TFK #4: 'OUR MOMENT'


Previously on TCK 2:

"Ayame... Diba may gagawin ka pa? *u*" sabi sakin ni Kuya Tungsten sabay wink... Yuckkk... (with triple 'k')

"Oo nga pala Nick... May gagawin pa ako e... Una ka na..." tapos napabitaw naman si Nick... Halatang nalungkot... Eeh?

Tiningnan ko naman si Ate Khas ng 'ikaw-na-ang-bahala-dun' look... Naintindihan naman niya then after that pumunta na kami ni Kuya Tungsten dun sa lugar kung na saan si Kuya Terrence...

And as EXPECTED...

...continuation.

Ayame's POV

"Urgh! Kuya GET OFF ME!!! Ang bigat mo!!! TT___TT" wala nga siyang watergun pero ngayon naman sinasabunutan niya ako at dinadaganan pa! Desperado na talaga 'tong kuya ko! Papatayin talaga ako nito!!! Dapat di na lang ako pumayag kay Kuya Tungsten! TT___TT

Inaawat siya nina Kuya Tungsten at Ate Aika pero malakas talaga si Kuya... Grabe na... Kanina DAMIT ang nawala sa akin, baka ngayon, MUKHA naman! Magkakatrauma na ata ako nito e... HINDI na talaga ako lalapit kay kuya Terrence!!! Hinding hindi na!!!

"TERRENCE STOP IT OR ELSE... HINDI NA KITA PAPASAMAHIN KINA AIKA!!!" napatigil naman si Kuya sa pananabunot sa akin...

"Daddy ko! Daddy ko! But she's a BAD girl!!! She's a CRIMINAL! Pinatay niya si MOMMY KO!!!" sabay duro sa akin at siring... Teka... Kuya ACE, BADING KA BA?! O____O

"Terrence! How many times do I have to tell you na AYAME didn't do anything AGAINST your mother! Nandito nga si Ayame para makipagbati sa'yo kahit na alam niyang wala siyang ginawang masama! Blah...blah...blah...blah..." sinesermunan pa din ni Daddy si Kuya Ace... Si Kuya Ace naman parang bata talaga, may pagtakip pa ng kamay sa TENGA habang binebelatan si Daddy... Eeh?! =___=

"TERRENCE ANO BA!!! Stop SHOWING your TOUNGE!!! I'm going to PULL and CUT it OUT, YOU'LL SEE!!! URGH!!! >___<" galit na galit na si daddy pero nakabhelat pa rin si Kuya at nakatakip ang tenga with his both hands tapos nang-aasar pa yung facial expression... Parang bata talaga...

"Mr. Evangelista... I think it will not help Terrence... Please stay calm... Intindihin na lang siguro natin siya for now and Ms. Ayame Tamia Evangelista... Let's talk..." tapos hinila ako nung doctor palabas ng room... Teka, parang kilala ko 'to e... Ito si Doctor Spade... Yung pinakasikat na doctor dito... Ano naman kayang pag-uusapan namin? Kung makahila... CLOSE?! =___=

***

Tungsten's POV

"Aika ko! Aika ko!!! Gusto ko nun oh!!!" tapos tinuro ni brother-in-law yung vanilla ice cream...

"Sige... Ano pa kuya? ^_^" tapos nilagay naman agad ni Tiffany ko yung tinuro sa tray na hawak ko...

"Yun pa! Gusto ko din nun Aika 'KO'!!!" tapos tinuro naman niya yung fruit salad...

"Ok... Ano pa kuya? ^_^" tapos inilagay ulit ni Tiffany 'KO' yung fruit salad sa tray na hawak 'KO'.

"Yung din! Gusto ko din nun!!!" sabay turo dun sa wedding cake namin ni Tiffany na may konting bawas mula kanina kasi nagsubuan kami e... Ritwal ata ang tawag dun?

