CHAPTER 2: Campus Pop Star

Keira POV

Hi I'm Keira Mae Lopez, studied in Charm School Academy. I'm their Campus Pop Star. Iniidolo ako ng lahat dahil sa galing ko daw kumanta at sumayaw. Yes I'm a dancer and a great singer in our school,but they do not know that I'am a poor kid. I'am scholar kaya nakapag-aral ako dun di nila ko katulad. Ako ang nagtutustos sa pag-aaral ko. My parent's abandoned me when I was a little. Di ko sila masisisi sa hirap ba naman ng buhay eh ! I'm a working student may banda kong sarili na tumutugtog kapag may mga occasions o kaya mga party. Sa school popular ako kasi ako daw yung pinaka cool na babae dun. So what naman.. Ayoko na nga sa ganitong buhay eh gusto ko ituring ako na prinsesa parang si Shane. She live like a true princess and act like too. Di ba ang swerte nya ang treatment ng mga schoolmates namin sa kanya parang prinsesa. Pano ba naman sa mga galaw nya tsaka salita mapagkakamalan mo ng parang true princess sya. Tapos kung manamit pa sya ang gaganda she looks like a model though mukha din syang prinsesa. Diba nakakainggit. I wish I had her life. So pwede na kong mag-utos na ikuha yung mga gamit ko ung ganon ba. Kelangan kaya mangyayari sakin yun. Na hindi na ko magtatrabaho para nakapag-aral lang. Makakain ko lahat ng masasarap na food,mabibili ko lahat ng gusto kong gamit at mag suit ng pang mayaman na kasuotan. Hmmm... Pangarap na lang talaga yun eh ! So back to reality na po tayo.
Nagbibihis na ko ng makalakad na at baka malate pa ko. Nang makatapos akong magbihis nagbaon lang ako ng sandwich at linagay ito sa backpack ko. Then kinuha ko na yung susi ng motor ko and pinaandar ko na yung motor. Habang nagdadrive ako nakita ko yung sasakyan nila Tori. Mapaghahalataan mo talagang mayaman kasi araw araw nagpapalit ng car. Oh di ba sosyalen ang Lola mo. At dahil malapit na kong malate pinaharurot ko na tong motor ko at makarating na ko sa school. Pinark ko lang yung motor ko then tinago ko ung susi sa bulsa ko. Habang naglalakad ako sa may corridor may mga nagpapa picture sakin at nag papa autograph. Diba dinaig ko pa artista. Pumasok na ko sa room namin at umupo doon sa may malapit sa bintana wala lasing magawa. Ayoko di namang makipagdaldalan sa kanila kasi wala naman silang ka sense kausap mas mabuting pang tumingin na lang sa view sa labas ng bintana. Maya maya dumating na si Shane at nagsigawan bigla mga classmate namin.

"Woahhh!! Totoo ba to guys nandito sa iisang room ang Campus Prince at Princess, Yiehhh!! Kilig much!" Sabi ni Bea. Tumingin ako sa buong room namin at oo nga nandito din si Yuan.

"Hep! Hep! Hep! Nakakalimutan mo ba Bea nandito din ang Pop Star sa section natin, grabe ang cool ng section natin !" Sabi naman ni Regine. Wait bat nasali ako ? Haixst! Hayaan ko na nga lang sila at tumingin ulit sa bintana. Maya maya lang dumating na ung teacher namin may iniwan lang na gagawin at bukas daw namin ipapasa. At dahil wala na kaming teacher nagsilabasan na yung mga classmate ko maliban saming dalawa ni Shane kaso nung matapos syang mag-ayos ng gamit nya agad din syang umalis. Tumayo na din ako nagugutom na ko eh! Alangan namang dun lang ako sa room namin di ba edi nagutom naman ako.
Papunta ko ngayung jollibee favorite ko dun eh simula pa nung bata pa lang ako. Sana lang may maupuan pa ko,kasi naman sa sobrang sarap ng pagkain dun paging punuan kaya paunahan na lang eh.
Nang makarating ako sa jollibee ay agad akong umorder sa counter then nung maibigay na nila yung order ko naghanap na ko ng pwedeng maupuan ko at sa sobrang malas ko wala kong makitang vacant seat lahat may nakaupong tao syempre alangan namang hayop.

