TCK Special Chapter 2: Ang Grocery with Tungsten
Tungsten's POV
"Tungsten, ito yung listahan ng mga bibilhin mo. Don't forget yung diaper ni Krypton ha! Medium 'yon, nasa pinakauna para di mo makalimutan! Magkaiba ang DIAPER sa NAPKIN." sabi sa'kin ni Tiffany ko. Agang aga, hyper na naman siya. Ganda talaga ng asawa ko!
"Got it Tiffany ko!" Nakangiti kong sabi sa kanya.
"At isa pa! Wag kang magpacute sa kahera at sa mga sales lady para makakuha ka ng discount. Hindi mo ba alam? Nagsara yung isang grocery store sa isang mall nang dahil sa'yo at sa pagpapacute mo! Nalugi sila at di na nakabangon!" dagdag pa niya.
"Got it Tiffany ko!" sabi ko ulit sa kanya.
"Puro ka got it! Naintindihan mo naman nga ba talaga?!" tanong pa niya.
"Got it Tiffany ko!" ngingiti-ngiti pa rin ako, ang ganda talaga ng asawa ko.
"Haay Tungsten Iron. Siya alis na nang makabalik ka ng maaga!" sabi pa niya at itinulak ako palabas ng bahay.
Umalis na rin ako at dumiretso sa pinakamalapit na grocery store.
Papasok pa lang ako ay tinginan na agad ang mga staff sa akin. Ang hirap talaga ng gwapo. HAHAHA *HANDSOME LAUGH*
Kumuha na ako ng push cart at saka ko siya ipinush. Naalala ko tuloy yung isang kanta ni Vice Ganda na favorite na favorite ko naman talaga. Yung, Push mo yan Teh!
Kinuha ko ang iphone6 plus 7 times 2 to the eight power ko. Isinaksak ko ang aking earphones sa pasakan ng sounds nito at pinatugtog ko ang favorite song ko. "PUSH MO YAN TEH. PUSH MO YAN TEH. PUSH MO YAN TEH EH EH EH EH." Nakarepeat 1 lang yung kanta. Party party ako!
Nagsimula na akong mag grocery. Teka, asan ba yung listahan ko?
Kinapa ko sa bulsa ko ang listahan na ginawa ni Tiffany ko ngunit wala ito doon.
Hala! Baka nalaglag noong kinuha ko ang iphone 6 plus 7 times 2 to the 8th power ko! O____O
Tumingin ako sa paligid at nakita kong hawak ito ng isang batang kalbo, katabi niya ang tatlo pang batang kalbo. Magkakakambal ata. Para tuloy silang ninja turtles! XD
Siguro kaedad sila ni Krypton. (3 years old si Krypton at this time, and the mere fact is nakaDiaper pa rin siya.)
"Hi bibi. Give that to kuya pogi." Aamo among sabi ko sa batang pagong ngunit sa halip na ibigay niya ang grocery list ko ay binelatan niya ako.
Ang cute naman! Dumidilang pagong! *O*
"Ayoko nga. Di ka naman pogi e! Pwet ka lang ng daddy ko!" sabi niya sa akin. Aba't! Salbahe 'tong pagong na 'to ah!
Nakita ko naman ang daddy ata niya, malaki ang katawan, at kalbo din ito. Nagspark ang aking mata. Kuminang ang ulo nito. May bigla akong naalala. Yung favorite kong cartoon noong bata ako! Dragon Ball Z! Tandang tanda ko dati, gusto kong maging super sayan at mangolekta ng dragon ball para mapalabas ko yung pangit na dragon na kamukha ng lolo kong si Iron! Nagpakulay pa nga akong buhok nun e, dilaw! Pero sa halip na magmukha akong sayan, nagmukha raw akong sisiw! Yun ang sabi ni Daddy.
At bago pa ako tuluyang mag day dream ay bumalik na rin ang diwa ko.
Rinig ko ang panganganchaw nilang apat, "Mukhang puwet ni Daddy! Mukhang puwet ni Daddy!" sabi ng mga ito sa akin habang pinagpapasahan yung listahan ko ng grocery.
"Ang gwapo naman pala ng pwet ng daddy niyo sana naging pwet na lang siya." Pang-aasar ko sa kanila.
Mukha naman silang nagalit at unti-unting lumapit sa akin.
"Tingin kayo sa salamin! May lollipop!" Panglilinlang ko sa kanila nang papalapit na sila. Tumingin naman silang apat nang sabay sabay sa salamin na nasa kaliwa nila.Hinablot ko agad ang listahan sa kanila. Hindi naman ako nahirapan pero napunit ito sa higpit ng pagkakahawak.
"Wala namang lollipop e!" Angal ng mga munting pagong.
