Wakas

Wakas

Humalakhak ang matanda nang makita ang lito naming mukha. Gustong gusto niya ito eh, ang mabilog kami at maniwala na may alam siya sa nangyayari. Sinisira lamang niya kami.

"Ganyan nga! Isipin niyong mabuti kung sino ang naging totoo sa inyong lahat." Madiin niyang sabi.

Huminga ako ng malalim. Ang lagkit ng pawis ko ay malayang lumalandas sa aking mukha. Pumikit ako ng mariin para pakalmahin ang aking sarili. Naramdaman ko ang mainit na likidong lumabas sa aking mga mata. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli kong iyak. Pakiramdam ko ay ang hina ko ngayong oras na ito.

"Guys... don't fucking trust this retard." Mahina kong sabi na kahit ako ay hindi ko marinig.

Pagod na akong lumaban para sa amin. Pagod na akong maging matapang. Ngunit alam kong hindi ngayon ang panahon para ipakita iyon sa kanila. Kailangan ko pa ring maging matapang at malakas.

"Dalaga..." bulong niya habang papalapit siya sa akin. Hinawakan niya ang aking buhok at pinapaikutan niya ako.

Nanginig ang buong katawan ko habang ginagawa niya iyon. Minulat ko ang aking mata at saktong nasa harap ko na siya at kitang kita ko ang galit sa kaniyang mukha.

"What do you want? Ang masira kami?" Mahinahon kong tanong.

"You know exactly what I want, dalaga..." ang kaniyang ngisi ay napawi. Hinigpitan niya ang hawak niya sa aking buhok at marahas na hinila iyon, dahilan kung bakit napatingala ako.

"W-wha-"

"Tama na ang pagmamaang-maangan, Doe!" Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya. Hinila pa niyang mabuti ang aking buhok.

Narinig ko si Pine na gusto akong lapitan ngunit hindi nila magawa. Hindi nila ako kayang tulungan. Isa isa ko silang tinignan at tanging awa lamang sa mga mata nila ang nakita ko. Tumagal ang tingin ko kay Silver sa pagaakalang ililigtas niya ako ngunit mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ni Pine.

Tinignan ko ang matanda, "K-kung ano ang gusto mong gawin sa akin, gawin mo na..."

"Doe!" Pigil nila.

Hanggang ganyan lang naman sila eh. Hanggang pigil lang ngunit hindi nila kayang lumaban.

"Matapang ka, Dalaga..."

Buong akala ko papatayin na niya ako. Nakahinga ako ng malalim nang bigla niyang binitawan ang buhok ko. Halos madapa ako sa harap ni Slate nang itapon niya ako roon.

"Sasamahan ko kayo kung saan ang mga kaibigan niyo. At hwag niyo sabihin sa akin mamaya na hindi ko kayo binigyan ng pagkakataong patayin ang taong salarin..."

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya. Nagsimula na siyang maglakad at ni-isa sa amin ay hindi sumunod sa kaniya. Tinignan nila ako na parang hinihintay ang desisyon ko kung maniniwala ba kami at susundan namin ang matanda o hindi.

Ginalaw ko ang kanan kong paa at sumunod ang kaliwa. Tanda na susunod kami sa matanda. Tahimik lamang kami habang naglalakad at walang ibang maririnig kundi ang kaluskos ng mga damong natatapakan namin.

"Doe, are you alright?" Rinig kong tanong sa akin ni Pine ngunit hindi ko siya pinansin.

Hangga't maaari ay ayaw kong sumbatan sila sa mga nagawa nila kaya mas mabuting tumahimik na lamang ako. Hindi na nasundan ang tanong niya nang maramdaman niyang hindi ako sasagot sa kahit na anong itatanong niya.

Nataranta kami nang marinig naming muli ang sigaw at iyak ng mga kaibigan namin. Alam ko! Sigurado akong sina Goldie iyon! Hindi ako pwedeng magkamali kaya napatingin ako sa matanda. Nagulat ako nang maabutan kong nakatingin din siya sa akin at nakangisi.

"Ngayon, naniniwala na ba kayo sa akin?" Tanong niya.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Siguro nga ay tama siya ngunit bakit ngayon niya lang itinuro sa amin ang daan papunta sa mga kaibigan namin? Bakit kailangan pa niyang pag laruan kami at kanina ay muntik nang may mamatay sa amin.

"M-magpatuloy ka..." nauutal kong sabi. Tumaas ang isang sulok ng labi niya at nagkibit balikat sa akin.

Nagsimula kaming maglakad hanggang sa palapit ng palapit sa amin ang sigaw at iyak. I licked my lower lip dahil pakiramdam ko ay natuyuan na ng tubig ang labi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at nanginginig nanaman ang aking binti.

