[TCK 1.3]*


(Tungsten's POV)

"Ge, Krista! Sayaw pa... Kaya di kita maiwan e!!! Giling mo!!!"

"Sure baby ko! Para sa'yo!!!"

*Tugs*Tugs*Tugs*

"Kuya, ano ba? Cutting ulit tayo???" -Barium...

"Huh?! Ano?! Di kita mapakinggan?!" sigaw ko sa kanya...

Ang ingay kasi dito sa Club... Lakas ng sounds!

Yeba... Nandito kami ngayon sa Club...

Dito sa "Chemical Element Club."

Kasama ko si Krista ngayon, nakita ko lang s'ya sa labas ng club namin... napadaan lang daw so pinapasok ko...

Sabi nga nila... Be hospitable...

Bale, 11am pa lang ng umaga...

Aga magbukas ng club na 'to nuh!!! Lul! Kami may-ari nito!

"Kuya!!!" -Barium...

"OH?!!!" tanong ko sa kanya...

Kasama ko din nga pala si Barium... Cutting kami! >;]

Oh. Oh, nga pala, MASIPAG AKO! Masipag akong estudyante! Lul!!!

Kaya nga naging repeater ako e, at naging kasabayan ko ang kapatid kong kambal!

Ang saya mag cutting! >:D

Feels like heaven. Lul!

"Sabi ko!!! KUNG CUTTING ULIT TAYO!!!" -Barium...

"AH!!! Ayan!!! Linawin mo!!! Oo!!! OBVIOUS?!" sabi ko sa kanya...

Bale, cutting nga kami. Teka, ano pa nga bang bago? Palagi namang ganito. Lul!

Tungsten Iron Corpuz. 18 years old. Astig ng pangalan ko no?!!!

Pinagkakaguluhan yan ng mga babae sa school! Pag narinig nila yan, nagtatayuan na lahat ng pedeng tumayo sa kanila! ;]

Kapatid ko nga pala, si Barium Iron Corpuz (17years old).

Yung isa kong kapatid, masyado responsable, nagpaiwan sa school...

Yun si Nickel Iron Corpuz (17years old), kakambal nitong si Barium...

Lilinawin ko lang, hindi kami triplets...

Ako panganay, may tatlo akong kapatid, dalawang lalaki at isang babae.

"Kuya! Pa'no na si Nickel?! Iniwan nating mag-isa sa school?!" sabi ni Barium...

"HEH! Yaan mo s'ya! Ayaw sumama e!!!" sabi ko na lang...

Ang kulit nitong si Barium...

Katulad ko, isa rin s'ya ehem *Casanova*

Si Nickel, buraot. Kagwapong lalaki, ayaw gumaya samin...

Well, bahala s'ya! Kagustuhan n'ya yun! Mabuti na din yun!

Hanggang hapon na kami dito sa club...

Favortie tamabayan ko 'to...

Ang daming magaganda at sexy na babae dito...

Lalo silang dumadami pag alam nilang nandito kami...

Kaya nga ba ang benta ng club namin e!

May bigla akong naalala...

Yung babae kanina...

Grabe, ang lakas makatulak...

Bagsak ako sa sahig e! Sinu ba naman yun?! Nagawa akong itulak?!

Di ba s'ya na attract saken?! Buwiset na babae! Pahard to get!

Sayang! Maganda pa naman kaso AMAZONA!!!

"Barium!!!" tawag ko kay Barium...

"Oh? Bakit kuya???!!!" sagot n'ya... Sigaw na! Teka, bingi ba ako? Di naman ah!

"HEH! Kilala mo yun g babae kanina?!!!!" tanong ko sa kanya...

"Huh?!! ALIN DUN???!!!" sagot n'ya...

"Yung babaeng brusko!!! Yung tumulak saken!!!! Kita mo!!!???" sigaw ko sa kanya... Grabe, ang lakas ng sounds!!!

"Ah!!! Yun ba??!!! Hindi e!!! Bakit?! Type mo?!!!" sagot n'ya...

"HINDI NUH!!! ASA!!!" sabi ko...

Lokong 'to... Type agad?! HEH! Di nuh! Ayoko sa AMAZONA! Hindi bagay sa katulad kong CASANOVA!

Nandito lang kami sa Club...

Padami na ng Padami ang mga Chicks..

Ang iikli ng mga suot nila, ang sarap sa mata... ;]

Mayamaya, pinalibutan na naman ako ng mga naggagandahang babae...

"Tungsten!!! I miss you babe!!! *kiss*" sabi ni June 01.

"Tungsten come here!!! I'll make you happy!!!" sabi ni June 02.

"Tungsten! No here!!! Come here!!! Feels like heaven here darling!!!" teka, si June 03 ba 'to?

Hayy... Mga babae nga naman... Pasasayahin ka hanggang sa dulo ng walang hanggan!

Ok, sila sina June 01, June 02 at June 03.

Naging kami lang naman sa mga date na yan...

