10- DISTANT



Busy sila ngayon sa pag-aayos ng booth nila, bukod kasi sa basketball game ay pinagawa ng booth ang mga business ad, tourism at hrm. Gusto kasi ng dean na maganda ang buong event dahil dadayo ang kabilang st. paul university sa kanila dahil ito ang magiging kalaban ng gold university sa basketball game. 


 "Ang ganda ng booth natin! Sana naman makuha natin 'yong best booth award!" sambit ni Shayla nang matapos nila ang pagde-design ng booth. 


"Oo nga! o kaya naman kahit manalo lang 'yong school natin sa basketball, ay okay na. Partida ang performer at muse ng school ay galing pa sa section natin!" pagmamayabang ng isa nilang kaklase. 


"You see? we're proud, kaya wag kang kabahan at mahiya. Itayo mo ang bandera ng section natin," nakangitin sambit sa kaniya ni Maze. Ngumiti siya rin siya rito.


"Pwede ka na magpahinga or umuwi, dapat nga hindi ka na tumulong pa rito dahil may task ka na naman bukas," dugtong pa nito.


"Okay lang, atleast mas napabilis ang paggawa natin ng booth." Wala naman na siyang po-problemahin sa sayaw dahil maaga niya nagawan ng choreography. Muli niyang tiningnan ang booth nila at napangiti siya dahil maganda talaga ang ayos. 


"200 pieces na couple bracelet 'yong nagawa nila Maica?" napalingon siya nang magsalita si Jasper at kinausap si Maze na nasa tabi niya.


"Oo, nakabalot na rin daw kaya wala nang problema," ani ni Maze. 


By group kasi ang task nila at may lima siyang kaklase na naka-assign sa paggagawa ng bracelet na ibebenta nila.


"Shayla! bebe mo oh," sigaw ni Jasper. Pati tuloy siya napalingon kung saan ito nakatingin. Nakita niya si Zaire papalapit sa pwesto nila.


"Anong bebe! Huli ka ba sa balita? si Jeth na ang crush ko 'no!" sigaw pabalik ni Shayla.


"Ah, 'yong kaibigan ni Darren?" 


"Oo! Bonak!"


"Luh!" Napailing na lang siya sa pagtatalo ng dalawa.


Siya naman ay tumalikod at kinuha ang gamit niya. Hindi niya pa rin kaya harapin ang binata, simula noong araw na nasa bar sila.



"Shay! tara na, susukatan mo pa ako ng damit 'di ba?" mabilis na aya niya kay Shay. Doon din siya matutulog sa bahay nito dahil talagang binilhan siya nito ng damit na susuotin niya bukas. 


"Ah, sige sige! wait a minute, sistah." Kumilos ito at inayos ang mga gamit.


"Andie..." Nakagat niya ang ibabang labi nang tuluyan nang makalapit ang binata sa kaniya. Kinalma niya ang sarili at natural na tumingin dito.


"Bakit?"


"Busy ka pa rin? pwede na ba tayong—"


"Ah, bukas na lang! Busy pa ako, may gagawin pa kami ni Shay. Tara na Shay!" iniwas niya ang tingin dito at bumaling kay Shay.


"Let's go! Oh, Zaire. Wala ka atang kasamang babae ngayon?" pagbibiro ni Shay dito.


"Let's talk, now." Hindi siya agad nakapag-react nang hawakan nito ang kamay niya at hatakin siya sa kung saan.


Ilang araw niya na iniiwasan ito at hindi na rin siya tumatambay sa bahay nito. Ayaw niya munang makaharap ang binata dahil nahihiya siya sa ginawa nila. 


Yes! It's just a kiss. Ito ang unang humalik pero tumugon pa rin siya kaya hiyang-hiya siya sa sarili niya. Pinatulan niya ang bestfriend niya!


Pinipilit niyang isipin na lasing lang sila pareho pero hindi pa rin iyon dahilan. May kusa siya noong gabing iyon kaya dapat hindi siya nagpakain sa alak at bugso ng damdamin niya.


