[TCK 1]* -- Let's START Ü

"TUNGSTEN IRON CORPUZ" sabi nung isang babaeng mas maikli pa ang skirt sa shorts n'ya.

"Ahh! Si Tungsten my baby loves! Alam mo ba, naging kami for 3 hours!" sabi ni girl na pumuputok sa red yung labi.

Napataas naman ng kilay si blonde haired girl as she says, "Hayyy. Is that what all you got? Ano ba yan! How pityful cos Tungsten and I?Naging kami for 5hours!"

Si ate girl naman with her high heels on, pasmirk-smirk lang. Ah, alam na! May ipagyayabang din 'to, "Oh come on girls. Stop dreaming, cos Tungsten and I? We've been together lang naman for 24hours." sabi niya with full confidence.

Gulat na gulat silang lahat.

"24 HOURS?!" the girls na kanina pang nagyayabangan said in chorus.

"Wow, girl, ano namang ginawa n'yo for 24 hours?" manghang manghang tanong ni girl with her red lips on.

"Uh, ano nga ba? Well, all I can say is, Tungsten is a very good kisser!"

Napatakip ng labi si blonde haired girl. Si ate naman na may red lips bigla na lang nagcollapse. Yung iba namang mga babaeng nakikinig sa usapan nila mukhang amaze na amaze.

OA ba? Well, kung pakakaisipin mo, oo, ang OA nila but what you've just heard were all true.

Araw araw na lang, ganyan ang napapakinggan ko sa corridor namin.

Wala namang Chemistry pero puro Tungsten, Tungsten, Tungsten!

Like Tungsten is a very good kisser, Tungsten is hot and Tungsten is everything.

Pag di ka naman naumay! He's the talk of town. Sino ba kasi yang Tungsten na yan?

Sa araw-araw na ginawa ng panginoon, palagi ko na lang naririnig ang pangalan na 'yan!

"Tungsten is a slut!" sabi ko--wait. Did I just say it out loud?

Napatingin ako sa paligid ko and all these girls are glaring at me.

"Miss, what did you just say?!" taas kilay na tanong sa akin ni girl na may blonde hair.

Napalunok ako. Maya maya pa isa isa na silang lumapit sa akin.

"WHAT DID YOU JUST SAY?!" sabay sabay nilang tanong sa akin at pinalibutan ako.

I never felt this intense before! Dad pick me up, I'm in trouble.

That Tungsten guy! Second week ng college life ko, mapapaaway pa ata ako.

Kung sino ka mang Tungsten ka, wag kang magpapakita sa'kin!

"Ah, w-wala" pagmamaang maangan ko. Wala naman talaga akong ginawa Hello?! Article III: Bill of Rights, Section 4: Freedom of speech/expression.

Imagine me winking. Natutunan ko 'yan kay Dad cos he's a well-known lawyer!

"Anong wala miss, HINDI KAMI BINGI! TINAWAG MONG SLUT ang pinakamamahal naming si TUNGSTEN!" bulyaw sa akin ni ate girl na may maikling skirt.

"W-wala nga akong sinabi e!" pagtanggi ko sa kanila. Mukhang triggered na triggered sila.

"Hindi mo kilala si Tungsten, my baby loves kaya wag na wag mo s'yang sasabihang slut! Mapagmahal lang talaga ang aming casanova prince!" sabi ni girl na mamutok mutok sa pula yung labi.

Casanova what? Prince? Hello?! Walang prince sa Pilipinas!

Democratic type of Government tayo, hindi Monarchy!

Ayan, umiiral na naman ang mga natutunan ko kay Dad.

"Hey, anong nangyayari dito?"

Muling napataas ang kilay ni ate girl. Umalis sila pagkakapalibot sa akin at hinarap yung nagsalita.

Magtataray pa sana siya pero nang makita niya kung sinong nagsalita, sabay sabay na silang lahat nag-iritan. Halit na halit yung lalamunin na para bang nakasakay sa roller coaster na times 10 yung bilis.

Nag-ayos ako ng sarili ko. Grabe, sa sobrang intense ng nangyari naiga yung pawis ko.

