CHAPTER 11: In Danger
Carl POV
Pinaghandaan namin to. At ayokong pumalpak masasayang lang ang plinano namin. Hindi kami pumunta sa concert ni Keira bat pa ko pupunta doon eh! Yayaman ako dito. 💸💸💸💰💰💰💲💲💲 Kaya pagkaalis na pagkaalis ni Keira. Sumibat na kami ng alis nitong alalay ko. Pumunta kami sa mansion dahil alam namin na wala ng tao dun nasa concert na silang lahat. Pagpasok na kami ng harangin kami nung dalawang guard na nagbabantay.
"Pinapunta ko dito ni Mayor may pinakukuha lang." Sabi ko sa kanila.
"Sige po pasok na kayo." Sabi nung isang guard. Yan pumasok na nga kami ang tanga tanga naman ng mga nagbabantay dito. Di nila alam magnanakaw na hahaha... Well hindi naman napurnada ang lakad namin kaya okay lang na tatanga tanga sila. Pumasok na kami sa mansion at pumunta sa hallway kung saan ko nakita sila Keira na pumasok. Hahaha... Mapapasaakin na ang Diamond na yun! Yayaman na ko. Magkano ko kaya yun maibebenta. Hahaha... Excited na ko sa mga gagawin ko pagkatapos ko maibenta yun! Nakarating na kami sa may hallway may malaking parang manibela dun sa wall. Dito ko nakitang may pinindut ba yun o hinatak si Shane.
"Eto na yun." Sabi ko kay Brando.
"Hahaha... Boss eto na ba yun eh! Pader lang yan eh!😂😂😂" Sabi nya. Siraulo talaga to napaka tanga.
"Gago!! Ang tanga mo din nuh!! Syempre may daan yan!.Ang bobo!!" Inis na sabi ko at binatukan sya.
"Aray!! Sorry naman boss." Sabi nya sakin habang nakahawak sa likod ng ulo nya.
"Oh sya! Sya! Buksan mo na yan." Utos ko sa kanya. Kumuha naman sya agad ng palakol na galing sa mga statue dito na design bakal talaga ah! Umabante sya at pinagpapalakol ung bakal na manibela pero wala pa ring nangyayari dun! Umatras sya upang kumuha ng bwelo kaya lang...
"Arrraaaayyy!!!" Sigaw ko habang hawak yung isang pala ko. Pano ba naman tinapakan ng mokong na to.
"Sorry boss di ko nakita nanjan ka pala." Sabi nya sakin.
"Napaka tanga mo talaga!! Hay! Naku!" Pagtitimpi ko.
"Ako na nga lang ang gagawa." Sabi ko sa kanya inangat angat ko yung bakal na manibela pero wala pa din ng biglang may binato si Brando patungo sa direksyon ko. At biglang nag bukas ang passageway.
"Ang galing mo Boy!!" Natutuwang sabi ko sa kanya. Napayakap pa nga ko sa sobrang galak eh! Pero binitawan ko na sya agad at pumasok na kami. Namangha sya sa mga nakita nya at ako man ganon din ang naging reaction ko.
"Dalian mo bunutin mo na yan." Utos ko sa kanya. Agad naman nyang binunot yun at inilagay namin sa sako. Hahaha... Nasa akin na ang Diamonds!! Yayaman na ko nito. Ako ang humawak nito at lumabas na kami. Nagulat ako ng makita kami ni...
"Carl bakit mo dala yan." Sabi sakin ni Shane.
"Akala ko pa naman nasa concert ka. Takbooo!!" Sigaw ko. At kumaripas kami ng takbo palabas ng mansion.
Keira POV
Sinundan ko yung aso di ko nga alam nangyayari sakin eh! Para kong baliw sumusunod ako sa aso pero nung makalabas na ko napagtanto ko na matalino pala ung aso ni Tori, may silbi din pala hahaha... Nagmamadali na ko napa hinto ako ng makita ko si Carl dalawa ang diamond plant. Hala!!! Bat nya dala yun pano nya nalaman ang tungkol dun! Hay! Wala ng oras para isipin ko pa yun.
"Carl bakit mo dala yan?" Tanong ko sa kanya.
"Akala ko pa naman nasa concert ka. Takbooo!!!" Sigaw nya at tumakbo sila palabas hindi maaari to kelangan ko silang mahabol kaya tumakbo na din ako.
Tori POV
Habang kumakanta ko dito nakita ko ang pag itim ng mga puno lalo na sa mansion. Naku! Mukhang may nangyayaring di maganda dun ah. Ang DIAMOND PLANT!! Naku naman di maaari to kelangan kong makabalik sa mansion pero pano.. Ahhh.. Alam ko na...
