15- COURTSHIP
Handa na siyang umalis sa bahay nila para pumasok sa school pero naghintay pa siya ng limang minuto kung mag-te-text ba sa kaniya ang binata. May pasok din ito at parehas na alas-otso ang pasok nila sa araw na ito.
Lagi naman silang magkasabay pumasok lalo na pag pareho sila ng oras ng klase, kahit nga hindi e, pero nandiyan pa rin ito para sunduin siya. Kung normal lang ang lahat at kung hindi nagbago ang lahat ay nakulit niya na ito at nasigawan dahil male-late na sila.
Pero hindi na sila gano'n dahil siya ang naiilang dito. She still can't believe that Zaire has a feelings for her even if it still a 'like' stage.
She don't want to say something that she's still not sure.
Bumuntong hininga siya bago kunin ang bag niya at tuluyan nang lumabas ng bahay. Paglabas niya ng gate ay napahinto siya nang makita ang kotse ni Zaire sa tapat ng bahay niya.
Nakasandal ito sa kotse na parang modelo at nakayuko pa habang hawak hawak ang isang boquet ng bulaklak.
Kinagat niya agad ang labi para pigilan ngumiti.
Muli siyang sumeryoso nang mapatingin na ang binata sa kaniya.
"At last you're here!" bulalas nito at lumapit sa kaniya. Siya naman ay pilit kinakalma ang sarili dahil hindi mapakali ang kalooban niya.
"Bakit ka nandito?" she said in straight face. She don't want to show her emotions to him. Baka sabihin nito ay kinikilig siya.
Natigilan ito at tumingin sa kaniya.
"Sabay tayong papasok at ito na rin ang araw ng panliligaw ko sa'yo," deretsong sambit nito habang nakatingin sa mga mata niya.
Wow. Zaire is literally expert to this... he make me nervous, damn.
Inirapan niya ito at nilagpasan.
"Mag-j-jeep ako," ani niya at deretso nang naglakad.
"What? my car is here—" pinutol niya agad ito at binalingan ng tingin.
"Magkotse ka, ako magj-jeep," simpleng saad niya at muling naglakad. Narinig niya naman ang pagbukas ng kotse at muli niya itong tiningnan habang marahan na naglalakad palayo rito. Nagmamadali itong kunin ang bag nito.
"Iwan mo 'yong bulaklak sa kotse mo!" sigaw niya rito. Ayaw niyang dalhin iyon sa school dahil nakakahiya. Paniguradong magiging usapan sila sa school.
From bestfriend to lovers?
Napailing siya sa naisip niya. Paniguradong kukuyugin siya ng mga babaeng may gusto kay Zaire.
"Teka lang naman!" ani nito nang makahabol sa kaniya. Hindi niya ito pinansin hanggang sa makasakay sila sa jeep. Napairap siya ng mata nang maglabasi to ng 500 pesos. Siniko niya ito at siya na ang naglabas ng bente pesos para pangbayad nilang dalawa.
"Bayad po." Sakto lang iyon dahil sampung piso ang pamasahe kada-isang tao.
"I have a car, anong naisipan mo bakit tayo nag-jeep?" nakasimangot na sambit nito na parang init na init na. Pinagpapawisan na rin ito kaya medyo naawa siya pero dahil gusto niya itong pahirapan at ipamukha rito na hindi siya basta bastang babae na mabilis lang nito makuha.
"Kung may reklamo ka bumaba ka, okay?" seryosong saad niya kaya namutla ito.
"J-joke lang, basta kasama kita okay lang ako kahit mahirapan man ako."
Yumuko siya at kunwaring tinuon ang pansin sa cellphone dahil talagang nagkukusa ang labi niya na ngumiti.
Napapansin niya itong panay punas sa pawis gamit ang panyo na hawak lalo na't may sumakay pa na pasahero at sumikip ang inuupuan nila. Naramdaman niyang umakbay ito sa kaniya para sumiksik pa sa kaniya.
Mas lalo niyang naamoy ang perfume nito na paborito niya. Nang makababa sila sa jeep ay kita niyang nakahinga ito ng maluwag. Napabuga na lang siya ng hangin at tiyaka ito nilapitan para punasan ang noo nitong pawis na.
Natigilan naman ito at napansin niya na napapangiti kaya mabilis niyang tinulak ang noo nito at tinalikuran.
