14- FEELINGS
Hanggang sa makarating siya sa bahay ay sunod-sunod ang tawag at text sa kaniya ni Zaire. Wala siyang pakialam dito dahil naba-badtrip siya sa binata. Hinantay at hinatid talaga siya ni Darren kaya laki ang pasasalamat niya rito. She already feels that Darren likes her but she don't want to be assuming. Kung totoong gusto nga siya nito ay hindi niya alam ang mararamdaman.
She has a crush on him but suddenly there's no 'kilig' feels anymore. Simula ng ginulo ni Zaire ang utak at puso niya nawala ang atensyon niya at pagka-gusto kay Darren.
She let a deep and heavy sigh. Napairap siya sa kawalan nang tumunog na naman ang kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon at mabilis na sinagot ang tawag ng binata.
"Hel—"
"What the fuck, Andie! where are you? I'm still here in our school, its already 6 in the evening."
Halata sa boses ang galit nito pero wala siyang pakialam. She's not in the mood, plus she has menstration that's why she's too moody today.
"In my house," tipid na sambit niya rito. Lumabas siya ng kwarto niya at tumungo sa sala para uminom ng tubig at maghanda na rin ng makakain.
"What?! I told you that—"
"Bakit tapos ka na ba makipaglandian sa babae mo? akala ko kasi mabibitin ka kaya nagpahatid na ako kay Darren," sarkastikong sambit niya.
"Are you kidding me, Andie?! and I don't even flirt today, actually since that day!"
"That day?" pagtatanong niya rito dahil hindi niya ito naintindihan. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito na parang kinakalma ang sarili.
"Wait for me there."
Napatingin siya sa cellphone niya nang maputol ang tawag. Hinayaan niya na lang ito at nagpatugtog para mawala ang pagkaburyo niya. Nilapag niya ang cellphone sa lamesa at kumilos na para magluto ng hapunan.
Naka-defrost naman na ang bangus dahil pagkadating na pagkadating niya ay nilabas niya agad para makapagluto agad. Pagkatapos niya mag-prito ay nagluto naman siya ng spicy noodles dahil natatakam siya roon.
Kalahating oras lang siya nagluto at nang matapos ay saktong pagdating naman ni Zaire na nakabusangot ang mukha.
"Kain," aya niya rito na parang walang nangyari. Hindi ito nagsalita kaya umupo na siya para mag-umpisa kumain.
Hinigop niya ang sabaw ng noodles at napapikit siya dahil sa sarap. Kanina pa talaga siya natatakam mag-noodles eh.
"Ang sarap!" tuwang-tuwa na sambit niya.
"What's with your mood?" hindi niya nilingon si Zaire at patuloy pa rin siya sa pagkain.
"And I texted you that I will pick you up and you replied to me!" he said while walking. Lumapit ito sa kaniya at umupo sa harapan na upuan.
"Gago ka ba? pasalamat ka nga pinagbigyan kita eh! 'di ba may babae ka ngayon?" inangat niya ang tingin dito at tinaasan ng kilay ang binata.
Nagtataka naman itong tumingin sa kaniya. "I don't have! what are you talking about?"
"Liar! kahit may picture kayo? dikit na dikit pa nga kayong dalawa!" singhal niya rito. Mukhang natigilan naman ito pero mas nainis siya lalo ng bigla itong ngumisi sa harapan niya.
"Natatawa ka pa? sige tumawa ka lang hanggang sa 'di ka makahinga riyan!" inis na sambit niya at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi niya ito pinansin nang ilang minuto rin na tumawa.
"Don't tell me, you're jealous?!" di makapaniwalang saad nito kaya sinamaan niya ng tingin.
"In your dreams!" sigaw niya. Mabilis niyang inubos ang kinakain niya at habang hinihigop ang sabaw ng noodles ay bigla siyang nasamid dahil sa sinabi pa nito.
"I promise, I didn't flirt since that day... the day we kissed."
Inabot niya ang tubig para makainom dahil nasamid talaga siya at mas lalo niya lang naramdaman ang anghang ng noodles.
Tumayo siya at niligpit ang pinagkainan niya. Hindi niya ito pinansin kahit naramdaman niyang sinundan pa siya ng binata.
"I'm serious, Andie."
"Serious mo ulo mo!"
"Saang ulo?"
