Simula

Simula

"Anak," isang katok mula sa labas ng aking kwarto ang narinig ko.

Imbes na tumayo para pagbuksan si Mama ay tinignan ko lamang ang pintuan. Isang katok pa ulit ang narinig ko pero hinayaan ko lang. Ginalaw ko ang kanang kamay ko at agad na gumapang ang hapdi niyon.

Tinignan ko iyon at kahit na madilim ang buong kwarto ay maliwanag na maliwanag ang bakas ng pagkakatali roon. Hindi ko alam kung bakit lagi akong pinaparusahan ng mga magulang ko kahit wala naman akong kasalanan. Nagugulat nalang ako na tinatali nila ako buong araw sa aking kama.

Nagising ako kinabukasan dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko at nang makaadjust na sa liwanag ay agad akong bumangon. Bumuntong hininga ako bago pumasok ng CR.

Kung tatanungin nga ako, mas gusto ko nalang tumira sa school kaysa rito sa bahay. Hindi ko maintindihan ang mga magulang ko at gustong gusto ko nang makawala sa kanila. Kung may pagkakataon lang talaga.

"Doe!" tumakbo sa akin si Pine na kasama si Goldie at Charra.

Hindi ko alam kung matutuwa ako na naging kaibigan ko sila o hindi. Gusto ko ng tahimik na buhay at hindi ko makukuha iyon kapag kasama ko sila ngunit somehow, nagpapasalamat din ako dahil hindi ako nag-iisa.

Nakasalubong namin sina Silver, Jet, Flint at Slate na nagtatawanan. Magkaakbay si Flint at Slate habang nakasuot naman ang dalawang kamay nina Silver at Jet sa magkabilang bulsa ng hoodie nila.

"Hi, girls..." bati agad ni Jet.

Huminto kami sa gitna nang magkasalubong na kami. Agad na nag give way ang ibang estudyante sa amin. Lumapit sa akin si Flint at ako naman ang inakbayan niya, habang ginugulo naman ni Slate ang buhok ni Pine.

"Saan tayo after class?" nakangising tanong ni Goldie.

College days. Hindi mawawala sa college ang night out. Maraming matitigas ang ulo na mga estudyante sa college at sa tingin ko ay isa na kami sa mga iyon.

"I heard may camping na magaganap next week?" kunot noong tanong ni Charra.

"Yup! Narinig ko kay Miss Saldivar kahapon," sabi ko.

Ibibigay ko sana iyong activities na ginawa namin kahapon nang bigla kong marinig ang usapan sa faculty.

Dahil sa narinig ko iyon, bigla silang naghiyawan. Marami silang plano kapag nakarating na kami roon. Ghost hunting, Play games, Bonfire, at kung ano ano pa. Hindi nga lang namin alam kung pwede ba iyon, pero knowing them? They really like breaking rules. Wala nga yatang kinatatakutan ang mga ito, eh.

"Bro, nakita ko si Arisse kanina. Kasama iyong bago niya..."

May kanya kanya kaming ginagawa sa cafeteria pero ang tainga ko ay nakikinig sa usapan ng mga boys. Hindi ako makarelate sa mga make ups na pinaguusapan ng mga girls, eh.

Humilig ako ng maigi sa back rest ng upuan ko para mas lalong marinig ang usapan nila. Iyo g Arisse na nabanggit ni Jet ay iyong ex-girlfriend ni Silver. Tumagal yata sila ng dalawang taon pero naghiwalay last month dahil nagloko si Arisse.

"Why do I care?" kunot noo at sarkastikong tanong ni Silver habang nakangisi.

Pasimple ko siyang tinignan at kitang kita ko sa mata niya ang sakit. Kahit hindi niya sabihin, alam kong nasasaktan pa rin siya. Ang alam ko ay binugbog din nila Slate iyong bago ni Arisse pero nagalit lang si Silver kina Flint dahil nagalit sa kanya si Arisse.

