Chapter Twenty

Carlo's POV

            Katahimikan ang namagitan sa grupo namin ng marinig ang sagot ni LA sa tanong sa kanya.

            "I am not lying. I am not single. I am engaged to be married to someone else." Seryosong-seryoso sabi niya. Napayuko pa si LA at tingin ko ay parang pinipilit na lang na maging masaya.

            So, what happened to her? If she is engaged to be married, bakit siya nandito sa isla at namumuhay mag-isa?

            "Are you running away?" Diretsong tanong ko.

            Gulat siyang napatingin sa akin at parang nataranta. Pinilit na ngumiti tapos ay napabuga ng hangin.

            "No. Well, nag-usap kami ng fiancé ko na we should do our thing first before we got married. Travel alone, find ourselves. My fiancé is the most understanding man that I've met." Pilit na pilit ang ngiti sa akin ni LA. Ipinapakita sa mga tao na kinikilig siya habang sinasabi iyon.

            Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maramdaman na natutuwa siyang sabihin iyon. She is not happy telling us those.

            "Grabe ka naman, LA. Nasaktan ako sa sinabi mo," malungkot na sabat ni Grayson.

            "Bakit? Hindi pa naman mag-asawa. May pag-asa pa 'yan na maghiwalay." Singit naman ng isang kasama sa grupo.

            Napangiti lang si LA ng mapakla. Pilit na pilit na ngumiti sa amin.

            "Ang pinagsama, hindi dapat pinaghihiwalay ng kahit na sino. Walang karapatan ang sinumang tao na sirain ang pagsasama ng dalawang nagmamahalan." Nakatitig ako sa bon fire habang sinasabi iyon. Hindi ko nga alam kung bakit nasabi iyon. Parang napikon kasi ako sa narinig kong komento ng kasama namin. Hindi pa naman daw mag-asawa kaya puwede pang magkahiwalay. Katarantaduhang dahilan. Kahit hindi mag-asawa basta nagmamahalan walang may karapatan na sirain iyon. Mga gago lang ang gumagawa ng ganoon. Katulad ni Charlotte at ng mommy ko.

            Tumingin ako sa paligid at nakita kong lahat sila ay nakatingin sa akin. Maging si Vinah ay parang takang-taka sa nasabi ko. First time ko naman kasi talagang maging seryoso ng ganito. Mabuti na nga lang at tumunog ang telepono sa bulsa ko.

            Walang imik akong tumayo at dinukot ang telepono sa bulsa ko na tumutunog.

            "Saan ka pupunta?" Tanong ni Vinah.

            "I need to take this call." Hindi ko na hinintay ang anumang sasabihin niya at iniwan ko na sila doon. Sinagot ang tawag ni Hans.

            "Carlo, puwede ka bang lumuwas ng Maynila?" Seryoso ang timbre ng boses nito.

            "Bakit? May problema ba?" Hindi naman tumatawag ng ganito ka-seryoso sa akin si Hans.

            Napahinga ito ng malalim. "We have a problem here. Remember the partnership with those Japanese investors few years ago? Mukhang may sabit ang company nila. Involve daw ang President sa isang illegal transaction at ginagawang cover lang ang construction business. Sabit ang company ni Les, pati na ang kay Travis. Pati na ang company 'nyo." Damang-dama ko ang kaseryosohan sa boses ni Hans.

            Mahina akong napamura. "For real? Bakit nangyari iyan? Hindi ba iyan na-background check ni Travis?"

            "He did. We did. Malinis ang papers nila. Alam mo naman na hindi tayo sasabit sa mga illegal na gawa. Kung bakit kasi sa sobrang linis bakit hindi ko nagawang magduda. Kasalanan ko din at hindi ako naghalungkat pa. You need to help us fix this. You need to come home and-" ibinitin ni Hans ang gustong sabihin.

            "And what?" May nangyari kaya?

            "And your dad is getting better. He can talk now and he was looking for you."

            Marahan kong hinilot-hilot ang ulo ko. "Fine. Please book me a hotel. And let us make my visit a top secret."

            "Thank God, Carlo. Ilang araw na akong hindi pinapatulog nito. Siguradong matutuwa sila Travis. I'll send you the address where you can stay."

