12- DANCE

Naka-pwesto na sila sa loob ng gymnasium. Nasa kanang bahagi ang goldies at kaliwang bahagi naman naka-pwesto ang st.paulians. Gold and white ang mga balloons na hawak ng mga ka-schoolmate niya at ang st.paul university students naman ay blue and black.



"Shay, mag-c-cr lang ako," bulong niya kay Shay. Pinipilit niyang hindi kabahan pero kinakabahan na talaga siya. Tatayo pa sana ito ng pinigilan niya.

"Ako na lang, saglit lang ako."

"Okay, bilisan mo ha?" tumango siya rito at tiyaka tumayo para umalis doon. Mabilis ang lakad niya dahil malapit na matapos ang second quarter ng game. Kanina bago mag-umpisa ang game ay rumampa lang naman siya kasama ang team kaya medyo hindi siya nahiya.

Tumungo siya sa katabing building ng gymnasium para hindi maraming tao. Mabilis siyang pumasok sa banyo at ginawa ang dapat niya gawin. Natigilan naman siya nang makarinig ng tawanan at agad niya 'yon naboses-san.

"Grabe ang daming mga malalanding babae ang humaharot sa babe mo!" malakas na sambit ni Zerlaine. 

"Tss. Wala naman tatalo sa ganda ko 'no? at isa pa, malapit nang mapasaakin si Zaire, kaunting landi pa at mahuhulog na 'yon sa bitag ko!"

"Duh! magpabuntis ka na lang para wala siyang kawala!" natatawang sambit ni Zerlaine. Kinuyom niya ang kamao niya para pigilan ang sariling 'wag lumabas.

"By the way, let's go na sa gymnasium dahil may performance raw 'yong Al na 'yon! Gusto ko makita kung paano sumayaw ang tomboy na 'yon!"

"For sure mas magaling pa ako ron 'no! hindi ko nga alam kung ano ang naisipan ng dean at siya ang ginawang muse!"

"Let's see, baka lalaki rin gumalaw. Alam mo naman na walang ka-sexy-han 'yon sa katawan, kaya hindi talaga mahuhulog doon si Zaire!" pangkukumbinsi pa nito kay Abegail. 

"Tara na nga! I am ready to bash that bitch!" ani ni Abegail. Mayamaya ay narinig niya na na lumabas ang mga ito. Bumuntong hininga siya at inayos ang damit na suot bago lumabas sa cubicle.

Biglang uminit ang ulo niya sa dalawa at gusto niyang ipa-mukha sa mga ito na kahit parang lalaki siya kumilos ay kaya niya rin maging babaeng-babae. 

She dance and it's like an act. She can be wild and sexy if she want. 

Tumingin siya sa salamin at inayos ang jersey na suot niya, tinanggal niya rin ang pagkaka-ponytail ng buhok niya. 

She suddenly burn up with passion. 

Lumabas siya ng cr at muling bumalik sa gymnasium, ramdam niya ang mga tingin ng mga ibang studyante sa kaniya.

"You remove your ponytail— and whats with your aura girl? woahhh, nakaka-intimidate ka ata ngayon?" pansin sa kaniya ni Shayla nang umupo siya sa tabi nito. 

"Am I?" tanong niya pabalik.

"Shit, you really freaking me out! Ang hot mo talaga! pero mas maganda pa rin ako sa'yo!" bulalas nito. 

"Can you give this playlist to the dj?" tanong niya kay Shayla at inabot ang cellphone niya. 

"Iibahin mo ang sayaw mo?" gulat na tanong din nito. Tumango siya rito, may sasabihin pa sana ito pero hindi na nito sinabi at tumayo na lang para puntahan ang dj na naka-assign sa event na 'yon.

Natapos ang game at parang nawala ang kaba niya lalo na ng tawagin na siya. Nahanap agad ng mata niya sina Abegail at Zerlain na nakatabi kay Zaire, medyo malapit ang mga ito sa pwesto nila. 

Nagkatitigan pa sila saglit ni Zaire pero siya na ang bumitaw.



"Once again, from Business administration course, Ms. Andie Loucinda Madrigal! Let's give her around of applause." Nagsipalakpakan naman ang mga nanonood pero halos ang basketball team lang at ang kaklase niya. 

