Chapter Two
Louise's POV
Pinapabayaan ko lang magsalita ng magsalita ang daddy ko habang nasa harap kami ng mesa at nakapalibot doon ang mga kamag-anak namin. Naroon din ang ibang mga bisita ni dad para makipag-celebrate ng 60th birthday niya.
I looked at everyone. Those were the same faces that I saw since I was small. I grew up knowing them attending every events in our lives. Mga super close friends nila mom and dad.
Tamilmil kong nilalaro-laro ang pagkain sa plato ko tapos ay muling tiningnan ang mga kaharap kong tao. Natawa ako nang makita ko si Ate Lornie na kunsumido sa pag-aasikaso sa anak niyang sobrang kulit. Ang asawa naman niyang si Kuya Gary ay lasing na at nagngungulit na rin. Si Kuya Lonmar naman ay tahimik lang na patingin-tingin sa paligid. Katabi niya ang madaldal na asawang si Vivian. Tinitingnan ko ang mukha ng mga kapatid ko. Masaya ba sila?
Kita ko naman kay ate Lornie na masaya siya kasi meron siyang anak. Pero sigurado ako, kung may choice siyang tumanggi na mag-asawa, hindi pa siya mag-aasawa. Strong kasi ang personality ni ate. Gusto nga niyang siya na ang pumalit kay daddy sa negosyo ng pamilya pero sabi ni daddy, ang babae ay dapat na pambahay lang. Mag-asawa at sumunod lang dapat sa gusto ng asawa. Kaya ayun. Kahit labag sa loob ni ate, napilitan siyang magpakasal sa lalaking pinili ni daddy para sa kanya.
Si Kuya Lonmar ang ginu-groom ni daddy na pumalit sa kanya. Nasa college pa lang ay laman na ng opisina ni dad si kuya. Pinakuha siya ng kursong management kahit na nga ang alam ko, medicine ang gusto ni kuya. Wala lang siyang magawa lalo na ng ipilit ni dad na pakasalan niya ang anak ng business partner niya. Iyon nga si Vivian. Si daddy ay parang hari sa bahay namin. Kahit si mommy ay walang karapatang baliin ang kung anong gustong sabihin ni dad. Parang sa kasabihang, kapag sinabi ng hari, hindi ito mababali. Kaya kahit maraming mga bad decisions si dad, wala na kaming magawa.
Napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin. Agad akong inakbayan ni kuya Hans at kumuha ng brocolli na nasa plato ko.
"How's my favorite cousin?" Tanong niya habang tuluyan ng kinuha ang plato ko at kinain ang mga natira kong pagkain.
Hindi ko pinansin ang tanong ni kuya Hans. "You know the buffet table is right over there. There are lots of foods you can choose. Hindi mo kailangang kainin ang tira-tira ko," sabi ko sa kanya.
"Maraming tao. Ayokong magpakita," natawa ako sa ginawa niyang pagsimot ng mga ulam na nandoon.
"Kung hindi lang kita paboritong pinsan, kanina ko pa na-broadcast na nandito ka." Natatawang sagot ko.
Sigurado na ako na nagtatago si kuya Hans sa mga naging babae niya na bisita din doon. Si kuya Hans na kasi ang nakilala kong lalaki na saksakan ng babaero. Kaya niyang magsabay-sabay ng girlfriend. One time nga, tatlong magkakaibigan ang naging girlfriend niya ng sabay-sabay. Hindi ko lang alam kung paano niya iyon nalusutan.
"You are just making yourself uncomfortable because of what you're doing. Kung bakit kasi napakababaero mo," komento ko.
"Hindi ko naman kasalanan kung sila ang lumalapit sa akin. Maghubad sa harap ko, alangan naman tanggihan ko 'yun?" Nagkamot pa siya ng ulo. "Paki-abot mo nga 'yung cake." Tinuro niya ang cake sa harap ko.
Pinanood ko lang siya habang sarap na sarap siya sa pagkain.
"How's your stay here? Nasaan ang syota mo?" Tanong pa niya.
Tiningnan ko ng masama si kuya Hans. "Sobra ka naman. Talagang syota? Boyfriend naman." Pagtatama ko sa sinabi niya tapos ay tumingin ako sa gawi ni Edward na kausap si daddy. Tumingin din siya sa akin at ngumiti tapos ay kumaway.
