Special Chapter (Part 2)
Special Chapter (Part 2)
"Huwag kang matakot. Huwag kang matakot, Forbes. Kaya mo ito!" Paulit-ulit na sabi ni Forbes sa kanyang sarili. Tahimik lamang ako habang pilit na inaaninag ang daan namin.
"Parang hindi ko yata kaya, Snow..." nagsimula nanaman siyang umiyak ngunit agad niyang tinakpan ang kanyang bibig para hindi makalikha ng ingay.
"Shhh. It'll be over soon. We can do it," sabi ko.
Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na natatakot ako dahil lalo lamang siyang matatakot. Paano ba namin hahanapin si Silver sa ganito kadilim na lugar? Wala na rin akong narinig mula kila Strike. Paano kung pinatay na sila 'nong siraulong babaeng iyon?
Binilisan ko ang paglalakad habang hawak ko ang kamay ni Forbes. Hinahawi ko ang ilang dahon ng puno na sagabal sa paglalakad namin. Kung sisigaw ako ngayon para marinig ni Silver ay paniguradong maririnig din ng babaeng baliw kaya baka unahan na niya ako at patayin sila Eleven.
"Pagod na ako, Snow." Umiiyak pa rin si Forbes. Hindi ko alam kung saan pa nanggagaling ang mga luha niya dahil mag-iisang oras na yata kaming naglalakad pero punong puno pa rin siya ng luha. "Siguro hanggang dito nalang talaga ang buhay natin. Balikan na natin sila roon at sabay-sabay tayong mamatay,"
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Gusto kong magalit dahil ang bilis niyang sumuko ngunit hindi ko magawa dahil naiintindihan ko kung bakit ganito siya. Sino pa bang magkakaroon ng pag-asa kapag narito na sa The Camp?
We're fucking trapped here.
Marahas kong pinunasan ang luha sa pisngi ko. Naaninag ko ang isang malaking puno na nakatumba kaya hinila ko roon si Forbes. Hindi magandang magpahinga sa mga oras na ito pero kailangan kong palakasin ang loob niya.
"Forbes, mabubuhay tayo. Iyan ang itatak mo sa utak mo, okay? Matatapos din ito..."
Hindi nakatulong ang sinabi ko dahil lalo pa siyang naiyak. Suminghot ako habang nakatingin sa langit. Ang ganda ng buwan at mga bituin. May mga taong masayang tumitingin sa buwan at butuin sa mga oras na ito kasabay ko. Pero ang pagkakaiba namin ay ako, nanganganib.
"Ako ba ang hanap niyo?"
Agad kaming napatayo ni Forbes nang makita namin si Silver sa aming likuran. May hawak siyang balisong, baril at kung anu-ano pang deadly weapon na ang iba ay nakasabit sa kanyang baiwang.
"We need your help," sabi ko. Tumango naman siya agad na parang sinasabi na alam na niya ang lahat at dapat gawin.
Lumapit siya sa amin at inabot niya sa amin ang isang balisong. Nanginginig ang kamay kong inabot iyon. Ngayon lang ako nakahawak nito at hindi ko alam kung kaya kong gamitin ito ngayon para labanan ang baliw na babae.
"Tamaan niyo sa balikat pero huwag niyong papatayin." Paalala niya sa amin.
Tumango tango kami ni Forbes saka tumakbo pabalik sa kanila. Susunod si Silver sa amin at may kukunin pa raw siyang ibang gamit sa kanyang bahay. Hindi ko alam kung anong nangyari na natandaan ko ang daan. Nakabalik kami agad ni Forbes sa kanila. Nakatayo si Strike ngunit puro pasa ang kanyang mukha. Putok ang labi niya at nakapikit na ang isa niyang mata dahil lumubo iyon. Halos maiyak ako sa nakita ko.
"Strike!" Sigaw ko kaya napatingin siya sa amin. Ngumiti siya kahit na hirap na hirap na siya.
Nalipat sa babae ang tingin ko. Nakangisi siya habang pinapanuod kami. Wala siya kahit ni-isang galos manlang ngunit si Eleven at Strike ay halos mamatay na.