            Hindi ko na sinagot ang sinabi niya. Pinatayan ko na siya ng call. Diretso ako sa bahay at sa kuwarto tapos ay kinuha ang isang duffel bag at isinilid doon ang ilang mga gamit. Paglabas ko ay napatingin ako sa umpukan malapit sa dagat. Naroon pa rin sila. Humahalakhak si LA habang nakikipag-usap kay Grayson. Napahinga ako ng malalim at napangiti ng mapakla. Naglakad ako papunta sa kalsada para makapaghintay ng tricycle na maghahatid sa akin sa bus station. Pagdating doon ay naghintay na lang ako ng available trip papuntang Manila.

Muling tumunog ang telepono ko at si Vinah ang tumatawag. Napailing ako. Siguradong nagtataka kung bakit hindi na ako bumalik. Huminto ang tawag. Maya-maya ay si Grayson na. Hindi ko rin sinagot.

Huminto ang mga tawag. Text naman ang na-receive ko.

Olie, si LA 'to. Tinatanong nila kung nasaan ka na daw. Naglulupasay na ang syota mo dito.

Natawa ako sa text na na-receive ko. Nakatitig ako sa message na padala ni LA. Kahit sa text parang nai-imagine ko na ang makulit niyang hitsura. 'Yung nakakainis na ngiti niya. 'Yung pang-aalaska niya. Nakakatawa kapag pikon na pikon sa kanya si Vinah.

Pero nawala din ang ngiti ko ng maalala ko ang sinabi niya. She is engaged to be married to someone. Mabuti na nga lang at habang maaga ay nalaman ko ang totoong pagkatao niya. She's beginning to get on my senses at kailangang pigilin ko na iyon. Lalo pa nga at ikakasal naman pala siya.

            Ayokong gawin sa kanya ang ginawa sa akin ng mga tao.

            Kahit kailan, hindi ako mang-aagaw ng pag-aari na ng iba.

---------------------

Charlotte's POV

            "Siguradong walang sakit si baby?"

            Hindi talaga ako mapakali habang palakad-lakad ako sa loob ng clinic ni Xander. Siya naman ay natatawa lang habang chini-check up ang bata. Para itong kuting na inat ng inat sa loob ng swaddle.

            "He is good. Normal naman ang lahat. Are you sure he stopped breathing?" Hindi pa rin makapaniwala si Xander sa mga sinabi ko sa kanya kanina na nangyari kay Theo.

            "Kasi I was watching him sleeping. Then bigla siyang nagulat. Both feet and hands were on the air then para nag-snore tapos parang hindi humihinga. I thought he was going to die," grabe talaga ang kaba ko.

            Natawa si Xander. "That's normal. Mga reflex ng mga newborn baby iyon. Mawawala din over time. Relax ka lang. Ganyan lang talaga ang new mom. Masyadong kabado." Tinapik pa niya ang balikat ko tapos ay inayos niya ang pagkakabalot sa swaddle ni Theo. "Pero para hindi ka na mag-aalala pa, I'll refer him to a pediatric cardiologist just to check further."

            Napabuga lang ako ng hangin at tiningnan ang natutulog na sanggol.

            "Have you decided a name for him?" Tanong pa ni Xander.

            Napangiti ako at tumango. "Yes. Theodore. I am calling him Theo."

            "Well, that's cute. Bagay na bagay sa kanya."

            Hindi ako kumibo at nanatiling nakatingin sa sanggol.

            "How are you? How are you coping being a new mom?"

            Tinapunan ko ng tingin si Xander at talagang nakatitig siya sa akin at hinihintay ang sagot ko.

            "Puyat. Lagi akong puyat. Minsan nakakaiyak na. You know. The frustration was overwhelming lalo na kapag ayaw niyang tumahan. I was trying to give him anything." Tumingin ako ng parang nahihiya kay Xander. "Can you imagine that I tried to breastfeed him kahit wala akong milk." Napasubsob ako sa palad ko ng maalala kong ginawa ko iyon.

            Wala akong sagot na narinig mula kay Xander. Walang halakhak kaya unti-unti akong nag-angat ng mukha at nakatingin lang siya sa akin.

            "Hindi mo ako pagtatawanan?" Paniniguro ko sa kanya.

            Ngumiti siya sa akin at umiling. "I am proud of you, Charlotte. This. Your sacrifices for this child, you are a real mom. Theo is lucky for having you as his mom."

            Parang hinaplos naman ang puso ko sa narinig na sinabi ni Xander. Sumungaw ang luha sa mata ko tapos ay hindi ko na nagawang pigilin pa kaya mabilis ko iyong pinahid.