Edward is nice man. Magkakilala na kami since grade school. Business partner kasi ni dad ang parents niya so basically, every event sa buong buhay namin ay lagi kaming nagkikita. Nasa college na kami ng magsabi siyang gusto niya ako at ng malaman iyon ni daddy, sobrang itong natuwa. Hindi na daw niya kailangan na ipagkasundo ako sa pamilya ni Edward dahil kami na daw ang nagkakagustuhan.
Pero ang totoo, wala pa sa isip ko ang pakikipagrelasyon noon. Marami pa akong plano. Marami akong pangarap kahit nga sinasabi ni dad na magiging housewife lang naman daw ako katulad ni mommy. Hindi ko na daw kailangan na masyadong mag-effort para may patunayan sa sarili ko. Mayaman ang pamilya ni Edward at kayang-kaya daw akong buhayin.
Napangiwi si kuya Hans. "Alright. Boyfriend na kung boyfriend. Ilang years na nga kayo ulit?"
"Four." Maiksing sagot ko.
Four years. Four long years kaming in a relationship pero kahit kailan hindi ako nakaramdam ng kilig. Parang feeling ko, isang straight line lang ang relasyon namin. Parang naka-program na. Mabait si Edward pero parang may kulang. Wala kaming spark sa totoo lang pero dahil nga sa gusto ni dad na mas lalong gumanda ang pagsasamahan ng mga pamilya namin, we became a couple.
Ramdam ko naman na gusto ako ni Edward. In fact walang masasabi ang babae sa kanya. Gentleman, handsome, rich and he got brains. Napaka-articulate at intellectual kausap. He is almost perfect pero ewan ko ba. Meron akong hinahanap na hindi ko makita sa kanya.
He is so predictable.
There. That's it.
Walang thrill. Walang excitement. Walang adventure.
Kinuha ko ang isang maliit na notebook sa bag ko at binuklat iyon. Napahinga ako ng malalim ng basahin ko ulit.
My bucket list.
Listahan ko iyon ng mga bagay na gusto kong gawin sa buhay ko. I was hoping to show this to Edward para naman siya ang makasama ko sa mga experience na ito. Sinubukan ko minsan na sabihin sa kanya na gusto kong ma-experience na umakyat ng bundok. Ayun, kinontra na niya ako at sinabi pa kay dad ang plan ko. Umaatikabong sermon ang inabot ko.
Napatingin ako kay dad ng marinig kong binanggit niya ang pangalan ko kaya mabilis kong isinilid muli ang maliit na notebook sa bag. Tumingin ako sa paligid ko at halos lahat ng bisita ay nakatingin sa akin. Mga nakangiti at parang natutuwa sa sinasabi ni daddy. Si Edward ay ang ganda din ng ngiti.
"Mukhang may announcement ang daddy mo," bulong ni kuya Hans sa akin. "Alis na ako dito. Nasa iyo na ang spotlight. Baka madamay pa ako," at bago ko pa mapigil ang pinsan ko ay mabilis na siyang nakatalilis palabas ng bahay.
"What did I do, dad?" Alanganin kong tanong sa kanya. Nakita kong parang nag-aalala ang mukha ni ate Lornie habang nakatingin sa akin.
Nakangiti lang si daddy sa akin at lumapit.
"May sasabihin daw si Edward sa iyo." Ang ganda-ganda talaga ng ngiti ni daddy at mas kinakabahan ako kapag ganito.
Lumapit sa akin si Edward at napansin kong naglalapitan ang mga bisita sa amin. Karamihan ay inilabas ang mga cellphone at bini-video kami.
"What is this?" Takang tanong ko sa kanya. Nakangiti si Edward sa akin at nanlaki ang mata ko ng bigla siyang lumuhod sa harap ko. Ang lakas ng sigawan ng mga tao.
"Louise, it's been four years and my love for you doesn't fade a bit. I know in my heart that I want you to be with me forever," saglit na huminto si Edward at may dinukot sa bulsa niya. Maliit na kahon iyon at binuksan niya. Lalong ang lakas ng tilian ng mga bisita. Lalong dumami ang mga nagkikislapang camera.
"Will you marry me, Louise Abigail Monsod?"
Hindi ko halos marinig ang sigawan ng mga tao dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Tumingin ako sa kumikislap na singsing at parang sinasabi nitong kunin ko at isuot ko. Pero isang bahagi ng pagkatao ko ang gustong tumanggi. Tumingin ako sa harap ni dad at nakita kong tumatango siya. Ibig sabihin ay tanggapin ko ang ini-o-offer ni Edward.