Anong klaseng babae ito? Bakit kaya niyang labanan ang mga lalaki kahit na siya lamang mag-isa at babae pa siya. Bakit binalaan kami ni Silver noon 'nong nakita niya kami?
Nangyari na rin ba ito noon?
"I see, I see..." tumango tango siya na parang may nalaman siyang sekreto. "Mahal niyo isa't isa? Wow. Mas lalo akong naeexcite sa mangyayari."
Humakbang siya palapit sa amin. Humarang si Strike sa harap namin ngunit isang tulak lang sa kanya ng babae ay tumalsik agad si Strike sa puno. Napahawak ako sa bibig ko nang makita ko siyang hirap bumangon. Tumakbo si Eleven sa kanya para alalayan siya.
"Bakit mo ginagawa ito?" Tanong ko nang nasa harap ko na siya. Hinawakan akong mahigpit ni Forbes at nakita ko siyang nakayuko na dahil sa takot.
Nawala lahat ng takot ko sa babaeng ito nang makita ko ang kalagayan ng mga kaibigan ko sa kamay niya. Lalo na ang ginawa niya kay Strike. Nakita kong pilit na kumakawala si Strike kay Eleven para makalapit sa akin ngunit hindi siya hinahayaan nito.
"Eleven, pagpahingain mo muna iyang si Strike." Sabi ko. Ako na ang bahala rito. Kaya ko ito!
Kung hindi ko man kaya, bahala na pero mamatay man o hindi, lalaban ako.
Mabilis kong hinawakan ang balikat niya ngunit mas mabilis niyang nasipa ang tyan ko kaya napaupo ako. Namilipit ako sa sakit. Hindi ko inaakala na kayang gawin ng isang babae ang ganoon kalakas na sipa. Tumayo ako habang hawak ang tyan ko.
Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat ng sinabi ni Silver. Hindi nga siya pangkaraniwan na tao lamang.
"Lalabanan ko siya hanggang sa kaya ko. Stand by muna kayo sa gilid at kapag patay na ako, kayo naman ang lumaban sa kanya." Bilin ko sa kanila dahil sa tingin ko ay mamamatay na ako ngayong gabi.
"Snow, ano bang pinagsasabi mo? Ikaw ang pumunta rito sa gilid at ako ang makikipagpatayan sa kanya!" Malakas na sigaw ni Strike ngunit hindi ko siya pinansin.
Hinawakan ko ng mahigpit ang balisong na binigay sa akin si Silver. Tatamaan ko sana siya sa balikat niya gamit ang balisong ngunit nasipa niyang muli ang kamay ko kaya nabitawan ko ang balisong ko. Si Forbes ang may hawak sa baril kaya wala na akong armas ngayon laban sa kanya.
Tumakbo ako sa kanya ngunit pilit niya akong hinahabol. Kahit na alam kong mamamatay ako ngayon ay hindi ko hahayaan na hindi ko manlang nagawa ang dapat kong gawin.
"What do you want?" Narinig kong halakhak niya habang hinahabol pa rin ako. Pakiramdam ko ay kahit anong bilis ng takbo ko ay kayang kaya niya akong habulin.
"Die running..." sabi niya at nagulat ako nang biglang nasa gilid ko na siya hawak ang leeg ko, "Or..." ngumisi siya habang pinaglalaruan sa pisngi ko ang kutsilyong hawak niya, "Die peacefully?"
Hindi ako nagpahalata sa gagawin ko. Nagkunyareng takot ako at nang naniwala siya ay mabilis kong sinuntok ang pisngi niya. Napahinto siya. Sinipa ko ang kamay niya kaya bumagsak sa lupa ang hawak niyang kutsilyo. Lumapit ulit siya sa akin at pilit akong tinatamaan ng suntok niya ngunit nakakailag ako.
"Bakit mo ito ginagawa?" Paulit-ulit kong tanong sa kanya habang nilalabanan ko ang suntok niya.
