13- JEALOUS




Natapos ang event at naging busy sila sa pre-finals nila lalo na sa subject na entrepreneur dahil naka-focus sila sa business plan na ginagawa nila.





Napasandal siya sa kaniyang upuan at napapikit ng mata. Nasa classroom sila at kanina pa sila nakatutok sa laptop para sa inaayos na papers at mga documents na kailangan sa business plan.


Wala silang prof pero lahat ng kaklase niya ay naroroon sa room nila para gumawa ng business plan ng mga kaniya-kaniyang grupo.


"Break time muna tayo!" sambit ng isang ka-grupo niya. Sumangayon naman lahat dahil pagod at medyo gutom na rin.



Inabot niya ang laptop sa ka-grupo niya dahil ito ang may-ari noon.


"Kain muna tayo!" yaya ni Shayla nang lumapit ito sa kaniya.


"Tapos na kayo?" tanong niya rito.


"Hindi, pero pahinga rin muna kami. Compile na lang naman din ng mga files at double check sa mga informations," sambit nito habang kinukuha ang bag nito.


"Excuse me po? pwede po kay ate Al?" napalingon siya sa may pintuan at nakita niya ang tatlong babae na 1st year college, base sa id lace ng mga ito.


"Al, hanap ka!" tawag sa kaniya ni Jasper. Sinukbit niya naman ang bag niya at sabay sila tumungo sa pintuan ni Shayla.


Nakita niya ang tatlo na parang nagbubulungan at nagtutulakan pa kung sino ang magsasalita.


"A-ah ano po kasi, p-pwede po kami magpa-picture?" natulala siya sa mga ito dahil sa narinig. Hindi niya alam kung tama ba ang naririnig niya ngayon.


"Hoy! pa-picture raw!" siko sa kaniya ni Shayla. "Sige! akin na phone niyo, ako magkuha sainyo," dugtong pa nito at kinuha ang cellphone ng babaeng nagsalita. Tumabi naman ang tatlo sa kaniya kaya napangiti na lang siya ng wala sa oras.


"One two three, cheese!" sambit ni Shayla at kinuhaan sila ng picture. Pagkatapos no'n ay hinarap ulit siya no'ng tatlo.


"Fan niyo po kami! Kakasali lang po namin sa dance club pero hindi po kayo kasali roon?" nakangusong tanong ng isang babae. Ngumiti siya sa mga ito at umiling.


"Hindi kasi ako magiging active pag sumali pa ako roon," paliwanag niya sa mga ito. Busy na siya sa mga ginagawa niya at paniguradong dadagdag lang ang dance club sa responsibilidad niya.


"Sayang naman po! pero po aattend po kami ng dance class niyo," saad pa nito na nagpalambot ng puso niya.


"Thank you!"


"Walang anuman po, thank you rin po sa picture, mauuna na po kami," paalam ng mga ito. She just waved her hand and nodded to them.


"Iba na talaga pag sikat!" siniko pa siya ni Shayla.


"H-hindi naman, ano ka ba!" nautal pa siya dahil nahihiya siya.


"Humble pa rin!" tumawa ito at kumapit sa braso niya. "Tara na, gutom na ako."


Habang patungo sila sa canteen ay nag-vibrate ang cellphone niya. Nang tiningnan niya iyon ay may text message si Zaire.


From Zaire,

- I'm going to pick you up at 5pm. Let's have a dinner outside.


Napabuntong hininga siya dahil dito. Actually hindi pa nila napag-uusapan ulit 'yong nangyari sa kanila sa club. Iyon din naman ang gusto niya dahil ayaw niya na maalala pa iyon dahil isang pagkakamali lang naman 'yon.


It's just a kiss. It's a normal thing that we can do, no bigdeal.





She's trying to act normal again in front of Zaire. Nag-type naman siya agad ng reply niya.


To Zaire,

- Okay.





Wala ito sa school dahil busy ito sa pag earn ng flights. Siya naman ay busy rin lalo na nang matapos ang event, pati sa work niya ay busy na siya. Dumadami na ang umaattend ng dance class niya kaya sobrang saya niya.








Nakita nila na maraming tao sa canteen dahil karamihan nga ay breaktime.


"Shay, Al!" sabay silang napalingon kay Jeth na kasama si Darren. Nakapwesto ang dalawa sa bandang gitna na table at mukhang kakabili lang ng pagkain dahil wala pang bawas.


Hinatak naman siya agad ni Shayla dahil siyempre naroroon si Jeth.


"Hello! kakain din kayo?" bati sa kanila ni Darren pero nakatingin lang ito sa kaniya kaya siya na ang sumagot.


"Oo."


"You can sit here, punuan na rin eh," ani nito at inusog ang mga pagkain nila.


"Sure! pero o-order muna kami," pagpayag ni Shayla at nilagay ang bag sa bakanteng upuan sa harapan ng dalawa.


Tumayo naman si Darren kaya napatingin siya ulit dito.


