Special Chapter (Part 1)

Special Chapter (Part 1)

"Are you really sure na rito ang tinuturo niyang map mo?" Inis na sambit sa akin ni Forbes habang nagkakamot ng kanyang braso. Kanina pa siya nagrereklamo dahil unang una sa lahat, kanina pa kami naglalakad. Pangalawa, maraming lamok. Pangatlo ay medyo padilim na.

"Just relax, okay?" Why am I leading the way? Hindi ko rin naman alam kung saan ang punta namin.

We want adventure kaya naman nag-search kami sa internet ng magandang lugar na pwede naming puntahan para sa isang camping. And then poof! We're here. Walking nonstop. Ngayon ay nagdadalawang isip na ako kung tama pa ba itong map na kinuha ko sa google.

"Why don't we try waze?" Ani Strike saka kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa.

We stopped walking for awhile habang hinihintay ang ginagawa ni Strike. Funny, right. Waze pa talaga ang gagamitin namin. But, no choice. I looked up. Ang daming woods dito at hindi ko na agad matandaan kung saan kami nanggaling kanina. Masyadong tahimik ang lugar at tanging tuyong damo lamang ang naririnig tuwing may naglalakad at ang mga huni ng ibon.

"In 200 kilometers, turn left."

Halos sabay sabay kaming tumayo nang marinig naming magsalita nag app na waze. Mahigpit kong hinawakan ang strap ng suot ko back pack na halos matumba na ako sa sobrang bigat. Nananakit na rin ang balakang ko dahil sa paglalakad.

Sinundan namin ang compass na tinururo ng waze. Halos tumawa pa si Eleven dahil doon. Ang sabi niya ay baka sa daan ng sasakyan kami dalhin ng waze. Pero no choice naman kami kundi sundin nalan ang tinuturo nang app na iyan.

Padilim na nang padilim. Syempre, hindi matatawag na camping ang gagawin namin kung wala kaming flashlight, right? Isa-isa naming kinuha ang flashlight mula sa aming bag saka binuksan. Naglokohan pa si Strike at Eleven. Tanging halakhak lang namin ang naririnig sa buong kagubatan.

"What if may wolf dito?" Natatakot na tanong ni Forbes. Kumapit siya ng mahigpit sa braso ko.

"Ang mga lobo ay kathang isip lamang, huwag seryusohin!" Humahalakhak na sabi ni Eleven.

Ramdam na ramdam ko na ang sakit ng paa ko. Sino ba naman ang taong hindi sasakit ang paa kung simula kaninang umaga pa kami naglalakad?

"Nirarayuma na yata ako," birong sabi ko saka hinihimas ang tuhod kong nananakit na.

"Gusto mong sumampa sa likod ko?" Seryosong tanong sa akin ni Strike saka tumigil pa sa paglalakad. Akmang luluhod na siya para makasampa ako sa likod niya nang hawakan ko ang magkabilang braso niya para patigilin siya.

"No, no, no! I'm okay," ngumiti ako sa kanya.

Akala ko ay makakarinig ako ng kantyaw mula sa mga kasama namin ngunit nagulat ako nang siniko lamang ni Eleven si Strike at si Forbes naman ay kinurot ang tagiliran ko.

"Stop," we looked at Strike at nagtataka kung bakit sinabi niyang huminto kami.

"Why, bro?" Tumatawang tanong ni Eleven saka inakbayan si Strike, "The waze says in 100 kilometers, turn right."

Hindi naputol ang tingin sa akin ni Strike. Hindi ko alam kung hindi niya napapansin ang pangangatyaw ni Eleven sa kanya o ayaw lang niyang pansinin. Nilapag niya ang gamit niya sa damuhan saka nagsimulang gumawa ng apoy.

"Magpapahinga na muna tayo rito, mahirap maglakad nang madilim." Aniya.

Napawi ang ngisi ko sa lamig ng boses niya. Alas otso palang ng gabi, tsaka full moon ngayon kaya medyo mas mabibigyan kami ng ilaw mula roon. Hindi na rin malayo ang 100 kilometers.

"If that's what you want, baby!" Hindi pa rin natigil si Eleven sa pangangantyaw kay Strike na seryoso na ngayon.

