CHAPTER 8: Praise
Keira POV
"Ma'am Tori gising na po may pasok pa po kayo." Sabi sakin ni Yaya.
"Okay..Hmmm." Sabi ko at nag-inat ako, bumangon na ko dumiretso agad ako sa CR nag toothbrush ako then pagkatapos nun naligo. Makalipas lang ang 20 mins natapos na ko. Pumunta ko sa walking closet then nagsuot ng uniform. Kumuha ako ng watch na color itim then yung necklace ko na gold na hugis hearth may picture sa loob sa left side ung mom at dad ni Tori at sa right side yung picture naman nya ang cute di ba. Sana nga lang picture ko yung nandun. At sana akin talaga tong buhay na to. Bumaba na ko sa may dinning room wala na doon sila Mayor.
"Nasan na sila mommy?" Tanong ko kay Vern.
"Maaga silang umalis may appointment ata." Sabi sakin ni Vern.
Kumain na ko ng almusal pagkatapos ko dun pumunta na ko sa limousine at sumakay na. Sarap ng ganto pangarap ko lang to dating eh! Ngayon totoo na!! This is the life. Di ko namalayan nandito na pala kami sa school bubuksan ko na sana yung pinto kaso may biglang nagbukas yung butler. Sosyal di ba may taga bukas pa. Yayamanin eh!! Pagpasok ko ng gate ng school lahat ng estudent's nakatingin sakin.
Ganda nya talaga.
Oo nga, sana ako na lang sya nuh!
Ang perfect nya.
Ideal girl ng mga lalaki.
At take note lahat ata ng lalaki magkakandarapa para lang sa kanya.
Yan ang mga naririnig ko at madami pang iba.. Tama sila ang swerte nga ni Tori kasi ang yaman na nya tapos prinsesa pa sya sa school namin di ba ang bongga nun. Kaya ako swerte ko kasi yung kaluluwa ko napunta sa katawan nya. Bigla namang sumulpot sa kung saan man si Yuan.
"Ayyy!! Pusa! Wag ka naman ganyan Yuan pasulpot sulpot ka eh! Muntik na kong atakihin sayo." Sambit ko sa kanya.
"Woahh!! End of the world na ba sungit??!! Di mo ata ko sinungitan ngayon! Bago ata yan." Asar nya sakin.
"Tori ang name ko hindi sungit." Sabi ko.
"Wow!! Grabe end of the world na nga di man lang ako sinungitan." Sabi ni Yuan.
"Whatever!! Tara na nga baka mahuli pa tayo sa class ni Ma'am eh!" Aya ko sa kanya. Sumunod na lang sya sakin. Habang naglalakad kami pinagbubulungan kami ng mga schoolmates namin.
Di ba magkagalit sila bat sila magkasama??
Oo nga nuh! Baka friends na sila??
Huh! Malabong mangyari yun mortal enemies kaya yan.
Pero aminin natin bagay sila, ang cute nilang tignan.
Yan yung mga sinasabi nila. Natatawa na lang ako. Well aminin ko na bagay nga talaga silang dalawa ni Tori ang perfect nilang dalawa. Isang gwapo at isang maganda di ba combine na combined. Pumasok na kaming dalawa ni Yuan at tinabihan nya ko.
"Hindi ka naman dito naka-upo ah!" Sabi ko sa kanya.
"Oo nga, pero dahil friends na tayo ikaw na ang bago kong seatmate, okay ba sayo yun?" Sabi nya sakin at kinindatan ako.
"Ewan ko sayo." Sabi ko sa kanya . Tumingin ako sa likod wala pa si Tori nasan na kaya yun mag 8 am na ahh! Di naman sya nahuhuli ano kayang nangyari dun?? Haystt! Yaan ko na ngayon malaki na yun. Besides may gagamitin naman syang motor kaya..... Ayyy naku!! Di nga pala sanay yun mag motor bakit kasi nakalimutan ko. Hindi nga pala sya ako. Hayst! Sana okay lang sya.
Tori POV
Nagising ako sa sikat ng araw. Pagtingin ko sa orasan.
"Shockkkss!! 7:30 na!! Late na ko ng gising." Pasigaw na sabi ko. Tumayo agad ako at pumunta sa may CR para maligo na. Bakit kasi di tumunog yun alarm kakainis!! Na-iset ko naman yun ng maayos ah!! So eto na ko nagmamadaling mag bihis. Di na nga ko nakapag suklay at nakakain eh!! Sa sobrang pagmamadali ko. Lumabas ako ng bahay. Oo nga pala walang maghahatid sakin sa school wala nga pala ko samin. Hay!! Pano ba to male late na ko eh! Ayoko pa namang late ako. May nakita akong motor lalapit na sana ko ng maalala kong di nga pala ko marunong mag motor. Badtrip naman!! Bakit kasi nakalimutan kong magpaturo kay Keira kung pano gamitin to. Haystt!! Nakakainis talaga!! Lumabas ako ng gate at hahanap na lang ako ng masasakyan!! At buti na lang nakasakay agad ako sa bus kaso nga lang pagpasok ko wala ng vacant seat kaya no choice ako kelangan kong tumayo. Mag-iinarte pa ba ko eh late na late na ko! Nang makarating na ko sa school nagmamadali akong lumabas at nagtatatakbo na papuntang 4th floor. Oo tama kayo nasa pinakatuktok ang classroom namin di ba ang saya. Di pa kasi to pagawan ng elevator para hindi kami nahihirapang mga estudyante. 10 mins akong late nakakahiya!! Nang malapit na ko sa room namin muntik na kong madapa buti hindi natuloy. Pagdating ko sa room kakaupo lang ni Ma'am.
"I'm sorry Ma'am I'm late." Sabi ko. Nakatingin silang lahat sakin! Bakit ngayon lang sila nakakita ng hindi nag susuklay ang oa ah!!
"It's okay Ms. Lopez, take your seat." Sabi ni Ma'am. Umupo na lang ako nakatingin pa din silang lahat sakin.
"Okay class. Tama na yang pagtitig nyo kay Ms. Lopez. Sakin kayo tumingin." Sabi ni Ma'am agad naman silang sumunod. Nagsusuklay ako ng biglang nahagilap ko si mokong katabi ni Keira. Bat nadun yun? Wala na naman sigurong magawa . Hay!! Hayaan ko na nga lang nakinig na lang ako sa sinasabi ni Ma'am.
"Okay class ipapaalala ko lang sa into bukas na gaganapin ang concert ni Keira kaya kung sino man ang gusting makapanuod bumili na sakin ng ticket. Kahit parents nyo o kaya mga kapatid nyo pwedeng pumunta open ito sa lahat. Kaya bumili na kayo. At wag kayong mag-alala di kayo mauubusan ng slots napaka daming nito." Paliwanag nya. Oo nga pala bukas na ang concert ni Keira kelangan na naming magpalit kung hindi masisira ko lang ang pinaka-iingatan nyang kasikatan. Pagkatapos ibalita ni Ma'am yun umalis na sya at yung ibang classmate namin pinag-uusapan na kung sino ang isasama nila. At ako eto namomroblema na. Ano kayang gagawin naming dalawa??
A/N: Guys thank you po sa mga nagbabasa at magbabasa ng story ko sana po hanggang ending subaybayan nyo 😊 ahm..pagkatapos po nitong story ko meron na pong kasunod The Heartthrob and The Varsity Player (My two boy best friends) sana po subaybayan nyo din po yan 😘😘 thankie very muchie my beloved readers😘😘😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top