Chapter Twenty-One




Louise's POV

Kanina pa ako naglalakad sa kahabaan ng kalsada pabalik sa beach house. Gustong kong magsisi sa naisip kong gawin. Bakit kasi naisama ko pa sa bucket list ko ang paghi-hitchhike? Hindi ko naisip na bibihira nga naman ang may sasakyan dito sa isla. Karamihan sa narito ay mga jeep at tricycle. Ang layo-layo pa naman ng lalakarin ko kung sakali. Kahit nga tricycle papatulan ko ng sakyan makabalik lang ako agad.

Nakakainis kasi. Bakit kaya bigla-bigla na lang umalis si Olie? Hindi man lang nagpasabi kung saan pupunta. Binagalan ko ang paglakad at nakayuko habang tinitingnan ang kalsada. In fairness, nakaka-miss ang pagiging masungit niya. Kahit isang araw lang kaming hindi nagkita, na-miss ko siya agad.

Bakit mo nami-miss? Type mo na si singkit 'no?

"Sssh! Hindi, ah." Para akong siraulo na sinasagot ang sarili ko. Napahinga ako ng malalim. Type ko nga ba si Olie? Well, guwapo naman kasi talaga siya. Kahit madalas, amoy dagat, wala naman siyang amoy sa kili-kili. Hindi katulad nila Nato at Buddy. Napangiwi pa ako ng maalala ko ang dalawang iyon. Amoy isda na nga, amoy putok pa minsan.

Saka nakaka-curios talaga siya. Alam kong sinasadya lang niya ang pagiging masungit niya. Sigurado ako, hindi naman siya ganoon. Ano kaya ang tunay na nangyari kay Olie? Brokenhearted kaya siya kaya siya masungit? O kulang sa sex? Lalo akong napangiwi. Malabong maging kulang sa sex ang lalaking iyon. Napairap ako ng maisip ko si Vinah. Lagi pa namang nakabantay ang babaeng iyon.

Tumunog ang telepono ko at si Ate Lornie ang tumatawag sa akin. Pasado alas-diyes na. Bakit tatawag si ate ng ganito kagabi?

"Louise," iyon agad ang bungad niya ng sagutin ko.

"'Te. Gabing-gabi na." nagpatuloy lang ako sa paglakad.

"When are you coming home?" Napahinga ito ng malalim. "Things are not good here, Louise. Edward is getting impatient. Narinig ko lang kanina na nagtatalo sila ni daddy."

Napabuga ako ng hangin. "Hindi ba makapaghintay si Edward? I only have a week to enjoy my freedom. Hindi pa siya makapaghintay?"

"Louise, hindi mo naman masisisi si Edward. Fiancé mo 'yun. Siyempre nag-aalala din 'yung tao kung anong nangyayari sa iyo. He even hired a private investigator to look for you."

Mahina akong napamura. "Uuwi din ako." Pero naisip ko si Olie. Staying in this island with him makes this journey extraordinary.

"Do you love Edward?" Diretsong tanong ni ate.

"Of course. Ano bang klaseng tanong 'yan, 'te?"
"Kasi kung mahal mo si Edward, you're not going to run away. You're not going to look for your freedom."

Ngumiti ako ng mapakla. "Dad said that I should love him then I love him."

"Oh God. I am so sorry, Louise. Are you okay in there? Kung nasaan ka man?"

Nagkibit ako ng balikat tapos ay naisip ko si Olie. "Yes. Masaya. Masayang-masaya ako dito." Naningkit ang mata ko dahil parang may nakikita akong liwanag mula sa kalsada. Mukhang may paparating na sasakyan. "Ate, I have to go. Talk to you soon." Hindi ko na hinintay na sumagot pa si ate at pinatayan ko na siya ng telepono. Napangiti ako ng masiguro kong kotse ang paparating na sasakyan. Agad ko iyong kinawayan.

Kaway ako ng kaway. Sumisigaw pa ako kahit alam kong imposible akong marinig ng nagmamaneho. Pero nawala ang ngiti sa labi ko ng bumagal lang ang sasakyan sa tapat ko tapos humarurot uli palayo sa akin.

Sinundan ko lang ng tingin ang papalayong sasakyan. Shit! Hindi ako pinasakay?

Pero nabuhayan ako ng loob ng makitang huminto ang sasakyan ilang metro ang layo sa akin. Nagtatakbo ako para mapuntahan ito at kumatok ako sa bintana. Ang ganda pa ng ngiti ko habang hinihintay kong bumukas iyon pero agad ding nawala ang ngiti ko ng makita kung sino ang nagmamaneho ng kotse.

