Chapter Twenty-Five

Carlo's POV

            Alam kong hindi makapaniwala si Hans na makita akong nakatayo sa harap ng pinto ng bahay niya. Hindi ko alam kung nagugulat ba siya na narito ako o nagugulat siya sa hitsura ko. Hindi ako nakilalang ganito ng mga kaibigan ko. Ever since that we met back in high school, ako na ang nakilala nilang pinaka-malinis, pinaka-maselan at pinaka-oc sa barkada namin. Kaya ngayong nasa harap niya ako na punong-puno ng balbas ang mukha ko, mukhang tambay sa kanto at mukhang wala pang ligo, siguradong magdadalawang-isip siya na papasukin ako.

            "Carlo?" Paniniguro pa niya.

            "I need a place to stay," seryosong sagot ko sa kanya.

            Nanlaki na ang mata niya ng marinig ang boses ko.

            "What the fuck?! Carlo!" Niyakap niya ako ng mahigpit at napangiti ako na yumakap din sa kanya. Kahit napakaraming masasamang nangyari sa akin, it is still feeling good to be back with someone that has been a part of my life. "Get in." Paulit-ulit na sabi ni Hans sabay kuha ng bag na dala ko.

            Pabagsak akong naupo sa sofa at ipinikit ang mga mata ko. Pagod ako sa mahabang biyahe pero mas pagod ang pakiramdam ko dahil hindi ko alam kung saan ko uumpisahan na hanapin si LA.

            "What happened? Bakit ganyan ang hitsura mo? Where have you been? Damn, man. The boys will be so thrilled if they knew that you came back." Dumiretso siya kusina at pagbalik ay may bitbit na itong dalawang beer in can. Ibinato sa akin ang isa na nasalo ko tapos ay binuksan at ininom.

            "I need to find someone." Nanatili akong nakatingin sa kisame ng sabihin iyon. Parang nakikita ko pa ang nakangiting mukha ni LA habang nakatingin ako doon.

            "Someone? Si Amy?"

            Tinapunan ko siya ng masamang tingin tapos ay muling nailing.

            "No. Someone I met in that island. Damn. I don't know why she left suddenly. We were good. I know we were in love." Napakuyom pa ang mga kamay ko ng sabihin iyon.

            "In love? In love ka na naman? Baka nakakalimutan mo na may asawa ka." Tonong nagpapaalala si Hans. "Asawa na basta mo na lang iniwan."

            "I let my lawyer to fix that mess. Alam mong kahit kailan ay hindi ko na babalikan pa si Charlotte. That witch ruined my life."

            Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magalit sa tuwing maaalala ko si Charlotte at ang ginawa niya. Lahat ng masasamang pangyayari ay parang kahapon lang nangyari sa akin at ang sakit na naramdaman ko ay talagang bumabalik. Kung may choice lang ako ay hindi na talaga ako babalik. I have found myself in that island. I found the peace that I was looking for with LA and now that she's gone, I became incomplete again.

            Napahinga ng malalim si Hans. "Siguro dapat na ayusin mo na muna ang sa family mo bago mo hanapin ang hinahanap mo. Tinakbuhan mo lang kasi ang problema. Pansamantala mong tinalikuran pero alam mong darating ang panahon na kailangan mo 'yun harapin."

            Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Hans.

            "First, talk to you mom. Fix it with your family. Tapos ayusin mo 'yung sa inyo ni Charlotte. She's devastated. Nakakaawa din."

            Napatiim-bagang ako ng marinig iyon. Naawa sila kay Charlotte. Sa akin, naawa ba siya? 'Nung naisip niyang lokohin ako? I've lost everything back then. My son, Amy. My fucking freedom.

            Marahan kong hinilot-hilot ang ulo at napabuga ng hangin.

            "Can I stay here tonight? Bukas ko haharapin lahat. I need to plan first before I face my mom and that witch." Hindi ko talaga kayang banggitin man lang ang pangalan ni Charlotte.

            "You can stay as long as you want. Feel at home. Aalis lang ako ngayong gabi kasi kailangan kong pumunta sa bahay ng Uncle ko. My cousin Louise is back at nagkakagulo sila sa bahay. Gusto na kasi ng fiancé niya na makasal na sila sa lalong madaling panahon." Sagot ni Hans.

            Sinenyasan lang ko lang siya na umalis na at nanatili akong nakaupo sa sofa.

            Narinig kong tumunog ang pinto nang makalabas si Hans. Ilang beses akong huminga ng malalim at tumayo tapos ay binitbit ang bag ko. Tumuloy ako sa kuwarto na dati ay tinulugan ko na rin. Wala namang ipinagbago ang bahay na ito ni Hans.