"Louise?" Untag sa akin ni Edward. Nakita kong nawala na ang excitement sa mukha niya. Napalitan na iyon ng pag-aalala.
Pilit akong ngumiti at muling tumingin sa paligid. Ang daming nagsasabing, 'yes' na ang sabihin ko. Nakaka-pressure.
"Louise, ano ang sagot mo?" Seryoso na ngayon ang timbre ng boses ni daddy.
"H-ha?" Ano nga ba ang sasabihin ko.
"Say yes." Matigas na sabi ni dad.
Napahinga ako ng malalim. Wala naman akong karapatang tumanggi. Tulad ni ate Lornie at kuya Lonmar, sunud-sunuran lang kami sa gusto ni daddy.
Tumango ako kay Edward at pilit na ngumiti.
"Yes," pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko ng sabihin iyon.
Ang lakas ng sigawan ng mga tao. Lahat ay masaya sa narinig na sagot ko. Ang ganda ng ngiti ni Edward at niyakap ako ng mahigpit.
"Thanks, Louise. You never know how happy I am for this engagement. I can't wait to be married to you."
Pilit na pilit ang ngiti ko. Mabilis na lumayo sa akin si Edward at bumalik kay dad. Lahat ay kino-congratulate siya. Lahat ay excited. May mga plano na nga para sa wedding namin.
Ako? Hindi man lang ba nila ako tatanungin kung masaya ako dito? Tumingin lang ako sa kanila at parang hindi naman nila ako pansin. Tumayo ako at nagpaalam na magpapahangin lang sa labas. I think I need some fresh air.
Para akong nakahinga ng maluwag ng makalabas doon. Doon ako nag-stay sa front porch at kita ko ang malawak na kalangitan at ang bilog at maliwanag na buwan. Nagkikislapan din ang mga bituin sa langit. Parang masasayang alitaptap na malayang lumilipad sa langit.
Then something hit me. I smiled with the thought of that idea. Bakit nga ba hindi ko iyon naisip noon pa?
I'll be getting married soon and this is the time that I fullfil all of those I have written in my bucket list.
Tumingin ako sa loob at kita kong busy pa rin sila sa pagkakasayahan. Tumayo ako at mabilis na tinungo ang gate. Walang kilatis akong lumabas.
For the first time, susundin ko naman ang ikaliligaya ng sarili ko.
————
Carlo's POV
Nakainom ako pero alam ko pa rin ang feel ng kama ko. Isang taon ng dito ako natutulog kaya alam ko ang pakiramdam kung may kakaiba sa kama ko.
Kinapa-kapa ko ang mga unan. Bakit malamig? Parang leather? Kapa pa rin ako ng kapa at ngayon naman ay malambot na. Pinisil-pisil ko pa at ang lambot talaga. Ano ba ito?
Agad kong binuksan ang lampshade sa bedside table at hindi ko alam kung ano ang ire-reaksyon ko sa nakikita ko.
Isang babae ang nasa kama ko at nandidilat ang mga matang nakatingin sa akin habang nakahawak ang kamay ko sa boobs niya.
Nanlalaki din ang mata niya sa akin at parang hindi makapaniwala sa nakikita niya tapos ay napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa boobs niya.
Malakas siyang sumigaw kaya sumigaw din ako at mabilis na kinuha ang kamay ko.
Sino ba ang babaeng ito? Anong ginagawa niya dito sa kuwarto ko?
"Bastos ka! Sino ka? Anong ginagawa mo sa bahay ko?!" Malakas na malakas na sigaw ng babae.
"What? Anong bahay? This my house!" Naguguluhan talaga ako. Ngayon ko lang nakita ang babaeng ito sa buong buhay ko. Tingin ko ay galing sa kung saang biker meeting. Naka-leather boots, leather pants, leather jacket. Parang raccoon sa sobrang kapal ng itim na eyeliner at itim na eyeshadow. Pati ang lipstick ay itim din. May hikaw pa sa ilong at tadtad ng hikaw ang magkabilang tenga. At naalala ko. Siya ang babaeng nakasalubong namin kanina!
"Anong this is my house? Trespassing ka dito! Get out!" Malakas na sigaw niya at mabilis na lumapit sa akin at pinagtutulakan akong makalabas ng bahay.
