The Can'ts But Could'ves
Aerwyna "Awi" Ignacio
I know we can't be together, but we could've at least tried to make it work kung naging maayos lang ang naging simula. Kinaya mo pero ako hindi. You didn't just ruin me; you also stole a part of me that could never be repaired again in any way.
Na-in love lang naman ulit ako sa kaklase ko nang magkaroon ng reunion ang batch namin. When we're in 6th grade, I already had a crush on him, and he also had a crush on me. I know, masyadong maaga, but it's the youth of attachment we felt for each other. Akala ko noong grumaduate kami, hanggang doon na lang iyon. I didn't expected for anything more since maghihiwalay na ang mga landas namin. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung anong pilit kong iwas sa kanya o magsalubong man lang kami ay siya namang nagiging daan para magkita ulit kami.
"Awi, sama ka sa reunion natin!" Nagagalak ang best friend at pinsan kong si Kaia na ibalita sa akin ang tungkol sa reunion na magaganap.
"Ay ayoko, wala akong pera!" I switched my position. Nasa duyan kaming dalawa at para na kaming suman na nagsisiksikan, halatang hindi mapaghiwalay kahit pa noong mga bata palang kami.
"Ang kuripot at KJ mo talaga kahit kailan!"
Nang dumating ang araw ng reunion namin, and when I saw him again, I got this awkward feeling on how I would approach or interact with him. It's a mixed emotions for me the moment we laid our eyes on each other.
Smiling forcefully, I said, "Hi."
"Pumunta ka."
Dalawang salita lang iyon galing sa kanya pero tila ba'y may nagwala sa loob ko. Ikaw ba naman ngitian tapos titigan mata sa mata nang sabihin niya iyon. I even felt the longing we have for each other, but some things cannot be able to bring back again.
"Kanina ka pa rito?" Sunod kasi akong dumating sa kanya kaya nagulat naman talaga ako. Siya agad ang makakasalamuha ko, hindi ko pa nga nahanda ang sarili ko. Si Kaia susunod na lang daw kasi may ginagawa pa. Sinasabi ko na nga ba hindi na naman masusunod ang oras. Well, I'm such an obedient batchmate, bukod sa kanya.
"Hindi naman. Darating na rin naman 'yong iba."
I just nodded. "Kumusta ka?"
"Ayos lang naman."
Nawala sa kanya ang atensyon ko nang biglang sumigaw si Claire at umingay na ang paligid. May mga dumating na iba kaya naputol na rin agad ang usapan namin.
"Oh, 'yong iba bumili na ng inumin! Dali na, ambagan time na, guys!"
"Hintayin na muna natin 'yong iba." Nangibabaw ang boses niya.
"What if sunduin mo na lang kasi 'yong ibang malalapit?" Si Claire naman. "Dali na, Jasper!" Hinihila-hila pa ni Claire ang kamay niya sabay waglit at iwas niya naman. Mukhang naging close sila through out the years kasi sa pagkakatanda ko, hindi naman sila ganyan makitungo sa isa't isa.
"Tangina. Ito na." Tumayo siya at nag-ayos ng damit. Hindi nakatakas sa paningin ko ang saglit niyang pagsulyap sa akin bago siya umalis.
Shit. Paano kumalma deep inside?
Pakonti-konting nagsisidatingan ang iba habang lumalalim din ang gabi. Dapat pala gabi na lang din ako pumunta rito. Hapon palang at tirik pa ang araw nandito na ako kasama 'yong lalaking 'yon.
"Awi, si Jasper nga pala."
At ayan na nga ba ang inaasahan ko. My drunk batchmates are slowly teasing us again. They all knew what we had back then. May ilang love teams din kasing nabuo sa amin noon, kabilang na kami, lalo na nang kumalat na parehas kaming may gusto sa isa't isa. They even locked us in a classroom just for us to be able to talk sincerely. Sa pagkakaalala ko, hindi rin naman ako masyadong nagsalita noon kahit na ang lapit-lapit niya na sa akin. Hiyang-hiya pa ako noon sa kanya kaya I can't even imagine what kind of face or reactions I'm making, oh god! Ayoko na iyong maalala pa!
"Okay lang ba magtanong ako, Awi?"
I didn't respond.
"Uy umiiwas!"
Mas lalong umingay ang lahat.
Tangina naman!
"Gago, hindi! Ano ba kasi 'yon?" I just laughed it off.
"Sus, may feelings ka pa kay Jasper, 'no?"
Unconsciously, my eyes landed to him. Napatingin din siya sa akin pero umiwas agad kasi may kinakausap din siya. Ngunit alam kong nakikinig lang siya sa amin. Sinasadya ba namang lakasan ang mga boses.
