Chapter Twenty-Six




Louise's POV

Walang tigil ang iyak ko habang nasa tabi ako ng kama ni daddy. Buong buhay ko ay nasanay ako na punong-puno siya ng authority. Sa bawat talim ng tingin niya sa amin, bawat bigat ng mga salita, nasanay na kaming tatango na lang sa bawat utos ni daddy.

Pero hindi ngayon.

Daddy was a vegetable in his bed. He couldn't even lift his arms. He couldn't even speak. Only his eyes were looking at me. Walang talim ang mga tingin. Parang nagmamakaawa.

Parang humihingi ng tawad.

"Dad," hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. Hinihintay kong pumisil din siya pero walang nangyari. Sabi ng doctor, matatagalan pa bago maka-recover si daddy. Kung makaka-recover pa ba.

"I am so sorry, dad." Nabasag na ang boses ko at tuluyan na akong napaiyak. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at muling tumingin sa kanya. Nakatingin lang din sa akin si daddy at nangingilid din ang luha niya.

"I am sorry kung ang tigas ng ulo ko. I am sorry kung hindi ko sinunod ang gusto mo. Alam ko kasalanan ko kung bakit nangyari sa iyo ito. I gave you a hard time just to follow what I want. Mga kababawang gusto kong mangyari sa buhay ko." Patuloy ang pagtulo ng luha ko. Panay ang pisil ko sa kamay ni daddy sa pagbabakasakali na gumalaw iyon.

"I just wanted some space. I was like a prisoner here. But I've learned my lesson for being selfish. Kasi, ikaw pa ang nag-suffer ng kasalanan ko. I am really sorry," napasubsob pa ako sa kama ni daddy. Nang mag-angat ako ng mukha ay nakita kong tumutulo na ang luha niya.

"I won't do it again, dad. I promise to fulfill what you wanted me to do. I am getting married with Edward. Today. Wala ng magarbong celebration. Gusto ko na lang na matapos para ma-seal na din ang partnership ng business natin. That's what you wanted, right?" Napapiyok na ako ng sabihin iyon tapos ay muli akong napaghagulgol.

This time, umiiyak na ako kasi naiisip ko si Olie. Pero mabilis kong kinalma ang sarili ko. Ilang gabi na ba ako umiiyak magmula ng bumalik ako dito? Sinabi ko sa sarili ko na tama na. Tapos na ang kabanata naming dalawa. Ang nangyari sa amin ay isang alaala na lang. Pero nandito na ako sa reyalidad at dapat ko na siyang kalimutan.

Nakita kong patuloy ang pagtulo ng luha sa mata ni dad. Umuungol siya na parang may gustong sabihin. Pinipilit ang sarili ang makagalaw kahit hindi niya kaya.

"Stop trying, dad." Pinahid ko na ang mga luha ko at pinilit kong maging maayos. Hinalikan ko pa sa pisngi si daddy. Maya-maya ay naramdaman kong may umakbay sa akin. Nang tingnan ko ay si Edward iyon.

"Are you okay?" Punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya tapos ay hinawakan ang kamay ko.

Tumungo ako at patay-malisyang inalis ang pagkakahawak ng kamay niya. Hindi ko maintindihan, wala talaga akong maramdaman para kay Edward. Ang katiting na pinilit kong maramdaman para sa kanya ay tuluyan pa yatang nawala dahil nakilala ko si Olie.

Napalunok ako. This is the ultimate sacrifice that I could do for my family. I let go of the man I really love, and I am going to marry someone else.

"The judge is waiting downstairs, sweetheart." Sabi nito.

Muli akong tumingin kay daddy at parang nakikiusap ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"Wish us luck, daddy. I hope you get well soon," muli akong humalik sa kanya at tumayo na.

Malakas na umungol si daddy kaya pareho kaming napatingin doon ni Edward. Umiiyak siya at ungol siya ng ungol. Pinipilit na igalaw ang katawan kaya muli ko siyang nilapitan.