"Olie?" Takang tanong nito.

As usual, nakasimangot na naman ang mukha ni Olie. Tinapunan ako ng tingin tapos ay ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Get in," seryosong sabi niya.

Parang alanganin na akong sumakay. Mukhang not in good mood si Sungkit. Tumingin siya sa akin dahil hindi ako sumasakay sa kotse niya.

"Ano pang hinihintay mo? Get in the car," tumaas na ang boses niya.

"Ang sungit," komento ko at painis na sumakay sa kotse. Agad niyang ini-lock ang pinto at pinaharurot paalis doon ang sasakyan.

Wala kaming imikan habang bumibiyahe pabalik. Nagtataka ako kung saan nakakuha ng sasakyan si Olie. Ang alam ko, lagi lang siyang naglalakad. Ayaw nga niya ng kotse. Paulit-ulit niyang sinasabi na mas masarap ang laid back life sa isla.

"Anong ginagawa mo gitna ng kalsada ng ganitong oras?"

Napatingin ako kay Olie. Seryoso siya kahit nakatutok ang tingin niya sa kalsada.

"Wala. Naghi-hitchhike?" Alanganin kong sagot.

Ang sama ng tingin sa akin ni Olie.

"At ano naman ang naisip mo na mag-hitchhike? Paano kung rapist pala ang nasakyan mo? Makita na lang kita sa dagat na palutang-lutang na hubad." Tumaas na ang boses ni Olie.

"Ang morbid mo naman. Naki-hitchhike lang ako tapos nagpalutang-lutang na agad sa dagat. Sobra ka naman, Olie. Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko."

"Hindi sa lahat ng oras, okay maging adventurous, LA. Napakaraming masasamang loob dito sa mundo. Matuto ka naman mag-ingat." Inis pa ring sabi nito at lalong binilisan ang pagmamaneho ng sasakyan.

Hinugot ko ang seatbelt at ikinabit iyon.

"Dahan-dahan naman sa pagmamaneho. Hindi nga ako mamamatay sa kamay ng mga rapist baka mamatay naman ako kapag nabangga 'tong kotse na dina-drive mo. Bakit ba ang init ng ulo mo? Bigla-bigla ka ngang umalis ng walang paalam kagabi tapos babalik ka na ang sungit-sungit mo. Hindi ka na nagbago," humalukipkip pa ako at tumingin ako sa labas ng bintana.

Bahagyang bumagal ang kotseng sinasakyan namin. Napahinga ng malalim si Olie.

"May inayos lang ako sa Maynila." Maiksing sagot niya.

"So, taga-Manila ka? Saan 'don? Baka iisa lang ang lugar natin," natatawang sabi ko.

"Why are you here, LA? What are you doing in this island? You are engaged to be married and yet you are hiding here." Seryosong sabi niya.

Nawala ang ngiti sa labi ko at napalunok akong tumingin kay Olie.

"I am not hiding. I am enjoying in this island." Seryoso na din akong tumingin sa kalsada.

"And you forgot to tell me, us from the start that you are engaged? That someone was waiting for you out there."

Kumunot ang noo ko. Bakit parang galit si Olie?

"Teka, ano naman kung engaged to be married ako? Anong masama doon? Nag-usap kami ng fiancé ko na we will enjoy our freedom first before we get married." Pagsisinungaling ko.

Natawa si Olie ng nakakaloko. "Freedom my ass. I've been there, LA. And I know that you are lying. You are running away that's why you are here."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Napalunok lang ako at talagang kinabahan ako. Alam ba ni Olie ang sikreto ko?
Napahinga ng malalim si Olie at binagalan nito ang pagmamaneho.

"Don't make the same mistake that I did. Follow what you want. Huwag mong pagbigyan ang mga tao sa kung ano ang gusto nila. Selfish as it may sound but kapag ginawa mo ang gusto nila, ikaw ang magsa-suffer." Tumingin sa akin si Olie. "So, ano ang tinatakasan mo?"

Napalunok ako at napabuga ng hangin. Siguro okay lang naman na sabihin ko sa kanya ang totoo.

"I don't want to get married." Napayuko ako ng sabihin iyon.

"Typical. Then tell them you don't want to get married. Huwag mong takasan. Harapin mo."

"It's too complicated, Olie. Maraming maaapektuhan na tao." Mahinang sagot ko.

"Kaya ang gagawin mo, susundin mo sila kahit hindi mo gusto. Para ka lang naging lap dog nila," damang-dama ko ang galit sa boses ni Carlo.

"Bakit ka nagagalit? Concern ka ba o nagsesermon ka?" Nalakabi kong tanong sa kanya.