"It's my treat! anong gusto niyo kainin? ako na ang o-order," nakangitin sambit ni Darren.


"Nako, 'wag na—" naputol ang sasabihin niya nang kinurot siya ni Shayla.


"Akin carbonara and chocolate donut!" masayang sambit ni Shayla na parang hindi nahihiya sa mga ito.





Tiningnan naman siya ni Darren dahil hindi siya nakapagsalita.


"Same na lang kami!" sabat ni Shayla pero hinihintay pa rin siya ni Darren sumagot kaya tumango na lang siya.


"Thank you," pagpapasalamat niya rito. Ngumiti naman ito ng malawak.


"No problem, you're our muse dapat alaga ka namin," pagbibiro nito kaya mas lalo siyang nahiya.


Umupo silang dalawa ni Shayla habang naghihintay sa dalawa na bumili ng pagkain nila. Si Shayla naman ay nakatutok sa cellphone at nag-iinstagram kaya nakitingin na rin siya dahil wala naman siyang ginagawa.


"Si Zaire oh, ngayon 'to ano?" nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang makita ang bagong story ng babae. Masiyadong madikit ang babae sa binata sa picture. Naka-uniform ng pang piloto si Zaire at 'yong babae naman naka-formal attire. Tama nga ito, ngayong araw iyon kuha.


"Kilala mo 'yong babae?" tanong niya kay Shayla.


"Oo, kaibigan ng pinsan ko. Mas matanda sa'tin ng tatlong taon 'yan. Diyaan nagta-trabaho kung saan nagt-training si Zaire ng pagpapalipad ng eroplano."


Mas lalong lumukot ang mukha niya sa nakita. Mukhang panibagong babae na naman. She shouldn't be affected but she can't help it.


"Selos ka?" mas lalong lumukot ang mukha niya nang balingan siya ng tingin ni Shayla. Nang-aasar ang tingin at ngiti nito.


"No. Why would I? we're just bestfriends."


"Pag mas lalo mong tinatanggi, mas lalo ka lang mahuhulog!" pangangatyaw pa nito at tumawa. Tumigil lang nang dumating na ang dalawa bitbit ang pagkain nila. Nagpasalamat siya muli sa mga ito dahil sa libreng pagkain.





"May business plan din kayo 'no? malapit niyo na matapos?" pag-uumpisa ng topic ni Jeth. Tumango naman siya at nilunok ang pagkain niya.


"Malapit na rin, 'yong final paper kailangan na lang ayusin."


"Sa group din namin," sambit ni Shayla.


"By the way, Al. My five cousins want to attend your dance class, can you send me the link of your registration link? or do you have a page for that?" baling na tanong sa kaniya ni Jeth.


"Uhm, yes merong page 'yong crew ko. Urban Hiphop, i-search mo lang sa instagram or facebook nasa bio na 'yong link ng website namin. Thank you!" nakangiting sambit niya rito. Talagang rumarami na ang mga studyante niya.


"No problem! famous ka na lalo sa university pati na rin sa st.paul," natatawang ani nito.


"Yes, madami na akong kaagaw?" natigilan siya dahil sa sinabi ni Darren.


"Wow, ang lakas ng loob!" singit ni Shayla na natatawa. Tumawa na lang rin siya dahil wala siyang masabi o masagot doon.


Patuloy silang nagkwentuhan hanggang matapos sila kumain. Hinatid pa nga sila ng dalawa hanggang classroom nila kaya naman si Shayla ay kilig na kilig.


Papasok na sana siya sa room nang muli siyang tinawag ni Darren.


"Pwede ba kitang ihatid sainyo mamaya? kung pwede lang," Bigla niyang naisip ang binata na nag text sa kaniya kanina pero naalala niya rin na may kasama na naman itong babae.


"Okay, 4pm kami matatapos dito." Sumilay ang malawak na ngiti nito at napa 'yes' pa. pumayag na siya dahil bigla siyang na-badtrip kay Zaire.


"Okay, I'll wait for you, mga 3:30 kasi ang tapos ng last class ko." Tumango siya rito at nagpaalam na. Hinatak naman niya si Shayla na parang ayaw lumubay kay Jeth.


"Waiting na lang ako magtanong siya sa akin na maging girlfriend niya ako, yes agad sagot ko!" kilig na kilig itong tumawa at hinampas hampas pa siya.





Bumalik sila sa kaniya kaniyang pwesto ng groups nila. Pinilit niyang mag-pokus sa ginagawa nila pero paulit-ulit pumapasok sa isip niya ang imahe ni Zaire at no'ng babaeng nakadikit sa kaniya.





"Oh, shit! chill ka lang, dude!" bulalas ni Jasper. Hindi niya napansin na nasipa niya pala ang katabing upuan.


"Alam kong mahirap 'tong business plan pero dapat chill lang tayo," dugtong pa nito sa kaniya at tinapik tapik siya.


Napabuga siya ng hangin at pinatunog ang leeg niya.








I'm pissed! That damn playboy is annoying me!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top