"Stop it!" Inis kong baling sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. Painis ko siyang tinulak pero siniguro kong sa babagsak naman siya sa kama.
Ang sama ng tingin niya sa akin. Nakakatakot ang itsura ng babae. Mukhang durugista na kayang kumatay ng tao.
Pinilit kong kumalma. Baka naman kasi nagkamali lang ang babae kasi tingin ko ay dayo ito. Kahit na anong itsura ng babae ay rumerespeto naman ako.
"Miss I think you've got the wrong house. I live here for almost a year and this is mine. I bought this from a friend. If you are lost, I can help you. Puwede kitang tulungang makarating sa barangay then they can help you look for you place," paliwanag ko sa kanya.
Naningkit ang mata niya at tumayo tapos ay galit na humarap sa akin.
"Anong I've got the wrong house? Mister, akin ang bahay na ito. Binili ko ng five hundred thousand kay Jamila Policarpio. And this," inis na ibinagsak niya sa kama ang back pack na dala tapos ay may kinuha doon. Isang papel at itinapal niya sa dibdib ko. "This is my proof that I own this house and you are trespassing here."
I rolled my eyes and shook my head. I think this woman is crazy. And who the hell is Jamila Policarpio. I bought this house from Armand Lopez. Inis kong kinuha ang papel at binuklat iyon. Deed of sale nga at notarized pa.
"I am not going to believe with this, okay? I got the land title, I got proof that I own this. So whoever you are, whatever scam you are trying to do to me, it won't work. Just get out and let me rest," napabuga ako ng hangin at hinawakan sa kamay ang babae para makalabas sa kuwarto ko. Pero mabilis siyang kumawala sa akin at kinuha ang telepono niya at nag-dial. Mukhang hindi titigil ang ang babaeng ito kaya kinuha ko din ang telepono ko at tinawagan ang number ni Armand Lopez kahit na nga dis oras na ng gabi.
Nagsusukatan pa kami ng tingin ng babae habang naghihintay ng sagot. Panay pa ang tap ng paa niya sa wooden floor na lalo kong ikinakairita.
"Hello," narinig kong sabi ng babae. Nagkataon na may sumagot na rin sa tawag ko.
"Armand," bungad ko sa sumagot.
"Sir, hindi po ako si Armand. Wala na po si Sir Armand."
Kumunot ang noo ko. Nakita kong kunot na kunot din ang noo ng babae na parang hindi nagugustuhan ang sagot aa kausap niya sa telepono.
"Anong wala? Let me talk to him. May problema sa binili kong bahay sa kanya," iritable na rin ako.
"Ay Sir, 'yan ba 'yung beach house sa Zambales? Naku, Sir. Mukhang may problema nga diyan. May kausap din kasi kami sa kabilang line na may-ari din daw. Binenta daw ni Mam Jamila." Sagot ng kausap ko.
"Wala akong pakielam doon. I bought this and this is mine. Saan ko puwedeng ma-contact si Armand?"
Saglit na tumahimik ang kausap ko tapos ay bahagyang umehem.
"Sir si Sir Armand po kasi patay na. Magkasama po silang naaksidente ni Mam Jamila sa Ilocos last week. Total wreck po ang sasakyan and dead on the spot silang dalawa."
"What?" Gulat na gulat ako sa nalaman ko. Napatingin ako sa babaeng naroon at nakita kong parang natitigilan ang itsura niya.
"Ako po ang caretaker nila ng mga properties. Halos lahat kasi naibenta na since naghiwalay na sila. 'Yan kasing beach house ay regalo ni Sir Armand kay mam Jamila. Eh, messy separation kaya medyo magulo din 'yan. Ibinenta din kasi ni Mam Jamila 'yan." Paliwanag ng kausap ko.
What the fuck?!
"But I bought this already. This is mine," napipikon na ako.
"Sir kasi may copy din ng land title si Mam Jamila kaya naibenta niya iyan. I suggest po na i-consult 'nyo na lang sa abogado kung ano ang dapat gawin kasi patay na 'yung hinahabol 'nyo."
Marami pang sinasabi ang kausap ko pero pinatay ko na ang telepono. Nakita kong ganoon din ang ginawa ng babae na parang nakarinig ng pangit na balita at laglag ang balikat na humarap sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa.
"We've been scammed?"
Halos sabay namin iyong nasabi sa isa't-isa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top