Chapter Twenty-Eight

"Some of the most poisonous people come disguised as friends and family." - Unknown

------------------------------

Charlotte's POV

My head was heavy. Sumubsob pa ako sa unan at ikinumot ang makapal na comforter sa katawan ko.

I had the best sleep. Uninterrupted sleep that I haven't experience in years. Per mabilis din na napamulat ang mata ko nang maalala ko si Theo.

Shit!

Mabilis akong bumangon at lumabas ng kuwarto. Naabutan kong nakahiga sa crib ang anak ko at tulog na tulog. Tiningnan ko ang oras at pasado alas-nuebe na. Tanghali na iyon sa akin. Hindi ako nagigising ng ganitong ka-late. Madalas ang gising ko ay alas-tres. Alas-kuwatro. Suwerte ng magising ako ng ala-sais.

Marahan kong hinilot ang ulo ko. Napakunot ang noo ko dahil parang may tao sa kusina ko. Dahan-dahan akong nagpunta doon at nakita kong may lalaking nakatalikod at nagluluto. Naka-suot ng long sleeves polo na nakatupi hanggang braso at naka-tuck in sa suot nitong khaki slacks.

Damn it. Si Xander! He spent the night here? Ngayon ko naalala ang mga nangyari kagabi. I was so wasted last night. Nagwawala ako. Nagagalit dahil sa nangyayari sa buhay ko. Naitakip ko ang kamay sa bibig ko.

Nang maabutan ako ni Xander kagabi ay hawak ko na ang bote ng sleeping pills at handa ng ubusin ang laman noon.

Hindi ko kayang humarap sa kanya. Akmang lalabas na ako sa kusina nang bigla naman siyang humarap at may bitbit na plato. Halatang nagulat pa nang makita ako. Nakita kong may mga mantsa ang suot niyang puting polo.

"You're awake. Sit down. Eat some breakfast," ngumiti siya sa akin at kumuha ng plato sa cupboard cabinet at inilagay sa mesa.

"Y-you stayed overnight?" Paniniguro ko.

Tumingin siya sa akin tapos ay ibinaling ang atensiyon sa nilulutong scrambled egg.

"Yeah. Someone needed to look after Theo. You were out cold last night." Natawa pa siya ng sabihin iyon.

Shit. Nakakahiya. Wala talaga akong kuwentang magulang.

"I-I'm sorry." Pumikit-pikit ako para hindi lang ako mapaiyak.

Muli akong tiningnan ni Xander tapos ay kinuha niya ang niluluto niya tapos ay muling inilagay sa mesa. Hinawakan niya ako sa braso at pilit na pinaupo sa harap ng hapag.

"Kumain ka na. The black coffee will help you with the headache. Then drink lots of water." Sabi pa nito. Nagsalin ng kape sa puswelong nasa harapan ko.

Mabilis kong pinahid ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Hindi ako sanay ng ganito. Hindi ako sanay na may nagsisilbi sa akin. Hindi ko sanay ng may nag-aasikaso sa akin dahil lang sa nakainom ako kagabi at uminom ng pampatulog. Hindi ko naman kasi deserve ang ganito.

"Hey, are you okay? You're not feeling well?' Napahinga ng malalim si Xander. "Do you want to go to a hospital?"

Umiling ako at napasinghot.

"Sorry kung pati ikaw ay naistorbo ko kagabi." Hindi ko mapigil ang mga luhang tumutulo mula sa mata ko.

Natawa siya. "I am honored. At least sa oras na down na down ka, ako ang naisip mo. Theo was crying non-stop last night. Maybe he could also feel that his mom was not feeling well." Nagsalin siya ng pagkain sa plato ko. "Eat something, Charlotte."

Napasubsob ako sa mga palad ko at napahagulgol.

"Ang sama-sama kong tao. Marami akong buhay na sinira dahil sa pagiging selfish ko. Si Amy. Si Carlo. Kasalanan ko kung bakit hindi sila nagkatuluyan. Ako ang kontrabida sa kanila. Pilit kong inagaw ang hindi para sa akin. And now, I am a mess. I felt so alone. I adopted Theo so someone will be by myside but still, its not enough." Ang lakas-lakas ng hagulgol ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko at dibdib ko.

Naramdaman kong hinila ni Xander ang silya para mapalapit sa akin. Tapos ay hinawakan niya ang kamay ko at niyakap niya ako. Lalo akong nag-iiyak habang nakasubsob sa balikat niya.

"Cry if you want. I am here," mahinang sabi niya.