"Ewan ko sainyo."
"Pero bakit hindi naging kayo? Parehas niyo naman gusto ang isa't isa noon. What if pati ngayon?"
Ang pasmado talaga ng bibig ng mga lalaki, ano? They don't know how to draw a line or get the hint. Napunta tuloy sa akin ang tingin ng iba, at bigla na lang sila tumahimik. Tiningnan ko ulit siya't nakatingin na naman siya sa akin. Pasimple akong humihingi ng tulong sa kanya through our eyes na isegway na lang ang usapan pero ang gago, bahagya lang ngumiti bago tumagay.
"Respeto na lang sa girlfriend niya, guys." Tumagay din ako. Bago ko iniwas ang tingin ko sa kanya ay halatang-halata ang biglang pagbabago ng ekspresyon niya sa mukha.
Some booed and laughed. Hindi ko na lang sila pinansin dahil napako na naman ang mga mata ko sa kanya nang bigla siyang umalis. Talagang sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. I was ready to follow him when Kaia whispered to me.
"Masyado ka na namang nagpapahalata."
I looked at her. "Hindi, ah." Tumagay na lang ulit ako at naghanap ng makakausap.
Oo, may girlfriend siya. Paano ko nalaman? Well, kay Kaia ulit. Siya lang naman source ko sa batchmates issues namin. Matagal na sila pero on and off daw dahil sa ugali ng babae. I don't know her, but it's easy for me to believe that reason instead of looking for his faults too. Kilala kong matinong lalaki si Jasper Dwight.
"Sino sasama bibili ng inumin?" tanong ni Ron.
"Kami!" Hinawakan ni Kaia ang kamay ko sabay hila sa akin.
"Gaga ka talaga! Kumukuha pa ako ng pagkain, eh."
Hindi na ako nakatanggi. Alam ko kasing ichichika na naman ako nito. Nagtatawanan lang kami habang papunta sa bilihan pero nawala 'yon nang muntikan na kaming maaksidente pabalik. Ron is trying to harassed me sexually. Ang unang paghawak niya sa legs ko ay akala ko aksidente lang dahil may kinuha siya sa bulsa pero nang masundan iyon ay doon na ako nag-react. Talagang hinipuan niya na ako that it gave me goosebumps. Malapit na sana kami pero bigla kong inabot ang manibela para patigilin ang motor.
"Bababa ako, ano ba Ron! Itigil mo!" I couldn't take it any longer. My eyes began to well up with tears, and my entire body shivered.
"Anong nangyayari, Awi?" Kahit si Kaia ay hindi alam ang nangyari, when in fact nasa unahan niya lang ako, but I don't blame her. Distracted siya sa pinag-uusapan namin, and I tried to distract myself too.
"Okay ka lang ba?" Hahawakan sana ako ni Ron pero umatras ako.
"Ron, huwag na. You know it very well that what you did to me is not okay!" Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya dahil anumang minuto ay babagsak na ang mga luha ko, paunti-punti na rin kasing nababasag ang boses ko. "Kaia, uwi na lang ako. Pasabi na lang sa iba." Tinalikuran ko sila at nang makita ko si Dwight na naglalakad palapit sa amin ay doon na sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha ko. Halatang-halata ang pagkagulat niya kaya tinakbo niya na ang distansya namin at hinawakan ako sa dalawang balikat.
"Anong nangyari?"
I shook my head and lowered my gaze.
"Awi, sabihin mo sa akin ano nangyari. Narinig namin ang sigaw mo."
The way he talked and touched my face with gentleness felt like the help I needed. My eyes slowly found a way to look into his eyes once again.
"He... harassed me." Every word I said was laden with heaviness. I felt as if a lump had been placed in my throat and a massive rock had fallen on my heart.
It was like a triggered to him. Unti-unting napalitan ng namumuong galit ang pag-aalala niya sa akin. His soft expression suddenly darkened. Hindi ko napigilang magsumbong sa kanya kahit na alam ko sa sarili kong hindi naman kailangan. Like I've said, ligtas ako sa kanya.
All my life, these kind of things occassionally happens, at ngayon lang ako nakapagsumbong. Para akong matutunaw sa sobrang panghihinang nararamdaman ko. He's my batchmate, whom I never once thought that he's got a bad attitude kasi masiyahin din siyang tao. He's one of our lights in our batch. Anong nangyari bakit ganito?