Nilingon ako ni Jet na nasa tabi ko at humalakhak. Napansin niya yata na nakikinig ako sa usapan kaya nang umayos ako ng pagkakaupo ay inakbayan niya ako at hinila.

"Nakikinig sa usapan itong tsismosa!" aniya habang ginugulo ang buhok ko.

Natigil din sa paguusap sina Pine at natawa na rin. Napuno ng tawanan ang table namin dahil sa kantyawan. Hindi ko naman maintanggi ang sarili ko dahil totoo ang sinasabi ni Jet.

"Malamang nasa tabi ninyo ako, buti sana kung mahina ang mga boses ninyo!"

"Nice one, Doe!" tumango pa sa akin si Silver habang nakangisi.

Iba iba sila ng ugali. Sa isang taon palang na magkakasama kami ay alam ko na agad ang pagkakaiba ng mga ugali ng bawat isa sa kanila na sa tingin ko ay hindi nila napapansin.

Si Silver, kahit tahimik iyan ay pilyo rin. Laging nakangisi at hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa isipan habang tinitignan ka. Malalim din siyang tumingin at kumilatis ng tao, lalo na ng babae.

Si Jet, lahat ng pwedeng pagtawanan ay tatawanan niyan. Kahit nga sa kalagitnaan ng klase ay tatawa iyan kapag may nakita siya nakakatawa sa professor. And... syempre, hindi mawawala sa mga boys ang pagiging mahilig sa mga babae.

Si Slate, siya ang pinakamahirap basahin sa lahat ng boys. Parang lahat ng sinasabi niya ay taliwas sa kanyang ginagawa. Para siyang word na mahirap i-explain.

Si Flint, gentleman na bastos. May gano'n ba? Oo, meron. Si Flint. Iyong akala mo ay tinutulungan ka pero pasimple ka pala niyang mamanyakin. Tapos agad niyang irereport sa amin ang kagaguhang ginawa.

Si Goldie, girly at mataray. Lahat ng gusto niya ay kailangan niyang makuha. Kung hindi niya makukuha sa maayos na paraan, kukunin niya sa way kinakailangan, kahit na alam niyang may masasaktan.

Si Charra, I think siya ang pinakamatured sa amin. Iba siya tumingin sa bagay bagay at malalim din siyang mag-isip. Mabuti nalang at bestfriend siya ni Goldie, atleast may matured na katulad ni Charra ang gumagabay sa kanya.

Si Pine, mahihin at maingat gumalaw. Kahit na mas girly si Goldie ay mas babaeng gumalaw si Pine. Akala mo ay may babasagin siyang gamit sa kanyang katawan na mababasag sa oras na gumalaw siya nang gumalaw.

At ako? Magaling akong magbasa ng ugali ng mga tao sa paligid ko pero ang sarili ko ay hindi ko mabasa. Hindi ko maintindihan.

May mga nararamdaman akong hindi ko alam kung paano papangalanan. I guess, pinanganak talaga akong komplilado. Kahit nga sa bahay ay tingin nila Mama ay iba ako. Ibang iba ako sa lahat na mas gugustuhin nilang nasa loob nalang ako ng bahay kaysa makisalamuha sa mga tao sa labas.

Nang maguwian ay hinatid ako ni Flint sa bahay at susunduin nalang ulit mamaya para sa pagpunta namin ng Red Lights. Kapag sila ang nagplano, asahan mong hindi iyon pabago-bago.

Pagkarating ko ng bahay ay agad akong sinalubong ng mga magulang ko na may dalang tali. Tumakbo ako dahil alam ko na kung ano ang gagawin nila. Tumili ako pero pakiramdam ko ay wala namang makakarinig sa akin.

"Bakit ninyo ba ginagawa sa akin ito!" sigaw ko.

Nahigit ni Papa ang kamay ko at dali dali nilang tinali ang magkabilang kamay ko. Bumaba si Mama para talian din ang paa ko at ang hindi ko maintindihan ay bakit nila ginagawa sa akin ito!?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top