"Ok... Ano pa Kuya Terrence? :)" tapos nilagay ulit ni Tiffany ko yung isang malaking plato dun sa tray na HAWAK 'KO'...

"Ahm... Yun pa Aika ko!!! Gusto ko din nun!!!" sabay turo dun sa banana split na nakahain sa dessert table...

"Ah... Ok kuya Terrence... Ano---"

"WOOOO!!! ANG BIGAT NA!!! ANG BIGAT NA!!! MAKARAMDAM!!! (sabay sipol)" pushaa! Di na ako nag-atubiling umimik pa!!! MABIGAT NA!!! Takte... Kung di ko lang BROTHER-IN-LAW ang BALIW este yang si KUYA TERRENCE na yan... NAIBALIBANG KO NA YAN!!! Gawin ba naman daw akong WAITER!!! Pushaaa!

"Tungsty ko... Mabigat na ba? Sorry ha? :(" tapos nalungkot naman si Tiffany ko...

"Halika, tulungan na kita... Kawawa naman ang asawa ko..." tapos kinuha niya yung banana split at vanilla ice cream at dinala na niya pero siyempre, pinigilan ko siya! GENTLEMAN ako e!!!

"Naku... Tiffany ko... Ako na... Kaya ko 'to... Malakas 'to e! Baka mapagod pa ang 'ASAWA' ko... ;)" sabi ko sa kanya then inilagay na naman niya ulit yung mga tinangka niyang bitbitin dun sa tray na hawak ko... Nakita ko naman si 'Kuya' Terrence, ang sama ng tingin sa akin... ;P BLEH! Kala mo ha!!! AIKA 'KO' ka diyan! Si TIFFANY 'KO' yan e!!! Psssh...

After nun, umupo na kami sa isang table at pinakain na namin ang maligalig na si BROTHER-IN-LAW... Pushaa! Ang putakte... Nagpapasubo pa kay Tiffany ko! May kamay naman siya e!!! TSK! Kaasar!!! >____<

Kung nagtataka kayo kung bakit kasama namin siya at pinapakain ngayon... Ganito kasi ang nangyari...

FLASHBACK

Lumabas na sina Ayame at si Doctor Spade ata yun? May pag-uusapan ata sila... Di ko sure e... Sabi nila sikat daw yung doctor na yun... Eh bakit hindi ko kilala? =____= Meaning, hindi siya sikat! Kasi kung sikat siya, dapat kilala siya ng isang Tungsten Iron Corpuz! Bwahahaha! ;D

Kinorner naman agad ako nina Papa Magz, Tito Hel at Lolo Iron...

"Hoy! Ikaw na bata ka! Ikaw ang nagdala kay Ayame dito noh!!!" bungad agad sakin ni Papa Magz...

"Hindi ka talaga nag-iisip na bata ka e noh!!!" si Lolo Iron naman...

"Kung mapatay nun si Ayame?!" si Tito Hel naman...

At aba't! Sinesermunan ako ng tatlong ito?! >____<

Eeh? Kasalanan ko ba?! Kasalanan yun ng BRILLIANT IDEA ko e!!!

"So Tungsten... You must face the consequences then... Kung kanina sinabi sa amin ni Kumpareng Theodore na pag-iisipan mo muna ang pag-aalaga kay Terrence, ngayon hindi na kailangan!" -Lolo Iron...

"HUH? A---anong----" bago pa ako nakaimik, sumabat na agad si Papa...

"You are going to treat Terrence nice!!! Starting from next week, sa bahay niyo na din siya titira! Dun sa bahay na binili ng lolo mo as gift!" -Papa Magz...

"ANONG!!! HINDI AKO PAPAYAG!!!"

"TUNGSTEN!!!!!!!" -silang tatlo, galit na galit na talaga...

"FINE!" napilitan na ako... Kasi naman... Nakakatakot silang tatlo pag JOINED FORCE! >___< Tsk. Tsk. Tsk.