Wala sa sariling napangisi siya sa audience. 

There's a saying that you can't judge the book by it's cover. They shouldn't judge her by her appearance because they don't know how capable she is. 

(This is the music and dance, just imagine that Al is dancing to that choreography)







Nang marinig niya ang cue ng dj ay sumeryoso na ang mukha niya. Nag-umpisa tumugtog ang music na binigay niya kaya nag simula na siyang hubarin ang jersey top niya na ikinaingay ng mga tao. 



'Oh my god!'

'Grabe 'yong facial expression and attitude niya!' 

'Go girl!' 





Bawat galaw niya ay lumalala ang audience impact. Kung ang speaker ay wala bawat sulok ng gymanasium panigurado hindi niya na narinig ang music dahil sa pagwawala ng mga tao sa loob.



"Ang cool ng kaibigan ko!!!!!!!!" tili ni Shayla.

"Oh yes! that's my bitch besshy!" sigaw pa ulit nito. 









Nang natapos ang kanta ay sinuklay niya ang buhok niya at sinulyapan ang dalawang babaeng nangmamaliit sa kaniya. 

Abegail at Zerlaine are shocked while looking at her. 

Yeah, Just few people know that she's a professional dancer and a choreographer.

"Isa pa! Isa pa! Isa pa!" 

Napangisi siya at nilingon at dj para tanguan ito. That's why she gave the playlist, alam niyang magugustuhan ng mga tao ang performance niya. 

If she set her goal, she'll get it no matter what. 

Muling nag-hiyawan ang mga tao nang sumayaw ulit siya. Bawat beat ng music ay tinatamaan ng galaw niya at sinigurado niyang malinis ang galaw.

Napatingin siya nang may humawak ng bewang niya, paglingon niya ay muling napangiti siya nang makilala niya ito.

Shaun Valencia, her friend studying in st. paul university. Nakalaban niya ito sa dance battle at ito ang nag champion at siya naman ay 1st place. 

Tuluyan nang nilamon siya ng musika. Pakiramdam niya dance battle ito dahilan para makaramdam na naman siya ng apoy sa katawan. She's competetive and she has a pride as a dancer. 

Umikot siya at hinarap si Shaun, nagkatitigan sila at parang nag-uusap ang mata nila. Ang bawat galaw nila ay tumutugma sa isa't isa. 

Freestyle ang ginagawa nila, ibig sabihin on the spot lahat ng mga steps na ginagawa nila. 

Nang yumuko ito ay bumwelo siya para hawakan ang likod nito at tumumbling paharap. Nang maka-tapak muli ang dalawa niyang paa sa sahig ay dahan-dahan niyang giniling ang kaniyang bewang hanggang sa matapos ang tutog. 



Kumawala ang tawa sa kaniyang bibig nang makita ang reaksyon ng lahat. Puro sigawan at cheer lang ang naririnig niya. Inakbayan naman siya ni Shaun kaya napatingin siya rito.

"I can't help but to join with your freestyle dance, plus, napilit pa ako ni Caryl." Tinuro nito si Caryl na nakatayo at winawagayway ang lobo na hawak, kumaway ito sa kaniya nang makita nitong nakatingin siya.

Caryl is Shaun's girlfriend, nakilala niya rin ito dahil sa dance battle. Mabait ito at laging sinasabi na idol siya kaya minsan nahihiya siya rito.

"Hays, paniguradong ikaw na naman ang topic namin mamaya. Grabe mga fans mo!" bulalas nito habang umiiling. 

"Shit, sorry inakbayan kita, magagalit na naman sa akin si Zaire. Sama na ng tingin oh!" nginuso nito kung nasaan ang binata at seryoso ngang nakatingin ito kay Shaun at bumaling din sa kaniya. 



"Your boyfriend is mad,"

"Boy bestfriend," pagtatama niya rito. Nagkibitbalikat lang ito. 



"Thank you for that lit performance! grabe 'yong dulo! sa mga nangungulit po sa akin, kung anong name niya ulit? Andie Loucinda Madrigal, you can call her Al and she's my classmate. She's a dancer since at the young age and she's a member of Urban Hiphop. Actually sila ang nagrepresent ng philippines noong lumaban sila sa Los angeles, california at of course champion sila." 