            Dumiretso ako sa banyo tapos ay humarap sa salamin. Kahit ako ay hindi ko na makilala ang sarili ko. Sa kapal ng balbas at bigote, sa makapal at mahaba kong buhok, para na talaga akong ibang tao.

            Dinampot ang ko shaving cream at nilagyan ang mukha ko. Inahit ko ang makapal na balbas at bigote hanggang sa lumabas ang malinis kong mukha.

            Si Carlo Ruiz Santos.

            Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Ang tagal ko ring hindi nakita ang mukhang ito.

            But I am back.

            I am back to get what is mine.

            I will do anything just to get LA back in my arms.

--------------

Charlotte's POV

            Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang patuloy sa pagkukuwento si Xander.

            Ang dami-dami niyang kuwento tungkol sa mga bloopers niya sa hospital. Tungkol sa mga nakikilala niyang mga bantay ng pasyente, mga pasyenteng makukulit. Minsan nakaka-touch din kapag nagkukuwento siya ng mga hardships ng mga indigent patients. Nakakadurog ng puso. I've never heard stories like that from Jean back then. Lahat ng mga kuwento ni Jean tungkol sa mga mayayaman niyang pasyente na gagawin ang lahat, paaandarin ang pera para lang makuha ang mga gusto nila.

            At isa na ako doon.

            Ginamit ko ang pera ko para lang maloko ko si Carlo na buntis ako.

            "One time, there was this patient who was crying really loud. And we thought that something terrible was happening to him." Natatawa na si Xander habang nagkukuwento. Natatawa na rin ako kasi talagang pigil na pigil ang pagtawa niya. "When we checked him, he only had a tiny cut on his hand. He was cutting onion and the knife cut his finger. Akala ko talaga magpa-pass out na. Puwede naman gamutin sa bahay at lagyan ng band-aid but dinala pa talaga sa ER. That was very funny."

            Nakangiti lang ako habang tinitingnan ko siya na nagkukuwento. Nandito kami sa bahay ko at dito siya nag-dinner. Nagdala siya ng pizza at pasta. Kagagaling lang daw niya ng duty at dito siya dumiretso. Wala naman daw kasi siyang makakausap sa bahay niya.

            Sa totoo lang, hindi ako natawa sa kuwento ni Xander. Mas natatawa ako sa facial expressions niya. How his eyes grew big every time he was giving the punch line. Nakakatawa pa ang mga sound effects niya habang nagkukuwento. Parang siyang bata.

            Saglit akong natigilan at napatitig kay Xander.

            He was eating his pizza while still telling me some stories and I am smiling at him. I am laughing. I haven't smile and laugh in a long time. But right now, I was genuinely feeling happy.

            And I am afraid of this feeling.

            Kasi naramdaman ko ito noon nang makuha ko si Carlo. Kahit pa sabihin na sapilitan ang pagkakakuha ko sa kanya. Napakasaya ko noon pero dobleng sakit din ang naranasan ko. Kaya takot na akong maging masaya. Kasi alam ko, mas matinding kalungkutan ang kapalit ng pagiging masaya ko.

            I cleared my throat and stood up. Binitbit ko ang plato na pinagkakainan ko kahit hindi pa ako tapos kumain. Nagtatakang tumingin sa akin si Xander.

            "You didn't like the food?" Takang tanong niya.

            Nilingon ko lang siya tapos ay hinarap ko ang nililigpit kong pinagkainan sa lababo.

            "I liked it. Masarap ang pasta." Totoo naman 'yun. Masarap naman talaga ang pasta. Pero ang hindi ko gusto ay ang nararamdaman ko habang kaharap kong kumain si Xander. Natatakot ako sa feeling na ito.

            I am still married, and I still love Carlo. Even if he hates me, even if he ran away from me. I know someday, our family will be whole again. I am going to cling on that little hope that he will be back again in my life.

            Xander right now was just being a friend. Siguro nakikita niyang malungkot ako, nag-iisa at baka may gawin akong kagagahan kaya inaalalayan niya ako. Naaawa lang siya sa akin dahil sa pinagdadaanan ko kaya hindi puwede kung anuman ang nararamdaman ko para sa kanya.

            "Hindi ka ba natawa sa mga kuwento ko? Bakit bigla kang nag-iba?" Tonong nag-aalala si Xander.

            Ngumiti ako sa kanya at niligpit ko ang pinagkainan niya ng pizza.

            "Nakakatawa ang mga kuwento mo. Mukha ba akong hindi natawa?" Pinilit ko pang ngumiti sa kanya.

            "You're worried. You are always worried, Charlotte. You should stop that." Seryosong sabi nito.

            Narinig kong umingit si Theo na nasa crib malapit sa amin. Agad kong nilapitan ang anak ko at tinapik-tapik para muling makatulog. Thank God Theo was here. At least nabaling dito ang atensyon ko at hindi na kay Xander.

