Chapter Twenty-nine
"We may not always get what we want, but surely we will get what we deserve." - Doug Horton
----------------------------
Louise's POV
It can't be.
No. This is impossible.
Hindi si Olie ang nasa harap ko. Olie was a laid-back person. His life was his beach house. The sea. The island. He won't get off that island just to be here in the city.
But he said the name LA. The alias that I used when I runaway and stayed in the island. Where I met and fall in love with Olie.
"Dude, beach house?" Takang tanong ni Kuya Hans sa lalaki.
Muling tumingin sa akin ang lalaking iyon tapos ay sa pinsan ko.
"Yeah. I met someone when I was staying in this island in Zambales. I owned a beach house and then one day, a woman named LA-" diniinan pa niya ang pagkakasabi ng pangalan na iyon tapos ay matalim na tumingin sa akin bago muling nagsalita. "She was telling me she also owns the house. She stayed with me." Natawa pa siya. "A really pain in the ass but in the end, I fell for her." Titig na titig na siya ngayong nakatingin sa akin.
Gusto ko ng tumakbo. Pakiramdam ko ay nanlalamig ang buong katawan ko. Hindi ko magawang salubungin ang tingin ng lalaking iyon na ang pakilala sa akin ay si Carlo Santos. Dahil hindi ko siya nakilalang si Carlo Santos.
I met him as Olie.
The man that made me fall in love with him.
"I just thought it was her. My mistake," nagkibit pa ito ng balikat at hinarap ang mga papel na nasa harapan nito. "Shall we start?" Tumingin pa siya sa aming lahat.
I can't stay here. Hindi puwede ito. Ano ang ginagawa ni Olie dito? Of all people that I would meet again siya pa? Siniguro ko na sa sarili ko na hindi na magtatagpo ang landas naming dalawa. He was my first experience in everything. He taught me how to live my life to the fullest even for a short time.
He made me feel free.
Gulat akong napatingin kay Edward nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Nakangiti siya sa akin. Ibang-iba ang hitsura ng mukha compared sa totoong pagkatao na ipinakilala niya sa akin kagabi. Ngayon ay ang aliwalas ng mukha niya. Ang ganda ng ngiti niya. Ipinapkita sa lahat ng mga narito na ako ang pinaka-importante sa kanya. Na alam ko namang palabas lang.
"Are you okay, love? Your hand is cold," bahagya pa niyang pinisil iyon. "If you can't stay here, you can skip this meeting. Magpahinga ka muna sa office ko." Humalik pa siya sa ulo ko pero bahagya akong umiwas. Napatingin ako sa gawi ni Olie o Carlo pero nagsisi lang ako sa ginawa ko.
Ang talim kasi ng tingin niya sa akin tapos ay kay Edward. Ang hitsura ay parang toro na manunuwag.
"I-I am fine," iyon na lang ang nasabi ko.
"Are you sure?" Paniniguro ni Edward.
Tumango lang ako at huminga ng malalim. Kailangan kong tatagan ang sarili ko. Hindi ako puwedeng magpa-apekto sa kung anong nangyayari ngayon.
Kuya Hans started to show us the proposal of their company. Maraming mga sinasabi na hindi ko masyadong naiintindihan pero kaya ko namang aralin. Naririnig ko na rin iyon kay dad at nakakapagbasa-basa na rin naman ako ng tungkol sa constructions. Okay naman ang mga inihahain nilang proposals. Parehong magbe-benefit ang mga companies namin. Tahimik lang si Edward at nakikinig. Talagang sinusubukan niya ako kung kaya ko ang pakikipag-negosasyon sa mga kaharap kong lalaki.
"What can you say about the timeline of the project? Is it doable? Can we see progress this year for this project?" Nang sabihin ko iyon ay sa mga proposals nila ako nakatingin. Kay Kuya Hans ko tinatanong iyon.
"In a month you could already see progress. Parang sa bagong magkakilala lang 'yan. 'Yung akala mo sa una, hindi magki-click pero unti-unti habang magkasama na makikita mo na ang progress. Pero masisira lang ang progress na iyon kung ang isang partner ay biglang mawawala. Aalis ng walang paalam."
Napatingin ako sa nagsalita noon at nakita kong si Carlo iyon.
Pinagsasasabi ng lalaking ito? Ano ang koneksyon ng mga sinasabi niya sa proposal nila?
