18- I'M YOURS


Hind siya makakibo kay Zaire hanggang sa makarating sila sa bahay niya. Hindi na rin ito nagsasalita dahil alam niyang galit talaga ito.


Tahimik siyang nakaupo sa sofa habang ang binata ay pumunta sa kusina niya at nakita niyang uminom ng tubig. 


She pouted before she stand and grab her bag. Pupunta na siya sa kwarto niya kung wala naman na itong sasabihin. Ayaw niyang mag initiate ng conversation dahil wala naman siyang ginawang masama.


Wala nga ba?


Oo, wala naman talaga akong ginawang masama! Ni-reject ko pa nga si Darren kaya dapat hindi ako ma-guilty!


"Where are you going?" napatigil siya sa paglalakad at nilingon ito.


"Papasok ng kwarto. I-lock mo na lang ang pinto at gate pag-umuwi ka na," saad niya rito. Tuluyan na siyang tumungo sa kwarto niya at nilapag niya ang bag sa may tabi ng desk niya. Kumuha siya ng pampalit  at nagumpisa maghubad ng uniform. Sinuot niya ang pambahay na shorts niya at nang susuotin niya na ang tshirt niya ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya kaya natigilan siya.


Natigilan siya nang magkasalubong ang paningin nila ni Zaire. Nakatigil din ito at nakatingin sa kaniya na parang nagulat. Nang mapagtanto ang ayos niya mabilis niyang sinuot ang tshirt na hawak. Buti na lang naka-sports bra siya, kun'di talagang bubulagin niya ang mata ni Zaire pagnagkataon.


"Uso ang katok," inis na sambit niya rito. 


"Uso mag lock ng pinto," pangbabara nito sa kaniya. Hindi niya ito pinansin at humarap sa salamin niya tiyaka tinanggal ang tali sa buhok.


Napatingin naman siya muli kay Zaire na tuluyan ng pumasok at humiga pa talaga sa kama niya.


"Why you didn't tell me that you'll have a dinner with that guy?" seryosong tanong nito. Umupo siya sa gilid ng kama at pinagpatuloy ang pagsusuklay ng buhok.


"Tatay ba kita para magpaalam?" sagot niya rito. Napahikab naman siya dahil nakaramdam na ng pagod ng katawan, marahil dahil sa away rin kanina. Pakiramdam niya napagod ang utak at katawan niya. Mas na-stress pa siya kay Abegail at Zerlaine kaysa sa projects nila.


"But i'm your boyfriend!" naitaas niya ang isang kilay at napatingin sa binata.


"Sino nagsabi?!" pagtataray niya kahit sa kalooban niya ay kinilig siya dahil sa apat na salita na 'yon.


"Ako! kaya bawal kang mag-entertain ng ibang lalaki!" bumangon pa ito at hinarap siya.


"Ang kapal mo, hindi pa nga kita sinasagot—"


"Hindi pa! huh, so may balak ka talaga sagutin ako," nakangisi na ito at wala na ang lukot na mukha nito.


"Gago! Hindi—"


"What happened to you? bakit may kalmot at sugat ka?" muling sumeryoso ang mukha nito habang nakahawak at nakatingin sa kamay niya. Napaiwas siya ng tingin at pilit na hinahablot ang kamay niya pero hindi niya magawa dahil mahigpit na hinawakan iyon ni Zaire.


"Who did this to you, Andie." Matigas ang bawat pananalita nito kaya alam niyang seryoso na talaga ito at hindi nagbibiro.


"Your ex, Abegail." She sighed. Tumingin siya sa mukha ng binata at kita niya ang pagtagis ng bagang nito. 


He's mad. 


"And why you didn't tell me? sana pumunta ako kanina—"


"Then what? anong magagawa mo? nangyari na eh, tiyaka wala lang naman ito," binawi niya ang kamay niya nang lumuwag ang hawak nito. 


Inabot niya ang remote ng Aircon at binuksan iyon dahil naiinitan na siya.


"I'll talk to her."


"Eh kong balikan mo na lang?" biro niya rito. Pero mukhang hindi biro ito para sa binata dahil nawala ang emosyon ng mukha nito. 


"Ito naman bir—"


"Tinataboy mo ako? bakit? dahil sa lalaking 'yon?" mahihimigan ang galit sa boses nito. 


"Nagbibiro lang ako! 'wag ka masiyadong seryoso! Hindi ka naman ganiyan dati," tumatawang sambit niya kahit medyo kinabahan siya rito. Pumunta siya sa kama niya at sumandal doon habang yakap ang unan at kumot.


"I don't like your jokes. I'm serious now, Andie. I stop being a playboy since i feel something for you." 


Nahigit niya ang hininga niya nang lumapit at yumakap ito sa kaniya. Dahil nasa gilid niya ito at patagilid ang yakap ng binata sa kaniya ay sinubsob nito ang mukha sa leeg niya dahil para makiliti siya. 