"Keira! Keira! Dito oh!" Sabi ni Shane habang tinuturo pa sakin yung pwesto nya. Wow nakakagulat lang isang Victoria Shane Dela Fuente tinatawag ako para dun umupo sa pwesto nya. Magpapa bebe pa ba ko syempre linapitan ko agad sya. Wala ng hiya hiya Keira kapalan mo na mukha mo.
"Ahm..kilala mo pala ko? Kala ko hindi eh." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Syempre di ko pinahalatang nahihiya ako sa kanya nuh!
"Ano ka ba sino ba namang di makakakilala sayo eh Campus Pop Star ka kaya." Sabi ni Shane. Yes may point sya dun sya din naman sikat eh!
"Pero thank you Shane kasi pinaupo mo ko dito." Pasasalamat ko sa kanya. Kasi naman di ako makakakain kung di nya ko pinaupo.
"Ano ka ba wala yun nuh! Tsaka Tori na lang friends naman na tayo." Sabi nya. Wait ayaw mag sink-in sa utak ko ung last word na sinabi nya friends na daw kami?? Grabe sobrang swerte ko naman ngayong araw na to. Naging friend ko ung Campus Princess namin. Sosyalen...bigtime.
"Hehehe...oo naman." Sagot ko sa kanya.

RINGGGG.....

Tunog ng bell so it means tapos na ang recess at kelangan na naming bumalik sa room.

"So tara na Keira baka malate pa tayo." Sabi ni Tori.

"Let's go." Aya ko sa kanya.

Habang naglalakad kami sa may corridor biglang sumulpot si Yuan ung Campus Prince namin at inasar niya si Tori. Di kaya may gusto to sa friend ko. Wow talaga tinotohanan ko ung salitang friend nuh! Well sa ngayon nga friend na talaga kami ni Tori.

"Ay! Naku Keira bat ka sumama jan di mo ba alam na parang dragon yan kung magalit nagbubuga ng apoy." Sabi ni Yuan. Naku! Naku! Don't tell me kaya nya inaasar si Tori kasi may gusto sya. OMG!!😱
"Hay! Naku Peste wag mong sirain araw ko maganda na eh! Epal ka lang!" Sabi ni Tori then she rolled her eyes. Maawat na nga tong dalawa baka malate pa kami eh!
"O sya! Sya!  Tama na yan baka malate pa tayo." Sabi ko na lang at inakbayan ko silang dalawa. Nasa gitna ko para di na magbangayan tong dalawa nakakabingi eh!

FastForward....

Mabilis lang ang oras kahit matagal kaming nakaupo dun at nakikinig sa mga pinagsasasabi ng teacher namin. Uwian time hay! Sa wakas matatapos na tong araw na to kapagod!!
Biglang lumapit sakin si Tori.

"Keira una na ko sayo ah! Sorry di ako makakasabay sayo may pictorial pa kasi ako eh." Sabi nya sakin. Wow! Grabe kainggit,dream ko kasing maging model kaso eto lang ako eh. Sayang gusto ko pa naman sya makasabay kaso nga pala may practice pa nga pala ko muntik ko ng makalimutan eto naman kasing manager ko sobrang oa nakakainis na.
"It's okay Tori. No problem,maybe nextime. I have work to do din kasi eh bawal na hindi ko puntahan hahanapin kasi ako ng manager ko eh!" Paliwanag ko sa kanya. Nagpaalam na sakin si Tori at umalis na sya. Grabe ang ganda nya talaga pati paglakad niya pang model talaga. Pati ung skin nya ang kinis halatang may bathtub yung CR nila. At dahil ako na lang ang natitira dito umalis na ko pumunta ako sa may parking lot at nakita ko naman agad ang motor ko. Sinuot ko ang helmet ko syempre safety first mamaya kung mapano ko jan sa daan eh! Di natin masasabi kung kelangan dadating alam nyo na yun syempre. Pinaandar ko na ang motor ko. Makalipas ang 25mins nasa may studio na ko.

"Keira bakit ang tagal mo kanina pa nag-iintay sayo ang mga backup dancers mo,di kami makapagsimula dahil wala ka pa." Sabi sakin ni Carl ung manager ko.
"Ano pa bang problems mo! Nandito na nga ko di ba!" In is na sabi ko. Totoo naman eh! Ano pa bang pinaglalaban niya nandito na nga ko!! Haixstt!! Nakakakulo ng dugo!! At umalis na ko sa harapan nya.
"Jobelle gusto ko ung sayaw ko ganito ah." Sabi ko habang tinuturo sa kanya ung step na gusto ko.
"Got it." Sabi ni Jobelle at umalis na ko. Nagpunta ko sa kwarto ko then nagpalit ng damit.

Tok! Tok!

Tok! Tok!

"Tuloy." Walang ganang sabi ko.
"Keira anong susuotin mo dito sa dalawa? Suggest ko lang sana ung pink ung gamitin mo para maiba naman lagi na lang kasi purple ung theme mo eh!" Sabi ni Ria.
"So! I don't need your suggestion. I want purple you got it? You don't have the permission to asked me like that!" Inis na sabi ko.
"Ok." Tipid na sagot sakin ni Ria.

Hay! Sana ako na lang si Tori. I wish I had her life.🙍

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top