Umupo ako sa puno na nakatumba saka hinilot hilot ko ang paa ko. Umupo sa tabi ko si Forbes kaya siya ang tinitigan ko. Nagpaypay siya gamit ang kanyang kamay saka uminom ng tubig.

"Ew." Aniya habang tinatali ang medyo may kahabaan niyang buhok, "I want to take a bath! Ang baho ko na," inamoy pa niya ang sarili niya kaya umirap ako habang tumatawa.

"Matagal ka ng mabaho, Forbes. Hindi lang namin sinasabi dahil kaibigan ka namin," biro ni Strike.

Medyo nagulat pa ako dahil kani-kanilang ay ang seryoso niya tapos naman ay nakikipagbiruan na siya. Tumayo siya nang masindihan na niya ang ginawa niyang bonfire. Tumabi siya sa akin. Nailang naman ako kaya umayos ako nang pagkakaupo.

"Masakit pa ba paa mo?" Tanong niya. Bumaba siya at pipigilan ko sana siyang hawakan ang tuhod ko ngunit napatigil ako nang maramdaman ko ang lamig ng kamay niya sa tuhod ko.

"Hindi. Ayos na ako." Pagsisinungaling ko.

Ngumiti siya, "You're not good at lying, Snow!"

Kinagat ko ang labi ko sa hiya. Siguro kung maliwanag lang dito ay baka kitang kita na niya kung gaano kapula ang pisngi ko ngayon. Sinulyapan ko ang dalawa dahil alam kong naririnig nila ang pinag-uusapan namin ngunit mas lalo akong nahiya nang makita silang nagpapatay malisya sa narinig.

Sinet-up na ni Strike at Eleven ang tent namin. Wala naman kaming makita ni Forbes na pwedeng pagliguan. Magtitiis na lamang kami. Dahil ayun sa sinearch namin, sa camping na iyon daw ay may mga cr. Hindi ko alam kung ano ang history nang camp na iyon, bakit kumpleto sa gamit. May mga tent pa raw doon na iniwan pa ng mga naunang nagpunta roon.

Pwesto ako sa gilid. Natawa pa ako nang magtalo si Eleven at Forbes dahil nilagyan ni Forbes ng maraming unan ang pagitan nilang dalawa.

"Mabaho nga kasi ako!" Reklamo ni Forbes.

"Hindi ko na maaamoy kung mabaho ka dahil mabaho rin ako. Ang sikip sikip na nga ng tent natin, lalagyan mo pa ng unan?"

Umiling nalang ako at hindi pinansin ang away nila. Pinilit kong matulog ngunit hindi ko magawa. My eyes are sleepy pero buhay na buhay ang utak ko. Lumingon ako sa kanila na mahimbing na ang tulog. Sinubukan ko ulit pumikit at halos mapatili ako sa makita ko habang nakapikit.

Hinihingal akong dumilat nang mata. Pakiramdam ko ay ang layo nang tinakbo ko dahil sa bilis at lakas ng tibok nang puso ko.

May nakita akong isang babaeng duguan ang kanyang buong katawan ngunit mukhang hindi galing sa kanya ang dugong iyon dahil maayos naman siya. May hawak siyang balisong at nakangisi.

Sinubukan kong pumikit ulit at ganoon pa rin ang nakita ko. Pinilit ko ang sarili ko na hayaang makita ko ang lahat.

May nilapitan siyang isang lalaki na nagmamakaawa ngunit bago pa mabigkas nang lalaki ang pangalan niya ay bigla nalang tumalsik ang kanyang ulo sa gilid. Humalakhak ang babae.

Ang halakhak niya parang totoo. Parang nasa gilid ko lamang siya. At ang hawak niya sa pisngi ko ay parang totoo. Napamura ako at pilit na dumilat. Ipupukpok na niya sa akin ang hawak niyang balisong.

"Shit!" Napabangon ako.

Hingal na hingal ako habang hawak ko ang aking dibdib. Napatingin ako sa labas at nakita kong ngumingiti na ang araw. Nagising si Strike sa akin kaya ginulo niya ang kanyang buhok habang tinitignan ako.

"You okay?" He asked.

"Yeah," I nodded. Hindi ko ikukwento sa kanila ang napaginipan ko. Lalo na kay Forbes dahil alam kong matatakot lamang siya.