Nakita ko naman agad yung mag-aaama, pertaining to Daddy 'Yow', Tiffany 'KO' at si BROTHER-IN-LAW... Nagtatawanan... Parang mga sira e... Naku! Tiffany ko! Lumayo ka diyan!!! Baka mahawa ka!!!

"Tungsten... Hijo... Halika..." tapos pinalapit ako ni Daddy 'Yow' sa kanila...

"Terrence... This is Tungsten, your sister's husband... Your brother-in-law..." nagulat naman agad yung si BROTHER-IN-LAW... Mwahahaha! Oyes, I'm TIFFANY KO's HUSBAND! BLEH!!! ;P

"HELLO BROTHER-IN-LAW!!! >;)" sabi naman agad sakin ni BROTHER-IN-LAW sabay abot nung kamay niya tapos nakagrin... Aba't, shake hands?!

Inabot ko naman yung kamay ko sabay... "HELOOOOO!!!! URGH!!!! A---------ray!" tapos inalis ko agad yung kamay ko sa kamay niya! Syete!!! Pilipitin ba naman daw!!! >____< Paksheeeeet...

(>__>) vs. (<__<)

"Oh... Tungsty? Anong nangyari?"

"Aika ko! Baka naman, napulikat lang yung kamay niya!!! Halika Aika ko! Gutom na ako! Kain tayo sa baba!!! Please?! *u*" tapos nagpacute naman ang lintek na BROTHER-IN-LAW na yan! Pinulikat mo your face!!! Paksheeeeet!!! At yumapos pa kay Tiffany ko! PUNYETA! >___<

"Tungsty ko... Sama ka... Ipapakilala na din kasi ni Daddy mamaya si Kuya sa lahat e... ^_^" tapos ayun na nga ang pamatay smile ni Tiffany ko! ♥___♥ Shocks! For the EVERY TIME! Nainlab na naman ako sa ASAWA ko!!!

"Kailangang isama pa yan? Psssh..." ooops! Pakinig ko yun ha! Kahit SLOW ako, hindi ako binge!!! Urgh... Ikaw na brother-in-law ka! Kahit pabulong yun malakas radar ko!

"So tara na Tungsty? :)"

Tapos ayun... Bumaba na nga kami...

END OF FLASHBACK

Kaya please lang... Wag kayong magtataka kung bakit LOVE na LOVE ko yang BROTHER-IN-LAW ko na yan! Paksheeeet! LAGAPAK pa!!! >___<

Nandito na nga kami ngayon, nakaupo sa isang reserved table... Maya-maya... Pumunta na sa stage si Daddy 'Yow' at nagsimula ng magspeech... Thank you daw sa pagpunta sa kasal namin ni Tiffany ko... E di ba dapat kami ang nagspeech nun?! Labo!

"At higit sa lahat... Maraming salamat sa pagbibigay ng oras sa araw na ito... Mga pinakamamahal naming panauhin... I think it's about time para maipakilala ko naman ang aking nag-iisang anak na lalaki..." -Daddy 'Yow'...

Halos lahat naman ng mga bisita, nagulantang sa sinabi ni Daddy 'Yow'...

"Ano daw? Si Atty. Evangelista may anak na lalaki?" chismakers #1.

"Diba dalawa lang ang anak niya?" chismakers #2.

"Baka naman nagkaanak siya sa ibang babae? Di kaya?" chismakers #3.

Eeh? Kung makapag conclude naman ang mga ito! Pwede kayo sa opisina ni Lolo! Remember, SCIENTIST si LOLO IRON... Mahilig yun mag experiment! Pwede kayong taga-gawa ng hypothesis... Psssh...

"Let's now all welcome... My one and only SON... Ace Terrence Evagelista..." tapos bigla naman tumayo itong si BROTHER-IN-LAW kong may SALTIK...

"AKO YUN! AKO YUN!!! ^_____^" tek, kelapad ng ngiti!