Hindi ko na nasundan ang sumunod na mga pangyayari dahil bigla na lang akong natutulala. Bigla na lang nagsigawan at nagkagulo, ang iba'y pumunta sa likod ko kung saan pumunta si Dwight. May mga dumalo naman sa akin, but I couldn't move an ich or even utter another words. Everything feels like a triggering factor to me. Any minute now, I will snap gaya ng palaging may ganitong nangyayari sa akin. Natauhan lang ulit ako nang biglang may bumuhat sa akin.
It's Dwight. When I looked at his face, seryoso lang siyang nakatingin ng diretso sa harap. Walang atubili akong yumuko sa may leeg niya, humigpit din ang hawak ko sa leeg at damit niya. It was as if a cue for me to cry on his shoulder because I am safe now.
That became the reason why Dwight always wanted to talk and meet me. Sa una ay pinigilan ko ang sarili ko. Iniwasan ko rin siya dahil nabuhay ang kahihiyan ko kinabukasan nang nangyari iyon. Ang bilis ng mga pangyayari. Palagi na naman siyang nagpaparamdam saakin.
I ignored him for days pero makulit talaga siya. Nahiya na rin akong magpasalamat kung paano niya ako nailigtas nang gabing iyon. Bakit ba kasi siya pa? May iba naman kaming lalaking ka-batch nang walang girlfriend. Sigurado akong makakarating agad 'to sa girlfriend niya.
Hindi rin naman agad ako nadala dahil gusto kong siguraduhin na totoo ang mga sinasabi niya. I can't love him again knowing that he has a girlfriend. Ayoko maging kabit or anything like that. I wouldn't stoop in that kind of level. Hindi dapat ako pumasok sa sitwasyong hindi naman ako sigurado at may mga sabit. Alam kong magiging okay ulit sila ng girlfriend niya.
I can't afford to believe everything he's saying to me, but he's such a wordsmith. Oo, nakuha niya ako sa pangungulit niya, lalo na sa personal, kasi ang gullible ko. Sinabi kong huwag mag-chat pero pinuntahan talaga ako ng gago. And then, tuluyan na nga akong naging marupok. Namalayan ko na lang palagi niya na naman akong napapangiti at napapasaya. Tangina. This is not what I wanted. Akala ko ba reunion lang?! Ano 'to?! Bakit may ganito?! I want a peaceful life, please, but if peace is him, then... we'll just let things flow.
"Hi, love. Saan tayo ngayon?" Every time he calls me "love," my heart melts. Sa bawat pagsundo niya sa akin, sasalubungin niya agad ako ng yakap without thinking of the people around us. Ako ang palaging nahihiya kaya pinapabitaw ko siya agad. He's so clingy! Kaya nalalagay ako sa mapanganib na sitwasyon!
"Dwight naman. I told you already, stop hugging me every time we're going out. Nakakahiya kaya." Ramdam ko na naman ang pamumula ng mukha ko at ang ngiting hindi mawala-wala sa tuwing magkasama kami.
"Wala akong dapat ikahiya sa nararamdaman ko sa 'yo, Awi."
Just like sa mga palagi niyang nababanat sa akin, kuhang-kuha naman agad ako. Oo, ganyan po ako kalambot sa kanya. Masyado niya akong tinataas. He never failed to show me his good intentions and genuine love.
"Ang ganda mo na naman ngayon, love. Pakiss nga ako!"
"Sira! Talagang gusto mo ng public scandal natin, ano?"
He smiled, leaned closer to whisper to me. "I want it private, love."
Napahampas agad ako sa balikat niya. Tinawanan niya na lang ako. Kahit ganyan siya, never niya akong hinalikan, hihingi pa siya ng consent, pero I always said no, at hindi niya rin ako niyaya makipag-sex sa kanya. He's still courting me and he knows his boundaries. He respects and understands me, never akong pinilit at tinanggihan sa kahit na anong bagay, which makes my heart even go softer for him. Nang pagayan kong hug at holding hands lang ay talagang sinulit-ulit palagi. Hindi rin namin magawang mag-away kahit isang beses man lang, kahit sa mga simpleng bagay, puro lang kasiyahan talaga. Kaya a part of me is scared. Hindi dapat kasi ganito kaperpekto ang lalaki at ang relasyon. Pero anong magagawa ko kung puro kabutihan lang ang nakikita ko kay Dwight.
Gosh, I'm really in danger! Help me!
In two months, every day and every night, we spent time together, making happy moments that no one had ever made me feel or experience. I even met his family. Sa sobrang saya ko sa kanya, nakakalimutan kong may mga tao pang nakapalibot sa amin na naaapektuhan din. I know to myself that we're happily in love, even with or without a label in our relationship. Everything feels like in the right place, not until it began to take wrong turns when his ex-girlfriend messaged me.
