[TCK 10.3]*
(Barium's POV)
Miss ko na si Khas! >;(
I miss my girlfriend badly...
Kung bakit ba naman kasi nakipag cool off! Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah...
Except dun sa hindi ko pag inform na ieengage si Kuya kay Camella...
Aba! Pakelam ko naman sa mga yun...
Tsaka biglaan yun! Lahat nga kami nabigla nung araw na yun!
Biglaan nga kasi...
Pero kung sa bagay...
Kawawa naman si Aika...
Nakita ko nga s'ya sa party nun e!
Ang gulat ko...
Bakit s'ya nandun?
Wala naman kaming nasabihan kasi biglaan nga!
Pati si Khas my babe, nandun din...
Naman oh...
Napasama na din ako kay Kuya paglipat ng section...
E kasi naman, nagmakaawa...
Wala daw siyang kilala dun sa kabilang section...
Forced paglipat yung nangyari kay kuya e...
The school owner ordered too...
Alam kasing may Aika si Kuya sa room...
So that explains all...
Tinitingnan ko na lang mula sa malayo si babe Khas...
TT________TT
I miss her badly! >______<
***
(Khas' POV)
Ano ba naman 'tong si Aika...
Masyadong pabaya...
Ayan tuloy nagkasugat sa tuhod...
Dinala ko s'ya sa clinic since may sugat s'ya...
Pa'no ba naman kasi, tinisod/tinakid nina Kessy at Trixie kanina sa hallway.
Kasalanan ba ni Aika na naging sila ni Tungsten? Di naman diba?
Mga inggitera...
Kalat na sa school...
Engage na sina Camella at Tungsten...
And so?
=_________=
I care much. Yea, I care a lot...
Nga pala, cool off kami ni Barium.
Waley lang. trip ko lang. Nakakasawa na kasi hitsura n'ya...
So para di ako magsawa, cool off muna.
Hoho~ >;D
Bayae n'yo s'ya... Kung maghanap s'ya ng iba, bahala s'ya...
Meaning, hindi siya loyal, right? ^________^
Nandito lang kami sa clinic...
Simula nung party nina Camella, hindi na din masyado nag-iiimik 'tong si Aika...
Affected much talaga...
Wawa naman si Tiffany...
Talking about Xenon...
Umalis na s'ya and before he leave...
Alam n'yo na naman siguro...
We talked...
Yung mga gusto n'yang sabihin kay Aika, sa akin n'ya sinabi...
Baka daw kasi hindi na s'ya makabalik bago ang kasal nina Tungsten.
And speaking of kasal...
Sa birthday daw ni Camella gaganapin mismo yung kasal...
Sa mismong debut ni Camella, kasabay na ang kasal...
Well, kailangan kong masabi kay Aika yung mga nalalaman ko bago pa mangyari yun pero hindi talaga ako makahanap ng tiyempo...
Pa'no ba naman, sa tuwing ioopen ko yung topic bigla na lang n'yang sasabihin ay:
"Hep, don't talk about it Khas. It's over... Kapag inopen mo pa yan, magagalit na 'ko"
Yun lagi ang sinasabi niya...
Hayy. Kupo. =______=
Paano ko sasabihin lahat?
Paano ko sasabihin na inano lang ni Camella si Tungsten...
Paano ko sasabihin na hindi yun ginusto ni Tungsten?
Paano ko sasabihing yung baby na dinadala ni Camella ay-----
"Khas, tara na... Balik na tayo sa room..." naputol yung pag-iisip ko, bigla s'yang nagsalita e...
"Okii... Kaya mo na?" tanong ko sa kanya...
"Oo naman... Strong 'to... :)" sabi niya then fake a smile...
Ok, as she said... Kaya n'ya...
Napatingin ako sa tuhod n'ya...
May naalala ako...
Parang kailan lang, nung sa parking lot...
Tinulak s'ya ni Tungsten para lang hindi maurungan ng kotse...