I went outside para makalanghap nang hangin. Sumunod naman si Strike. Naninigkit pa ang kanyang mata dahil sa pagkagising niya. Inayos niya ang maluwag niyang sando saka tumabi sa akin nang umupo ako sa tumbang puno.

"You're not okay," hindi iyon tanong, "Tell me what's bothering you?"

Sasabihin ko ba sa kanya? Panaginip lang naman iyon tsaka alam kong hindi siya matatakutin. Kay Forbes ko nalang isesekreto iyong napaginipan ko. Kinwento ko lahat kay Strike at tahimik lang siyang nakikinig habang nakakunot ang noo.

"That's just a dream, huwag kang matakot." Hinila niya ang ulo ko at sinandal niya iyon sa balikat niya, "Hindi ko hahayaang mapahamak ka. Mamamatay muna ako bago ka nila mahawakan," bulong niya ngunit sapat na para marinig ko.

Nang magising si Eleven at Forbes ay kumain muna kami bago nagsimula muling maglakad. Nagtatawanan pa kami nang biglang may lalaki kaming nakita. Mahaba ang kanyang buhok na halos natatakpan na ang kanyang mata. May scar sa kanyang pisngi na parang kinalmot. May hawak siyang itak habang pumuputol nang kahoy.

"Anong ginagawa niyo rito, mga bata?" Tanong niya.

Natigil naman kami sa pagtawa. Lumapit siya sa amin. Hinawakan naman ni Strike ang kamay ko para hindi ako matakot. Pumunta silang dalawa ni Eleven sa harap namin.

"Ah, may pupuntahan lang po para sa isang camping," sagot ni Eleven.

"Camping?" Tanong niya saka umupo sa nakalabas na ugat nang puno. Tinapik niya ang tabi niya, "Gusto niyo bang makarinig ng kwento tungkol sa camping na gusto niyong puntahan?"

Nagtutulakan pa kaming apat kung sasakyan ba namin ang trip niya. Kung matitiwala ba kami at kung uupo ba kami sa tabi niya. Mukha naman siyang matino ngunit nagdadalawang isip ako tuwing nakikita ko ang mata niya. May kung anong maitim na aura ang bumabalot doon na hindi ko mapaliwanag.

"Huwag kayong matakot, hindi ako ang mananakit sa inyo..."

Sa sinabi niyang iyon ay parang lalo pa akong natakot. Hindi siya ang mananakit sa amin? So, meron bang mananakit sa amin sa The Camp? At sino naman? Nagulat ako nang biglang umupo si Forbes sa tabi niya.

"Mananakit? May mananakit po ba sa amin doon?" Natatakot niyang tanong.

Ngumisi ang lalaki, "Bakit ba kayo napadpad dito?"

Umupo rin si Eleven sa tabi ni Forbes, "Nagsearch po kami sa google kung saan magandang mag camping, eto ang lumabas kaya narito kami."

"Kung ganoon, sinasabi ko nang umalis na kayo bago pa kayo makarating doon. Hindi niyo magugustuhan ang mangyayari sa inyo kapag narating niyo ang The Camp." Seryosong sabi niya.

Mukhang hindi naman naniwala si Strike kaya napatawa siya. Maging ako ay nagdadalawang isip kung maniniwala ako sa kanya. Sino ba siya para sabihin iyan? Nasaktan na ba siya noong pumunta siya roon? Eh buhay pa naman siya. Kung ganoon, anong klaseng pananakit ang ginawa sa kanya?

"Ang layo na nang nalakad namin, inabot na kami ng isang araw tapos sasabihin mo lang na huwag na kaming tumuloy?" Sarkastikong sabi ni Strike.

"Nasa mata lahat. Mapanlinlang ang mata, iyan ang tandaan niyo..." kinilabutan ako sa sinabi niya.

"Don't let curiousity kills you."

"Sino ho ba kayo? Ano bang dilim ang bumabalot sa The Camp?" Tanong ko kaya nalipat sa akin ang tingin niya.

Napatingin ako sa mata niya. Paulit ulit na pumasok sa isip ko ang sinabi niya. Nasa mata ang lahat. Para akong biglang nakaramdam nang panghihina nang makita ko ang mata niya.

"Hindi niyo rin ba sinearch kung ano ang nangyari sa The Camp?" Seryosong tanong niya ngunit nasa akin pa rin ang tingin niya.