That's when my world began to crumble little by little, and my heart was thorn pieces by pieces. Hinang-hina ako, hindi pa kayang maproseso ang mga nabasa. Gusto kong maniwala pero gusto ko rin munang marinig ang sasabihin ni Dwight. Hindi naman yata pwedeng mag-desisyon agad ako.
"Totoo ba, Dwight?" Eye to eye, I confronted him.
But...
"Hindi, Awi."
He denied it countless times, and I still chose to believe and trust him. It's because I can't find any reason why he can actually fool me. Ano 'yon pinapasaya niya ako habang niloloko? What kind of man would do that to someone who have real feelings for him? Puro lang naman pagmamahal at aruga ang binibigay ko sa kanya. Lahat ng oras ko, sa kanya lang. Ganyan niya ako nakuha. Kuhang-kuha, sagad na hanggang buto. Hindi ko na alam pano pakalmahin ang nararamdaman ko sa kanya. Iba kasi ang kasiyahan na binibigay niya sa akin. So effortless.
"Wala na kami, Awi. I'm willing to devote myself to you. Lahat ng meron kami ay tapos na. Tinapos ko na. Ikaw na ngayon, Awi. Ikaw lang." He hugged me. "Kahit noon pa man, ikaw lang talaga, Awi. Ngayon na lang ang pagkakataon na meron tayo. Huwag sana nating sayangin."
I accepted him again and again, but everything is getting worse. Kinain ko lang naman ang sinabi ko sa sarili ko that I cannot fathom to own a man who is already tied to someone. Look at me now. My relationship with him, Kai, my parents, and everyone else involved, especially Eliana, are on the wrong track. Parang ayoko na tuloy maging masaya kung ganito lang naman ang magiging kapalit.
"Sa reunion kasi nagsimula, tingnan mo ang nangyayari sa 'yo ngayon. Jusko, Awi. Alam mo na kung ano ang dapat na gawin, huwag kang ganyan. Huwag puro mukmok sa kwarto kasi masakit, pinili mo 'yan." Naririnig kong sermon ni Mama sa labas ng kwarto ko.
"Ayoko na makita 'yong lalaking 'yon, Awi, ha! Magtino ka rito sa bahay," si Papa naman na halatang matindi talaga ang galit.
Tears streamed down my cheeks. Nagmamahal lang naman ako pero bakit wala man lang akong kakampi? Bakit sa paningin ng lahat napakalaking kasalanan ang pumatol ako kay Dwight? I didn't even know na naka-buntis siya. Pinagpatuloy ko kung ano namumuo sa amin kasi I just wanted to know the truth and nothing more. I just wanted him to be honest with me.
Ayoko na! Mababaliw na ako sa tambak-tambak na iniisip ko. Sobrang sakit na sa ulo. Hindi na ako nakakatulog ng maayos. Gusto ko na lang maging maayos ulit ang lahat. Awang-awa na ako sa sarili ko dahil sobrang sakit na at halos wala na akong mailabas na luha. I'm starting to hurt myself just to ease the pain inside me.
Eliana is such a harsh woman, and I can't fight her back kasi lahat ng mga sinasabi niya ay totoo. Kung hindi lang ako pumatol at mas pinakinggan ko ang instincts ko, wala sanang nasasaktan ngayon. Pero masyado akong nahulog kay Dwight to the point that I had to lost myself too. Bakit ako pa kasi? Malinis ang intensyon ko. Buong-buo kong in-open ang sarili ko kay Dwight. Now, this... this is happening to all of us. Just because of the goddamn love! I can't do this anymore.
"Let's stop this. Kung ano man ang meron tayo, tama na, Dwight. Pagod na ako sa mga nangyayari." Akala ko ubos na ang luha ko pero tangina meron pa pala at kung kailan sa harap niya pa. Hinang-hina na ang loob ko, ang buong katawan ko.
"I'm sorry, Awi. I'm so sorry." His voice cracked and I know he's also on the verge of crying too. "May p-test na..."
"T-Then?" Buong tapang ko siyang tinitigan.
"It's positive."
Parang lahat ng mabibigat na bagay at problema sa mundo ay sabay-sabay nagsibagsakan sa akin ngayon. Pero hangga't kaya ko, hindi dapat ako magmukhang desperada at kaawa-awa sa harap niya. Kasi hindi dapat ako 'to.
"Bakit ngayon lang, Dwight? Kung kailan ubos na ubos na ako. Kung kailan masyado ng maraming nadadamay."
"I just... can't let you go, Awi. Mahal kita. I just can't sacrifice the love I have for you anymore. Masakit, Awi, kung alam mo lang."
