19- DATE


Maaga siyang nagising dahil sa date nila Zaire. Nagsuot siya ng baggy jeans at isang fitted na top. Ito ang suggestion sa kaniya ni Shayla, nagtanong kasi siya kagabi kung anong magandang suotin sa date nila ni Zaire. Oo, sinabi niya talaga kay Shayla na may date sila kaya ang kaibigan ay tinawagan siya para marining lang niya ang tili nito. 



Dali-dali niyang sinuot ang rubbershoes nang narinig ang busina ni Zaire sa labas ng bahay niya. Muli siyang tumingin sa salamin at inayos ang buhok bago lumabas ng bahay. 



Nag-poker face siya para hindi nito malaman na excited siya. 


He's wearing a olive green polo shirt, black pants and white rubbershoes. Nakasuot din ito ng shades at ayos na ayos ang buhok. Paglapit niya rito ay naamoy niya ang paboritong pabango nito. 


"Good morning, darling!" masayang bati nito.

"Tigil tigilan mo 'yang mga callsign na 'yan, sinasabi ko sa'yo!" nagsalubong ang kilay niya habang pinagbuksan siya nito ng pinto.


"Opo, miss," ani pa nito nang makasakay siya sa sasakyan. Sinarado nito ang pinto at umikot para sumakay na rin. 


"Saan tayo pupunta?" tanong niya sa binata. Nilabas niya ang cellphone niya at kinonekta ito ssa bluetooth speaker na nasa kotse ni Zaire.


"Glamping," saad nito at mabilis na pinaandar ang sasakyan.


"Huwag mong sabihin na overnight 'yan!" Wala pa naman siyang dalang extra na damit.


"Don't worry, may damit naman akong dala. Besides i want to spend this whole day with you, Andie." Malambing ang boses nito kaya napahalukipkip siya para maitago ang nararamdaman. Binaling niya rin ang tingin sa gilid dahil ayaw niya makita nito ang mukha niyang panigurado ay namumula na.


"Uy, kinikilig," naigalaw niya ang katawan nang sinundot ni Zaire ang tagiliran niya kung saan malakas ang kiliti niya.


"Susuntukin kita!" pananakot niya rito na ikinatawa ng binata. Lumabas na rin ang ngiti sa labi niya dahil sa kakulitan nito. 


Umayos siya ng upo at mas nilakasan ang tugtog na pinlay niya. Lagpas isang oras din ang tinagal nila sa byahe bago sila tumigil sa isang mall sa laguna. Nag-almusal muna sila sa isang fast food restaurant at pagkatapo no'n ay dumaan sila ng supermarket para bumili ng lulutuin mamayang gabi.


Nag-decide kasi siya na mag ihaw sila ni Zaire para mamayang gabi na pagkain.


"Beef or pork?" tanong niya sa binata.


"Both," ani nito at kinuha ang hawak niya na naka-packed na meat. Tumango na lang siya at hindi na nakipagtalo. Kumuha sila ng mga chips at can beers, apat na beer lang ang kinuha niya dahil mahirap na. 


Napahigpit ang hawak niya sa cart nang maalala na naman ang nangyari sa kanila sa bar ni Zaire.


"Dark chocolate for you," sambit nito nang mapadaan sila sa chocolate section. Tinapik niya ang kamay nito nang napakaraming chocolates ang kinuha nito.


"Ang dami!" angal niya sa binata at pinagbabalik ang mga ibang chocolates.


"Edi tatlo na lang para, akin ka lang." Napailing siya rito at hinayaan na ito sa gusto. Aaminin niya natutuwa siya dahil parang mas nagiging clingy ito sa kaniya. 


Hindi niya tuloy mapigilan mag isip kung ganito rin ba ang binata sa mga babae nito.



Pagkatapos nila magbayad ay sumakay ulit sila sa kotse at tumungo na sa isang glamping site sa laguna. 


Nang makarating ay napahanga siya sa view ng lugar. May river kasi at ang gaganda ng ayos ng mga maliliit na bahay na magiging silbing tent nila roon.