At ganoon nga ang ginawa ko. Umiyak lang ako ng umiyak. Parang ngayon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko, ang lahat ng mga emosyong kinikimkim ko sa mahabang panahon.

"I let other people to manipulate my life. Akala ko noon, kakampi ko ang nanay ni Carlo para makuha ko siya. I was blinded by my love for him and I didn't think that by loving him, I was becoming a monster. All I ever wanted was to be loved and yet, I didn't get it. I became the miserable bitch that ruined people's lives."

"Ssshh... you're not like that." Mahinang sabi niya habang patuloy na hinahagod ang likod ko.

"I am tired. I am tired of waiting. I am tired of this kind of life. All I ever wanted was to end this pain."

Naramdaman kong marahan akong inilayo ni Xander tapos ay pinahid ang mga luha ko.

"You need to let go. You need to let him go, Charlotte. Stop holding on that tiny hope that he will changed his mind and he will come back." Umiling-iling si Xander. "He didn't love you and he will never love you." Hinawakan niya ang mukha ko. "You are special. You deserve someone who will love you whole. Hindi 'yung ikaw ang naghahabol. Pabayaan mong lalaki ang gumawa noon sa iyo. Pabayaan mong maramdaman mong importante ka."

Umiling-iling at napatawa ako ng mapait. "Sa dami ng nagawa kong kagagahan. I don't think someone will do that to me. I don't deserve to love."

Marahang hinaplos-haplos ni Xander ang mukha ko habang nakatingin sa akin.

"You feel sorry for something that someone manipulated you to do. And that is Carlo's mom. You think she helped you to get her son?" Natawa ng nakakaloko si Xander. "She used you. And now, you feel that you are the bad person. She was manipulating you to feel that, so she won't feel guilty of what she did. Let go of her. Let go of Carlo and you will feel whole again."

"Gusto ng mommy ni Carlo na ayusin ko ang marriage namin. But I don't think I can still do that. Baka makita pa lang ako ni Carlo, suntukin na ako noon."

"And I won't allow that to happen. I'll protect you, Charlotte. Hindi ako papayag na may manakit sa iyo. You deserve to be taken care of."

Napaiyak ako sa sinabi niya.

"Bakit mo ito ginagawa?"

Napahinga ng malalim si Xander. "Tinatanong mo pa ba iyon? I know I am not good looking like Carlo. I am not famous like his family, but I can give you a peace of mind." He cleared his throat then he looked at me. "I can give you the love that he cannot give you back."

Lalo akong tuluyang napahagulgol sa sinabi niya.

I don't deserve Carlo.

And I don't deserve someone like Xander too.

He was too good for me. Hindi siya puwedeng madamay sa gulo ng buhay ko.

-----------------------------

Louise's POV

"Siguraduhin mo na mai-impress ako sa iyo sa negotiation na ito." Walang emosyong sabi ni Edward habang naglalakad kami papunta sa conference room kung saan naghihintay ang mga representative ng LES Construction.

Tumaas lang ang kilay ko at hindi sumagot sa kanya.

"Hindi ka ba natuto sa mga sinasabi ng daddy mo? Ang mga babae, hindi dapat sa ganitong negotiation. Women should stay in the house. Women should do household chores. Takes care of the house, laundry, the dishes, groceries and wait for their husband to come home. Your kind is not even needed in this kind of negotiation." Patuloy pa ni Edward.

"Hindi asawa ang kailangan mo, Edward. Karakter ng mga katulong at alipin ang mga sinasabi mo. Sadly, I am not that kind. I've been a follower throughout the course of our relationship and from now on, you cannot tell me what I need to do." Mariing sagot ko.

Natawa si Edward. "Let's see. Impress me today baka sakaling magbago ang tingin ko sa iyo at pagtiyagaan na kitang maging asawa."

"Damn you." Mahinang sabi ko at sumunod na sa kanya nang buksan niya ang pinto.

Tatlong lalaki ang naabutan kong naroon sa loob. Naroon si Kuya Hans. Tapos may kasama siyang dalawang lalaki. Sa dalawa ay napatitig ako sa Chinese businessman na kasama nila. His face looks familiar. His eyes. His gaze. The way he was looking at me.

Only Olie was looking at me like this.

But he is not Olie. Imposible. The guy in front of me looked like a dignified businessman. He was wearing an Armani suit. Clean ang shaved face. I cleared my throat and looked the other way. I was just missing Olie terribly kaya ang tingin ko sa bawat singkit na nakikita ko ay kamukha na niya.