Nanlamig ako nang makita ang kaibigan kong nakakulong sa isang selda. Halos tumakbo ako papunta sa kanila ngunit nakita ko ang takot sa kanilang mga mata. Tatakbo na rin sana palapit sa kanila ang mga kaibigan ni Candy ngunit marahas silang pinigilan ng matanda. Nanatili akong nakatayo at parang may ugat na nakatali sa aking paa dahil hindi ko kayang humakbang ng kahit na isang hakbang lamang.

Mula sa likod ng selda ay lumabas si Jet, Charra at Sir Ivan doon. Kinuyom ko ang aking kamao at tinignan sila ng masama.

"Hayop ka, Charra!" Sigaw ni Pine at kung hindi siya hawak ni Silver sa kaniyang baiwang ay malamang, nakalmot at nasabunutan na niya si Charra.

Pinigilan ko ang sarili kong gawin ang ginagawa ni Pine. Maging si Slate ay masama na rin ang tingin sa kanilang tatlo. Kahit na gustong gusto ko silang patayin ngayon ay gusto ko pa rin marinig ang paliwanag nila.

"Hayop kayo!" Iyon ang paulit ulit na sigaw ng mga kasama ko.

"Doe? Wala ka bang sasabihin?" Malamig na tanong sa akin ni Charra.

Pumikit ako ng mariin, "Bakit?" Tanging tanong ko.

"Bakit niyo nagawa sa amin ito? I wanna fucking know, why!?" Sigaw ko hanggang sa sumakit ang lalamunan ko.

Pakiramdam ko ay sinaksak nila ako patalikod. All this time, pinaglalaban ko sila ngunit sila naman pala itong may gawa. At ano ang narinig ko noon sa cr na pinag-uusapan ni Sir Ivan at Charra? Ito na ba iyon?

"Why?" Lumapit sa akin si Charra, "You wanna know why, Doe?"

Nang sa wakas ay nasa harap ko na siya, nagsukatan kami ng tingin. Hindi ako magpapatalo sa kaniya dahil alam ko sa sarili kong wala akong kasalanan! Siya itong may kasalanan! Sila!

"Ask yourself, Doe. Fuck it! Ilabas mo ang ugali mo. Hindi ko kailangan ng Doe na kunyare ay matapang at kunyare ay malinis!" Sigaw niya.

"Charra, wait!" Pigil sa kaniya ni Jet.

"Binata, hayaan mo siya..." sabi naman ng matanda.

"Ano bang pinagsasabi mo, Charra? Nasisiraan ka na ba ng ulo?" Inis na sabi sa kaniya ni Pine.

"Hwag kang makisali rito, Cervera..." sabi ni Sir Ivan.

"Putang ina, paanong hindi ako makikisali? Gulong gulo na kami rito tapos kayo ay narito lang?! San ininform niyo manlang kami sa kalagayan niyo at sa nalalaman niyo!" Sigaw ni Pine.

"Jet, dude..." rinig kong sabi ni Slate. Alam na alam ko ang ano ang nararamdaman ngayon ni Slate.

"Tignan mo ang nangyayari! Bakit hindi ka nalang umamin, Doe?" Hindi natanggal ang matalim na tingin sa akin ni Charra.

"Cha-"

"Doe, ikaw ang nagkulong sa akin dito..." umiiyak na sabi ni Goldie habang nasa loob ng selda.

Halos maramdaman kong umaalis at bumabalik ang puso ko sa aking dibdib sa sobrang lakas ng kabog nito. Nanginginig ang buong katawan ko at hindi ko alam kung paano pa ako nakakatayo ngayon. Lumandas ang walang tigil na luhang tumulo sa aking mga mata. Fuck! Fuck!

Wala akong maintindihan sa sinasabi nila! Anong ako?! Simula una palang ay alam ko na kung ano ang ginagawa ko. Wala akong kasalanan at malinis ang kunsensya ko! Hindi pwedeng ako!

"H-hindi... W-wala akong aaminin! Wala!" Sigaw ko sa kanila.

"Doe... ako ang una mong pinunta rito 'nung nakita mo ako noon 'nung nag ghost hunting tayo. Sinabi ko sa inyo na mahal ko si Silver, iyon ang naging dahilan para ikulong mo ako rito..."

Hindi! Tinakpan ko ang dalawa kong tainga para hindi ko marinig ang sinasabi nila. Sa lahat ng ginawa ko para sa kanila ay ito lamang ang igaganti nila? Wala akong kasalanan! Hindi ko ginawa ito!