Nagkasugat din s'ya nun...
Sa tuhod din...
Si Tungsten ang dahilan...
At ngayon, may sugat ulit s'ya...
Si Tungsten ulit ang dahilan...
Haaaay. Bakit ba kailangan pang umepal ni Camella kung kelan, ok na ang lahat?
Nagpabuntis pa kasi e... =_________=
Ay, BAD.
***
(Tungsten's POV)
[A/N: Ayaaan na. Hoho~ Let's here it from him. Lul!]
Engage na ako...
Sa babaeng hindi ko naman gusto!
Magkakaanak na ako...
At sa babaeng hindi ko naman gustong anakan!
Pushaaaa! >_______<
Bakit ang saklap ng buhay ko?!
Bakit si Camella pa?!
Pushaaa naman oh!!!
Bakit sa babaeng yan pa?!
RAPIST yan e! RAPIST!!!
Pushaa talaga!!!
=___________=
Si Tiffany...
Wala na akong mukhang maiiharap sa kanya...
Nasaktan ko s'ya...
Mula nung engagement party which is monthsary namin, hindi ko na s'ya nakausap pa...
Nasamsam kasi cellphone ko pati lahat...
Ni hindi ko man lang s'ya nabati...
Oo, kasalanan ko...
Pero...
Kasalanan din niya!!! (point to Camella)
Nasa bahay ako ngayon...
Itong babaeng 'to, nandito din...
Pushaaa naman! >______<
Magkasama kami sa bahay...
Yun kasi ang napagpasyahan ni Mr. Sy at ng aking lola...
Oo, may lola ako...
Si Lady Cassandra Corpuz...
Bagong uwi galing States...
At eep. Botong boto s'ya kay Camella...
Pushaaa naman! Kung gusto n'ya kay Camella, s'ya na lang magpakasal!
Isa pang kontrabida, dapat di ka na lang umuwing matanda ka!!!
=__________=
Ito namang kasama ko dito, buwisittt!!!
Kung hindi lang 'to buntis nasapak ko na 'to...
Dikit ng dikit, parang linta! Pushaa naman!
Ang kafal pa ng muka!!! Kaya lalo akong napilitan sa engagement na 'to...
Magpakita ba naman daw ng picture naming dalawa! Magkatabi sa kama!!!
Pushaaa!!! Ayan tuloy, nadiin na talagang ako yung ama nung batang nasa tiyan niya!!!
Pushhaaa! Ni wala nga akong maalala!!!
Ayoko sa engagement na yun nuh!!! Pushaa naman, si matandang Cassandra kasi epal!!!
Hindi na nga pumayag si matandang hukluban/Lolo Iron, ipinagpilitan pa!!!
Pushaaa talaga!!!
Bakit ba aksi umuwi ka pang matanda ka!!!
Ketagal tagal mong nawala!!!
MATANDANG CASSANDRA + RAPIST na BABAENG CAMELLA = Pushaaa!!!
Ng dahil sa inyo, nawala si Tiffany ko!!!
=________=
Miss ko na si Tiffany ko... TT_____TT
Tuwing nasa school, palagi ko s'yang sinusundan...
Mukha na nga akong Stalker e...
Araw-araw maaga akong naalis dito sa impyernong bahay na 'to...
Pumupunta ako sa bahay nila... Sinusundan ko siya...
Mula sa bahay nila pag papasok s'ya hanggang sa makauwi s'ya...
Napapansin ko lang, tumamlay s'ya...
Kasalanan ko ba? Ako ba?
Sorry Tiffany ko...
Sorry... >:(
Kanina sa school, habang sinusundan ko siya, nakita ako ni Danna...
Si Danna, yung girlfriend ni Tyrone...
Mabait yun! Kaclose yun ni Tiffany e...
Tinawag n'ya ako...
