Chapter Twenty-Three

CHAPTER TWENTY-THREE

Louise's POV

Paano na ngayon?

Iyon ang naglalaro sa isip ko habang nakaupo sa sofa at nakatalikod kay Olie. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang nakaupo lang din at nakatingin sa kisame. Nag-iisip. Hindi ko siya magawang tingnan kanina kasi wala siyang kahit na anong suot. Buti naman at nag-suot na siya ng pantalon. Ako nga kanina kahit nasasaktan ako nagpilit akong mag-panty at magsuot ng t-shirt.

Ano ba ang pag-uusapan naming dalawa? May dapat nga ba kaming pag-usapan? Ano ba ang ginagawa pagkatapos ng ganoon?

Gaga ka kasi! Hinalikan ka lang bumigay ka na. Hindi mo pa nga kilala ang lalaking iyan.

Napakagat-labi ako at napailing sa parang panenermon ng utak ko.

"LA..."

"Kung nagi-guilty ka, huwag. Ginusto ko iyon," putol ko sa sasabihin niya.

Napahinga si Olie ng malalim. "You should have told me."

"Ang alin?" Taka akong tumingin sa kanya. Parang nahihiyang tumingin sa akin si Olie at kitang-kita ko ang guilt sa mukha niya.

"About- about your-" hindi niya maituloy ang sasabihin. "Damn it, LA. Why you didn't tell me?"

"Big deal ba?" Napahinga ako ng malalim. Parang gusto kong umiyak. Bakit parang kasalanan ko pa na hindi ko sinabi na virgin ako? Bakit parang big deal sa aming dalawa? Nakokonsensiya ba siya hindi niya akalain na malinis akong babae?

"You are getting married. Fuck, you are getting married." Tumaas ang boses ni Olie ng sabihin iyon tapos ay napayuko.

"But I don't love him." Napahinga ako ng malalim ng sabihin iyon. For the first time, nasabi ko iyon ng malakas. Namuo ang luha ko at para akong nakahinga ng maluwag. "I don't love him." Tuluyan na akong napahagulgol.

Naramdaman kong lumapit sa akin si Olie at niyakap ako. Sumubsob lang ako sa dibdib niya at talagang doon ko ibinuhos ang pag-iyak ko.

"I was like a prisoner. They want me to love someone that I don't have a connection. Four years of being stuck in a monotonous relationship. Hindi ako nagwawala, Olie. Gusto ko lang makaramdam ng freedom bago ako makulong habambuhay sa piling ng lalaking hindi ko gusto," humihikbing sabi ko.

Napahinga lang siya ng malalim at naramdaman kong hinahaplos niya ang buhok ko.

"But here, in this island, I felt like a new person. I felt that I belong. I felt a connection with you," punong-puno ng luha ang mata ko at tumingin sa kanya. Nakatingin lang din siya sa akin. Titig na titig sa mukha ko.

"And day by day, I was living in this fantasy that I know would end soon. This. You would end soon," marahan ko pang hinaplos ang mukha niya.

"Then stay here. You don't need to go back," mahinang sabi niya. Marahan pa niyang hinalikan ang noo ko. "Runaway. Stay with me."

Napalunok ako sa sinabing iyon ni Olie. Kaya ko ba? But looking at his face, being with him makes me the rebel that can turn my back to everything.

Pero alam kong hindi puwedeng mangyari iyon. May sariling buhay si Olie. Guguluhin ko lang ang maayos niyang buhay dito.

"Olie, hindi dahil sa nalaman mong virgin ako so-syotain mo na ako. I know you feel our connection pero hindi mo naman puwedeng pilitin ang sarili mo na gustuhin din ako dahil lang sa may nangyari sa atin. I am fine. I'll be fine," sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo nito at bahagyang lumayo sa akin.

"What the hell? Anong sinasabi mo?"

Parang nahihiyang tumingin ako sa kanya tapos ay yumuko. Hinawakan niya ang mukha ko at tumitig sa akin.

"You are crazy," natawa si Olie tapos ay marahang hinaplos ang mukha ko. "Crazy but beautiful. Crazy but loveable. Crazy but fierce. You are crazy but still, you got me."

Nanlaki ang mata ko sa narinig na sinabi niya. "Ha?" Gusto kong masiguro kung tama ba 'yung narinig ko.

Tumawa si Olie. Parang hindi makapaniwal sa nasabi ko.

"Sa dami ng nangyari sa buhay ko, being connected to a woman was the last thing on my mind. I don't want any connection aside from sex. But you-" pinisil pa niya ang ilong ko. "Naiinis ako sa iyo kasi ang kulit mo pero-" parang wala na siyang masabi pero nakatitig pa rin sa mukha ko.

"Pero ano?" Umuungot na tanong ko.

"You got me." Lalo niya akong niyakap

Napakagat-labi ako. Kasi first time ko yatang kiligin sa sabihan ako ng ganoon ng isang lalaki. Never kong naramdaman ang ganito kay Edward.

