Kabanata 8
Kabanata 8
Opinyon
"Anong nawawala si Jet? Hindi ba't magkasama lang kayo kanina?" Nanliit ang matang tanong ko kay Slate.
"Fuck Doe, don't give that kind of look!"
"What look are you talking about, Slate?" Inosenteng tanong ko ngunit nag-iwas lamang siya ng tingin.
Mukhang hindi naman nawala si Jet ng sarili lamang. May mga hula na ako sa mga bagay na ito ngunit hindi ako gagalaw hangga't wala akong matibay na impormasyon.
Nagsimula na akong pumunta sa tent namin para kumuha ng mga kakailanganin ko sa aking gagawin. Hindi ako pwedeng matakot ngayon, walang mangyayari. Mauubos lamang kami dito. Kung kinakailangang pumatay ay gagawin ko, huwag lang mapahamak ang mga kaibigan ko.
"D-doe..."
Nilingon ko si Pine na dahan-dahang pumasok sa loob ng tent namin. Namumula ang kaniyang pisngi sa hindi ko malamang dahilan. Nagpatuloy ako sa pag-aayos habang hinihintay ang pagkwento niya kung ano ang nangyari.
"P-paano kung may gusto sa iyo ang taong gusto ng kaibigan mo?"
Napatigil ako sa tanong niya. Napaka-out of the blue ng tanong niya ngunit napa-isip din ako. Paano nga kung ganoon? Sabagay, hindi naman masama iyon dahil hinding hindi mo kailanman matuturuan ang puso.
"Okay lang." Sagot ko.
"Okay lang? Kahit na alam mong mali?" Muling tanong niya kaya nilingon ko ulit siya.
Tumango ako, "Bakit mo natanong?"
Kinagat niya ang kaniyang labi. Namumula pa rin hanggang ngayon ang kaniyang pisngi. Siguro kung nasa mood ako ngayon ay aasarin ko siya ngunit hindi ko magawa.
"May nag-confess kasi sa akin kanina..." mahina niyang sabi na halos hindi ko na marinig.
"H-huh?" Hindi ko alam pero natawa ako, "Sa kalagitnaan ng nangyayari sa ating ganito ay nagawa pa nung taong iyon na mag-confess? Really? At sino naman iyon?"
Hindi agad nakasagot si Pine kaya kinailangan ko pa siyang pilitin. Wala akong ideya kung sino iyon dahil wala naman akong natatandaan na may nagtatatrato sa kaniyang espesyal kundi kami lang nila Charra at Goldie.
Bigla kong na-miss si Goldie. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita at nag-aalala na ako sa kaniya. Simula nang makarating kami rito ay nawawala na agad siya. Kung sana hindi siya magco-confess kay Sil- oh my goodness!
Nanlaki ang mata ko habang nakatingin kay Pine. Pinalo niya ang braso ko dahil alam niyang alam ko na kung sino ang nag-confess sa kaniya. Bigla akong nakaramdaman ng galit dahil nawawala na nga si Goldie ay ganito pa ang ginagawa nila.
"Hindi pwede, Pine!" Sigaw ko sa kaniya.
Napuno ng takot ang kaniyang mukha habang matalim ko siyang tintignan. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko ang sakit na mararamdaman ni Goldie sa oras na malaman niya ang bagay na ito.
"Doe-"
"Kahit anong sabihin mo, hindi pwede! Napaka-selfish mo, Pine! Nawawala na nga si Goldie at alam mong mahal niya si Silver!" Sigaw ko pa rin.
Hindi ko alam kung bakit takot na takot siya habang nakatingin sa akin. Sanay na siyang nasisigawan ko siya tuwing may mga maling bagay siyang nagagawa ngunit kakaiba ang takot niya ngayon.
"Doe, calm the fuck down. You're creeping me out!" Sinubukan niyang hawakan ang braso ko ngunit mabilis ko iyong tinabig na halos mapahiga pa siya sa sobrang lakas.
"Bawiin mo ang sinasabi mo Pine! Bawiin mong umamin sa iyo si Silver. Please, bawiin mo!" Nakapikit kong sabi, pinapakalma ang aking sarili.
"Mahal ko rin siya-"
"Fuck you!" Sigaw ko sa kaniya saka nag-dilat ng mata. "Tandaan mo ito, huwag na huwag kang lalapit sa akin."
Kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas na sa aming tent. Bakit ba mukhang biro lang sa kanila ang mga nangyayari? Kung wala silang pakielam sa mga kaibigan namin ay mas mabuting umuwi nalang sila.
Ako na ang bahalang humanap sa mga kaibigan namin.
"Doe-"
"Umalis ka sa harap ko, Silver." Seryosong sabi ko nang harangan niya ang daraanan ko.
"What the heck? Saan ka pupunta?" Inispread niya ang dalawa niyang kamay para mas mapigilan ang sa pag-alis.
"Hindi ka ba nakakaintindi, ha? Sabi ko ay umalis ka sa harap ko!" Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng bag ko.
"Saan ka nga pupunta?" Ulit na tanong niya.
"Hahanapin ko ang mga kaibigan ko! Kaya please lang, umalis ka na dahil ayaw kong abutan ng dilim!"
Lalo niya akong hindi pinadaan kaya wala akong nagawa kundi itulak siya. Malakas siya kaya hindi pa rin ako nakaalis sa kinatatayuan ko.
"Hindi ka pwedeng umalis ng mag-isa, Doe. Lalong lalo na at wala ka pang plano!"
"Kung hihintayin ko ang plano niyo ay baka wala na akong maabutan sa mga kaibigan natin so please..."
Sabi sila ng sabi na gagawa muna kami ng plano bago gumawa ng hakbang ngunit wala pa rin silang naiisip. Kung hihintayin ko sila ay walang mangyayari.
Binuhat niya ako pabalik. Nakita kong nakaupo pabilog ang mga kasama namin sa harap ng isang bonfire. Nilapag niya ako roon at nakita ko agad ang mga mata ni Pine ngunit hindi ko siya pinansin. Inayos ko ang damit na nakusot dahil sa pagbuhat sa akin ni Silver.
"Plano agad!" Sigaw ko at halos mapatalon pa ang ilan sa sobrang lakas.
"Kailan ba nating mahiwa-hiwalay?" Tanong ng isa.
"Hindi magandang maghiwalay dahil baka may isa nanamang mawala. Mas mabuting magsama-sama tayo para kapag may nawala ay makita nating lahat." Suggest ko.
Pakiramdam ko ay isa sa amin ang may alam. Isa sa amin ang totoong traydor.
"Walang problema sa gusto mo, Doe." Nakangising sabi ni Slate.
Sinamaan ko siya ng tingin. Nasa harap nila akong lahat at mukhang ako lang ang may gustong mahanap namin kaagad ang mga kaibigan namin.
"Ano pang hinihintay natin? Umalis na tayo ngayon!" Sigaw ko.
"Pwede bang huwag kang magpadalus-dalos, Doe?" Kunot noong sabi sa akin ni Silver.
My gosh! Ano pa bang gagawin namin ngayon rito? Nakapagplano na nga kami na magsama-sama. Mas magandang pumunta na kami ngayon kaysa naman umabot nanaman kami ng gabi.
Nagtaas ng kamay si Pine na parang sinasabing may suggestion siya, "T-tama si Silver-"
"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo." Mataray kong sabi.
Iyan ang gusto mo, Pine, hindi ba? Mahal mo si Silver, hindi ba? Pwes, pagdusahan mo iyan!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top