Kukunin ko pa sana ang kapiraso ng papel ngunit pinunit na agad ito noong salbaheng pagong.
"Diyan ka na nga manong puwet! Wala kang kwenta!" Iniwan nila ako. 'Hala! Ano yung pinakauna sa listahan?!' tanong ko sa sarili ko.
Pinilit kong buuin ang pirapirasong papel na nasa sahig ngunit hindi ko ito mabuo.
Patay na! Lagot ako kay Tiffany nito!
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siya pero unattended naman ito.
"Sht. Bakit ba kasi ang gwapo ko?!" Oo, kasalanan 'to ng gwapo kong mukha! Kung hindi sana ako naging gwapo hindi ito mangyayari! Tsk. Tsk. (>y<)
I made up my mind, tiwala ako, maaalala ko rin yun! Sa ngayon ag bibilhin ko muna yung iba.
"1 baby powder 300 grams, 1 baby lotion 250 mL, 1 baby oil 50 mL, 3 packs modess-regular with wings, 1 olay whitening cream, 1 bath salt, 1 body scrub, etc. (Puro beauty products)." Kinuha ko na ang mga pinapabili ni Tiffany pero bad news! Di ko pa rin matandaan yung pinakauna sa list!
Naglakad pa ako papunta naman sa mga pagkain, may mga pinapabili rin kasi si Tiffany na mga pagkaing pang ICE (In Case of Emergency).
Pilit ko pa rin inaalala yung number 1 sa list niya.
"Donatello, Michaelangelo, Raphael and Leonardo!" napalingon ako sa tumawag.
"Why Popo?!" tanong ng mga maliliit na pagong sa tatay nilang Dragon Ball.
"Stay with me. You might get lost my dear sons." WOW NAMAN ENGLISHERO YUNG DRAGON BALL! AMAZING e. BRITISH ACCENT!
"Sure Popo!" Sagot naman ng mga baby pawikan. Napalingon naman ang isa sa mga pawikan sa akin at muli akong kinanchawan.
"Yung mukhang puwet oh! HAHAHAHA. Pwet pwet pwet!" saka ulit sila humagalpak ng tawa. Sa halip na mainis ay napangiti ako sa sinabi nila. Tama! Yun nga! Naalala ko na! DIAPER! DIAPER ang nasa unang list!
Sa sobrang tuwa ay napahalik ako sa nagkikintabang ulo ng mga pagong.
"Thank you Turtle Brothers!" sabi ko sa kanila, mukha naman silang nagulat sa ginawa ko.
"EWW! Mukhang puwet just kissed us!" Angal pa nung isa. Daming arte ah!
Muli nila akong binelatan. Di ko na lang sila pinansin. Nang tawagin sila ng ama nilang dragon ball ay nagtakbuhan na sila.
Dumiretso na ako sa may diaper section.
Akala ko magiging madali na ang lahat ngunit nang makita ko ang label sa bawat diaper ay muli akong naguluhan.
"Hmm. Small, medium, large, adult? Alin nga ba?" Napaisip ako. Kumuha akong isa at binasa ko yung content nung diaper.
'Adjustable. For all sizes.' yun yung nakalagay sa packaging.
"Tamang tama." Inilagay ko na sa push cart ko ang diaper. At last! Makakauwi na rin ako.
Aika's POV
Umiiyak si Krypton, "Sssh. Tahan na baby sssh." karga karga ko siya. Bakit ba tuwing ako ang mag-aalaga sa kanya umiiyak siya? Bakit pag si Tungsten, komportable naman siya?
"Mommy baba mo ako! I'm a big boy na!" sabi pa niya, binaba ko naman siya. I can't help my self, I shouldn't ask this but I want to know the answer.
"Krypton, do you like Daddy Tungsten more than Mommy Aika?" tanong ko sa kanya.
Bigla naman siyang tumahan. "Yes mommy I like Pare! I want Pare!" Napapout na lang ako, Daddy's boy ang batang 'to.
"Oo na. Maya-maya nandiyan na siya." sabi ko na lang. Nakakahurt naman sa feelings na mas gusto ng anak mo yung tatay niya kaysa sa'yo.
Maya-maya pa ay dumating na rin si Tungsten. Ang dami nitong dala.
"Tiffany ko. I got it all for you!" In the tune of SM Theme Song yan.
"Patingin nga." Chineck ko yung pinamili niya habang sila namang dalawa ni Krypton ay naglalaro. Di ko mapigilang di mainggit sa closeness nilang dalawa. Di ko alam kung bakit. Pareho ko silang mahal pero bakit nakakaramdam ako ng selos?
Ipinagpatuloy ko naman ang pagcheck ng mga pinamili ni Tungsten. Okay na sana lahat but not until nakita ko yung binili niyang diaper.
"Tungsten!" Pagtawag ko sa kanya. Lumapit naman siya agad.