"I don't know what this is, LA. But to tell you the truth, I felt whole right now. 'Yung hinahanap kong inner peace, I found it with you." Nakatitig na sabi niya.

"So, ano 'to? Ano na tayo?" Ano na nga ba kami?
"Just like this. Sumunod lang tayo kung saan tayo dadalhin nito. Live at this moment just like how we are living in this island. Without fear, without guilt."

Ngumiti ako. And I like that. No commitment. Hindi ako nakatali sa kung saan.

Tumayo ako at humarap kay Olie. Nakatingin lang siya sa akin at kumandong ako sa kanya.

"Teka, paano si Vinah?"

Kumunot ang noo niya. "Bakit? Anong problema kay Vinah?"
"'Di ba labas-masok din iyon dito?"

"Well, ikaw na lang ang babaeng makakapasok sa bahay ko at sa buhay ko."

Pinigil ko ang mapangiti dahil sa sinabi niya. Grabe! Ganito pala ang feeling ng kiligin. Lalo niya akong niyakap palapit sa kanya.

"We will take it slow, LA. Slowly but surely we will get there."

And before I could answer back, his lips landed on mine. Claiming it like he was kissing if for the first time.

And it felt heaven.

My first real kiss from the man that really made my heart truly beat.

---------------------------

Charlotte's POV

Nakatingin lang ako sa draft ng petition for annulment na nakalatag sa harap ko. Matagal na itong ipinadala sa akin ng abogado ni Carlo pero talagang tinatanggihan kong pirmahan. Ayoko. Hindi ako papayag na maghiwalay kami. Ako ang may karapatan sa kanya. Siya ang asawa ko. Ang dami ko ng sakripisyo para lang makuha siya.

Dinampot ko ang bote ng alak at nagsalin sa baso tapos ay ininom iyon tapos ay muli kong binasa. Nakalagay doon ang lahat ng nangyari sa amin. Nanlalabo ang mata ko habang binabasa ko isa-isa ang mga nangyari. Bumabalik ang lahat ng mga nangyari sa amin kaya inis kong pinunit ang papel at sumubsob sa mesa.

Ang tagal-tagal na pero bakit hindi pa rin ako maka-usad? Ang tagal ng wala ni Carlo at ramdam ko naman na malabo na siyang bumalik. Pero masama bang umasa? I had him once and I am still praying to have him again because I love him so much.

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at tumayo para tunguhin ang kuwarto ni Theo. Lalo lang akong nakaramdam ng kalungkutan ng makita ko ang empty crib niya. Bakit kasi pumayag pa akong ipahiram ang anak ko kina mommy? If Theo was here, hindi ako makakaramdam ng ganito. Hindi ako makakaramdam ng kalungkutan. Hindi ako makakaramdam ng guilt. Only my son was keeping me sane.

Hinanap ko ang telepono ko at tumingin ako sa relo. Pasado alas nuebe at gusto kong tawagan sila mommy at sabihin sa kanila na ihatid nila pabalik sa akin ang anak ko. Hindi ko alam kung makakausad ako ngayong gabi na mag-isa. I don't have any one to turn to. I don't wat to talk to my friends either dahil mas lalo lang ako madi-depress. I know behind my back, they were talking about what I did to Carlo. Kalat na kalat naman sa circle of friends ko kung anong tawag nila sa akin. Desperada. Mamimikot. Iyon. Iyon ang bansag nila sa akin. Dahil desperada akong makuha si Carlo.

Pero ibinato ko rin sa sofa ang telepono ko. For the first time kasi, noon ko na lang nakita ulit na sumaya ang mommy at daddy ko ng makita nila si Theo. Kahit adopted ko lang siya, sobrang supportive ng magulang ko doon. Mahal nila ang bata na parang tunay nilang apo. Hindi katulad ng nanay ni Carlo. Talagang vocal ang nanay ni Carlo na ayaw niya sa ginawa kong pag-aampon. At ano ang gusto niyang gawin? Umasa ako na mabubuntis ako ni Carlo? Alam naman niyang wala akong kakayahang magbuntis.

Napahinga ako ng malalim at dinampot ko na ang bote ng alak at doon na diretsong uminom. Lalo lang akong nakakaramdam ng lungkot. Minsan talaga kapag dumarating ang ganitong pagkakataon, gusto ko na lang uminom ng maraming sleeping pills para hindi na ako magising pa.

But I can't do that. I still love my life. I am thinking about Theo. Muli akong uminom sa bote at dinampot ang telepono ko at isinilid sa bag. I needed to get out. I need some fresh air.

Pasakay na ako sa kotse ko ng may marinig akong tumatawag sa pangalan ko. Sinino kong mabuti at nakita kong si Xander ang papalapit sa akin.

"Xander? What are you doing here? Gabi na," komento ko at hinintay ko siyang makalapit sa akin.