"Z-zaire," ani niya at nautal pa. 


"I can't see you with other guy, Andie, so please accept me." He plead while he intertwined their hands. Mabagal ang paghinga niya dahil sa sobrang lapit nito sa kaniya. Hindi siya makapalag sa binata at hindi niya rin matanggal ang kamay niya rito dahil ayaw kumilos ng buong katawan niya. 



"I'll be good boy," mahinang sambit nito na lalong nagpawala ng puso niya. Para itong bata na nagmamakaawang bilhan ng candy. This side of Zaire that she never expected. They are close but always fight and bickering in simple things. 


'Yong paglalambing ng ganito ni Zaire ay hindi niya ine-expect.


"Kahit hindi mo pa ako sagutin basta sabihin mo lang na akin ka lang," sambit pa nito. She bit her lower lips and closed her eyes. 


She feel that her heart will going to explode because of Zaire. 


He's giving her a little kisses in her neck down to her shoulders. She can't move nor to stop him.  


Aaminin niya kinikilig siya at gusto niya ang ginagawa nito. Mukhang mababaliw na talaga siya pag hindi niya pa pinatigil si Zaire. Marahan niya itong tinulak at labag pa sa kalooban niya.


"Mag-aayos na ako at matutulog kaya umuwi ka na." Nagpapasalamat siya sa sarili dahil hindi siya nautal dito. Tumayo siya pero mabilis hinatak ng binata ang kamay niya kaya bumagsak siya sa dibdib nito. Bago pa siya makapag-react ay umikot na ito kaya ang ending ay nasa ilalim siya nito at nasa ibabaw naman ang binata.


Literal na nanlaki ang mata niya dahil sa ginawa nito. Pumalag siya pero hindi siya makaalis dahil hawak nito ang kamay niya.


"Don't move, baby."


"Gago! hindi ako sanggol!" singhal niya rito pero tumawa lang ang binata.


"You're ruining the mood, honey." He clicked his tounge while squinting his eyes on her.


"Zaire Theron Alonzo!" sigaw niya sa pangalan nito.  Naiinis na siya at nawala na ang magandang mood niya kani-kanina lang. 


"Why, mrs. Alonzo?" nakangising tugon nito sa kaniya. Gusto niya sanang sapakin ito pero hindi siya makagalaw, lalo na ang hita niya na ipit ipit ng tuhod ni Zaire.


Ayaw mo umalis? tingnan natin kung papalag ka pa sa gagawin ko.


She licked her lips while intently looking at his eyes. Natahimik ito nang mapansin ang ginawa niya. 


"Let me take a shower first, baby," she seductively said. Napabitaw ito sa kamay niya kaya mas lumawak ang ngiti niya dahil may paraan na siya para makatakas. Mabilis siyang bumangon at tinulak ito para mapahiga ang binata. 


"A-andie, hindi mo naman sinabing wild ka sa kam— shit!" tawang-tawa siya ng humiyaw ito dahil sa sakit. Sinuntok niya lang naman kasi ng malakas ang tiyan nito na matigas din. 


Nasaktan siya pero mas natuwa siya ng nasaktan din ito. 


"Layas! matutulog na ako sabi eh!" sigaw niya rito at pinaghahampas ng unan. Hinatak niya ito dahilan para mapatayo ito muli. Tinulak niya ang binata hanggang sa labas ng kwarto niya. Tangging salag lang ang ginagawa nito habang hinahampas niya ng unan.


"Baby naman eh!" 


"Kung gusto mo ng baby 'don ka sa Abegail mo—"


"No! Andie naman, stop hurting me!" parang bata na ani nito. 


"Titigil lang ako kung aalis ka na!" sigaw niya pa rito. Umabot sila sa sala sa kakahampas niya rito.


"Fine, fine! Calm down okay? masiyado ka naman mapanakit!" hinabol niya ang hininga niya dahil hiningal siya sa ginawa. 


"Walang pasok bukas, let's have a proper date. Susunduin kita ng 7am."


"Whatever. Umalis ka na bago pa magbago ang isip ko—"


"Ito namang misis ko grabe ang moody, baka pumangit ang baby natin niyan!" natatawang sambit nito habang papalabas ng bahay. Hahabulin niya pa sana ito para hampasin pero hindi niya na ginawa dahil napapagod na siya.



"Goodnight, Andie! I'm yours, okay? 'Wag mo na akong itaboy sa ibang babae! Ikaw lang sapat na!" sigaw nito. Napailing siya rito at ni-lock na lang ang pintuan. Nakakahiya pa sa kapithabahay dahil ang lakas ng boses nito gabing gabi na.



Bumalik siya sa kwarto at dumeretso sa cr. Naghilamos siya ng mukha at nang makita ang repleksyon niya sa salamin ay nakangiti na ang labi niya at namumula pa ang pisngi niya. 




Bwisit ka talagang lalaki ka! Baka sasusunod ay mahimatay na ako dahil sa kilig!












Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top