Hinawakan niya ang paa ko nang sisipain ko sana siya at malakas niya akong binagsak sa lupa. Napahawak ako sa braso ko at naramdaman ko ang maalat na lasa ng dugo sa bibig ko. Hindi pa ako nakakatayo nang bigla niya akong daganan sa aking tyan at sunod sunod na pinagsusuntok. Hindi ako nakapanlaban sa kanya dahil hawak niya ang leeg ko.
"Fuck!" Narinig kong sigaw ni Strike at mabilis na nawala sa tyan ko ang babae.
Pinilit kong bumangon para tignan kung ano ang nangyari at nagulat ako nang makitang nakahiga na rin sa lupa ang babae dahil sa panghihila at pagsuntok ni Strike sa kanyang tyan. Nakita kong namilipit sa sakit ang babae habang hawak ang tyan niya.
Biglang dumating si Silver na hinihingal. Galing siya sa likod ng babae kaya inalalayan niya ang babae para makatayo. Gulat na napatingin siya sa tyan ng babae at galit na binalingan kami ng tingin.
"Hindi ba't ang sabi ko sa braso niyo siya tamaan at ako na ang bahala sa susunod?!" Galit na sigaw niya.
Hindi ko siya maintindihan. Siya itong tumulong sa amin para makapanlaban kami sa babae ngunit nagagalit siya ngayon sa amin dahil hindi sa braso ang tama namin.
"Okay ka lang, Doe?" Rinig kong tanong niya.
Napatawa ako nang maisip ko ang lahat. Baka talagang kakampi ni Silver iyang babae at sadyang pinapunta kami rito sa The Camp. Pakunyare pa siyang tutulungan kami pero heto siya, maling tao ang tinutulungan niya.
"Traydor ka, Silver! Bakit ba hindi ko naisip ito?" Tumawa pa ulit ako dahil sa katangahan namin na magtiwala sa kanya, "Sa mga ganitong pangyayari ay laging may traydor."
"Hindi ako traydor!" Sigaw niya.
Tumayo bigla ang babae. Nahigit niya ang balisong mula sa baiwang ni Silver at mabilis na tumakbo kay Strike. Napapikit ako at narinig ko ang hiyaw ni Strike sa ginawang pag-atake ng babae.
"Kapag nalaglag ang baby ko, isa-isa ko kayong papatayin. Kahit ang angkan niyo, wala akong ititira! Susundan ko kayo hanggang saan kayo magpunta!" Galit na sigaw niya.
Imbes na pagtuonan ko ng pansin ang mga banta niya ay mas nagulat ako sa sinabi niyang buntis siya. Kaya ba galit na galit si Silver? Kaya ba ang gusto niya ay sa balikat lang namin tamaan ang babae, dahil may baby sa loob ng tyan niya?
Tinignan ko si Silver na nakatingin sa akin. Tumango siya bilang permiso na tamaan ko na ang babae sa balikat. Sinubukan kong tumayo habang hawak nang mahigpit ang balisong. Tumakbo ako nang hindi niya napapansin atsaka ko malakas na dinaplisan ang balikat niya. Mabilis na nailagay ni Silver ang tali sa buong katawan ng babae kaya napatili ito.
"Anong kagagaguhan nanaman ang balak mong gawin sa akin, Silver?!" Napapikit ako sa sobrang tinis ng boses niya nang isigaw niya iyon.
Habol ko ang hininga ko dahil pakiramdam ko ay ngayon lang ako nakahinga simula nang dumating ang babaeng iyan. Tinali siya ni Silver sa may puno. Napansin ko rin ang pag-iingat niyang hindi matamaan ang tyan ng babae.
Pumiglas siya. Paika ika akong humakbang palapit sa kanila dahil gusto kong magtanong. Ginagamot ni Forbes si Strike at Eleven gamit ang gamot na dala ni Silver. Nilingon niya ako saglit saka nagpatuloy sa pagtali sa babae.
"Ano ba ang nangyari?" Tanong ko.