"Galing ako sa isang friend sa kabilang village and naisipan kong dumaan dito para kumustahin si Theo. How is he?" Tanong nito.

"Wala si Theo dito. Hiniram nila mommy kaya I am bored to death."

Kumunot ang noo ni Xander at lumapit sa akin. "Nakainom ka ba?"

"Ha?" Huminga ako sa kamay at inamoy iyon. Amoy alak nga. Pinilit kong ngumiti para hindi maipakita na napahiya ako. "Konti lang. Kaya ko pa naman kaya lalabas sana ako saglit para mag-unwind."

"And you're going to drive ng nakainom? Paano kung may mangyari sa iyo?"

Saglit akong napatitig kay Xander. Totoong concern ang nakikita ko sa mukha niya. Kahit kailan hindi ko naramdaman na may taong nag-aalala para sa kaligtasan ko. Kung kay Carlo ito, baka sabihin pa noon na umalis na ako at huwag ng bumalik pa.

Kinuha niya ang susi na hawak ko tapos ay umikot siya at binuksan ang pinto ng passenger side ng kotse.

"Get in."

"Kaya ko naman mag-drive, Xander. Saka sa kabilang village lang ako pupunta. Hindi naman ako lalayo." Pinilit ko na lang tumawa kasi pakiramdam ko nalulunod ako. Hindi ako sanay na may nagta-trato sa akin na para akong importante.

"Ipagda-drive kita. Off duty na ako and wala akong pasok bukas kaya puwedeng-puwede kitang sabayan na mag-walwal." Kumindat pa ito sa kanya.

Natawa ako. "Walwal? Ano 'yun?" Ngayon ko lang narinig ang salitang iyon.

"Walwal? Hindi mo alam? Magpakalasing." Napailing si Xander. "Paano kasi si Carlo lang ng si Carlo ang iniintindi mo kaya wala ka ng nakita sa paligid mo. Tara. Tuturuan kitang magwalwal. Treat ko." Pinilit na niya akong sumakay sa sasakyan.

Sumakay din siya sa kotse at ini-start na iyon. Tahimik siyang nagda-drive at hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa kanya.

Para kasi akong nakahinga ng maluwag ng dumating siya. Kasi mayroon na akong makakausap at feeling ko hindi na ako mag-iisa.

-----------------

Louise's POV

Ang ganda ng umaga sa tuwing mabubungaran ko ang mukha ni Olie pag-gising. Hindi na nga nagkasilbi ang kama na binili ko noon at isiniksik sa kuwarto ni Olie dahil hindi na ako nakakatulog doon. We are sharing the same bed when we sleep. And every night, we are sharing intimate moments with each other. I still can't believe that I am doing this.

Kanina pa ako gising pero nanatili lang akong nakatitig sa mukha ni Olie na tulog na tulog. Marahan kong hinaplos ang makapal niyang balbas at bigote. Siguro kung aahitin niya ang mga iyon, lalong lalabas ang kaguwapuhan niya. Sigurado ako na guwapo si Olie. Ang ganda ng mga kilay, ang tangos ng ilong at ang labi niya, ang ganda-ganda ng shape at ang sarap-sarap halikan. Lalo na ang mga mata niya. Napangiti ako at napakagat-labi. Olie's had the sexiest chinky eyes that I had seen in my life.

Napatingin ako ng maramdaman kong nag-vibrate ang kama. Agad kong kinuha ang telepono kong nasa ilalim ng unan ko at tiningnan iyon. Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita kong si Ate Lornie ang tumawaga sa akin.

Dahan-dahan akong umalis sa tabi ni Olie at nagtungo sa banyo at doon ko sinagot ang tawag ni Ate.

"Ate?"
"Louise, you need to go home. Something happened with daddy." Umiiyak na bungad ni ate sa akin.

"Anong nangyari?" Pigil na pigil ko ang boses ko dahil ayokong marinig ni Olie na may kausap ako.

"Na-stroke si daddy. Nasa meeting silang dalawa ni Edward at hindi ko alam kung anong nangyari. Bigla na lang nagsisigaw si Edward at humingi ng tulong. Ayun nga. He is bad shape," napahagulgol na ng iyak si Ate.

Para yata akong masusuka sa nalaman ko. Nate-tensiyon ako. Hindi ko na napigil ang hindi mapaiyak.

"Nasaan si dad?" Gumagalgal ang boses ko.

"Nasa ICU. Still in critical stage. Ang daming problema dito, Louise. Please go home and let us fix this. Magtulong-tulong tayo."

Hindi ako agad nakasagot.

"Louise, you need to go home. Tama na 'yang pagrerebelde mo. You had your time and it's time to go home and help us."

Bago pa ako makasagot ay pinatayan na ako ng call ni ate.

Napasubsob ako sa mga palad at impit na umiyak.

Ngayon pa ba ako aalis? Ngayon pa bang mahal na mahal ko na si Olie?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top