CHAPTER 5: Body Switched

Tori POV

Lumabas na kami ni Keira ng bahay at nagpunta sa may harapan ng bahay.

"Ang sarap pala ng buhay mayaman nuh! Pa prente prente ka lang. Di katulad ko nagtatrabaho." Sabi ni Keira.
"What do you mean Keira?" Nagtatakang tanong ko.
"Ahmm... Mahirap lang ako Tori Naging sikat lang ako kasi sa talent ko kung di naman dahil dito di ako makakapag-aral sa school nyo. Masyadong pang high class ang school natin. Puro mayayaman kayo kaya di ko sinabing mahirap ako. Kasi baka mag-iba ung tingin nyo sakin lalo kana Tori. Ayokong mawala ang friendship natin kaya tinago ko sayo ang totoo. Ngayon idol mo pa rin ba ko? Nag-iba ba ang tingin mo sakin?" Sad na tanong nya. Grabe di ko akalain na ico-confess nya ngaun sakin lahat ng to.
"Ahm..Keira di mo naman kelangan itago sakin mas lalo nga kong bumilib sayo ngayong nalaman ko ng ang totoo sa pagkatao mo. Di mo aakalain na hindi ka mayaman kasi ang cool ng mga dress-up mo sa school. Alam mo bang pinangarap ko na maging ikaw kaso wala eh! Ganon talaga ang life natin. Di lahat ng gusto mo makukuha mo. Pangarap ko kayang maisuot ang mga damit mo,makapag perform sa stage, makahawak ng mic at guitar. Sumayaw,kumanta, at gawin ng malaya ang mga bagay na kahit kelan di ko pa nararanasan. Mag decide by myself. I idolized you very much Keira." Sabi ko. Talaga naman kasi eh! Confession's over load na dito.
"Woahhhh...!! Totoo ba tong narinig ko isang Victoria Shane Dela Fuente na sikat na sikat sa school. Ina-admire ng madaming lalaki, perfect girl sa nakararami. Kung ituring sa school real life princess pati sa mansion nyo. Gugustuhin ang buhay ko?? Alam mo bang matagal ko na ring pangarap na mging isang katulad mo! Alam mo bang ang swerte swerte mo kasi bago ka pa lang ipinanganak mayaman ka na. And taga pagmana ka ng mga ari-arian nyo. Isang snap mo lang susundin na yung pinag-uutos mo. May taga hatid ka sa school na limousine, may butler ka, may P.A ka san ka pa. Tsaka sarap ng buhay mo pag-uwi mo may kakainin kana. Nag momodeling ka alam mo ba matagal ko ng pangarap yun. At pangarap ko din na magbabad sa bathtub na may gatas di ba sosyalin. Para kuminis naman yung kutis ko na to. Lahat yan pangarap kong mangyari sakin." Sabi ni Keira.

"I'm speechless Keira. Di ko akalain na in-admired mo din ang buhay ko." Nasabi ko na lang.
"Tarang pumuntang hardin." Aya ko sa kanya. Umupo kami sa may damuhan habang nakatingin sa mga bituin. Maya maya lang nakakita ako ng dumaang falling star.
"Keira nakita mo ba yon?" Turo ko sa kalangitan.
"Ah..yung falling star. Oo nakita ko, alam mo ba sabi nila lahat ng humiling jan natutupad. Naniniwala ka ba dun Tori?" Sabi sakin ni Keira.

"Hmm...wala naman sigurong masama kung ita-try natin di ba?" Sabi ko sa kanya. Di ba tama naman ako wala namang masama kung ita-try naming mag wish malay nyo magkatotoo nga.
"Hmm..Tama ka, sige pag may nakita tayong falling star mag wish tayo ng sabay. Ibubulong lang ha! Bawal sabihin ng malakas baka di magkatotoo. At bawal din ipag sabi." Paliwanag ni Keira sakin. Tumango tango lang ako. Maya maya lang may dumaan ng falling star at ginawa ko nga yung sinabi nya. Nag wish ako.

I wish, I had her life.
And be another me.

Sana lang magkatotoo. Maya maya lang napagpasyahan na naming kumain. Papasok na sana kami sa loob ng biglang lumindol. Feeling ko nga mga Intensity 5 eh! At pagkatapos ng pangyayaring yun. May kakaiba akong naramdaman sa katawan ko. Para bang wala ko sa katawan ko ganon yung feeling eh! Di ako comfortable.

"Waaaaahhhhh!!!!" Sabay naming sigaw ni Keira.
"Anong nangyari?" Sabi nya sakin.
"Di ko din alam basta alam ko lang lumindol tapos eto na." Paliwanag ko sa kanya.
"Waahh!! Di ko akalain na didinggin agad yung wish ko." Sabi nya na tuwang tuwa pa. So ibig sabihin same lang kami ng wish.
"Same pala tayo eh!" Nasabi ko na lang. Di parin kasi talaga ko makapaniwala na nangyayari ang lahat ng to sa isang gabi lang kanina lang nag confess sakin si Keira tapos ngayon kaming dalawa nagkapalit. Impossible di ba!
"OMG! OMG! So pano to di naman tayo pwedeng bumalik sa dati nating buhay hanggat ganito ang itsura nating dalawa." Sabi nya. May point sya dun.
"Hmm... Hanggang hindi pa bumabalik sa dati edi palit muna tayo ng life." Sabi ko.
"Ehh hanggang kelan naman tayo ganito?" Sabi nya.
"Yan din ang di ko alam. . Pero habang hindi pa nagbabalik sa ayos ang mga soul natin enjoy-in na lang muna natin." Sabi ko.
Biglang dumating yung manager ni Keira.

"Keira aalis na tayo." Sabi nung manager.
"Ayy..o---" sabi ni Keira. Di ko na sya pinatapos.
"Ahm...OO aalis na kami bye TORI." Sabi ko. Diniinan ko talaga para matauhan sya na wala sya ngayon sa katawan nya.
"Ahhh...ehhh..sige ingat Keira." Nakangiting sabi nya. Ma enjoy nya sana yung life ko. At yung life nya syempre eenjoy-in ko once in a lifetime opportunity lang yun nuh! Aaksayahin ko pa ba syempre hindi na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top