"It's okay, dad. Everything will be fine." Sabay na naming tinungo ni Edward ang pinto pero patuloy pa rin sa pag-ungol si dad.

"Is your dad, okay?" Nag-aalalang tanong ni Edward.

"He would be. This is what he wanted. Let's get this over." Walang buhay na sagot ko at nagpauna na akong bumaba. Naabutan namin sa living room ang mommy ko. Si ate Lornie at kuya Lonmar. Naroon din ang magulang ni Edward ang ang judge na magkakasal sa amin. Umupo kami pareho sa harap nila. Pinabayaan kong si mommy ang makipag-usap sa magulang ni Edward. Sila-sila lang naman ang nagkakainditindhan ng pinag-uusapan nito. Para lang silang nagdi-discuss ng business deal at ako ang commodity na ibinibenta. Napatingin ako sa gawi ni ate Lornie at kita ko ang lungkot sa mata niya. Ngumiti lang ako ng mapakla at yumuko. Ayokong umiyak sa harap nila.

"Saka na natin gawin ang bonggang kasal ng mga bata kapag gumaling na si Ruben." Narinig kong sabi ng mommy ni Edward. "Ang kailangan lang naman ay official na makasal ang dalawa para legal na ang merging ng mga company natin." Sabi pa nito.

"Ito rin naman ang gusto ni Ruben noon pa," sagot ni mommy tapos ay napahinga ito ng malalim at tumingin sa judge na naroon. Inilabas ng judge ang mga papel na dapat naming pirmahan ni Edward. Si Edward ang agad na pumirma. Lahat ng papel tapos ay ibinigay ang ballpen sa akin habang nakangiti. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya.

Pinigil ko ang mapaiyak at tumingin ako sa gawi ni ate Lornie. Napailing na lang siya at yumuko. Wala din siyang magawa.

Nanginginig ang kamay ko ng kunin ko ang ballpen. Gusto ko ng tumakbo paalis dito. Ayoko nito.

"For your dad, iha." Pilit na ngumiti sa akin si mommy.

Pinigil ko ang sarili kong mapaiyak at pikit-matang pinirmahan ang mga papeles sa harap ko.

Napapalakpak pa ang mommy ni Edward ng makitang pareho na kaming nakapirma doon. Officially ay kasal na kaming dalawa.

"I am so happy for this, iha. Welcome to our family. I hope mabigyan mo agad kami ng apo. We always wanted a big family. Nag-iisang anak lang kasi si Edward," sabi pa niya sa akin.

Pilit na pilit ang ngiti ko. Napatingin ako kay Edward nang hawakan niya ang kamay ko at pilit akong pinapatayo.

"I want you to stay in my house from now on. You will the queen of my home," nakangiti nitong sabi sa akin. "Mom, uwi muna kami sa bahay namin. Ang tagal kong na-miss si Louise. Gusto kong makabuo agad kami ng baby." Paalam pa nito kay mommy.

"Aba'y lumakad na kayong dalawa. Sige na." Natatawang sagot ni mommy.

Diretso kami sa sasakyan ni Edward. Wala kaming imikan habang bumibiyahe. Katulad ng dati, wala naman kaming mapag-usapan. Ni hindi nga niya ako tinanong kung anong nangyari sa akin noong mga panahong nasa isla ako. Kung ano ang mga na-experience ko. Ang mahalaga sa kanya ay makabalik ako at maikasal kami.

Pagdating namin sa bahay ni Edward ay lalo akong nakadama ng kalungkutan. Malaki ang bahay niya. Apat na sasakyan ang nakaparada sa garahe bukod pa ang gamit niya. Malawak ang lawn. Two storey ang modern designed house. Kung iba babae siguro, talagang matutuwa at sa ganito kalaking bahay titira. Pero ako? Pakiramdam ko, ipapasok ako sa magiging kulungan ko habambuhay.