Litong lito pa rin siya sa nararamdaman niya.


Tumungo sila sa likod ng canteen. Wala roon ibang tao kaya medyo nakahinga siya ng maluwag.


"Ano ba 'yon? sabi ko bukas na lang kasi may lakad pa kami ni Shay," naiinis na sambit niya rito. She's trying to act like a normal and like there's no awkwardness between them.


"Ilang araw mo na akong iniiwasan, lagpas isang linggo na. If that's about the—"


"No. I'm just busy. Alam mong wala lang 'yon sa akin at lalo naman sa'yo. It's just a kiss!" inunahan niya na ito. Tumawa pa siya rito para iparamdam sa binata na okay lang siya.


"Para kang gago! busy lang talaga ako 'no. Tiyaka ganito ka ba mag-react pag may nahahalikan ka?" natatawang sambit niya at umiling-iling pa.


Hindi nawala ang pagka-seryoso nito kaya unti-unting nawala ang tawa niya. Gusto niya nang umalis sa harapan nito. 


"It's just a kiss?" seryosong tanong nito.


"Oo, as if ikaw ang first kiss ko 'no! 'Wag kang mag-aalala hindi kita hahabulin," muli siyang tumawa at hinampas pa ang braso nito. 


"I am!" galit na saad nito. 


"No! Hindi ikaw 'no! ano ka chicks?" pagbibiro niya ulit. "Sige na! hinahanap na ako no'n ni Shay, may gagawin pa kami—"


"Who's your first kiss then?" nanlaki ang mata niya nang hatakin siya nito at hapitin. Napasandal siya sa pader ng canteen.


"Z-zaire, a-anong ginagawa mo? bitawan mo nga ako!" hindi niya na napigilan hindi mautal dahil sa sobrang lapit nito. 



"Answer me Andie," matigas na sambit nito. Napatingin siya sa mukha nito at kita niya na madilim ang tingin nito at umiigting ang panga. 


"W-wala na sa'yo 'yon! Ba-bakit ka ba nagkakaganiyan? kiss is not a big deal for you and also for me!" inipon niya ang lakas niya at itinulak ito dahilan para mapahiwalay siya sa bisig ng binata.


Zaire licked his lower lip and brushed his hair using his fingers. 


"Damn."


Sinuklay niya rin ang buhok gamit ang mga daliri niya. 


"I don't know why are you acting like that! We should be cool because kiss is just a kiss! We both know that we are drunk—"


"I'm not drunk that time!" Napabuga siya ng hangin sa sinabi nito. Tumalikod siya at pilit na kinakalma ang sarili. Mababaliw na siya, hindi niya na talaga alam.


"Can we forget that? We didn't have s*x for pete sake! Bakit 'di mo na lang kalimutan at parang pino-problema mo pa?" deretsong tanong niya rito at muli itong hinarap. 


"I don't know..." 


"You're totally confusing me." 


"I'm confused too," mahinang sambit nito. Natahimik siya bigla, gusto niya itong tanungin kung bakit ito nagkakagano'n katulad niya. 


"Do you feel something about me?" lakas loob na tanong niya rito. Umiwas ito ng tingin at hindi nagsalita kaya napatango siya. 


"Zaire, you are my closest friend. I hope we will just remain as bestfriends." Napabuntong hininga siya at nilagpasan ang binata. Hindi na ito nagsalita pa kaya patuloy siya sa paglakad. 



She pressed her lips because of the pain she felt. If she like Zaire as a man, she should stop now. Everyone knows, especially her that Zaire is not a serious man when it comes to relationship. Mas mabuti pang magkaibigan lang sila kagaya ng nakasanayan nila.



Hindi niya alam kung bakit bigla na lang tumibok ang puso niya para rito. Matagal naman na sila magkakilala at madalas niya ito makita may ibang babae, kaya hindi niya malaman sa sarili niya kung bakit bigla na lang may naramdaman siyang gano'n.


"Al!" napatigil siya sa paglalakad nang makasalubong si Darren at si Jeth. Ngumiti siya rito at huminto sa paglalakad.