(Flashback)
"Huy!" may tumawag sakin, nasa may tapat ako ng library, sinusundan ko si Tiffany, hindi ko alam ang nangyari pero nung pagkita ko, may sugat yung tuhod n'ya... Nag-alala ako... :(
Lumingon ako, may tumawag sakin e...
Nakita ko si Danna, nasa labas ng library, mukhang may iniintay...
"Oh? Bakit?" tanong ko sabay lapit sa kanya...
"Wala... Musta? Hehe. Long time ah! :)" sagot n'ya sakin...
"Ah... O-ok naman..." yun lang ang nasabi ko, PUSHAAA! Hindi ako OK!!! Miss ko na si Tiffany!!! >____<
"Weh?!" sabi naman n'ya... Teka, nang-aasar ba 'to o obvious lang ako?
"So pa saan ka? Mukhang nagmamadali ka ah..." dagdag pa niya...
"Ah... Wa-wala..." sagot ko na lang... Ayoko ngang sabihing sinusundan ko si Tiffany... Kasalanan ko naman e kung bakit nawala s'ya sakin...
"Wala daw... Sinusundan mo lang si Aika e!!! Hahahaha!!!" sabi n'ya sakin... WHAAAAAAT?! Papanong--- Alam kaya niya!? Siguro naman hindi noh!!! Nanghuhuli lang 'to...
"Huh?! HINDI NOH!!!" sabi ko na lang... Takte, mahuhuli pa ata ako... Tapos feeling ko namumula ata ako? Sheteng mukha! >____< Epekto ni Tifffany ko...
"Haha... Mukamo... Mapula!!! TOMATO!" bigla akong natigilan sa sinabi niya...
"Haha... Mukamo... Mapula!!! TOMATO!"
"Haha... Mukamo... Mapula!!! TOMATO!"
"Haha... Mukamo... Mapula!!! TOMATO!"
Naalala ko si Tiffany ko, nung una kaming nagkameet sa mall...
Tinawag ko s'yang STUPID TOMATO...
Kasi naman, namumula tapos parang t*nga...
=_________=
Mas lalo ko tuloy s'yang namiss!
Miss ko na si Stupid Tomato...
Miss ko na si Ms. Amazona...
Miss ko na si Tiffany ko...
After 3 seconds, may sumulpot...
Si Maria Ysabelle Khaira Atienza aka MYKA lang pala... Syota ni Lance Udeo Kevin Estrella aka LUKE na seatmate ni Tiffany ko, o kay hahabang pangalan.
Bakit ganun? Palagi na lang may connect kay Tiffany ko...
=_______=
Miss ko na talaga s'ya...
Mayamaya, akmang aalis na sila... Papasok ata ng libabry...
Baka mag-aaral...
Finals na bukas e...
"Sige Tungsten! Baboo!!! Hoho~ Best wishes nga pala sa inyo ni Camella... Don't worry... Ok lang si Aika! :)" paalam ni Danna sabay pasok sa Library...
Huh?
Best wishes?
PUSHAAA! >_______<
Basag moment ka Danna!!!
Pero...
Ok lang daw si Tiffany ko...
Eh? Naman?! In what way?
Lul, alam ko, hindi din...
At kasalanan ko yun...
TT______TT
Sorry Tiffany ko...
Hindi ko naman 'to ginusto e...
Inipit lang ako ni Lola... ;(
Miss na kita... TT_____TT
"Tungsten... May dinner nga pala tayo nina Daddy ko, Lolo at Lola mo mamaya... Pag-uusapan na daw about OUR wedding... Kelangan ka dun future HUSBAND. Sabin g lola mo..." sino pa ba? E di si Rapist. Pushaa! Magdinner ka mag-isa! Lamunin mo lahat ng pagkain dun! Lamunin ka na ng lupa! >______<
"Ok." Umoo na lang ako... Wala din naman akong magagawa e... Kung bakit ba kasi under ni Lola si Lolo...
Ketagal tagal nawala tapos bigla na lang babalik ng walang pasabi...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top