"Kinulong mo ako rito, Doe, dahil nakaaway ako ni Silver." Sabi ni Flint.

"Wala akong kasalanan! Wala! Hindi ako ang sinasabi niyo!" Paulit ulit na sigaw ko.

"What the fuck, dude? Paano niyo naman sasabihin iyan sa taong simula 'nung una ay kasama nating lumalaban?!" Inis na sabi ni Slate.

"At anong pinagsasabi niyong dahil sa akin?" Litong tanong ni Silver.

"Ano bang klaseng tanong iyan, Silver? May gusto sa iyo si Doe... patay na patay siya sa iyo na halos lahat ng mapapalapit sa iyo ay kinukulong niya rito!" Sagot ni Sir Ivan.

"Kung alam mo pala, bakit hindi ka gumawa ng paraan? Babae si Doe at kayang kaya mo siyang patumbahin kung alam mong siya pala ang gumagawa nito." Sabat ni Pine.

"Ano ba ang sinasabi ko sa inyo kanina? Hindi niyo alam kung ano ang kaya niyang gawin..."

Wala akong naaalalang ginawa kong mali. Wala akong ginagawa! Gusto ko lamang tulungan sila at ilabas sa pagkakakulong dito para makauwi na kami.

Biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako roon. May mga alaala akong biglang lumitaw sa isip ko. Ang higpit ng hawak ko kay Goldie, ang nagmamakaawang mata ni Candy habang nakatingin sa akin, ang paglaban sa akin ni Flint, ang iyak ni Gema. Lahat ng iyon ay ginawa ng isang babae at ako iyon! Hindi. Hindi pwede! Nagkakamali sila!

Sumigaw ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Napaluhod ako. Ramdam na ramdam ko ang hapdi sa aking tuhod nang lumuhod ako. Lumandas ang luha sa aking pisngi.

"Ang sakit!" Sigaw ko habang namimilipit ako.

Biglang nag echo ang isang boses sa aking tainga. Sa sobrang lakas 'nun ay napatili pa ako habang hawak ko ang magka bilang tainga ko.

"Gusto mo si Silver? Pwes, magdusa ka!"

"Hindi! No. That's not me! Hindi ako iyan!" Paulit ulit kong sigaw.

"Akin lang si Silver. Ang sino mang magkagusto sa kaniya ay papatayin ko! Papatayin ko! Naiintindihan mo ba, ha?"

Isang matinis na halakhak ang narinig ko. May naramdaman akong kamay sa aking balikat kaya kumalma ako. Bumalik na ako sa dati ngunit pakiramdam ko ay may ibang kumu-control sa akin. Humalakhak ako kahit na hindi naman ako natatawa.

"Mabuti naman at nasa iisang place na tayong lahat. Mas mapapadali ang aking gagawin."

Pilit kong pinipigilan ang mga salitang iyon na lumabas sa aking bibig ngunit parang may sariling buhay ang mga iyon at patuloy pa rin ang pagbigkas ng mga salitang hindi ko naman gustong sabihin.

"Ayan na ang totoong Doe! Lumabas ka na!"

Tumirik ang mata ko sa sigaw ni Charra. Nilapitan ko siya at mahigpit na hinawakan ang kaniyang leeg. Agad na namutla siya at kinapos ang hininga. Gustong gusto ko siyang bitawan ngunit hindi ko magawa.

"D-doe..." hinawakan ni Slate ang braso ko ngunit nahawakan ko rin ang leeg niya gamit ang isa kong kamay.

Walang nangahas na lumapit sa amin. Humihina na ang katawa ni Charra at alam kong ilang segundo na lamang ay malalagutan na siya ng hininga.

"M-may split personality si Doe?" Rinig kong sabi ni Pine kaya naman siya ang binalingan ko.

Binitawan ko si Slate at Charra at siya naman ang hinarap ko. Kumapit siya sa braso ni Silver at nagtago sa likod nito. Ngumisi ako sa nakita ko.

"How sweet..." sarkastiko kong sabi, "Pero akin si Silver! Akin siya!"

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kaniyang braso. Gamit ang isa kong kamay ay nagawa kong maangat siya. Sinubukan nila akong pigilan ngunit hindi nila nakaya.

Ako ang kumukuha at nagkulong sakanila rito kaya ako rin ang papatay sa kanila. Wala akong ititira ni-isa. Papatayin ko sila gamit ang sarili kong kamay.

Lahat ng may gusto kay Silver, iyan ang mapapala.

___________

Social medias account:

Facebook : Czezelle WP
IG : czezelle
Twitter : czezelle_WP
Y

T : Czezelle Lu!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top