"You don't need to get your things from your home. Puwede ka naman bumili ng bago," sabi ni Edward ng makapasok kami sa loob.

Tumango lang ako at tiningnan ko ang kapaligiran. Nakasunod lang sa akin si Edward.

"You can do whatever you want to change in this house. Treat this as yours. I have my own place near my office," sabi pa nito sa akin.

Taka akong tumingin sa kanya. "Your own place?" Wala akong alam na may bagong property na binili si Edward.

Natawa ito. Iyong tawa na ngayon ko lang nakita sa kanya. Nawala ang sweet na mukha ni Edward na laging dinadala ng mukha niya mula ng makilala ko. Biglang-bigla ay para siyang ibang tao.

"You think I wanted this wedding?" He chuckled and shook his head. "I didn't have a choice. My parents chose you to be my wife to secure the partnership of our business." I could see disgust on his face.

"Edward?" Ano ba ang sinasabi niya?

"The truth, your family's company is going down. Our family saved it from bankruptcy."

"What? What are you talking about?" Naguguluhan talaga ako sa sinasabi ng lalaking ito.

Humarap sa akin si Edward. Punong-puno ng galit ang mata.

"I don't want this marriage. I want someone else, but I couldn't do anything because of our family. So, I will be stuck with you forever."

"B-bakit hindi ka nagsalita kanina? I don't want this wedding too." Tuluyan na akong naiyak. "At bakit ka nagtiis ng four years na magkasama tayo? Sana habang maaga pa lang hindi na natin ito itinuloy."

"At kapag ginawa ko iyon, anong gagawin ng magulang ko? They will disown me. Hindi nila ibibigay ang mana ko. Without you, I can't get my inheritance." Napapailing si Edward. "Hindi ko nga alam kung anong nakita sa iyo ng parents ko. They like you so much. Wala naman akong makitang espesyal sa iyo. Well, you are pretty there's no doubt about that. But other than that?" Napatawa pa si Edward ng sabihin iyon.

"Who the hell are you?" Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Parang ibang tao si Edward sa harap ko.

"Just be thankful for this, Louise. Both our families will benefit in this marriage. Uso na naman 'to. A little sacrifice for the both us just for the sake of our family. Enjoy your new life." Pagkasabi noon ay iniwan na ako ni Edward at tuloy-tuloy na umalis.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko pero ano pa ang magagawa ko kung nakakulong na ako sa kasal namin?

------------------

Carlo's POV

Kanina pa ako naghihintay kina sa Hans sa bar na pagkikitaan namin. Sabi niya darating din daw si Travis at Les. Mga excited din daw na makita ako. Taon din naman kasi ang binilang ng huli kaming magkita pero ngayon na bumalik na ako, hand ana akong harapin sila.

Handa na akong harapin ang lahat.

Isa-isa kong aayusin ang gulo ng buhay ko. Nagkita na kami ni mommy. Napailing ako ng maalala ko ang pagkikita namin. Kulang na lang maglupasay si mommy. Hindi ko alam kung totoo bang masaya siyang nakita ako. Agad na tinawagan si Charlotte para ipaalam na bumalik na ako. Akala ko nga susugod na agad ang babaeng iyon sa bahay pero two days na, walang Charlotte na nagpapakita sa akin. Well, hindi rin naman kasi ako umuuwi sa amin. I am still staying with Hans.

"Scotch. On the rocks."

Napatingin ako sa lalaking naupo malapit sa akin. Nasa hitsura nito na mukhang may problemang dinadala. Pagkakuha ng alak na order ay mabilis na ininom tapos ay sumenyas sa waiter ng isa pa.

"I hate my fucking life."

Napangiti ako sa sinabi ng lalaki sa tabi ko. It was like he was talking to himself, but I know he wanted to start a conversation with me. If he hates his life, bakit hindi niya subukan ang buhay ko? Baka magpasalamat pa siya sa buhay na tinatamasa niya ngayon kapag naranasan niya ang buhay ko.