"Goodluck pala bukas! galingan niyo ha?" ani niya rito.


"Oo naman! lalo na ikaw ang muse namin, for sure ganado 'to maglaro," sabat ni Jeth. 


"Thank you! galingan mo rin sa performance mo bukas. Ay 'wag mo pala masyadong galingan baka maraming mahulog," saad nito at napahawak sa batok na parang nahihiya.


Natawa naman siya rito.


"Walang mahuhulog, tomboy nga ako sa paningin ng iba eh," pagbibiro niya. 


"Al! nandito ka lang pala," napalingon siya kay Shayla na maraming dala kaya agad niya itong nilapitan at tinulungan. Nakita niya ang panlalaki ng mata nito habang nakatingin kay Jeth. Bigla itong ngumiti na parang nagpapa-cute. 


Alam niya nang si Shayla at Jeth ay may something. 


"Shay," bati ni Jeth dito. 


"H-hi!" nahihiyang bati naman ni Shayla.


Agad niyang binalingan ang dalawa at nagpaalam na.


"Mauuna na kami ha? may gagawin pa kasi, galingan niyo sa practice at goodluck bukas!" paalam niya rito. Si Shayla naman parang ayaw pa umalis kung hindi pa niya hinatak, na-estatwa na ito sa kinatatayuan habang nakatitig kay Jeth.


"Ano ba 'yan! bitin ang pagtitig, hindi kami nagkita kanina kasi ang daming ginagawa! badtrip!" nakangusong sambit nito habang naglalakad. 


Tumungo sila kung saan naka-park ang kotse nito. Binuksan niya ang likod at nilagay doon ang mga gamit ni Shayla na ginamit nila sa paggawa ng booth. 


Wala na siyang maraming dala dahil kahapon ay dinala niya na ang mga kailangan na damit at gamit niya sa unit nito.


"Anong meron sa inyong dalawa ni Zaire? ilang araw na kayong hindi nagpapansinan ah? or should I say, ilang araw mo na siyang iniiwasan? halata ka girl!" bulalas nito habang nagda-drive.


"May nangyari ba sa inyo?"



"Wala ah!" halos pasigaw na sambit niya kaya napalingon ito ng mabilis sa kaniya. Binalik din nito ang tingin sa daan.


"Eh bakit ka sumisigaw? ito naman 'di mabiro!" natatawang sambit ni Shayla. Hindi na siya nagsalita at napatingin na lang sa daan.


"Deretso muna tayo sa mall, 5pm na naman kaya mag-dinner na tayo bago tayo pumunta ng salon. Ipapaayos natin 'yang buhok mo, trim lang naman dahil healthy naman ang hair mo then pakulayan natin ng pula para fierce!" excited na sambit nito. 


"Shay, may budget ako hindi ako mayaman katulad mo," paalala niya rito. 


"Don't worry girl! ako ang nagpumilit nito kaya ako ang gagastos."


"May pang bayad naman ako, ang sinasabi ko lang 'wag lang masyadong mahal—"


"Shh! para hindi ka makonsensya ito na ang early birthday gift ko sa'yo! okay?" singit nito agad. Hindi na siya sumagot pa dahil alam niyang hindi matatapos ang pagtatalo nila tungkol dito. Ayaw niya kasi masyadong ginagastusan siya ng kaibigan niya dahil hindi naman siya obligado ng mga ito, lalo na pag mga mahal pa ang binibili, nakokonsensya talaga siya. 



"We are here! let's eat then let's make ourselves pretty!" hinawi ni Shayla ang buhok nito kaya tumilapon ang iilang hibla ng buhok sa mukha niya. Bumaling ito sa kaniya at ngumisi ng husto.


"Sisiguraduhin kong bukas ay pagkakaguluhan ka ng mga lalaki, like me!" tumawa ito ng malakas kaya nagsalubong ang kilay niya at napailing. 



Bahala na talaga kung ano man ang kalabasan ng itsura niya bukas. 








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top