"Anak, punta ka dito sa stage..." sabi ni Daddy 'Yow' kay Brother-in-law... Maganda yan... Maganda yan! Ng makapagsolo naman kami ni Tiffany ko! Takte...

"AIKA KO!!! TARA DUN!!!"

Tapos nabigla na lang ako, pati si Tiffany ko, hinila niya papunta sa stage... O____O

Teka?! Di ba talaga siya nakakaintindi ng 'SIYA LANG'...

Siya lang ang kailangan dun sa stage! Hindi pati ang asawa ko!!!

Lumingon naman agad sakin si Brother-in-law sabay BHELAT ;P at aba't!!! GRAWR!!! >______<

Nakarating na sila dun sa stage, nagsalita si saltik, as usual...

"HELLO PO!!! Ako po si ACE TERRENCE EVANGELISTA at ito po ang kapatid ko! Si Aika Tiffany 'EVANGELISTA,' ang ganda niya noh?!!!" sabi ni brother-in-law sa mga tao... at teka, kailangang I-EMPHASIZE ang EVAGELISTA?! E kung tutuusin, 'CORPUZ' na ang apelyido ng TIFFANY ko e!!! Syeteee!!! >___<

Ngumiti naman si Tiffany ko pinagsasabi ng kapatid niya... Psssh... >___<

After that, bumaba na din sila tapos dumiretso dun sa mga friendships namin dun sa kabilang table... Pagkakataon ko na! Kukunin ko ang Tiffany ko! BWAHAHAHA! >;D

***

Ayame's POV

Papalapit sina Kuya Ace at Ate Aika... Nakupo... Kailangan ko ng magtago... Psssh...

"Nick... CR lang ako ha!" paalam ko sa boypren ko... Oo kami pa din... MATIBAY kami e! ;P

"Binabalisawsaw ka ba? Kanina ka pang CR ng CR e..."

"Ah basta! Geh!!!" ;P dami pang tanong...

At umalis na nga ako bago pa ako maabutan ng kapatid kong papatayin ako anytime...

Umiiwas na ako habang maaga pa... Sabi kasi nung doctor kanina... Makakasama daw kay Kuya Terrence kung maeencounter niya ako palagi dahil parang ako daw ang pinakapinaghuhugutan ng hindi pag MOVE ON ni kuya sa nakaraan? Gets? Kaya naman, mas maganda na daw yung time by time ihilom yung emotional wound ni kuya at ng tuluyan na siyang gumaling...

Kaya kailangang kong lumayo kina Kuya Terrence... Kahit na medyo nagseselos ako kasi... Hindi niya ako tinitreat as his sister... Si Ate Aika lang ang kapatid para sa kanya... Isa na din siguro yun sa mga rason kung bakit ako lumaking deadma at snob...

Kulang sa atensyon... =_____=

Eeh? Ayame? Nag E- EMO? Di bagay... Psssh...

***

Tungsten's POV

Sinenyasan ko si Khas... Tiningnan ko siya ng 'ikaw-na-ang-bahala-sa-baliw-na-yan' look... Oha! Marunong ako nun!!! Nainitindihan naman ata niya ako at umiling siya! Bwahaha... Remember, takot din yan kay brother-in-law e... Baka daw barilin siya ng MACHINE GUN... HAHAHA...

Nung medyo tingin ko naman ay nag-eenjoy na si brother-in-law sa company nina Khas... Hinila ko ng pasimple si Tiffany ko... Bwahahaha!!! Akin na muna ang asawa ko! ;P

Nagulat naman ata si Tiffany ko at muntik ng makasigaw... Takpan ko nga ang bibig at dinala ko sa likod ng reception hall... Bwahaha! Wag kayong magulo... Gagawa kami ng MOMENT! BWAHAHAHA! *HANDSOME LAUGH*

"Tungsty... Bakit mo ko dinala dito? Si Kuya Terrence... Teka... Babalika----"

"Heh... Tiffany ko naman e... Malaki na yun... Hayaan mo muna yun dun... Halata namang nag-eenjoy yun kina Khas e... Dito ka muna..." hinug ko siya mula sa likod sabay pout ko... Mwahahaha! Umubra kang 'POUT' ka!