Napakamot ng ulo si Olie tapos ay iniliko ang sasakyan malapit sa Barangay Hall at ipinark doon. Pinatay niya ang makina pero hindi siya bumaba. Sumandal lang siya sa kinauupuan at tumingin sa labas ng sasakyan.

"Both. Alam ko ang feeling na dinidiktahan. 'Yung feeling may gusto kang iba pero hindi mo maipaglaban." Napahinga siya ng malalim tapos ay tumingin sa akin. "My advice, kung napipilitan ka lang huwag mong ituloy dahil hindi ka magiging masaya. I am telling you that based from experience."

Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Olie ng sabihin niya iyon.

"Bakit? Anong nangyari?" Hindi ko alam kung bakit damang-dama ko ang bigat ng dinadala ni Olie.

Ngumiti siya ng mapakla. "She's happy now. Someone is making her happy. Bagay na hindi ko naiparamdam sa kanya. She's happily married, and they have child." Napalunok si Olie at bumuga ng hangin. I am happy that she is happy."

Hindi ko maintindihan kung bakit parang nasasaktan ako dahil alam kong kabaligtaran ng mga sinasabi ni Olie ang nararamdaman niya.

"Mahal mo pa siya 'no?" Nakakainis! Bakit parang hinihiwa ang dibdib ko ng itanong iyon?

Umiling siya. "It's more on regret. Maraming what if's." Natawa si Olie at muling napabuga ng hangin tapos ay tumingin sa akin. "Alam mo, ang galing mo, ha? First time in so many years that I opened this to someone. Siguro kasi pareho tayong ng naranasan."

"Kaya ka ba malungkot dahil sa kanya?" Gusto ko ng pagalitan ang sarili ko. Bakit parang nasasaktan ako sa mga tanong ko?

"She was pregnant when I left her for someone else. I am an asshole, right? Then when I had the courage the take her back, she was already in love with someone else. Iyon siguro ang karma ko. Sa sobrang parusa sa akin ng Diyos pati anak namin binawi niya."

"Shit," mahina kong nasabi. Grabe naman pala ang life story ni Olie. Kaya siguro ganito na lang kasungit ang lalaking ito. "Marami pang karma ang naranasan ko. Kaya ako napadpad dito. This island gave me the peace that I was looking for but you came." Natatatawa siya ng sabihin iyon.

Sinamaan ko ng tingin si Olie. "Sobra ka, ha? Ako nga ang nagpasaya uli ng buhay mo. Para akong clown 'di ba?"

Tuluyan ng napahalakhak si Olie. "Yeah. Especially when you kissed me during the rock concert then you puked all over me." Halatang tuwang-tuwa ito na alalahanin ang sinasabi sa akin.

Nawala ang ngiti sa labi ko at gulat na napatingin sa kanya.

"Ano? I kissed you?" Gulat na gulat na tanong ko.

Bigla ding napahinto si Olie at halatang nagulat din sa nasabi.

"May sinabi ba ako? Anong kissed?" Pagmamaang-maangan nito.

Inis ko siyang hinampas sa braso. "Umamin ka sa aking lalaki ka. Hinalikan kita 'nung concert? Or you kissed me? Aba? I kissed you or you kissed me?" Shit. Hindi ko magagawang humalik ng ibang lalaki.

Napakamot ito ng ulo.

"Lasing na lasing ka, LA saka wala ka sa sarili mo 'non." Paliwanag nito.

Napasigaw ako sa inis. Nakakainis!

"Huwag ka ng mainis. Okay lang naman sa akin." Natatawang sabi ni Olie.

"Naiinis ako kasi kasama sa bucket list ko iyon. I wanted to kiss a stranger. Maisasama ko ba iyon ng hindi ko man lang naramdaman? Wala akong maalala?"

Tumingin sa akin si Olie. "Kasama sa bucket list mo? Kissing a stranger?"

Inis akong tumango sa kanya. "Kay Grayson ko na nga lang gagawin." Humalukipkip pa ako. Naisip kong kapag nakita ko si Grayson, nanakawan ko na lang ng halik. Siguradong hindi naman kokontra ang lalaking iyon dahil alam type niya ako.

"Considered naman akong stranger 'di ba?" Tanong pa ni Olie.

Alanganin akong tumingin sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Medyo. Siguro. Marami pa naman akong hindi alam sa iyo saka iilang linggo pa lang-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sa kanya. Naramdaman ko na lang kasing hinawakan niya ang ulo ko at biglang nag-landing ang labi niya sa labi ko.

Hinahalikan ako ni Olie!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top