I'm not sure if I should be thankful to this guy kasi sa kanya na-divert yung atensyon nina ate girl or not be thankful cos he made them hysterical.

Paano ba namang hindi kikiligin yung mga girls dito, that guy who just came is..sabihin na nating one of a kind. That typical Mr. Popular you read in stories. Gano'n yung datingan niya. And I guess, isa nga siya.

"B-barium!" sigawan nila.

Kanina TUNGSTEN ngayon BARIUM!

Ano ba?! Mga Scientists ba magulang ng mga nilalang dito?

Puro chemical elements na lang ang pangalan???

"BARIUM! Ikaw nga!" nagsigawan yung mga girls tapos yumakap kay Barium daw.

At last, wala na sa akin ang atensyon nila!

Ang tagal naman kasing magbukas ng room namin...

Two weeks na simula ng nagstart ang klase namen...

Nga pala, hindi pa ako nagpapakilala..

I'm Aika Tiffany Evangelista, 16 years old, first year college student sa Miriam Inares Sy University.

I'm taking up AB Legal Management since I'm a frustrated Lawyer wanna be.

Kaya nga siguro ang dami kong alam about laws*

Hindi sa pagmamayabang, saulo ko na ang ARTICLE 1 - ARTICLE 10 (including lahat ng Sections) ng ating Philippine Constitution. :D

Gusto n'yo irecite ko???

Ayaw! Baka humanga kayo e.

Sige, balik sa aming school.

Hindi pa bukas ang room.

Ang tagal. Sabihin n'yo lang kung walang klase!

Yung si Chemical Element Barium daw, pinagkakaguluhan pa din ng mga MENTALLY RETARDED EX kunoh ni TUNGSTEN daw. Sabagay, gwapo/chinito/lakas ng appeal! At yan si Barium daw. K, I'm not falling, I'm just describing.

Hindi pa din bukas ang room, hello?! Anong oras na???

9:18am na! 9:00am ang klase namin...

Nakoh, 2minutes na lang, 9:20 na. MEANING, kapag 9:20na at wala pa si Prof, gora na!

20minutes late ang teacher is equals to *NO CLASSES*

Hayy. Ano ba yan... 9:19 na... Wala pa din si Prof.

Favorite subject ko pa man din! Philippine History! >_<

1 minute na lang wala na kaming klase sa favorite subject ko.

Mayamaya dumating na si Prof.

Sa wakas! Makakaupo din.

Pumasok na kami sa room tutal dun ang room namin.

Nga pala, paglilinaw lang, yung mga MENTALLY RETARDED EX kunoh ni TUNGSTEN daw ay hindi ko kaklase, mga MASS COMM ata yung mga yun kaya napakachichismosa. >_<

Sa room, wala sitting arrangement, bahala ka kung saan ka uupo.

Hindi pa kasi final ang class list kaya wala pang sitting arrangement.

Saan ako nakaupo? FIRST ROW. Sa may gitna, katapat ng teachers table.

Favorite subject ko 'to e.

Pero pag MATH? Ayoon, nasa may pinakasulok ako, yung tipong kulang na lang tanggalin ako sa class list kasi halos di na ako makita! :)) ganun ako katalino sa math.

Pansin ko lang mas dumami kami ngayon.

Mas madaming irregular. Kaya hindi mafinal ang class list e, dami nadagdag.

"Class, wala pa ding final na class list so mag-aattendance muna tayo sa yellow paper..." sabi ni Prof.

Kumuha s'ya ng yellow paper tapos ipinapasa sa class.

Attendace daw yun. K.

Sa totoo lang hindi ko pa kilala mga kaklase ko, hindi kasi ako palaimik e.

Yung tipong kung hindi mo ko kakausapin hindi din kita kakausapin...

Eh ang mga katabi ko ganun din ata ang pananaw, so ayun, walang imikan.

K, Fine. Panisan ng laway, GO*

Dumating na sa aking yung Yellow paper na pang attendance daw.

Madami na ang nakapag attendance, dun kasi sa kabilang side nagsimula tapos palikod yung naging attendance so kaming mga nasa unahan ang nahuling magsign.