May table sa labas na naka-set up at may lutuan na rin. 


"Ang ganda," mahinang sambit niya nang makapasok sa loob ng titirhan nila ng isang gabi. Pagkapasok mo ay nasa kanang bahagi ang sofa bed na tutulugan nila mamaya. Isang malaki lang 'yon kaya paniguradong magtatabi talaga sila ng binata. 


Masiyadong maparaan talaga...



Muli siyang lumabas at inabot ang mga meat na binili nila, nilagay niya iyon sa maliit na refrigerator. Inayos niya rin ang ibang mga pagkain sa maliit na kusina para mabilis lang damputin at hanapin. 



"Let's roam around first. Busog ka pa naman 'di ba?" tanong sa kaniya nito nang hinatak siya ng binata at inakbayan papalabas.


Tumango siya rito. Kakakain pa lang naman nila at 11am pa lang naman kaya busog pa talaga siya. 


Binulsa niya ang hawak ng cellphone at hinayaan na lang tangayin siya ni Zaire. 



Nagliw-aliw lang sila hanggang sa magutom ulit. May kainan doon kaya hindi na sila kailangan lumabas ba ng glamping site. Kahit papaano ay na-refresh ang utak at pakiramdam niya dahil sa mga tanawin. 


Kailangan niya rin ito, ang magpahinga at mag-enjoy. 


Nagtalo pa sila ni Zaire dahil sa pagbabayad ng pagkain. Gusto niya kasing siya ang magbayad dahil ito na ang bumili ng mga pagkain kanina sa grocery pati na rin ang almusal nila kanina.


"Ako ang lalaki kaya tama lang na ako magbayad," pagdadahilan niya.


"Hindi porket ikaw ang lalaki, ikaw lang gagastos sa date na'to! Baka gusto mong iwanan kita rito pag hindi mo ako hinayaan na ako ang magbayad," pagsusungit niya sa binata. 


Para na naman silang aso't pusa. 


Napatingin siya rito nang mapansin na tumahimik ito. Kanina lang nakasimangot ito pero ngayon ay ngi-ngiti ngiti na.


"Anong nginingiti mo riyan?" tanong niya nang maiabot ang bayad niya sa cashier.


"Siyempre, natuwa lang ako nang marinig galing sa'yo na date nga ito." 


"Parang ngayon ka lang nakipag-date at tuwang tuwa ka, baka nakakalimutan mong babaero ka?" Lumakad siya palabas ng kainan at sumunod naman ito.



"I was. For me this is the first time, first time to have a date with the person i really like," seryosong saad nito.


"Sus, ano 'yong mga babae mo hindi mo gusto?" pangbabara niya ulit dito. 


Like and love is different. 


"Of course, you're different from them. I'm getting serious now. What i feel for them is not serious, belive me or not, Andie."


Hindi na siya kumibo dahil hindi niya na alam ang ire-react niya rito. Bumalik sila sa pinagtutuluyan nila at umupo sa bench na nasa labas ng room nila.

Napapapikit pa siya dahil nasisilaw siya sa araw, hindi naman gano'n kainit dahil sa labas ng tinutuluyan nila ay may silong pa. Sadiyang nasisilaw lang talaga siya sa liwanag. Tatayo na sana siya nang may humawak ng balikat niya para pigilan siya tumayo. 


"Wear this." Napatingin siya sa salamin na inabot nito. Parehas sa suot suot ng binata, tinanggap niya iyon at sinuot. 


Napapikit pa siya dahil sa malakas na simoy ng hangin. Nakaramdam siya ng antok dahil na rin siguro ay busog siya.


Naramdaman niya ang pagtabi sa kaniya ng binata. 


"You can take a nap," bulong nito at hinawakan ang ulo niya para mapasandal sa balikat nito. Humikab pa siya ulit at mas nakaramdam ng antok. Bago pa bumagsak ang tulikap ng mata niya ay naramdaman niya ang mainit na palad nito na humawak sa kamay niya.














Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top