Nagpaalam na siya kay Shaun nang biglang pinakilala siya ni Maze sa lahat. Naramdaman niya na ang hiya dahil lahat ng tao ay nakatingin na sa kaniya. 

"She's a dance and choreographer kaya kung gusto niyo matuto, attend na kayo ng dance class niya!" dugtong pa ni Maze at nang magkatinginan sila ay kinindatan siya nito. 

Napabuga siya ng hangin nang makabalik sa pwesto. Inabutan siya ni Darren ng tubig pero hindi niya na natanggap dahil biglang sumulpot si Zaire at inabutan siya ng tubig na nakabukas na. 

"Drink," utos nito sa kaniya. Tiningnan naman niya si Darren at sinenyasan na lang niya ito ng salamat. Tumango lang ang lalaki sa kaniya at tipid na ngumiti bago umalis sa harapan nila.

Kinuha niya iyon at uminom dahil talagang napagod siya at hiningal. Pero sa totoo lang 'yong performance niya ay na-enjoy niya, lalo na 'yong biglang pagsali ni Shaun sa freestyle dance niya. 

"And wear my hoodie, don't you dare wear his jersey again," mariin na sambit pa nito. Hindi na siya nagsalita pa at kinuha na lang ang hoodie nito at sinuot. 

"Your performance was lit and awesome, but I don't like the idea taking off your top and you're just wearing a piece of that shit. I prefer you just hide your fit and sexy body inside your oversize clothes, Andie." Nag-init ang pisngi niya dahil sa mga sinabi ni Zaire. Para rin itong bata na nagmamaktol. 



He's sulking...

She tried not to smile. 



"Ibabalik ko na lang itong hoodie mo pag nalabhan ko na," ani niya rito at umupo sa tabi ni Shayla. 

"What? 'yon lang ang sasabihin mo—"

"Excuse me, Zaire? bawal ka rito! doon ka na!" pangtataboy ni Shayla rito. Parang hindi nito naging-crush kung maka-asta ito sa binata.

"I'll wait for you in the parking lot," saad nito sa kaniya bago sila talikuran. Niyugyog naman siya ni Shayla at pinaningkitan ng mata.

"Gaga ka! ang galing mong sumayaw nagulat ako! tiyaka sino 'yong hottie na lalaking sumali sa'yo? kilala mo?" eksaheradang tanong nito. 

"May Jeth ka na 'di ba? bagong crush na naman ba? tiyaka may girlfriend 'yon!" Nanlaki ang mata nito at pabirong tinulak ang braso niya.

"Hoy! nagtatanong lang naman kung kilala mo 'yong lalaki! Kay Jeth pa rin ako 'no!" pagdadahilan agad nito.

"Oo, kilala ko. Nakalaban ko dati sa dance battle," sambit niya rito habang sinusuklay ang buhok gamit ang daliri.

"So, anong gagawin niyo sa parking lot?" pag-iiba ng topic nito. Kumunot naman ang noo niya at natigilan nang maintindihan ang tinanong nito.

"Uuwi na, nandon kotse niya 'di ba?"

"Sasabay ka sa kaniya? okay na kayo? parang kahapon lang nag-aaway kayo ah, pansin ko lang naman." 



She sighed. She don't know anymore. Nagawa niya itong iwasan ng ilang araw pero hirap na hirap siya. Ayaw niya naman masayang ang pagkakaibigan nila dahil lang sa hindi niya na maintindihan ang sariling nararamdaman, lalo na nang naglapat ang labi nila mas gumulo na ang utak niya. 

She's trying to stop what she feels but she think it will be hard. 



That's why for now, she will completely ignore what happened and act like a normal to him, like she used to act and do when Zaire is around her. 

Tumayo siya at kinuha ang gamit niya. Kinuha niya rin ang phone niya kay Maze nang matapos ito sa pag mc at nagpatuloy na ulit ang laro. 

"I'll go now, 'di naman na ako kailangan dito. Just tell to team." Napatango naman ito sa kaniya.

"Sige na, ipapa-grab ko na lang 'yong ibang gamit mo. Thank you! see you tomorrow!" Niyakap niya ito at nagpaalam na. Siya naman ay lumabas ng gymnasium habang nakayuko dahil ang daming pumapansin sa kaniya. 



















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top