            "You are doing great. Like right now. You are being a good mother to Theo, and I am admiring you for that."

            Napapikit ako. Shit talaga 'to si Xander. Bakit ba niya sinasabi iyon sa akin? Alam ng lahat kung gaano ako kasama dahil sa ginawa ko kay Carlo at Amy. Napalunok ako at inis na akong humarap sa kanya.

            "Stop it." Saway ko.

            Kumunot ang noo niya sa akin. "Stop what? What am I doing?" Takang-taka siya.

            "That. Stop what you're doing." Napalunok ako kasi naiiyak na ako.

            "What am I doing, Charlotte? I am just telling you that I am admiring you because of what you're doing."

            "Stop!" Napalakas na ang boses ko at napatingin ako kay Theo kasi baka nagising siya pero nanatiling tulog ang bata. Noon ko binalingan si Xander. "Puwede bang huwag ka na munang pupunta dito sa bahay ko? Huwag na muna tayong magkita?"

            "What? Why?" Kita ko ang paglatay ng inis sa mukha ni Xander.

            "This is wrong. I am still married and hindi magandang tingnan na pinupuntahan mo ako dito."

            Tumaas ang kilay ni Xander. "And where is your husband? Iniwan ka 'di ba? Iniwan ka ng gagong iyon ng walang pasabi. Yes, you did something wrong to him but you already paid for that. Sana lang, he had the balls to tell in your face that he wanted out. Hindi 'yung basta ka na lang niya iiwan sa ere at mag-iiwan ng petition for annulment."

            Hindi ko napigil ang pagtulo ng mga luha ko ng marinig ko ang sinabi niya. Ang sakit-sakit pa rin noon na ipamukha sa akin na wala talaga akong kuwenta kay Carlo.

            Lumapit sa akin si Xander at pinahid ang luha na naglandas sa pisngi ko.

            "Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nagawa mong pagkakamali. Nadapa ka pero bumangon ka. Someone was trying to help you to stand up pero bakit mo itinataboy palayo?" Ramdam ko ang tampo sa boses ni Xander ng sabihin iyon.

            "Dahil ayokong kinakaawaan ako. What you're doing to me, kaya mo lang ito ginagawa kasi naaawa ka lang sa akin and I hate it." Hindi ko mapigil ang pag-iyak ko.

            "What? Where did you get that idea? Hindi ako naaawa sa iyo. Bakit ako maaawa sa iyo? I am here because I wanted to be with you." Nakatitig siya sa mga mata ko ng sabihin iyon.

            Napalunok ako sa sinabing iyon ni Xander. Lalo siyang lumapit sa akin kaya sinenyasan ko siyang lumayo.

            "Please. Please, Xander stop doing that." Ako na ang lumalayo sa kanya. Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganitong feeling.

            Ayoko ng umasa na may lalaki pang seseryoso sa akin.

            Ako na walang kuwenta. Ako na kontrabida. Walang lalaki ang magkakagusto pa sa akin kaya aasa na lang ako na bumalik sa akin si Carlo kahit pa walang kasiguraduhan kung babalik pa nga siya sa akin.

            Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang telepono ko. Naipagpasalamat kong nangyari iyon kaya may dahilan akong iwasan si Xander. Agad kong dinampot at sinagot ko ang tawag ng biyenan ko.

            "Mommy," pinilit kong maging masaya ang boses ko ng sagutin ang tawag niya.

            "Charlotte! Carlo is back! Bumalik na ang asawa mo." Masayang-masaya na sabi nito.

            Hindi ako nakasagot. Literal na nanginig ang katawan ko ng marinig ko iyon.

            Dapat maging masaya ako. Ang tagal kong hinintay na bumalik si Carlo.

            Pero wala akong saya na naramdaman. Kinabahan pa ako at napatingin ako sa lugar ni Xander. Nakatingin lang siya sa akin.

            "Sige ho." Iyon na lang ang naisagot ko sa sinabi ng biyenan ko. Kahit nagsasalita pa siya ay pinatayan ko na siya ng telepono.

            "Carlo is back." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na sabihin iyon.

            Napatango-tango si Xander at ngumiti ng mapakla. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

            "That's my cue." Lumakad na ito at tinungo ang pinto tapos ay huminto at humarap sa akin. "Nakaya mo ng wala siya, Charlotte. Please, open your eyes that he will never love you. He never did. There is someone out there who will accept who you are whatever terrible things you did. Sana makita mo iyon." Naiiling na tuluyan na siyang lumabas.

            Napapikit ako ng sumara ang pinto at tuluyan akong napaiyak.

            Pero inisip ko, tama lang itong ginawa ko.

            Hindi ko na dapat pa na idamay si Xander sa magulong buhay ko.

He deserves someone better than a broken woman like me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top