2- FAVORITES

Dumeretso siya sa library nang matapos ang second subject nila, may two hours vacant kasi bago ang last subject nila ngayong araw. Hindi niya kasama si Shayla dahil sinundo ni Zaire. Hindi niya na tinanong kong saan pupunta ang mga ito dahil hindi naman siya interisado. 

She want to spend her time in the library, mas gusto niyang pumupunta rito dahil tahimik ang lugar. 

May dalawang libro siyang hiniram sa library at tungkol lahat yon sa entrepreneur. Tahimik siyang nagbabasa nang may maramdaman siyang umupo sa may harapan niya. 

Laking gulat niya nang si Darren iyon, nakangiti ito sa kaniya.

"Hi! can i sit here?" pabulong na tanong nito. Tumango naman siya agad dahil hindi naman siya pwedeng tumanggi dahil hindi siya ang may-ari ng lugar na 'to. 

"I'm Darren, you're Al, right?" medyo nagulat siya dahil hindi niya ine-expect na alam nito ang pangalan niya. 

"Yes," sambit niya rito. Binalik niya ulit ang tingin sa libro na binabasa dahil hindi niya na alam ang sasabihin niya.

"Sorry ulit sa nangyari kahapon, muntikan ka na matamaan ng bola," ani nito kaya napaangat ulit ang tingin niya rito. 

"No worries, 'di naman ako natamaan." Mabuti na lang talaga ay nahatak siya ni Zaire dahil may kalakasan talaga ang pagbato ng bola.

"Actually, hindi ako mapakali. My sister nagged at me when she found out what happened," nangunot naman ang noo niya dahil hindi niya ito maintindihan. 

"Oh, uhm... My sister is your student in dance class, she always attend your class since she was in 4th year highschool. Grade 11 na siya, her name is Dannie."

Umawang naman ang labi niya dahil sa nalaman. Kilala niya si Dannie dahil masipag ito umattend ng mga dance class, lalo na pag mismong choreography niya, lagi itong present. Hindi niya alam na kapatid pala nito si Darren. 

"That's why, i know you since you enrolled here," dugtong pa nito. Mukhang nahiya naman ito dahil napakamot pa sa batok.

"Ah, gano'n ba... Dannie is always active when it comes to dance class," pagpupuri niya sa kapatid nito. She's not lying about that because Dannie's passion in dancing is really admirable. 

"You're her idol, she always said that you are cool and pretty." Nag-init ang pisngi niya dahil sa sinabi nito. Binaba niya ulit ang tuon sa librong binabasa kahit hindi na niya naiintindihan ang mga nababasa.

"I always hear that i'm cool, not pretty," she chuckled. Gusto niya lang mawala ang kabang nararamdaman niya. Sobrang nahihiya talaga siya.

"Sorry to bother you here but i really want to treat you for a coffee? i can't sleep because of what happened yesterday," sambit nito kaya naisara niya ang libro na hawak.

Napatitig siya sa mukha nito at bumaba sa kamay nitong magkadikit. 

She slowly nodded her head. 

"Yes! thank you!" tuwang-tuwa na sambit nito.

"Let's go?" Sabay silang tumayo at binalik niya muna ang libro bago sila lumabas ng library. 

Tumungo naman sila sa parking lot para sumakay sa sasakyan ni Darren. She's kinda nervous because this is the first time that she will go out with her crush— Darren. Though she know it's not a date but she's still nervous. 

They go to the nearest coffee shop. 5 minutes lang ang byahe, pwede nga lang lakarin pero hindi na rin kasi siya tumanggi na sumakay sila sa kotse nito.

"Iced latte and a dark chocolate cake?" natigilan siya dahil sa gulat. 

He knows my favorite?

"My sister always saw you with iced latte and she said that you like dark chocolate food." Kumamot ito sa batok at napatungo.

"Oh, y-yeah, thank you." Nag-order ito kaya pumwesto na siya sa bakanteng table. Mayamaya sumunod na rin ito daladala ang pagkain at kape nila. 



"Here's your iced latte and dark chocolate cake," pinwesto nito sa harapan niya ang kape at cake niya.

"Thank you." 

"You're welcome," he said and smile at her. Natahimik naman siya at tinuon ang pansin sa kape at ininom iyon. Ilang minuto rin silang hindi nagsalita pero bago pa maging awkward ang paligid ay nagsalita na siya.



"Next month 'yong laban niyo sa ibang university?" pag-oopen niya ng topic dito. 