"Gago!" nilingon niya ito at susuntukin sana nang nahuli nito ang kamay niya kaya napasandal siya sa sink. Hinatak niya ang kamay niya pero ayaw nito bitawan at mas malakas ito kaysa sa kaniya kaya wala siyang nagawa.
"Oo, gago ako. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin at bakit biglang nawalan ako ng gana mambabae." Napalunok siya dahil seryosong nakatingin ito sa kaniya. Walang halong kapilyuhan ang mukha nito.
"We feel the same, right? You're starting to like me, aren't you?" Nanuyo ang labi niya at gusto niya iyon dilaan pero hindi niya magawa. Ayaw niya gumawa ng kilos sa harapan nito dahil sobrang lapit lang nila at halos wala ng pagitan sa katawan nila.
Yes, I admit. I think i'm starting to like you...
"N-no, I don't like you," tanggi niya rito at iniwas ang tingin. Binitawan naman siya nito kaya nakahinga siya ng maluwag.
Ayaw niyang umamin dito dahil natatakot siya. She never had a boyfriend, wala sa isip niya ang mga gano'ng bagay. Oo, nagkakaroon siya ng crush pero hanggang doon lang 'yon.
"You are... that's why you responded to my kisses," he said in a low baritone voice. He's really serious and she starting to feel uneasy.
"As I said, kiss is a kiss. I told you! you're not my first kiss so stop—"
"Don't lie. I know you for decades and I know when you are lying. Walang makakatakas na impormasyon sa akin kung totoong hindi ako ang first kiss mo. I fucking bully all the boys who has a crush on you since elementary. I threat them and that's why they can't make a move."
Nanlaki ang mata niya dahil sa mga sinabi nito. Biglang pumasok sa isip niya na wala pa talagang nagpapakita ng motibo sa kaniya simula elementary. Hindi niya naranasan ang magkaroon ng admirer at kiligin dahil sa puppy love. Akala niya dahil tomboy tomboy siya ay walang nagkakagusto sa kaniya.
Sa inis niya ay malakas na inapakan niya ang paa ni Zaire.
"Fuck!" daing nito habang nakahawak sa paa na inapakan niya.
"Abnormal ka talaga! ang laki mong gago!" inis na sambit niya rito. Tinalikuran niya ito at tumungo sa kwarto niya pero mabilis itong nakasunod kaya nakapasok din ito.
"Let's try. Le'ts give this a try, we like each other not as a bestfriend anymore but as a woman and man." Umiling siya rito.
"Ayoko! mawawala rin ito," mariin na tanggi niya rito. Ayaw niya subukan dahil paniguradong siya ang masasaktan pagnahulog siya ng husto rito. She don't know how to play games but Zaire is expert with that. He can't fall because he's not a serious type and he loves to play with girls.
"You don't trust me?" mahinang sambit nito kaya napalingon siya sa binata. Lumambot ang ekspresyon nito kaya sumikdo ang puso niya.
"I'm really serious, Andie. I don't know what you did to me but I can't imagine you'll date a guy. I admit that i'm getting jealous when other guys make you laugh or they're just beside you. I suddenly want to own you." Nahigit niya ang hininga dahil sa mga sinabi nito. Mahina ang boses nito at ramdama niya ang sinseridad.
""I was never loyal, i'm a cassanova, I admit it but... I'm ready to fix it for you," mahinang sambit nito. Hindi na siya nakapagsalita dahil sa mga narinig niya ngayong gabi. Halo-halo ang emosyon niya at hindi niya alam kung ano dapat ang i-react dito.
"Don't worry, I'll give you time. I'll court you if you want. Even if you reject me, I will not give up." Hindi na siya nagsalita hanggang sa umalis na lang ito sa loob ng kwarto niya. Mayamaya ay tumunog ang cellphone niya na nailagay niya kanina sa bulsa ng shorts niya. Kinuha niya iyon at nakita niyang mensahe iyon ng binata.
From Zaire,
- Lock the doors, see you tomorrow. Goodnight.
Pabagsak siyang humiga sa kama niya at napatingin sa kisame. Ayaw ma-proseso sa utak niya ang mga sinabi nito. Hindi pa rin siya makapaniwala na gusto na siya ng binata at gusto nitong subukan nila ang nararamdaman nila. Muli siyang tumayo at tumungo sa banyo, kailangan niya ata ng malamig na shower.
She needs to calm her mind and body.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top