CHAPTER 7: Become a Pop Star
Tori POV
Nagising ako sa sikat ng araw 8 pasado na. Nakakapagtaka bakit hindi ata ako ginigising nung maid namin. Hmmm..ang weird lagi naman nya ginagawa ang pag gising sa akin ah. At hindi sya pumapalya dun. Bumangon na ko sa higaan ko then nagkukuskos ako ng mata ng pumunta ako sa CR ko. Naghilamos ako ng mukha.
"Teka! Nasan yung sabon ko dito pati toothbrush ko wala." Sabi ko ng mahina. Tumingin tingin ako sa loob nitong banyo. Teka! Hindi ko to CR. Lumabas ako ng CR at tinignan din ang room na pinagtulugan ko. Hindi ko din to room, nasan ako? Na kidnapped ba ko? OMG!! Huhuhu!! Mommy, Daddy help me please I don't know what to do. Hinanap ko ang cp ko sa may drawer para matawagan ko si Mom. Bago ko pa makita ang phone ko nakita ko ang mga gamit ni Keira. At naalala ko yung kagabi. Nagkapalit kami ng soul. Kinurot ko ang sarili ko para malaman ko kung totoo nga ba tong mga nangyayari ngayon.
"Ahhh." Daing ko. Ang sakit nun,so totoo ngang nagkapalit kami. Ang cool naman ako na yung Pop Star. Pinapangarap ko lang to dating eh ngayon eto na nasa akin na. Naligo ako ng natapos ako may tumatawag kay Keira sa labas.
"Keira!" Sabi nung nasa labas.
"Hmmm.. Sino yan?" Tanong ko.
"Si Ria to Keira." Sabi nya. Ahh.. Ria pala ang name nya. Binuksan ko ang pinto.
"Anong kelangan mo Ria?" Tanong ko.
"Ahm..itatanong ko lang sana kung ano susuotin mo dito sa dalawa." Saad nya.
"Ikaw na bahala." Sabi ko.
"Talaga Keira, pinapayagan mo na ko." Nakangiting sabi nya.
"Oo naman." Sabi ko ng nakangiti din.
"Nakakapanibago ka Keira ngayon ka lang ata naging mabait sakin." Sabi nya na hindi pa makapaniwala sa nangyayari ngayon.
"Hmmm... Mas okay naman ngayon di ba? Na ganito ako sayo." Sabi ko na lang.
"Oo naman..sana lagi lang ganyan." Nakangiting sagot nya. Inabot nya sakin ang pants at T-shirt na pang-emo ang design. Ang cute ngayon lang ako makakapagsuot ng ganito. Sinuot ko na nga at nagsuot din ako ng hikaw then watch para cool tignan. Pumunta akong labas at hinanap si Ria.
"Nandito ka lang pala." Sabi ko sa kanya.
"Hmm.. Bakit mo nga pala ko hinahanap Keira?" Tanong nya sakin.
"Ahm... Pwede mo bang ipitan ang buhok ko?" Favor ko sa kanya.
"Oo naman." Masayang sabi nya.
Natapos din sya sa pag-iipit sakin at ang ganda parang yung ayos ni Princess Aurora sa Maleficent. Search nyo na lang sa goggle kung di nyo alam.
"Thank you Ria." Sabi ko sa kanya. At niyakap sya.
"Welcome." Sabi nya sakin at niyakap din ako.
Umalis na ko dun at naglakad lakad sa city ang ganda pala ng buhay na walang papakelam sa mga lakad mo hindi tulad sa mansion kelangan ko pang may kasamang butler pag-umalis ako. Hindi tulad dito kahit wala kong kasama nakaka-alis ako. Naglakad lakad ako naghahanap ako ng karinderya dun ako kakain. First time ko to eh! Kaya di ko alam kung san ako kakain di katulad dun sa mansion pagka gising ko kakain na lang ako. Ganto pala ang buhay ng normal na tao. Hindi ko sinabing di ako normal ahh.. I mean ganto pala yung life na hindi ka mayaman. Walang gigising sayo,walang magpe prepare ng food mo for morning,lunch and even diner isama pa natin ang meryenda. Di ko namalayan may karinderya na pala sa tapat ko bago ako makapasok may nag papirma saking dalawang batang babae.
"Ate Keira! Papirma po kami." Sabi ng dalawang batang babae . Inabot ko naman ang kanilang hawak na papel at ballpen.
T💓
Pirma ko sa papel nila.
"Huh! Bakit po T?" Sabi nung isa. Yah ung pirma ko ung naisulat ko si Keira nga pala ko.
"Hehehe..." Tawa ko. Pinunit ko at pumirma ulit.
K💓
"Yey! Thank you po ang bait nyo talaga." Sabi ko sa kanilang dalawa. Umalis na sila at ganon din ako. Pumasok na ko sa may karinderya at ang daming ng tao. Pumunta ako sa may counter nila tinignan ko naman yung mga ulam masasarap.
"Miss isa pong gulay then rice na din po." Sabi ko.
"35 pesos." Sabi nya. Binigay ko naman ung hinihingi nya at umupo na maya maya lang nandito na yung in-order ko. Hmmm... Mukhang masarap! Kinain ko na at hindi nga ko nagkakamali sobrang sarap nito. Naubos ko na at uminom na ng tubig. Nabusog ako dun bumalik na ko sa may studio dun kasi nakatira si Keira malapit dun. Pagkarating ko dun mga nagpapractice sila ng sayaw siguro yun yung sayaw nila sa concert ni Keira sa Valentine's. Ang ganda ng concept ng sayaw. Grabe lang, nanunuod lang ako sa kanila ng biglang tawagin ako nung babae.
"Keira ano bang gagawin mong moves sa final dance mo?" Sabi sakin nung babae.
"Ikaw na ang bahala." Nakangiting sabi ko.
"Totoo ba yun Keira?" Di makapaniwalang sabi nya.
"Oo naman." Sabi ko at umalis na dun.
Pumunta ko sa may room ko at nahiga. Ang sarap pala talaga ng buhay ni Keira kahit ano pwede nyang gawin 😊 Di ko magawa to samin eh! Dito lang talaga. I'm free!!! Matagal ko tong pinangarap sana di na lang matapos to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top