"Yes, sa school din gaganapin, nood ka ha?" 

"Manonood talaga ako, i need to perform." Nanlaki ang mata nito na parang nagulat sa sinabi niya.

"You mean... you will dance in the gymanasium?" Tumango siya rito at napabuntong hininga. Last week kinausap siya ng dean mismo na magperform siya sa kalagitnaan ng game pag nag break time. She knows that only few students know her as a dancer and a choreographer outside. Hindi naman kasi siya sumali sa dance club ng school, beside full scholar siya ng university kaya hindi siya makatanggi sa dean, dahil ito pa talaga mismo ang kumausap sa kaniya.

"Yes..." 

"Like in cheering squad or—"

"No, do you think i'm that girly to wear a mini skirt?" she laugnhed. 

"Even if you're not that girly you still pretty and talented, kahit anong isuot mo maganda ka pa rin," 

"Bolero," nangingiting sambit niya rito. 

"No i'm not! I'm stating a fact. By the way goodluck to your performance, i'm excited to watch you." Kumabog ng husto ang puso niya dahil dito. 

Tinapos nila ang pagkain nila pati na rin ang kape na iniinom. May last class pa siya kaya hindi siya pwedeng magtagal. Bumalik din agad sila sa university, may 20 minutes pa naman kaya hindi siya sobrang nagmamadali. 



"May class ka pa 'di ba?" tanong nito nang ma-park ang sasakyan.

"Oo, last class na."

"Same! pero after no'n hindi pa ako makakauwi dahil kailangan pa mag-training," tukoy nito sa basketball.

Kumunot ang noo niya nang makita ang katabing sasakyan ni Darren, kitang kita niya roon ang pamilyar na bulto habang nakikipag halikan sa babae. Napailing na lang siya dahil nakikipag harutan na naman si Zaire. Hindi si Shayla ang kasama nito kun'di iba na naman.

Hindi iyon sasakyan ni Zaire, mukhang sasakyan no'ng babae at hindi sobrang tinted kaya kitang kita niya.

"Is that Zaire?" tanong ni Darren nang nakatingin na rin ito sa tinitingnan niya.

"Yes."

"He's not your boyfriend, right?" Napalingon siya rito at agad napailing.

"Of course not! He's my closest friend kaya lagi ko siyang kasama," paliwanag niya rito. Sa mga hindi talaga siya kilala ay laging pinaghihinalaan na boyfriend niya si Zaire pero halata naman na hindi dahil araw araw na iba ang babaeng kasama nito.

"That's good."

"Huh?"

"I mean, it's good because i think he's not a serious type." Napatango naman siya rito. Lumabas sila ng kotse, inayos naman niya ang oversized uniform na suot niya.

Mas komportable talaga siya pag maluwag ang suot at mahaba.

She never wear a fitted outfit.


"Sa building B ka 'di ba?" tanong sa kaniya ni Darren.

"Oo, ikaw?"

"Building Aㅡ"

"Andie!" napahinto siya sa paglalakad at napalingon sa gawi ni Zaire. Ito kasi ang sumigaw ng pangalan niya.

Nakakunot ang noo nito na parang nagtataka. Mabilis itong lumapit at hinawakan ang kamay niya.

"Saan ka galing?" seryosong tanong nito sa kaniya.

"Sa coffee shop, kasama ko si Darren." Napatingin siya sa babaeng papalapit kay Zaire, medyo gulo ang uniform nito at ang lipstick.

"Bakit 'di mo ako sinabihanㅡ"

"Mukhang bitin 'yang babae mo. Ipagpatuloy niyo na 'yong ginagawa niyo," hinila niya ang kamay niya na hawak nito.

"What? I don't care about herㅡ"

"May klase pa ako, Zaire. Mamaya na tayo mag-usap," saad niya rito at kinawayan habang naglalakad siya.


Tahimik naman na sumunod sa kaniya si Darren.

"They making out inside the car. Pag nahuli sila ng nga professors maga-guidance ang mga 'yon," naiiling na sambit ni Darren.

Hindi na siya nagsalita dahil nawalan na siya ng gana mag-react pa.

Ewan niya ba, ayaw niyang nakikita itong may ka-make out na kong sino-sinong mga babae. Sanay naman siya rito pero nawawalan siya ng mood pag siya mismo nakakahuli.

Parang gusto niya na lang sipain ang gitna nito.





Napaka-harot talaga kahit kailan.










Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top