"Wala kang karapatang itanong kung ano ang nangyari. Pare-parehas lamang kayo na akala mo ay kung sinong mabait!" Sigaw ng babae habang pumipiglas kay Silver.
Bumuntong hininga si Silver at umupo sa tabi ko pagkatapos niyang itali ang babae. Nakatingin lamang ako sa kanya at inaantay ang ikukwento niya. Yumuko siya, parang nahihirapan siyang ikwento ngunit alam kong kailangan niya rin mailabas ang sikreto nila.
Habang nagkukwento siya ay hindi ko mapigilang mapahawak sa bibig ko. Ganoon pala siya? May split personality siya dahil sa sobrang pagka-obsess sa isang lalaki. Pwede pala iyon?
Naikwento rin niya na kaya niya pinalaban sa amin si Doe ay dahil lumabas ang split personality nito. Walang makakapigil sa kanya sa oras na mangyari iyon kaya pinayagan niya kaming labanan siya para mahuli. Pero ang bilin niya ay huwag puruhan at sa balikat lamang.
Lumabas ito dahil nakita niya kaming kausap si Silver noong isang araw.
"Huwag mong subukang tanggalin ni-kahit isang pahina ang storya mo, Silver." Galit na sabi nang babae. Hindi siya mapakali dahil sa pagkakatali sa kanya.
"Nalaman namin na siya ang nagkukulong sa mga kasama namin tapos biglang lumabas ang personality niyang ganyan." Turo niya kay Doe na masama pa rin ang tingin sa akin at kay Silver.
"Tapos anong nangyari? Kamusta na ang mga kasama niyo?" Tanong ko at napansin ko ang pag-iwas ng tingin ni Doe dahil sa tanong ko.
"Pinatay niya."
Talagang hindi nga siya pangkaraniwang nilalang. Paano niya nasikmura na patayin ang mga kaibigan, classmates at teacher niya? At talagang si Silver lang ang tinira niya, ha? Para ano? Para wala ng umagaw sa kanya?
"Pagkatapos nilang malaman ang lahat sa akin, lumabas ang isang personality ko. Pilit kong nilalabanan iyon dahil ayaw kong mamatay sila gamit ang kamay ko. Gusto kong maayos pa ang lahat," napatigil ako dahil siya naman ang nagkwento.
Kumalma na siya. Nakatingin lamang siya sa kabilang side habang nagkukwento. Hindi ko alam kung tama bang nakita ko ang isang butil ng luha sa kaliwa niyang mata.
"Pero alam mo kung ano ang ginawa nila sa akin?" Tumingin siya sa akin. Puno ng galit ang mata niya. Kahit anong emosyon ay wala akong nakita kundi galit lamang.
Hindi ako nagsalita o nagtanong at hinayaan siyang magkwento. Hindi na rin naman nagsalita si Silver. Pakiramdam ko ay may imahe akong nakikita na para bang nanunuod ako ng isang pelikula habang nagkukwento siya.
"Tinali nila ako sa puno, katulad nito." Nginuso niya ang pagkakatali na gawa sa kanya ni Silver, "Pinilit nila akong sunugin habang ako ay walang kawala at nakatali sa puno. Pinagtatawanan nila ako. Maging ang bestfriend ko ay sinaksak ako, sa dibdib dapat ngunit nakailag ako kaya sa balikat niya ako nasaksak."
Hindi ko alam kung bakit tumutulo ang luha ko habang nakikinig sa kanya. Kitang kita ko ang galit sa mata niya ngunit naroon pa rin ang maraming tanong sa isip niya. Maraming bakit.
"Tinanong ko sa sarili ko kung bakit." Tama nga ako. "Bakit nila nagawa sa akin iyon? Bakit imbes na tulungan ako sa sakit ko ay mas pinili pa nilang mawala nalang ako sa mundong ito kaya pilit nila akong pinatay. Bakit sa dami ng ginawa ko para sa kanila ay iyon lang ang isusukli nila sa akin."
Lumapit si Silver sa kanya at pinunasan ang pisngi niya. Umiwas si Doe. Hinawakan ni Silver ang ulo niya para hindi na ito makapiglas. Tuloy tuloy na rin kasi ang agos ng luha mula sa mata niya.
