CHAPTER 9: Plan


Tori POV

Umalis na si Ma'am pero di pa rin talaga mawala yung pag-aalala ko eh! Pano yan kung hindi kami magkapalit agad bukas?? Anong gagawin namin. Hay!! Ang hirap naman ng ganito. Lumapit na lang ako kay Keira kasi baka mabaliw ako kakaisip ng concert na yan.
"Umalis ka nga jan tukmol!!" Inis na sabi ko kay Yuan.
"Wow! Kung maka tukmol close ba tayo?" Tanong nya.
"Wag mo kong inisin ngayon makakasapak ako PROMISE!!" inis na sabi ko at hinawi sya. Tumabi naman agad sya at nakaupo na ko sa tabi ni Keira.
"Hmmm.. Ano kayang nangyayari sa inyong dalawa parang nag switch kayo ng ugali eh! Si Tori naging mabait na sakin tapos si Keira naman nagsusungit ng basta basta. Di ko naman inaano, ni hindi nga kita inaasar jan eh! Tapos sasabihan mo kong tukmol." Sabi ni Yuan.
"Oo na itigil mo na yang ka dramahan mo. Umalis ka nga sa harap namin may pag-uusapan kami." Inis na sabi ko. Basta kapag si Yuan ang kausap ko kumukulo dugo ko. Hayst! Nakakainis kasi yung mukha!
"Okay! Okay aalis na ko. Bye Tori." Paalam nya at nag wave pa sya kay Keira. Edi sila na ang close.
"Ahm..Tori pwede ba tayong mag-usap sa may jollibee." Sabi ko kay Keira.
"Ahm..Oo no, problem." Sabi nya sakin.
Nang makarating kami sa jollibee nag-order lang kami ng fries at float. Naupo kami sa may bintana.
"So, anong pag-uusapan natin Tori." Sabi ni Keira sakin.
"Anong gagawin natin bukas?? Pano kung di tayo magkapalit agad? Pano yung concert mo? Takot pa naman ako sa maraming tao. I can't do these Keira." Sabi ko sa kanya.
"Hmm... Iniisip ko na din yan kanina habang nagsasalita si Ma'am. Pero wag lang mag-alala may naisip na kong plano." Nakangiting sabi nya sakin.
"Ano naman yun.?" Tanong ko sa kanya.
"Bukas bago magsimula ang concert pupunta ko sa venue then magwi wig na lang ako di na yun mahahalata. At ikaw magsusuot ka din ng wig syempre. Tapos okay na problem solved. Ako ang kakanta sa sarili kong concert kaya wag ka ng mag-alala pa jan. Kaya natin to!" Sabi nya sakin.
"Okay, may tiwala ko sayo Keira." Nakangiting sabi ko. Sana mag work yung plan namin. Inubos lang namin yung food then umuwi na kami. Nag commute ulit ako. Dapat matutunan ko na to para di ako umaasa sa mga tao sa paligid ko palagi na lang ako naka depends sa kanila eh! Now I can handle my self.

Keira POV

Dapat isasabay ko na si Tori kaso tinanggihan nya yung offer ko kelangan daw nyang matutong mag commute kaya pinag bigyan ko na. Habang nasa kotse ako sinalpak ko sa tainga ko yung headset ko. Mahilig kasi ako sa music eh!! Kaya nga Pop Star ako di ba. Nang makarating kami sa mansion pumunta agad ako sa room ko at nagpalit ng damit. Nag laptop muna ko nag-open ako ng Facebook account ko. Daming friend request, message at notification. Hindi ko tinignan lahat nakakatamad eh! Ang pinagagawa ko kasi nyan si Jobelle. Di ko naman pwedeng ipagawa kay Vern baka maghinala sya na hindi ako si Tori. Bigla namang may nag bukas ng pinto kaya sinarado ko agad yung laptop.

"Ano ba?!! Di ka ba marunong kumatok bago ka pumasok!!" Inis na sabi ko. Muntik na yun ah.
"Sorry Ma'am Tori kala ko po kasi wala pa kayo sa room mo kukunin ko lang po sana yung mga damit mo po." Paliwanag nya sakin.
"Okay fine. I forgive you but next time you entered my room knocked first okay?" Utos ko sa kanya.
"Opo Ma'am sorry po ulit." Sabi nya sakin at lumabas na.
Bigla namang may kumatok sa pinto.
"Tori magdi dinner na kayo bumaba kana daw jan sabi ni Mayor." Sabi sakin ni Vern.
"Okay susunod ako." Sabi ko. Inayos ko muna ang sarili ko at bumaba na.
"Hi mom, dad." Bati ko sa kanila.
"Hmm..baby take your seat." Sabi sakin ni Mrs. Dela Fuente. Umupo na ko habang kumakain kami naalala ko yung concert bukas.
"Ahm..Mom, Dad?" Sabi ko sa kanila.
"Hmm.. Ano yun darling?" Sabi ni Mayor.
"Di ba wala naman kayong gagawin bukas?" Sambit ko.
"Ahm...Oo wala nga baby." Sabi ni Mom.
"Bakit mo naman naitanong?" Sabi ni Mayor.
"Ahm.. Kung pwede po manuod tayo ng concert ni Keira?" Sabi ko sa kanila.
"Ofcourse baby we will." Sabi ni Mom.
"Thank you po." Sabi ko at kumain na ng mabilis.
"Akyat na po ko Mom, Dad.. Goodnight. I love both of you." Sabi ko sa kanila at yumakap. Nag good night din sila sakin pagkatapos nun umakyat ako sa room ko at tinext kay Ma'am kung ilang ticket ang bibilin ko. Pagka text ko nun nag pray muna ko then natulog na sana lang walang maging hadlang bukas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top