Kung bakit ko tanda?! E suki sila dito sa club namin e! Maghapon at magdamag na nandito!

Mayamaya, sa kalagitnaan ng pagsasaya ko sa aking kalangitan...

"TUNGSTEN! BARIUM! NICKEL!"

Huh?! Sino yun?!

Teka...

Parang sino ano ah...

Teka! Anong ginagawa ng huklubang yan dito???!!!

TRESPASSING!!!

"Kuya... Anong gagawin natin... Si-si Lolo..." sabi nitong katabi ko, takot na takot...

"HEH! Yaan mo s'ya!!! Nagsasaya pa ako!" sabi ko kay Barium...

"Kuhanin sila! Kung ayaw sumama, patayin!!!" sabi ni Hukluban dun sa mga kasama n'yang mga mukhang bouncer...

Huh?! Ano bang pinagsasasabi ng matandang hukluban na 'to!?

"Ano bang kailangan mong matandang hukluban ka!?" tanong ko sa kanya...

Hindi ako pinapansin...

Mayamaya, kinuha na kami ng mga bouncer...

Pati bouncer ng sarili naming club, kinuha kami!

"HEH!!! Ano ba?!!! Bitiwan n'yo kami!!!" sabi ko sa mga lintek na p*tangnang bouncer na mga 'to! HEH! Pasweldo namin kayo!

"Kapag umangal! PATAYIN!" sabi ni Hukluban...

Si Barium tangay tangay na ng mga Bouncer kunoh ni Lolo...

Oo, lolo namin si matandang hukluban...

"Kuya! Wag ka ng maingay! Pag tayo namatay!" sabi ni Barium...

Teka, saan ba kami dadalhin ng matadang hukluban na 'to!!! P*ta naman oh!

"Tungsten baby!!!" yan na lang ang napakinggan ko mula sa may likod...

Nako, ang kalangitan ko!

Saan ba kasi kami dadalhin ng matandang 'to!!! >_<

Piniringan kami ng mga lalaking kumuha sa amin tapos isinakay sa kung saan, teka, van ba 'to?!

Ano 'to PBB?!!! Di pede Makita kung saan pupunta?!

"Saan n'yo ba kami dadalhin?!!!" tanong ko sa kung sino man ang nakakarinig! P*ta! Ang dilim!

Walang sumasagot! P*ta talaga!

Mayamaya, tumigil na yung Van...

Pasaan ba talaga kami?!

Ramdam ko lang, ipinasok kami nung mga lalaki sa kung saan...

Feeling ko malamig, ano 'to may aircon?!

Mayamaya, binitawan na kami ng mga kumuha sa amin...

Tinanggal na din ang piring...

Nasaan ako?!!

P*ta! Anong lugar 'to?! At teka?!!!

Bakit nandyan ang mga 'to?!!!

"Kuya... Sina..." sabi ni Barium...

Huh?! Anong ginagawa nila dito?!

"Oo, kilala ko! Wag mo ng banggitin!" sabi ko sa kanya...

"Tungsten, Barium ba o Nickel? Kamusta?" sabi ni...

Xenon...

"Mga pinsan! Long time no see!!! Teka, si Barium ka ba o si Nickel?!" sabi naman ni...

Neon...

Sila nga... Sila... Mga pinsan namin...

Sila sina...

Xenon Iron Corpuz (18 years old) at Neon Iron Corpuz (17years old), magkapatid sila.

"Anak!!!" bigla namang may sumigaw sa likod ko...

"Papa??!" sabay naming tanong ni Barium...

Teka...

Ano ba talagang meron?!!!

Nasaan ba talaga kami??!!! Anong ginagawa ng mga 'to dito?!

"Aba, Tungsten, Barium, ang lalaki na ng mga pamangkin ko..." sabi naman ni...

"Tito Hel?" sabi namin ni Barium...

Ano ba talagang meron?! Bakit kami nandito?!

Bakit nagreunion ata ang buong angkan namin?!

Nasaan na ba yung matandang hukluban na yun?!!!!

P*ta naman oh!

"Ano bang kailangan n'yo samin?!!! P*ta! Sabihin n'yo na!!!" sigaw ko kay matandang hukluban...

"Tungsten! Wag kang ganyan sa Lolo Iron mo!" saway sakin ni Papa...

Bago nga pala ang lahat, si Lolo, tama kayo ng nabasa, ang Pangalan n'ya ay "Iron", siya si IRON CORPUZ, isa s'yang scientist at may-ari s'ya ng isang tanyag na school dito sa buong Pilipinas, may mga school din yan sa ibang bansa, *INTERNATIONAL SCHOOL* for short!

Si Papa naman, ang pangalan n'ya ay MAGNESIUM IRON CORPUZ.

Si Tito Hel, ama s'ya nina Xenon at Neon, ang tunay n'yang pangalan ay, HELIUM IRON CORPUZ, kapatid s'ya ni Papa.