"Kaya pinilit kong makatakas habang ramdam na ramdam ko ang init ng apoy sa balat ko." Suminghot siya saka tinignan si Silver, "Bumalik ka na nga roon, dinidistract mo ako!" Inis na sabi niya.
"Nakawala ako. Nang ako lang. Sarili ko ang nagligtas sa akin." Ngumisi siya, "Kaya ano pa ba ang dapat kong gawin? Isa-isa ko silang pinatay gamit ang sarili kong kamay."
Nilingon ko sila Forbes na naglalakad palapit sa amin. Inaalalayan ni Eleven si Strike habang hawak nito ang tyan. Umupo sila sa tabi ko at nakinig na rin sa kwento ni Doe.
"N-narinig namin ang kwento mo..." lumunok si Forbes, "Gusto kong malaman ang kasunod,"
Nagkibit balikat si Doe. Nanatili namang nakaluhod si Silver sa gilid niya para punasan ang luha ni Doe. At paulit ulit ding umiiwas si Doe.
"Tinira ko siya." Nginuso niya si Silver, "Anong magagawa ko? Mahal ko, e. Hindi ko kayang patayin."
Ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binigkas niya. Naramdaman ko ang kamay ni Strike na pumupunas sa pisngi ko. Ngumiti ako sa kanya at sumandal sa balikat niya habang nagkukwento si Doe.
"Bukas, umuwi na kayo at huwag na ulit kayo pupunta rito. Huwag niyong hayaan na matukso kayo ng kuryusidad niyo at hindi niyo alam kung saan kayo nito dadalhin."
Ngayong nalaman ko na ang sikreto niya ay parang gusto ko na siya laging bisitahin dito para malaman niyang may mga kaibigan pa siya. Totoong kaibigan na hindi hahayaang masaktan.
"Babalik kami kapag nanganak ka na," ngiting sabi ko.
Hinatid nila kami ni Silver hanggang sa may kalsada. May short-cut pala ang daan at niligaw lamang kami ng waze ni Strike. Ngumiti sila sa amin.
"Patawad dahil nasuntok kita riyan, sana ay walang epekto iyon sa bata." Nakayukong sabi ni Strike.
Ngumiti si Doe, "Walang epekto iyon kaya huwag kang mag-alala. Mag-iingat kayo, ha?"
Ngumiti kami sa kanila bago naglakad nang may bus na huminto sa harap namin. Isa-isa kaming sumakay at nakita ko pa silang magkayakap nang sumilip ako sa bintana. Kumuway ako sa kanila habang paalis na ang sinasakyan naming bus.
"Grabe magmahal si Doe, ano?" Bulong sa akin ni Strike.
Tumango ako, "Kahit pala gaano ka kagalit ay hindi ka pa rin makakagawa ng ikasasama ng taong mahal mo."
Kinagat niya ang labi niya tsaka ako siniko. Tumaas baba ang kilay niya at tinapunan ako ng isang makahulugang tingin.
"Ano?" Inis na tanong ko sa kanya.
Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Nag-init ang magkabilang pisngi ko at hula ko ay pulang pula na ako ngayon. Yumuko ako para maitago ko ang mukha ko. Nakakainis naman itong si Strike. Talagang gustong gusto pa niya akong biruin, ha.
"Hay, mahal ko." Bulong niya tsaka sumandal sa balikat ko.
"H-hoy!" Tawag ko sa kanya, "A-anong m-mahal ka riyan?" Ngumuso ako.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at naabutan niya akong nakanguso. Kinagat niya ang labi niya bago ako halikan nang madiin sa labi. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya.
"Mahal na mahal kita, mahal ko."
________________________________________________
Beng! Bitin pa ba? :--D feeling ko hindi na. :--) pero kapag sinipag ako ulit, gagawa pa ako ng Part 3. Perooo.... depende rin sa mood ko talaga.
Comeback ng Blackpink mamaya huahua. ♡
-Czezelle Lu!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top