Nagbasa muna ako ng mga names ng mga kaklase ko.

Ito lang mga napansin kong names:

Camella Erina Sy

Danna Eloise Niva

Khassela Aleya Tiangco

Maria Ysabelle Kairah Atienza

Lance Udeo Kevin Estrella

Tyrone Oliver Matias

BARIUM Iron Corpuz

Yung si BARIUM? Kaklase ko pala yun nuh?

Napatingin ako sa may likod, nandun nga si Chemical Element Barium.

Nakikipag... O_O

Nakikipag FLIRT sa isang girl.

Kung anong ginagawa nila?

Sensya, MTRCB, Rated SPG.

Tumingin na ulit ako sa harap, PDA.PDA.PDA., nagsign na sa attendance ng...

"TUNGSTEN!!!" sigawan yung mga babaeng nasa likod ko.

Hayy ano ba? TUNGSTEN na naman!?

Pagtingin ko sa may pinto, may dalawang lalaki.

Yung isa mukhang Nerd pero cute, may salamin kasi e tapos chinito. Parang may kamukha s'ya... ^_^

Yung isa naman mukhang haggard na tupa. Pawis na pawis pero COOL ay hinde, HOT!

MyGod Aika! Nevermind! Nandito ako para mag-aral.

Teka nga...

Sino ba ang mga yan?! Agaw atensyon.

"Sorry Sir we're late!!!" sabi ni Haggard na TUPA.

Si Cute Nerd guy naman pumasok na din.

Teka, may hawig sila.

"Ok lang Mr. Corpuz, you two, sign the attendance and take your seats." Sabi ni Prof.

"TUNGSTEN!!! Dito ka!!! Tabi tayo baby!" sabi nung isang girl.

"Hindi!!! Dito ka darling!!!" sabi pa nung isa.

Ok, nagkakagulo na sila...

Pero teka...

TUNGSTEN?! O_O

Did they just said "TUNGSTEN?!"

Tumingin ako sa may likod ko, si HAGGARD TUPA katabi na nung dalawang babaeng nag-aagawan sa kanya kanina, pinagitnaan s'ya. Teka, yan ba si TUNGSTEN?! ?_? K. I have no idea.

Si Cute Nerd Guy naman, teka, nasaan na ba yun?

Hinanap ko, at ayon, nasa may tabi s'ya ni...

BARIUM? O_O

Si Barium sinusuntoksuntok si Cute Nerd Guy.

Teka? Binubully na agad ni Barium si Cute Nerd Guy!?

Ayt. Uso pa ba yun sa college? That bully thingy?

Hay, kawawa naman si Cute Nerd Guy. >_<

Teka, balik sa klase, bahala sila, halatang di nakikinig kay Prof e.

Bigla na lang may pumasok na babae tapos may binigay na papel. Ano kaya yun?

"Ok class, nandito na ang final class list so, aarrange ko na kayo ha..." sabi ni Prof.

Iniarange na kami ni Prof.

Pinalabas muna lahat. As in lahat.

Alphabetical daw kasi. Bale Letter "A" na surnames lang nasa loob.

Mayamaya pumasok na yung mga "B" ang surnames, kasabay nila ang "C" surnames.

Letter "E" ako kaya baka mayamaya lang tawagin na din ako.

"Danna! Danna! Yun pala si Tungsten noh?! Gwapo nga! :)" sabi nung girl na nakaponytale.

"Oo nga Bff! Gwapo nga!" sabi nung Danna daw?

"Kaso ang lande!" sabi ni Ponytale girl.

"Eh! Natural! Casanova nga e." sabi ni Danna daw.

O sige, ako na chismosa.

Teka, pinag uusapan nila si TUNGSTEN daw.

Ano? May gusto din sila kay TUNGSTEN daw???

"Ay! Ano ba yan girls! LUCKIEST DAY! Kaklase na natin si Tungsten, kaklase pa natin si Barium!" sabi naman nung girl na nasa may bintana, nakasilip sa room namin, teka? Atat pumasok?