Naramdaman kong pumulupot ang kamay ni Edward sa baywang ko. Gustong-gusto kong alisin iyon pero nakatingin sa amin ang tatlong lalaki. Ayaw ko din na mag-isip si Kuya Hans. It will compromise everything. Madadamay ang pamilya ko at baka mapatay pa niya ang lalaking ito.

"Hi. My name is Edward Hollman. And this is my wife Louise." Nakangiting pakilala nito sa mga naroon.

Pilit na pilit ang ngiti ko pero agad ding nagulat nang makarinig ng parang may nabasag. Napatingin ako sa lalaking singkit dahil siya ang nakatabig ng baso. Basag iyon sa tabi niya.

"I-I accidentally bumped it," parang kay Kuya Hans siya nag-i-explain.

Bigla ang kabog ng dibdib ko at muling napatingin sa lalaki.

That voice.

Kaboses niya si Olie. Si Olie ba siya? Pero imposible. Magkaibang-magkaiba sila ng personality ni Olie. Olie will never do this. He would never wear a suit like this. Kuntento na iyon sa t-shirt o polo at board shorts.

"Don't worry about that, Carlo. Palinis na lang natin," sagot ni Kuya Hans at tumayo ito para tumawag ng maintenance.

Napahinga ako ng maluwag. So, his name was Carlo. Sinasabi ko na talaga na imposibleng si Olie ang lalaking ito.

Dumating naman ang maintenance at mabilis na nalinig ang mga bubog.

"Well, good morning. You know who I am." Natawa pa ang pinsan ko. "I would like to introduce my partners and friends. This is Travis Velasco and Carlo Santos. Travis's company is working with LES Constructions and Carlos Santos is the head of Contract Negotiation for LES. So, you better do good, Louise. My boy, Carlo here is a hustler in negotiations."

Hindi ako kumibo at tumingin lang sa lalaki na nanatiling nakatingin sa akin. Naramdaman kong lalo akong inilapit ni Edward palapit sa kanya.

"You're newly-weds?" Komento ni Carlo.

Bahagya akong lumayo kay Edward at nagkunwa na bubuklatin ang mga folders sa harap ko. Ewan ko ba. Hindi ko kayang tumingin sa lalaking Carlo ang pangalan. Pakiramdam ko talaga ay kilala niya ako.

"Yeah." Maiksing sagot ni Edward.

"So, how's your prison?" Diretsong tanong ng lalaki sa asawa ko.

Nakita kong namutla ang mukha ni Edward sa narinig na tanong na iyon. Inis akong tumingin kay Carlo. Seryosong-seryoso ang mukha niya. Tingin ko nga ay para gusto niyang suntukin Edward.

"Man, what are you doing?" Narinig kong bulong ni Kuya Hans sa kasama niya.

Nagkibit-balikat lang ito at inayos-ayos ang mga folders din na nasa harapan.

"Oh, Edward and I got acquainted last night. Maybe he was drunk, and we started a conversation about being married. He told me that he just got married and that was his prison. Right, Edward?" Ngumisi pa ng nakakaloko ang lalaki.

Hindi agad nakasagot si Edward at halatang kinakabahan. Pero natawa ang lalaki. Si Carlo.

"Relax. It didn't mean anything. Of course, he would think that your marriage is a prison. Ganoon naman ang mga ikinakasal 'di ba? Kasi tapos na ang single life. Wala ng freedom." Kumindat pa sa akin ang lalaki.

Nabubuhay ang inis ko sa kanya. Sino ba ang lalaking ito? Nakita kong bahagyang siniko ni Kuya Hans ang lalaki.

"Can we talk about business now?" Matigas kong sabi.

Muli siyang tumitig sa akin. This time ay seryosong-seryoso na. Parang galit pa nga. Hitsurang parang may ginawa akong masama sa kanya.

"Have we met before?" Tanong niya sa akin.

Kita kong naguguluhan ang mukha ni Kuya Hans at ang kasama niya pati na si Edward.

"I don't think it's her. My wife is a homebody. Hindi ito umaalis ng hindi ako kasama," sabat ni Edward.

Napatango-tango ang lalaki at napakabit-balikat.

"Maybe it was a mistake. I just thought she looked like someone I met in a beach house. Someone named LA." Titig na titig sa akin ang lalaki.

Sa pagkakataong ito ay hindi na ako makagalaw. Hindi na ako makahinga.

Totoo ba ito?

Si Olie ba ang lalaking nasa harapan ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top