"Yes Tiffany ko?!" tanong nito nang makalapit.
"Ano 'to?!" Pagalit kong tanong.
"Diaper." Nagtataka niyang sagot. Mas lalo akong nainis.
"Oo alam ko at alam mo ba kung anong size 'to?!" Tanong ko pa.
Mas lalo akong nainis sa sagot niya. "Adjustable. Para sa lahat?"
"TUNGSTEN!" di ko na napigilan ang sarili ko. "ADULT SIZE 'TO, ADJUSTABLE NGA PERO PARA SA LAHAT NG MATATANDA!" Pagalit kong sabi sa kanya.
"S-sorry na Tiffany ko. Napunit kasi nung mga batang pagong yung listahan ko. Di ko na nabasa ng ayos." Niyakap ako nito na para bang naglalambing.
"Ewan ko sa'yo! Puro ka sorry! Palagi na lang! Di lahat nadadaanan sa sorry!" Pilit akong kumakalas sa kanya.
"Mommy? Pare? Nag-aaway po ba kayo?" Tanong ni Krypton.
"HINDI/OO!" nagkatinginan pa kami at nagkaiwasan pa ng tingin.
Tuluyan akong kumalas sa kanya at dumiretso sa aking--aming kwarto. Umupo lang ako sa kama.
Ramdam ko ang pagpasok niya. Sabi na nga ba e, susunod siya."Tiffany. Di ka naman ganyan dati ah. Alam kong hindi ito dahil sa diaper. May problema ba?" Tinabihan niya ako.
Hindi ko siya iniimikan.
"Tiffany ko. May problema ba?" Muli niyang tanong. This time, hinarap ko na siya.
"Bakit mas gusto ka ni Krypton kesa sa'kin?!" Tanong ko sa kanya.
Nagulat naman siya at biglang napatawa.
"Oh bakit ka natawa?!" tanong ko pa.
"Tiffany kasi e! Nagseselos ka ba?!" Tanong pa niya.
"H-hindi noh!" Pagtanggi ko. Bakit?! HALATA BA?!
"Di raw. Halika nga." Niyakap niya ako at hinaplos ang aking buhok. "Bonding lang ang kulang sa inyo ni Kr. Ikaw kasi e, busy ka sa pagiging career woman." Sabi pa niya.
"So what should I do?" Tanong ko sa kanya.
"Tara." Inalalayan niya ako patayo at bumalik kami sa sala.
"Pare, mommy bati na agad kayo?!" Tanong ni Krypton sa amin.
"Yes Pare! Tara, maglalaro tayo."
Kumuha siya ng dalawang diaper at ibinigay ang isa sa akin.
"Suot mo Tiffany ko." Utos niya sa akin like...
"NO WAY!" sabi ko sa kanya.
"Sigi na Tiffany ko. This will be very exciting. Gusto mong makuha ang loob ni Kr diba?" Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Isinuot ko ang diaper at ganun din ang ginawa niya.
"Pare. Today is Diaper's Day. Ganito lang ang gagawin mo, huhubaran mo kami ng diaper ng Mommy mo at kapag nagawa mo yun, may prize ka. Mas malaking prize pag si Mommy mo unang nahubaran mo, okay ba 'yon?" Tanong niya dito.
"Sounds interesting pare! Game na!" sagot ng anak ko. Mukhang excite na excite siya.
"In the count of 1, 2 and 3! Happy Diaper's Day!" Nagsimula na ang game, ako ang target ni Kr since mas malaki yung prize niya if ako ang mahuhuli niyang una. And as her mom, nagpahuli ako. All I want is the best para kay Kr.
At doon nagsimula ang annual Diaper's Day ng aming pamilya.
Mula noon, naging close na rin kami ni Kr. Though mas close pa rin sila ni Tungsten, close na rin naman kami.
Salamat sa adult diaper na binili ni Tungsten.
HAPPY DIAPER'S DAY!
***
A/N: Hi! Random thoughts only! Medyo hindi ko talaga siya napag-isipang mabuti! Kumbaga ss gera, sugod lang ng sugod kahit walang armas! XD Namiss ko lang ang TCK, that's why and of course, namiss ko kayo. Nawa'y nagustuhan niyong lahat! Love you all. Keep the faith and God Bless us all! :*
PS: Congratulations sa TCK Operators na grumaduate! Diana, Claude, Vida, Leigh, Joanne, Riyah, sino pa ba? Basta sa lahat ng operators, kundi ko man nabanggit pasensya na! XD Pati na rin sa mga readers na grumaduate! At siyempre kay Hana na pumasa sa LET. (HAHAHA HANG OVER) Basta matagal na 'yon, gusto ko lang imention ulit. Teheee. Love you all! Mwa <3 :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top