"Oo nga! Si Nickel din kaya! Look o! He's so cute talaga! Kaso tahimik!" sabi naman nung isa pang girl.

Ano daw? NICKEL?

Ok, kanina, TUNGSTEN tapos BARIUM at ngayon NICKEL.

Ano ba?!

Baka mamaya may kaklase na din akong SODIUM, OXYGEN, HYDROGEN, CHLORINE at CARBON!

" "E" daw po ang surnames pasok na!" sabi nung isa naming kaklase.

K, pumasok na ako, pasok na daw e.

"Ok, ikaw blah..blah.. dun ka umupo sa likod ni Mr. Corpuz, tapos ikaw Mr. Estrella sa tabi ni blah..blah.. at ikaw Ms. Evangelista sa tabi ni Mr. Estrella..." sabi ni Prof.

K, fine. Umupo na ako sa aking corresponding seat. Permanent na 'to so wala ng tanggalan.

Tumingin ako sa may unahan ko, ay ano ba yan!? Ang tangkad naman! Pano ko na ngayon makikita si sir? Nahaharangan na ako ni...

HAGGARD na TUPA?!

Natapos na ang sitting arrangement kunoh ni Prof.

Nagroll call ulit s'ya...

"Ok, to make sure na nasa seats n'yo na nga kayo at walang nagpapalitan, tatawagin ko kayo isa-isa..." sabi ni Prof.

Nag roll call na s'ya...

"Ms. Maria Ysabelle Kairah Atienza" - Prof.

"Present Sir!" tapos tumaas kamay ni babae, s'ya pala si Maria Ysabelle Kairah Atienza. Kuh! Ano gang haba? Pede MYKA na lang? As in (MAYKA).

Nagtawag pa si Sir...

Nakikinig lang ako sa mga pangalan ng mga kaklase ko.

"Ok, next, Mr. Barium Iron Corpuz..." -Prof.

"Present!" sagot ni Chemical Element Barium IRON?! As in may IRON?!

Natatawa na ako, seryoso. >:D

Saan ka nakakita ng estudyante na ang pangalan purong CHEMICAL ELEMENT!

Pustahan tayo, Scientists ang mga magulang nito!

"Next, Nickel Iron Corpuz..." sabi ni Prof.

"Present." Sabi ni.. Cute Nerd Guy.

Aw. Ang hinhin naman ng lalaking 'to.

Pero teka, siya si NICKEL?! Chemical Element NICKEL "IRON" CORPUZ!

Tiningnan ko si Barium tapos si Nickel, tapos si Barium tapos si Nickel, tapos... tapos...

Teka? O______O

This can't be...

Tagtagin mo ang salamin ni Chemical Element "NICKEL", kamukhang kamukha s'ya ni Chemical Element Barium!

Hindi kaya?

"Mr. Barium, kambal ba kayo nitong si Nickel?" tanong ni Prof.

"Yes sir! Obvious?!" sabi ni Chemical Element Barium, tapos yung mga kaklase naming nagtawanan na.

Kambal nga sila... O_____O

"Ah. Kaya naman pala, sige next na... Mr. Tungsten Iron Corpuz..."

"Present..." sabi ni TUNGSTEN O_O???

Si Chemical Element TUNGSTEN "IRON" CORPUZ, sya yung nasa unahan ko. O_O

S'ya si HAGGARD na TUPA/CASANOVA.

"Aw! Gwapo mo talaga Tungsten!!!" sigawan yung mga kaklase kong malalandi sa likod.

Itong katabi ko mukhang naiirita. Teka, sino nga ba 'to? Si Mr. Estre-Estrella?

Oh, ano ba, May-ari ng Villa Estrella? >:D

LOL. Di joke. Wag tatawa.

Tumingin ako kay Chemical Element Tungsten "IRON" Corpuz. Teka? May IRON din! Tapos CORPUZ din! O_O

Hindi kaya???

Si Barium, Nickel at Tungsten ay...

Sige Aika, tingin kay Barium tapos kay Nickel tapos kay Tungsten tapos kay Barium ulit tapos kay Nickel tapos kay Tungsten tapos... tapos...

O________O

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top