Nakarinig kami nang kaluskos. Mukhang nagulat ang lalaking kausap namin at mabilis siyang tumayo. Hindi nakaligtas sa mata ko kung paano niya hawakan nang mahigpit ang itak na hawak niya.

"Umuwi na kayo habang may panahon pa!" Sigaw niya sa amin. "At kung may pagkakataon pa kayo, search niyo muna kung ano ang nangyari sa The Camp." Paalala niya habang paalis siya

"Ako nga pala si Silver."

Napatunganga kami nang nawala na siya sa paningin namin. Silver? Silver ang pangalan niya? Sino kaya ang kasama niya sa gubat na ito at bakit ang dami niyang alam?

Tumawa si Strike kaya napatingin ako sa kanya, "Alam ko na kung ano meron sa lalaking iyon." Inikot ikot niya ang kamay niya sa kanyang tainga.

Tumawa naman sila at sinabing hayaan nalang ang sinabi ni Silver dahil baka nga nababaliw na ang isang iyon. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Pakiramdam ko ay totoong totoo ang sinabi niya. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa para sana alamin ang sinasabi niya ngunit lowbat na pala ako.

Napahiyaw si Strike at Eleven nang makita na namin ang The Camp. Pinatay ni Strike ang cellphone niya. Saka hinalikan pa iyon para pasasalamat na nakarating kami rito.

"Laking tulong nang waze!" Humahalakhak sila.

Agad namang tumakbo si Forbes saka nilapag ang bag niya sa isang tent. Pumasok siya sa Cr at hinayaan ko nalang dahil baka nanlalagkit na siya sa katawan niya.

Umupo ako sa isang tumbang puno roon. Bakit ang daming nakatumbang puno rito? Umupo ako roon at pakiramdam ko ay may dating nakaupo na rito noon.

"Astig!" Tinapik tapik pa ni Eleven ang mga tent na nakatayo roon.

Ayun sa sinearch namin, ilang taon na ang nakakalipas ngunit buhay pa rin ang mga gamit nang huling gumamit nito dati. Nagsimulang kumuha ng pictures si Eleven. Ilalagay namin ito sa blog namin.

Isang camping na kakaiba.

Pagkatapos ni Forbes ay naligo na rin kami saka sila nagluto nang panghapunan namin. Tumingin ako sa langit. Alas sais palang ngunit madilim na agad. Ganito siguro rito? Kinuhanan ko ng litrato ang buwan na sumilip na at nakalagay sa gilid ang oras.

"Saglit nga at iihi ako," paalam ni Eleven saka tumayo at pumunta sa CR.

"Anong iniisip mo, Snow?" Puna sa akin ni Forbes kaya napatingin din sa akin si Strike habang kinakagat ang stick niyang may tunaw na marshmallow.

Umiling ako. Pero ang totoo, nakay Silver pa rin ang isip ko. Kahit anong gawin ko ay hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi niya.

"AHHHHH!"

Sa gulat ko ay napatayo ako nang sumigaw si Eleven. Tumakbo kaming tatlo sa CR. Sinipa ni Strike ang pinto kaya bumukas iyon. Nakita naming namimilipit sa sakit si Eleven.

"What happened? Anong nangyari, Eleven!" Sigaw ko. Gustong gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kanya dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari ngayong gabi.

"M-m-may babae..." putol na sabi niya habang nakatingin sa bintana nang CR.

Tumingin ako roon. Bukas iyon kanina pa at bukas pa rin hanggang ngayon. Pumunta ako sa likod para makita kung may tao bang umakyat doon ngunit kahit madilim at tanging buwan lamang ang naging ilaw ay wala akong nakita. Ni-kaluskos niya ay wala akong narinig.

"Anong ginawa sa iyo ng babae?" Tanong ko.

Pinaupo namin si Eleven sa tapat nang bonfire. Kunot noo at seryoso na rin si Strike. Halatang natatakot na rin si Forbes ngunit wala siyang magawa kundi magmukhang matapang.

"Ako ba ang hanap niyo?"

Lumingon ako sa likod ko at napaupo ako nang makita ko ang mukha niya. Siya! Siya iyong nasa panaginip ko at ang balisong na hawak niya ay ganoon din! Napaatras ako nang humakbang siya palapit.

