang nakipagtalo pa ito sa kaniya. Wala siyang nagawa kun'di hayaan itong mag-ihaw. Siya naman ay inayos ang lamesa sa labas at nilatag ang mga iba pang pagkain. Um-order din sila ng sisig sa kainan na kinainan nila kanina.
Malamig naman ang simoy ng hangin dahil ala-sais na rin ng gabi pero kita niya na pinagpapawisan pa rin ang binata dahil sa pagluluto.
Napabuntong hininga siya bago puntahan ang binata. Tinaas niya ang kamay niya at pinunasan ang noo nito gamit ang tissue na hawak.
"Ako na kaya," sambit niya rito habang pinupunasan ang gilid ng noo. Bumaling naman ito ng tingin sa kaniya at ngumiti.
"I'm fine, last batch na 'to at tapos na. If you want to eat, you can start now. 'Wag mo na ako hintayin pa," ani nito sa malambing na boses. Binitawan naman ni Zaire ang hawak na food tong at pinadausdos ang kamay sa bewang niya para mayakap siya.
Hindi siya nag-react dahil ayaw niya masira ang mood kung aawayin niya pa ito. Ewan niya ba kasi, minsan ang sarap barahin ang awayin ng binata kahit napakababaw lang naman.
"Let's eat together." Pagkatapos niya magsalita ay humiwalay siya rito at tinalikuran ito para tumungo sa lamesa at kunin ang panibagong plato dahil puno na ang isang lagayan.
Tumabi lang siya rito hanggang sa matapos ito. Tahimik silang kumakain dahil wala silang mapagusapan. Nagpatugtog pa nga siya dahil ayaw niyang mabingi sa sobrang tahimik.
Kung normal lang ang lahat, kung walang confession na nangyari at kung hindi ganito ang nararamdaman nila sa isa't isa ay siguro nag-aasaran na sila ngayon.
"Is it that good? you are too focused on your food," he said and chuckled.
Tanging tango lang ang tugon niya rito. Totoo namang masarap ang pagkain at kung ganitong scenery lang naman ay mas lalong ginaganahan siya kumain. Pagkatapos nila kumain ay siya na ang nagligpit at naghugas ng mga kailangan hugasan.
Paglabas niya ulit ay nakita niyang naglalatag ng sapin si Zaire sa lapag.
"Come here, let's sit," tawag nito sa kaniya nang makitang nakalabas na siya.
Kinuha niya naman ang cellphone niya na nailapag niya kanina sa table. Gusto niyang picture-an ang langit dahil maraming kumikinang na bituin.
Umaayon ang panahon sa kanila dahil bukod sa saktong lamig ng hangin ay maraming bituin ang kumikinang.
She sat down on a blanket that Zaire's prepared. Pakiramdam niya napakabilis ng oras, parang kanina lang ay parating pa lang sila rito sa lugar na 'to.
Pagkasama mo talaga ang taong gusto mo nagiging mabilis ang oras, hindi mo napapansin ang bawat minutong lumilipas.
"You know what? i never imagine that what i feel for you will grow and go deeper." Napatingin siya sa binata na may hawak na na beer sa magkabilaang kamay. Binuksan nito ang isa at inabot sa kaniya na agad niya namang tinanggap.
Binaba niya ang cellphone niya sa lapat at bumaling ng tingin dito. Gusto niya itong tingnan at gusto niya mapagmasdan ang mukha nito.
"Remember, when we first met? ikaw lang ang nakikipaglaro sa akin kahit na masungit ako at tinataboy ang mga gustong kumalaro sa akin. I don't like friends at first because someone bullied me before. Ikaw na babae na feeling lalaki kumilos at makipaglaro ay may lakas na kaibiganin ako kahit na masungit ako." Parehas silang tumawa nang maalala iyon. Kung lalaki siya kumilos ay mas malala siya nung bata sila dahil lahat ng larong lalaki ay na-try niya. Wala siyang pakialam kahit sobrang dungis niya na, hindi naman kasi siya maarte pag nadudumihan.
"Sinapak mo pa nga 'yong batang nanguha ng robot mo," sambit niya.
"Ikaw nga sinapak mo sa mukha 'yong batang umaaway sa'yo! Partida, lalaki pa 'yon at mas malaki sa atin," tawang tawa na ani nito. Pati siya ay natawa ng husto dahil naalala pa nito iyon.
May umaaway kasi sa kanilang bata na mas matanda pa sa kanila at talagang malakas mang-asar. Sa sobrang inis niya ay sinapak niya ng malakas sa mukha at ayon umuwing dugo ang labi at luhaan.
"The memories... Ang dami na pala nating pinagdaanan," she chuckled. Lumagok siya ng beer at napatingin sa langit.
"Yes. You're the one who stay, Andie. I'm not perfect, i know. I'm stupid, bad and playboy but you still here, beside me."
Napangiti siya ng mapait dahil alam niya naman na nasaktan ito dahil sa isang babae. She know that it's kind of puppy love, pero napahiya ito dahil sa ginawa ng babae rito.
"I never thought that i will feel this again," sambit nito at hinawakan ang kamay niya kaya naibaba niya ang tingin doon. Humigpit ang hawak nito sa kamay niya.
"I never thought the i could love you more than friends, Andie." She frozed because of what he said. Napalunok siya at naitaas muli ang tingin sa guwapo nitong mukha.
Kumislap ang mata nito at kitang kita niya ang malambot na expression nito.
"W-what did you s-say?" tanong niya para siguraduhing tama ba ang narinig niya.
He smiled sincerely and he held her nape. She hold her can beer tightly when his soft lips brushed in her lips.
Dumagundong ng husto ang dibdib niya, kinikiliti ang tiyan niya at dahil doon hindi na mapakali ang sistema niya.
Napapikit siya dahil sa uri ng paghalik ng binata. Ibang klase ang paghalik nito, para kang sinusuyo at napakalambing.
Napadilat ang mata niya nang humiwalay ang labi nilang dalawa. Habol niya ang hininga niya at bumagsak ang tingin niya sa basa nitong labi.
Muli niyang tiningnan ito sa mata.
"I love you, Andie. I don't know when this started but, i really do."
"I love you too, Zaire," mahinang sambit niya. There's no reason to hold back her feelings. She already the words she's waiting for.
Nakita niyang natigilan ang binata, literal na naestatwa ito kaya natawa siya at tinulak ang noo nito gamit ang dalawang daliri niya. Binaling niya ang tingin sa iba at nangingiti habang inuubos ang beer na hawak.
"A-anong sabi mo?"
Umiling siya rito.
"Ayaw ko nang ulitin, bahala ka riyan!" asar niya rito. Tatayo na sana siya para kumuha ng chips at isa pang beer nang bigla siyang hatakin ng binata kaya parehas silang napahiga sa sapin. Mahigpit siya nitong niyakap kaya napasubsob siya sa matigas na dibdib nito.
"It means we're now in relationship, right?" tumango siya rito at humiwalay ng kaunti para makita ang mukha nito.
"Yes! Wala ng bawian!" masayang sigaw nito at hinalikan ang noo niya. Niyakap niya ito pabalik at napapikit na lang. Ang saya pala sa pakiramdam ng ganito, ang masabi mo ang tunay na nararamdaman mo.
At mas lalong busog ang puso niya dahil pareho sila ng nararamdaman.
Ito na ata ang pinaka masayang araw nila.
May 29, ang date ngayong araw at ito na rin ang araw na pinaka-importante sa kanilang dalawa.
Because this day, the bestfriends turns to lovers.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top