Malinaw na? Kaya ganyan mga pangalan namin e! Namana kay LOLO!!! Lintek na Bakal yan!!!

Bale, P*ta! Ano nga bang ginagawa namin dito?!

"Ano ba kasing kailangan n'yo sa amin?!!!" tanong ko kay hukluban!

"Ganito yun anak..." sabi ni Papa...

"Ako na... Ako na ang magpapaliwanag ng lahat..." - Lolo Iron.

"Sige ikaw na!!! Pakibilisan!!! Madaming nag-aantay saken!!!" sabi ko kay matandang hukluban...

"HEH! Tungsten! TAHIMIK!!! Bouncers! LAPIT! Ang simumang mag-iingay, PATAYIN!" -Lolo Iron.

Huh?! Lintek na hukluban 'to! Ipapapatay pa ako!

"Kuya making ka na lang..." sabi ni Barium...

"Ganito yon mga apo... Teka... bakit kulang... Nasaan na ang aking paboritong si Nickel?" tanong ni Lolo Iron.

"Nasa school po lolo..." sagot ni Barium...

"Ah, sige ok lang... Hindi din naman s'ya kailangan dito, masyado s'yang responsable at may silbi para sa mga bagay na ito..." sabi ni Lolo Iron.

"Bale ganito yun mga apo, kailangan kong maisara ang deal sa isang sikat na unibersidad dito sa ating lugar, isa yun sa mga napakalaking asset pag nagkataon..." -Lolo Iron.

"Then?" tanong ko.

"Magtigil ka Tungsten, Di pa ako tapos!" -Lolo Iron.

"Suri naman! P*ta! Namura pa!" -ako. -.-

"At ayon nga para maisara ang deal na yun, kailangang isa sa inyo, pakasalan ang nag-iisang anak ng may-ari ng unibersiad na yun..." -Lolo Iron.

Kami (Ako, Barium, Xenon at Neon) : O_______O WHAAAT?!!!

"Isa sa inyo, kelangan s'yang pakasalan..." -Lolo Iron.

"Si Barium Lolo! Single and available!!!" sabi ko kay hukluban.

"Huh! Deh ah!!! Yoko nga!!! Si Xenon na lang Lolo!!!!" -Barium.

"Lulka! Si Neon na lang!!!" -Xenon.

"Bakit ako!!! Masyado pa akong bata!!!! Si Tungsten na lang!!!" -Neon.

"Magsitigil kayong apat!!! Kaya nga kayo nandito! Ieevaluate ko kayo kung sino ang karapatdapat!" -Lolo Iron.

Huh???! Kami (W (Tungsten), Ba (Barium), Xe (Xenon) at Ne (Neon))

"Dalawa sa inyo ang kailangang manligaw... Ngunit isa lang ang pakakasalan..." -Lolo Iron.

HEH! Magtigil ka matandang hukluban!

"Para sa una at pinakahuling pagsubok... Boys! Ipasok ang LAPTOPS!" -Lolo Iron.

ANO DAW?!!!

O______O

"Ano namang klaseng pagsubok yan LOLO!?" tanong ni Xenon.

Ngumisi lang si Lolo... Lintek na matanda 'to! Nakakaluko!

"Ano bang gagawin natin???!!! Anong pagsubok!???" tanong ni Neon.

"Mga anak galingan n'yo! Nandito lang ako sa likod n'yo!!!" cheer ni Papa.

HEH! Magcheer ba naman! Walang kwentang ama!

Oo, nanonood lang sina Papa at Tito Hel dun sa likod.

Ano ba kasing gagawin namin?!

"Ang tangi n'yo lamang gagawin ay mag...

Tetetris!" -Lolo Iron.

"4 sprint ang laro, kung sino man ang makakuha ng 1st at 2nd place, ligtas na. Ang dalawang putot, sila ang manliligaw sa anak ng may-ari ng unibersidad na iyon at kailangang isa sa kanila, mapasagot ang babaeng yon at mapakasalanan kundi, Ipapapatay ko!!! MALIWANAG mga APO!?!!!!" -Lolo Iron.

Kami (W, Ba, Xe at Ne): O__________O

"HAHAHA!!! Lolo!! Are you Joking or just KIDDING?!!! HAHAHA!" tanong ni Barium.

"Oo nga naman Lo!!! HAHAHA. Tetris?!" sabi ni Xenon.

"Lolo naman! DOTA na lang!!!" sabi naman ni Neon.

Ako? P*ta!!! Kinakabahan na ako! Hindi ako marunong magtetris!!! P*ta naman o!!!

"Mga ulul!!! Magsisimula na ang pagsubok! Pumwesto na kayo!!!" -Lolo Iron.

"Go mga anak!!!" si Papa, todo pa din ang cheer...

P*ta naman!!!

Bakit ganito?!!! Bakit?!!!!!

T*ng ina naman o!!! Pag minamalas ka nga naman!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top