"Are you married?"

Muli akong napatingin sa katabi ko at nakita kong nakatingin na ang lalaki sa akin.

"Used to." Mahinang sagot ko at inubos ang laman ng baso na iniinom ko.

"Good for you. Me? I just got married tonight." Naiiling ang lalaki. Halatang iritable.

"Congratulations." Ngumiti ako sa kanya.

"And it's my prison being married with her." Napabuga ito ng hangin. "If only I could do anything about it."

Napangiti na lang ako ng mapakla. Ganoon na ganoon ang naramdaman ko noon nang pilit akong ipakasal kay Charlotte. I was like in prison. And day by day that prison was choking the life out of me until I wanted to break free and all hell broke loose.

"Someday you would realize that getting out of that marriage is the perfect solution. Whatever the reason you have, being true to yourself will always set you free."

Hindi ko alam kung sinasabi ko iyon para sa sarili ko o ibinibigay kong payo sa katabi kong lalaki.

"Santos!"

Napangiti ako sa malakas na sigaw ng mga dumating sa apelyido ko. Agad akong niyakap ni Travis at Les at ganoon din ang ginawa ni Hans kahit na nga magkasama lang kami sa bahay kanina.

"Edward?" Paniniguro ni Hans habang nakatingin sa lalaking katabi ko.

Halatang nagulat ang lalaki ng makita si Hans tapos ay parang natatarantang tumingin sa akin.

"What are you doing here? Are you with Louise?" Tanong pa ni Hans dito.

Napalunok ang lalaki at umiling. "Nasa bahay."

"At ano ang ginagawa mo dito? I heard from Tita that you got married. Ganoon kayo nagmamadali? Hindi 'nyo na ipinagpabukas?" Bumaling sa akin si Hans. "He is the husband of my cousin. Remember the one who ran away? They got married tonight."

Tumingin ako sa lalaki at hindi siya makatingin sa akin. Sigurado akong kinakabahan na siya na baka sabihin ko kay Hans ang mga sinabi niya kanina.

"S-she's at home. Resting. Pauwi na din ako," halatang nataranta ang lalaki at mabilis na nag-iwan ng pera sa bar table.

Bago pa makapagsalita si Hans ay mabilis na umalis ang lalaki. Sinundan ko lang ng tingin hanggang sa makalabas ng bar.

"Fucking idiot. Kakakasal lang dito na agad nagbababad sa bar. Makukutusan ko 'yun, eh." Naiiling na komento ni Hans. Hindi na lang ako sumagot. Ayoko naman ma-badshot sa kanya ang asawa ng pinsan niya.

"So? Back to normal tayo?" Si Les ang nagsalita noon.

"I got my job from our company. Ako na ang pinapahawak ni daddy since nagti-therapy pa rin siya," sagot ko.

"Good. Sama ka na sa meeting bukas. May isang company pa na kasama sa meeting." Sabi naman ni Travis.

Sumenyas ng sandali si Hans habang inuubos ang iniinom na beer tapos ay itinuturo ang pinto.

"Edward's company. They merged with my cousin's company. So, si Edward na ang magma-manage noon. Let's see kung ano ang ibubuga ni gago." Natatawa pang sabi ni Hans.

Pare-pareho kaming natawa.

"Carlo, welcome back. 'Tangina ang guwapo mo!" Ang lakas ng halakhak ni Hans at niyakap uli ako.

Natawa din ako. Napapahalakhak pa. Pero agad din nawala iyon. Naisip ko kasi si LA.

Don't worry, LA. I am going to find you and we will be together again. Aayusin ko lang muna ang buhay ko dito. Aayusin ko lahat para pagkatapos, babalik tayong dalawa sa isla. Away from this fucked up reality.

At iyon talaga ang gagawin ko kapag nagkita na kaming dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top