Napahinga ako ng malalim. Sinasadya niya talaga ito. I don't think I can stay in this meeting anymore. Hindi bale ng matalo ako sa paningin ni Edward. Hindi bale ng tratuhin niya akong parang basahan sa pagsasama namin dahil hindi ko nagawang ayusin ang negotiation na ito. But I cannot stay here.
Not if Olie is around.
Iniligpit ko ang mga papel na nasa harap ko at ibinigay ko kay Edward.
"You do the negotiations. I suddenly felt ill. Doon muna ako sa opisina mo," tuluyan akong tumayo at tumayo din si Edward at Kuya Hans.
"Are you okay, Louise?" Dama ko ang pag-aalala sa boses ni Kuya Hans.
Pinilit kong ngumiti sa kanya at tumango. "Sumakit lang ang ulo ko, Kuya. Magpapahinga lang ako saglit."
Napangiti si Kuya Hans. "Buntis ka na agad?"
Doon ako napatingin sa gawi ni Olie at nakita kong nakatitig siya sa akin. Tumaas pa ang kilay nang marinig ang tanong ng pinsan ko.
"N-no! Of course not. Puyat lang siguro kasi maraming nangyari kagabi." Tumayo na ako at ganoon din ang ginawa ni Edward. "Okay lang. Stay here. Doon lang ako sa office."
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Nagmamadali akong lumabas ng silid at tuloy-tuloy ako sa banyo. Doon ako nagkulong at habol ko ang hininga ko dahil sa sobrang kabog ng dibdib ko.
Naisubsob ko ang mukha sa mga palad ko. Why is this happening? Bakit kailangan pang mag-krus ang landas namin ni Olie? Handa na akong kalimutan siya pero bakit ganito?
Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko. Maya-maya ay umaalog na ang balikat ko at humahagulgol na ako ng iyak. Impit na impit na iyon para walang makarinig sa akin.
Loving him was the best thing that ever happened to me but at the same time, a mistake. Kasalanan ko. Bakit ko hinayaan ang sarili kong ma-in-love sa kanya? Alam ko naman na may sabit ako at ikakasal na sa iba.
But he was the mistake that I won't ever regret.
He was my ultimate bucket list.
Huminga ako ng malalim at pinahid ang mga luha ko. Naghilamos at humarap sa salamin. My face didn't change a bit but when I looked into my eyes, I could see that life was slowly fading away.
And I have to live with this. I have to face the reality that Edward will be my husband for the rest of my life.
Kahit na nga ipinakita na niya ang totoo niyang kulay.
Inayos ko ang sarili ko at sinigurong walang bakas sa mukha ko na umiyak. Lumabas ako sa comfort room at papunta na sa opisina ni Edward nang maramdaman kong may humawak sa braso ko at hinila ako papasok sa comfort room ng mga lalaki.
Malakas akong sisigaw pero mabilis na tinakpan ng lalaki ng kamay ang bibig ko at idinikit ako sa pader.
Si Olie ang gumawa noon.
-----------------------
Carlo's POV
I wanted to punch that Edward on his face.
I wanted to beat him, break his leg, make his face swollen and I am still beating him down to the ground.
Wala itong karapatan na tabihan si LA.
At lalong walang karapatan na hawakan.
Ako lang. Ako lang ang may karapatang humawak kay LA. Ako lang may karapatan na tumabi.
Ako lang ang may karapatang magmahal sa kanya.
Gago. She was engaged to be married even before you met her. You knew she was already taken and yet, sumige ka pa rin.
Because I knew she doesn't love this asshole.
Ako. Ako ang mahal niya. Naramdaman ko iyon.
Naramdaman mo nga, pero sinabi ba niya?
Saglit akong natigilan sa naisip kong iyon. Pero mas matibay ang nararamdaman kaysa sa sinasabi. Mas madaling sabihin sa isang tao na minamahal ito pero iba ang nararamdaman. Mas totoo iyon at iyon ang nararamdaman ko kay LA.
"I am so sorry about that. Nagpumilit lang talaga ang asawa ko na sumama ngayon. She wanted to try. She wanted to work. Sabi ko nga, hindi naman niya kailangang magtrabaho. She will live like a queen with me."
Tinapunan ko ng masamang tingin si Edward. Ngingiti-ngiti pa ang gago habang nagbubuklat ng mga papel.
Hindi ko na kayang mag-stay dito. Baka kung ano pa ang magawa ko sa lalaking ito.