"Why? please continue—"
"Shut up and stop smiling you dumbass," inis na sambit niya rito. Hinabol siya nito hanggang sa makasabay ito sa mabilis na lakad niya.
"Bakit? kinikilig ka ba sa ngiti ko?" tukso pa nito kaya tumigil siya sa paglalakad at walang sabi na tinadyakan ang tuhod nito.
"Ouch," napadaing ito dahil talagang nilakasan niya.
"Masasaktan ka talaga sa akin!"
"Okay lang masaktan basta—"
"Manahimik ka!"
"Okay."
Napasuklay siya sa buhok niya dahil dito. Umagang-umaga iniinis na naman siya nito. Inis na may kasamang kilig!
Nagpatuloy siya sa paglalakad at talagang hinatid pa siya nito hanggang classroom pero bago pa sila makatungo roon ay nakasalubong nila si Abegail na papunta rin sa building kung saan din ang classroom niya.
Napatigil ito sa paglalakad at tiningnan silang dalawa ni Zaire. Inirapan pa nga siya nito bago lumapit sa binata.
"Babe!" sigaw nito. Oo, sigaw talaga ang ginawa kahit na may kalapitan lang naman ang agwat nila.
Papansin, tsk.
"Why are you not answering my messages and calls? are you too busy with your study and work?" maarteng sambit nito.
"Stop calling me babe, Abegail." Awtomatikong tumaas ang sulok ng labi niya nang sinaway ito ng binata. Mukhang napansin naman ng babae dahil tinaasan siya nito ng kilay. Wala itong sinabi at tinarayan lang siya. Obvious naman na hindi ito makapalag sa kaniya dahil nariyan si Zaire.
"Babe naman..."
"Aakyat na ako," singit niya sa mga ito pero mabilis na hinawakan ni Zaire ang kamay niya.
"Let's go, male-late ka na." Nakangiti ito sa kaniya at pinisil nito ang kamay niya. Hindi siya nagsalita pero binawi niya ang kamay niya at tumungo na sa elevator. 3rd floor kasi ang room nila. Sumakay sila sa elevator at si Abegail naman ay talagang sumabay pa, dahil maaga ang klase nila wala pa naman masyadong estudyante.
"Zaire can we talk later after your class? or let's have a dinner!" pangungulit pa rin ng babae.
"I'm courting Andie," nanlaki ang mata niya dahil sa binitawang salita ng binata. "So stop pestering me, Abegail. We're done and sorry for hurting you," dugtong pa nito. Sakto naman na tumunog na ang elevator at nasa 3rd floor na sila. Napatingin siya kay Abegail na nakaawang ang labi at hindi makapagsalita.
Paglabas nila at pagkasarado ng elevator ay agad niyang hinarap si Zaire.
"Bakit mo sinabi?" seryosong tanong niya rito. Tumingin naman ito sa mga mata niya at kita niya na sumeryoso rin ito.
"I want them to know that i'll be serious now and you're the reason of it," he said sincerely.
She held her breath for a seconds before she turn around. Binubulabog talaga nito ang sistema niya at pakiramdam niya lumalala na ang epekto nito sa kaniya.
The way he stare and the way he talks is really different for her point of view now.
She's seeing him as a man now not just a man bestfriend.
"P-pumunta ka na sa room niyo, male-late ka na rin," nauutal na sambit niya at mabilis na naglakad patungo sa room nila. Nakahinga lang siya ng maluwag nang makapasok na sa classroom. Binabati siya ng mga kaklase niyang naroroon na ngunit tango lang ang tugon niya dahil natulala pa rin siya.
"Anong nakain mo at tulala ka riyan? o baka naman nakakita ka ng ghost?" pagtatanong sa kaniya ni Shayla. Umiling naman siya rito at pabagsak na yumuko sa desk niya.
She rejected Zaire's offer to try things out because of what they feel, but she feel so blissful because of him.
What the hell she's going to do with her feelings?
She's scared but at the same time she want the feeling of this.
Nag-umpisa ang klase nila at kahit anong focus niya sa professor niyang nagtuturo sa harapan ay hindi na siya nakapag-focus dahil ang laman lang ng isip niya ay ang mukha ng binata.
----
A/N: sorry for the late update! babawi ako! Happy reading! <33
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top