"Gusto niyong maglaro?" Nakangising tanong niya, "Magtatanong ako tapos kapag mali ang sagot niyo ay puputulin ko ang ulo niyo?"

Humikbi si Forbes. Nabaon na ang kuko niya sa braso ko ngunit hindi ko maramdaman ang sakit dahil sa takot. Sumiksik siyang mabuti sa leeg ko at ramdam ko ang mainit na likidong lumalabas sa mata niya. Hianwakan ko rin si Strike.

"Wala kaming panahon sa kalokohan mo!" Sigaw ni Strike.

"Okay, magsisimula na akong magtanong." Aniya na parang hindi napansin ang tanong ni Strike.

Hindi ko alam kung makakaya ko pang tumagal ngayon. Tinignan ko ang mata niya. Para akong bumaliktad nang matitigan ko iyon. Sumigaw ako sa sakit. Parang bumaluktot lahat ng lamang loob ko. Gusto ko nang umiyak dahil sa sakit.

"Sino ang kausap niyo kanina? Iyong lalaki?" Tanong niya saka lumapit sa amin, "Parang kilala ko kasi iyon, e. Hmmm?"

"Umalis ka na rito!" Sigaw ni Eleven.

Kahit na ako ay gusto kong sumigaw ngayon sa takot ngunit parang naipit ang boses ko. Parang umurong ang dila ko. Hindi ko alam kung kailan ako huling natakot nang ganito. At ito ang pinaka-worst.

"Eck, wrong answer!" Tinaas niya ang balisong niya saka hinampas kay Eleven.

Madiin akong pumikit. Gusto kong tulungan si Eleven ngunit hindi ko magawa. Lahat nalang gusto ko pero hindi ko naman magawa. Pakiramdam ko ay napakawalang kwenta ko.

Lumakas ang iyak ni Forbes kaya napadilat ako nang mata. Nakita ko ang dugo sa mukha nang babae habang nakangisi siya. Kahit na takot ako ay si Eleven naman ang binalingan ko nang tingin. Halos mapaiyak ako nang makita ko siyang duguan.

Nadaplisan siya at hawak ni Forbes ang damit niya na sa tingin ko ay hinila niya si Eleven.

"Makinig ka sa sasabihin ko," bulong sa akin ni Strike. Nanginginig na rin ang boses niya. "Pagbilang ko ng tatlo, tumakbo kayo ni Forbes. Hanapin niyo si Silver at ako ang bahala sa kanya."

Maganda ang ideya niya. Dahil alam kong malaki ang parte ni Silver sa pagkatao ng babaeng ito. Nararamdaman ko. Ngunit ayaw ko siyang iwan dito. Kahit na babae ang kalaban niya ay alam kong mas malakas pa sa sampung tao ang kayang gawin ng witch na iyan!

"Ayaw ko---"

"Wala nang panahon para tumanggi, Snow." Madiin na sabi niya sa akin. Pumikit ako at hinayaang tumulo nang tumulo ang luha ko, "Isa... Dalawa..."

Unti-unti kong hinanda ang sarili ko sa pagtakbo. Hindi ko kaya pero ito ang kailangan. Kaysa magkakasama nga kami pero isa isa naman kaming mapatay. Halos hindi ko magalaw ang paa ko dahil sa takot.

"Tatlo!" Sigaw niya kaya tumakbo kami ni Forbes.

Magkahawak kamay kaming tumakbo habang umiiyak. Napaupo pa ako nang manghina ang tuhod ko kaya hinila ako ni Forbes. Narinig ko ang sigaw nila.

"Mahal kita, Snow!" Pero hindi nakaligtas ang sigaw na mula kay Strike.

"Mahal din kita, Strike. Bwisit ka! Kapag ikaw namatay, humanda ka talaga sa akin." Sabi ko habang tumatakbo kami.

Ngayon, paano namin hahanapin si Silver? Paano kami makakahingi ng tulong sa kanya kung hindi naman namin kabisado ang gubat at hindi namin makita ang dinadaanan namin.

_____________________________________________

Wala ako sa mood para sa action na gagawin nila. Siguro sa Part 2 nalang! Haha. Yes, may part 2 kaya abang abang lang ulit kung kailan ko mati-tripan. :)))

currentlyinlove, kulang ako sa inner thoughts huhu. Pinipilit ko naman eh :<

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top