Tumayo na ako kaya nagulat si Travis at si Hans.
"Saan ka pupunta?" Taka ni Hans.
"I forgot, kailangan ko palang tawagan si mommy." Pagsisinungaling ko.
Kumunot ang noo ni Travis. "In the middle of our negotiation? Kailangan ka dito."
Tinapik ko siya sa balikat. "Kaya 'nyo na 'to."
Hindi ko na sila hinintay na magsalita at tuloy-tuloy na lang akong lumabas. Doon lang ako parang nakahinga ng maluwag. Inilinga-linga ko ang paningin ko. Nasaan na kaya si LA? Sabi niya pupunta siya sa office ng ulupong niyang asawa. Hahanapin ko na lang.
Tinungo ko na muna ang banyo na panglalaki para makapaghilamos at doon naman bumukas ang pinto ng restroom n pangbabae. Si LA ang nakita kong lumabas doon kaya mabilis ko siyang hinila papasok sa restroom namin.
Akma siyang sisigaw nang takpan ko ng kamay ang bibig niya. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"I'll remove my hand. Please don't scream. Mai-eskandalo ka." Malamig kong sabi sa kanya.
Tumango lang siya at dahan-dahan kong inalis ang kamay kong nakatakip sa bibig niya. Kita ko ang pagkataranta sa mukha ni LA. Taas-baba ang dibdib niya sa paghahabol ng hininga.
"What the fuck are you doing here? And Carlo? Is that your real name? Carlo Santos? Who the hell is Olie?" Tonong nanunumbat ang boses ni LA.
"And who the fuck is Louise? God damn it, LA. Why did you runaway? And now you are married?" Pigil na pigil ko ang sariling mapasigaw.
"You know I am engaged, and I am getting married." Malungkot na sagot niya.
"But we have plans. Together. 'Di ba nag-usap tayo that we will take it slow. 'Yung nangyari sa atin, what was that? Am I just your fucking experience?" Punong-puno ng sama ng loob ang bawat bagsak ng salita ko.
Nakita kong nangilid ang luha ni LA at tuluyang tumulo sa pisngi niya.
"Yes." Alam kong pinilit lang niyang magpakatatag nang sabihin iyon. Patuloy sa pagtulo ang mga luha niya pero mabilis na pinahid at tumingin sa akin. "Everything I did in that island was just a fucking experience. At kasama ka doon. Mahal ko si Edward." Bahagya pa siyang pumiyok ng sabihin iyon.
"Liar." Tumawa ako ng nakakaloko. "Do you think I'll believe you? I met your husband last night. In a bar. Instead of spending his time with you, he was drowning himself with beers. And telling me, a stranger that his wife was his prison. You are his prison. Now you're telling me that you still love him?"
Hindi nakasagot si LA sa sinabi ko. Umiling lang siya at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko.
"You don't understand." Naiiyak na sagot niya.
"What I understand is we love each other and you fucking married that asshole. Why?" Mariin na sabi ko.
Napahagulgol lang siya at umiiling-iling.
"I cannot do anything about this. My life is so complicated. I am already married. I am sorry, Olie. We can no longer be together. What happened to us in that island will always be a part of me. You will always be a part of me but-" umiiling na sabi niya. "But we need to end this craziness." Sa pagkakataong ito ay nagtagumpay siyang makalayo sa akin. Hindi ko na rin siya pinigilan. Tingin ko ay nahihirapan na rin si LA.
Napahinga ako ng malalim sa nangyayaring ito. This is bullshit.
Walang imik niyang tinungo ang pinto. Alam kong kapag lumabas siya dito at pinabayaan siya ay para ko na ring isinuko ang karapatan ko sa kanya.
"But it's not over for me." Matigas na sabi ko. Napahinto si LA at takang tumingin sa akin.
"I failed once. I didn't fight for what was mine and everything was ruined. My life was ruined. This time, hindi ko na papayagang mangyari iyon. You are mine, LA. And I will get what is mine. Kahit sagasaan ko pa ang lahat ng nakaharang sa pagitan natin." Titig na titig ako sa kanya ng sabihin ko iyon. "And I won't lose the battle this time."
Nakita ko ang takot sa mukha niya pero hindi siya nagsalita. Mabilis lang siyang lumabas.
Napahinga ako ng malalim at napapikit ng mariin.
I will get her.
I will do anything to save her from her prison.
Kahit pa guluhin ko ang lahat ng nakapaligid sa amin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top