"Kayo na muna ang kumanta." Sabi ko sa kanila at binato ang mic sa crowd at tumakbo. Wala akong pakelam sa sasabihin nila basta kelangan ko na talagang makabalik agad. Sakto pag labas ko ng venue nakita ko yung limousine namin pinara ko ito at...
"Ihatid mo ko ngayon sa palasyo. Ngayon din." Utos ko sa kanya.
"Bakit ko naman gagawin yun?" Sabi nung butler namin. Arghhh!! Oo nga pala nasa katawan pa din nga pala ko ni Keira. Ano ba to.
"Ako ang PRINSESA kaya ihatid mo ko ngayon din." Sabi ko. Sana lang maniwala na sya.
"Hindi." Sabi nya inis na talaga ko, marahas ko syang binaba sa sasakyan at wala na syang nagawa ako na ang nagdrive pinaharurot ko di ko napansin na malapit na ko sa bangin. Mahuhulog ako. No!! Ayoko pang mamatay!! Please lord help me!! Bigla na lang may tumawag sakin.
"Keira tumalon kana jan." Sabi ni Yuan. Yun nga ang ginawa ko..
"Oucchhh..!!!" Daing ko nagka sugat kasi ako sa braso at tuhod. Ung limousine ayun wala na. Buti na lang talaga ligtas ako. Kala ko mawawala na ko sa world kinabahan talaga ko ng bonggang bonga dun. Hay! Buti na lang talaga dumating si Yuan.
"Halika dadalin kita sa hospital para magamot mga sugat mo." Sabi nya.
"Wag na kaya ko na. Kelangan kong pumunta sa mansion ngayon din." Sabi ko.
"Sige tara ihahatid kita." Sabi nya at umangkas na ko sa likod ng motor nya. Nakarating na kami sa mansion at sakto kalalabas lang nung manager ni Keira. Bigla namang lumindol at ang susunod na nangyari nasa sariling katawan na ko. Bumalik na ulit sa dati. OMG!! Namiss kong maging ako😀😊 Back to reality.
"Akin na yang Diamond Plant." Sigaw ni Keira.
"Bat ko naman ibibigay sayo ang kayamanan ko." Sabi nya at tinulak ang kasama nya at sumakay sa limousine. At tatakas na, di ako makakapayag na makatakas ang masamang tao na yun sumakay ako sa kabayo.
"Yahhhh!!" Sigaw ko. Inunahan ko syang makalabas kaya naharangan ko ang lalabasan nya kaso tumakbo ulit sya. Aba! Di talaga magpapatalo to ah!! Bumaba ako ng kabayo at sakto namang pagdating ni Yuan at Keira.
"Tara habulin na natin sya." Sabi ni Yuan sumang ayon naman kaming dalawa ni Keira at hinabol namin si Carl. Naabutan namin sya sa may bangin wala na syang takas kasi nako corner na namin sya.
"Ano wala ka ng mapuntahan nuh? Ibigay mo na kasi samin yang Diamond Plant." Sabi ni Keira.
"Ano kayo? Di ako tanga nuh! Syempre pag na buhay ako ipapakulong nyo ko kaya mas mabuti ng mamatay na lang." Sabi nya samin at nagpatihulog.
"Huwwaaaaggg!!" Sabay naming sabi ni Keira. Pero wala na eh! Sinama nya yung Diamond Plant sa pagkahulog nya. Bumalik kami sa mansion at pumunta sa garden kung saan nakatanim ang Diamond Plant.
"Wala na Keira." Malungkot na sabi ko sa kanya.
"Wala na bang mapagkukunan ulit nun.?" Tanong nya sakin.
"Wala na yun na yung pinaka last." Sabi ko in sad tone.
"What if yung friendship necklace natin, baka pwede nating itanim yun??" Sabi nya.
"Bright idea! Subukan natin." Sabi ko binigay nya sakin ung nasa kwintas nya at kinuha ko din ung nasa kwintas ko tinanim ko yun. Sana gumana. Maya maya lang sumibol na, remember guys it's a MAGICAL PLANT kaya mabilis lang tumubo. Naging makulay na ulit ung mansion pati ung mga halaman na nakatanim.
"Tori nagawa natin!!" Masayang sabi sakin ni Keira. Nagyakapan kaming dalawa dahil sa tuwa.😊😊 Akala ko mawawala na talaga to. Hay!! Buti na lang hindi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top