"Tungsty naman e..." tapos humarap siya sakin... Nyehehe... Kinikilig na yan! ;D

"Malaki na nga si Kuya Terrence pero ang isip nun pang 3 years old... naiintindihan mo naman diba? Tsaka tayo ang mag-aalaga sa kanya kaya tara na... Balikan na natin siya... Itreat na lang natin siya as our baby? Please? *u*" tapos nag wink pa siya! HEH! Di uubra yan! >___<

"Tiffany ko naman e... Tsk..." gusto ko akin ka muna ngayon! Si brother-in-law naman kasi! Panira moment! >___< Wag kayong magagalit sa akin kung nagiging selfish ako... Eh kasi naman itong asawa ko, kumapatid na ng kumapatid... Ako ASAWA e! TT____TT

"Tungsty... Nagseselos ka ba kay Kuya Terrence?" tapos hinwakan niya ang pisngi ko... Bwahahaha! Kinikilig ako! Pushaaa!!!

"Hi----hindi ah..." Bwahaha! Padeny epek!!! Sige Tiffany ko, magpakasweet ka pa! Kinikilig ako e!!! >////< Ay Tungsten! BAKLITA!!! Bwahahaha... ;)) >////< ^___^ sa kinikilig ako e!!!

"Hindi daw? Halika nga..." tapos nagtip-toe siya at lumapit sa tenga ko... Ay!!! Ikikiss ako ni Tiffany sa tenga ko!!! Waaaaah!!! >//////<

"Tunge... Tanggi pa... Namumula ka... STUPID TUNGSTEN!!! Tara na nga! Si Kuya pag yun nawala, di ako sasama sa'yo sa honeymoon mamaya! ;P Maghoneymoon ka mag-isa!" napanganga naman ako sa sinabi ni Tiffany ko... Oo nga... Meron pang mamaya!!! Bwahahaha!!! Sigurado ako! Masosolo ko siya mamaya!!! Sige na nga... Balikan na ang hanep na brother-in-law na yan... BWAHAHAHA... Mamaya... Mamaya! HONEYMOON! Bwahahaha! Buti ipinaalala ni Tiffany ko! Eeh? Di kaya... EXCITED din siya?! BWAHAHAHA! Maduming utak, LUMAYAS ka! XD

At bumalik na nga kami dun sa hanep na lintek na brother-in-law na yun...

Pero teka...

Ba---bakit wala siya kina Khas?

Na---nasaan si brother-in-law?!

"Khas, si Kuya Terrence?" tanong agad ni Tiffany ko kay Khas...

"Ah... Umalis e... Di namin alam kung saan nagpunta... Katakot nga e... Hinahanap ka, na saan ka daw... E di naman namin alam kasi bigla ka na lang ding nawala... Muntik na kaming kainin kanina!"

"Huh?! Pinabayaan niyo?!!!"

"Hindi naman sa pinabayaan! Pinasundan ko naman kay Barium 'babe' noh... Don't worry..."

Mayamaya, dumating na si Barium...

Pero teka... Bakit walang brother-in-law?!

"Barium! Ang kapatid ko?!" tanong agad ni Tiffany ko kay Barium...

"Huh? Akala ko bumalik na dito? Naabutan ko kasi siya sa CR e... Tapos nag CR na din ako sabi ko bumalik na dito... Pinauna ko na... Di pa ba nadating?!"

"HINDI PA!!!" nagpanic na si Tiffany ko... Ako din, nagpapanic na!!!

Kasi... Wag niyong sabihing si brother-in-law ay nawawala?!

Paano ang 'honeymoon' namin mamaya?!!!

O____O

NAKUPO!!!!!!!!!

...to be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top