CHAPTER 4: Bad Guy
Carl POV
Sabado ng umaga maaga akong pumunta sa studio pagagayakin ko pa si Keira at baka nakalimutan nya na ngayon kami magpeperform sa bahay ni Mayor Dela Fuente. Sayang yun income din yun eh! Well ako nga pala si Carl manager ni Keira kilala nyo naman na sya di ba. Naging sikat sya dahil sakin kung di ko naman kinuha yun di naman sisikat yun eh!
"Boss ayaw sagutin ni Keira yung phone nya eh!" Sabi sakin ni Brando. Nakaka-inis talaga yun pa VIP kung di lang dahil sa pera di ako magtitiyaga jan! Kelangan ko na talagang mapa-ibig ang kapatid ni Mayor Dela Fuente. Dahil sa kanya yayaman ako. Magkakaroon ako ng napakaraming salapi💰💰💰💰💸💸💸💸
👌👌👌👌
"Hay! Nakakasura na talaga yung Keira na yun!" Inis na sabi ko.
"Boss easy ka lang." Sabi sakin ni Brando.
"Tumahimik ka jan kung di masusuntok ko yang pagmumukha mo! Gusto mo bang sayo ko ibunton ung inis ko kay Keira?" Sabi ko sa kanya.
"Hindi po boss..Promise! Behave na po ko baka zipper na bibig ko." Sabi nya na halata ko namang natakot sa sinabi ko. Huh!! Takot lang nya sakin nuh!!
"Good. I-massage mo na lang tong likod ko." Utos ko sa kanya.
"Yes sir." Sabi nya at nag salute pa sakin. Aba dapat lang ako nagpapa suweldo sa kanya nuh!
Habang nag-eenjoy ako dito bigla namang pumasok si Keira.
"Ooopppsss!!! Nakakaabala ata ko." Sabi nya.
"Hindi. Ano ba yun?" Sabi ko.
"Kanina lang hinahanap mo ko jan eh! Tapos ngayon tatanungin mo ko, ang gulo mo!! Makaalis na nga! Tawagin mo ko pag-aalis na tayo!!" Sabi nya at lumabas na ng room ko.
"Ibang klase talaga yung babae na yun sarap suntukin eh! Nagpipigil lang talaga ko! Manager nya ko di nya utusan!" Inis na sabi ko.
"Chillax lang boss baka pumuti agad buhok mo sige ka di kana pogi." Sabi nya.
"Sige na! Ituloy mo na lang yang ginagawa mo puro ka satsat." Sabi ko.
7:00 pm ng umalis kaming lahat sa studio. Mga 30mins. ang byahe namin, pagdating namin sa mansion sobrang ganda at parang mga mamahalin talaga yung mga design nila sa mansion nila. Nakita ko naman agad ang magpapayaman sakin este si Estella Dela Fuente kapatid ni Mayor. Patay na patay sakin yan! Kaya sigurado akong lahat ng gusto ko ibibigay niyan sakin. Hahaha... Yayaman na ko!! Ilang minuto lang nagsimula na ang concert ni Keira. Nagawa nya naman lahat ng prinaktis namin kaya good job. Pagkatapos niyang mag perform may lumapit sa kanya di ko na kilala kasi na ka talikod basta alam ko lang babae. Baka taga hanga nya o kaya naman kaibigan nya. Wala na kong pake dun basta ako hahanapin ko yung magpapayaman sakin. Nakita ko naman sya agad.
"Ma'am Estella good evening po." Magalang na sabi ko sa kanya at hinagkan ko sya sa kamay nya. Di ba pa sweet para mahulog sakin!
"Oh!! Hihihi... Ikaw naman Carl, Estella na lang pinatatanda mo naman ako agad sa Ma'am eh." Kinikilig na sabi nya.
"Ah ganon ba sige Estella na lang ang itatawag ko sayo." Sabi ko.
"Yan mas okay pang pakinggan.Tara ililibot kita sa mansion" Sabi nya. Yan ang hinihintay kong sabihin mo! Natumbok mo! Hahaha... Ihanda mo na ang mata mo Carl.
"Sige." Matipid na sagot ko. Nagsimula na syang maglakad na sa likod nya ko kung ano anong kinukwento nya malapit na nga kong antukin eh at dahil nakita ko sila Keira napatigil ako at nawala ang antok ko. Nagdahilan ako kay Estella para makaalis ako.
"Estella magbabanyo lang ako. Intayin mo na lang ako sa labas." Pagdadahilan ko sa kanya.
"Okay take your time Carl." Pa cute na sabi nya sakin.
Nang makaalis na si Estella tumakbo ako para masundan sila Keira. Nakita ko na sila si Keira at ang anak ni Mayor kung di ako nagkakamali sya si Shane eh. Magkakilala pala sila at mukhang close pa ang dalawa. Nandito ako ngayon malayo sa kanila para di nila ko makita biglang binuksan ni Shane yung parang lagusan sa likod ng pader. Pumasok silang dalawa sinundan ko naman at nagulat ako sa nakikita ko ngayon isang halamang nasa paso isang diamond plant pag naibenta ko yun yayaman na ko di ko na kelangan si Estella para yumaman hahaha... Mabibili ko na mga gusto ko, mangingibang bansa ko ung lugar na hindi ako nakikilala dun ako magsisimula ulit. Kaya kelangan ko ng plano sasabihin ko ito kay Brando ng mapaghandaan namin. Hmmmmm... Naaamoy ko na ang bilyong bilyong salapi ko. Lalangoy na ko sa pera. Malapit na malapit na.. Agad akong umalis doon at hinanap si Brando nakita ko naman sya agad. Nasa may table kumakain na napaka takaw talaga nito!
"Brando, sumama ka sakin may pag-uusapan tayong importante." Sabi ko
"Tungkol saan boss." Tanong nya sakin.
"Basta sumunod ka na lang." Sabi ko. Pumunta kami sa likod.
"Boss ano yung sasabihin mo ?" Tanong nya.
"Yayaman na tayo. May nakita akong diamond sa loob ng mansion nakatago nga lang." Sabi ko.
"Talaga boss! Pero anong gagawin natin?" Tanong nya.
"Syempre nanakawin natin! Napaka tanga mo talaga." Sabi ko.
"Sorry naman boss. Piano natin papasukin yun boss eh! Ang daming guard dito." Sabi ni Brando. May point sya dun..
"Hmmm.... Basta ako ng bahala dun, stay put ka lang." Sabi ko. At tumawa ng malakas. Magiging bilyonaryo na ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top