Napangiti ako nang may pait. "Mahal mo ako sa maling paraan, Dwight. Mali lahat, eh. Simula sa simula. Mali tayong dalawa. If you could've been a good boyfriend, lahat sana tayo ay nasa maayos pang sitwasyon."
"I'm trying to be a good boyfriend to you, Awi. Lahat ng kaya kong baguhin sa sarili ko para lang maging karapat-dapat sa 'yo ay ginagawa ko. Sa 'yo lang ako naging ganito."
"Bakit sa akin, Dwight? May girlfriend ka tapos ngayon ay buntis pala. Alam mo na ba simula palang? Tinatakbuhan mo ba ang responsibilidad mo? Lumapit ka lang ba sa akin para sa sarili mong kaligayahan?"
"Awi, please." He tried to held my hand, but I took few steps backward.
"Kahit ngayon lang, Dwight, maging totoo ka sa akin."
Halatang-halata ang pagbagsak ng mga balikat niya at ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. Nang tingnan niya ulit ako, doon ko na naramdaman na dito na nga matatapos ang lahat.
"Patawarin mo ako, Awi. Gusto ko lang naman maging masaya sa taong totoong laman ng puso ko. Kung hindi ka lang sana umalis noon, wala sanang ibang babae sa buhay ko ngayon."
I nodded. "Huwag mo sa akin ipasa ang kasalanan dahil kung talagang ako lang, hinding-hindi ka magkakagusto sa ibang babae." Nagkatitigan kami. "Thank you, Dwight. Congratulations on becoming a father."
It became the lowest point of my life. Sirang-sira ang buong pagkatao ko. Everyday was hard and painful for me because I needed to hurt myself countless times for me to get through it. I needed to feel my rage and how hurt I am before finally accepting what happened. Nagpaparamdam pa rin siya from time to time even though years na ang nakalipas, but I can't make the same mistakes again. Masyado akong nasubok kaya mas tinatagan ko pa with only one goal in my mind: to be a successful woman.
"Aerwyna, Ignacio B., Bachelor of Science in Nursing. Magna Cumme Laude."
After seven years, I saw him in our reunion again, kung saan nagsimula ang lahat at kung saan gusto ko na ring matapos ang lahat. I promise to myself that after this, I will never attend to any reunion related to us again. I want a peaceful life now, without getting involved with the people in my past life. Masaya na rin ako sa boyfriend ko ngayon. When I thought everything is all about Dwight, another man came to my life, making me whole again. Proud akong sabihin na sigurado na ako sa kanya ngayon. He's the one I want to be with for the rest of our lives. No more what could've beens to the person who break me.
"Hello, Dwight." Tinanggap ko ang kamay niya nang buong tapang at may malawak na ngiti. "Don't worry, I forgave you already. Kung may galit ka pa sa akin o kung ano man ang natitirang nararamdaman mo sa akin, please, stop. Be a responsible father. How's your daughter, anyway?"
"Awi, tapos na ang lahat. Okay na tayong dalawa. I'm happy for you. Matagal na rin naman akong tumigil sa 'yo. Tinanggap ko lahat ng pagkakamali ko."
"Good for you."
When I was about to exit because my agenda in attending this reunion is done, I bumped to a familiar woman. Nang magsalubong palang ang mga mata namin, we greeted each other, but after that, she hugged and kissed Dwight. Narinig ko rin ang naging tawag niya noon sa akin, "love."
Life is such an irony. Nang sinubukan naming ilaban ang meron kami ni Dwight, hindi kami pinaboran ng tadhana. Pero ngayon, hindi rin naman pala si Eliana ang makakatuluyan niya. It's the ex-girlfriend of my ex-boyfriend before I met him. Wow. What a small world. 'Yong bata lang pala talaga ang pinanagutan niya.
I can't help but to smirk as I walk away. Random thoughts clouded my mind; now it's all about what ifs. What will happen if we continued to fight for our love? What if I managed to hang on to our little hope of being happy together? What could be the result if I just talked to Eliana in a calm manner? What if I chose to make a firm decision and find better solutions for all of us? Sana lang hindi ako naging mahina noon.
So much for that, it's done. I have nothing to do with it anymore. Magiging alaala na lang ang lahat. Kahit na gaano ako nasaktan para lang makuha ang kaligayahan na deserve ko, nagpapasalamat pa rin ako sa pagkakataong iyon, lalo na sa mga taong sangkot. If it weren't for them, I wouldn't find the love of my life today. Our mistakes in the past will only serve as a great lesson and experience for us to continue to grow.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top