            "I'm sorry. I am just not used of getting good feedbacks. Alam mo na. I am the bad woman. Ang babaeng mang-aagaw. Ang babaeng iniwan ng asawa. So, forgive me if I am crying like this," napahagulgol na siya. "Kasi hindi ko na naisip na magiging mabuti ako para sa ibang tao."

            Napahinga ng malalim si Xander at humugot ng tissue mula sa tissue holder at iniabot sa akin.

            "Bayaan mo kung ano ang gustong isipin ng mga tao tungkol sa iyo. Who are they to judge? Hindi nila alam ang pinagdaanan mo. We are all bad guys in the eyes of other people, but we know ourselves more. We have our own reasons why we did what we did. May it be bad or good. The important thing is that we learned from it. You learned from it." Hinawakan pa ni Xander ang mukha ko at pinahid iyon.

            Nakatitig ako sa mukha ni Xander. Hindi ko alam kung bakit ganito siya kabuti sa akin.

            "Bakit ka ganyan? Bakit ang bait mo sa akin? Kontrabida ako sa mata ng lahat ng tao."

            Ngumiti siya at patuloy na pinapahid ang mga luha sa pisngi ko.

            "Because I know everyone deserves a second chance and you deserve that. But if you want to have it, you need to let go. You need to forget everything including Carlo."

            Lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Makakaya ko bang kalimutan si Carlo? Hindi yata. Asawa ko siya at umaasa pa rin ako na magiging maayos kami.

            "Kung magawa mo iyon, then you will be free from anything." Pareho kaming napatingin kay Theo na biglang umingit tapos maya-maya ay umiyak ng malakas. Mabilis kong tinungo ang bata at binuhat iyon tapos ay hinele-hele.

            "Hush. Shhh... mommy is here. Stop crying," pinapatahan ko si Theo pero ako ay walang patid ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Maya-maya naman ay huminto na rin sa pag-iyak ang sanggol. Kumalma tapos ay nakatulog muli.

            "See? All he needs is your love and everything will be fine." Napahinga ng malalim si Xander at ngumiti sa akin. "Tara. Kain muna tayo sa canteen then hatid ko na kayo pauwi."

            Tumango na lang ako at si Xander na ang nagbitbit ng mga gamit ni Theo bago sabay kami lumabas ng clinic niya.

            Papunta na kami sa elevator para pumunta sa canteen ng may makita akong lalaki na palabas mula sa bumukas na elevator. Napatingin ito sa akin tapos ay mabilis na nag-iwas ng tingin at mabibilis ang mga hakbang na naglakad palayo sa amin.

            Sinundan ko ng tingin ang lalaki. His built, his height. The way he walks. Kahit na punong-puno ng balbas ang mukha niya, hindi ako puwedeng magkamali.

            That was Carlo. That was my husband.

            "Carlo!" Mabilis akong humiwalay kay Xander at kahit bitbit ko si Theo ay nagmamadali kong sinundan ang lalaki. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Bakit nawala? Saan nagpunta ang lalaking iyon?
             "Charlotte, hey. Hey," mabilis na awat ni Xander sa akin. Sinusundan din niya ng tingin ang tinitingnan ko.

            "I am sure I saw Carlo." Natatarantang sabi ko at akmang susundan uli ang dinaanan ng lalaki.

            "Hey, Carlo is not here. Ano ka ba? 'Di sana nakita ko na siya. He is my friend too at alam ko kung si Carlo ang nakita ko o hindi."

            Napalunok lang ako habang naguguluhan na tumingin kay Xander tapos ay dinaanan ng lalaking sinusundan ko. Pero sigurado ako. Si Carlo talaga ang nakita ko.

            "Come on. Stressed ka lang kaya kung ano-ano ang nakikita mo. Let's go." Bahagya na akong hinihila ngayon ni Xander na makasakay kami sa elevator.

            Kahit labag sa loob ko ay sumunod na lang ako sa kanya pero sinusundan ko pa rin ng tingin ang dinaanan ng lalaki.

            Nang sumara ang pinto ng elevator ay napapikit ako at napabuga ng hangin.

            Si Carlo nga kaya iyon o guni-guni ko nga lang dahil sa matagal ko ng hinahanap ang asawa ko?

--------------------

Carlo's POV

            Habang pabiyahe ako pabalik ng isla ay hindi mawaglit sa isip ko ang nangyari sa hospital.

            That was Charlotte. I saw her with Xander, and she was holding a baby. She has a baby? Ano na naman kayang katarantaduhan ang ginawa ng babaeng iyon?

            Mabuti na nga lang ay mabilis akong nakaiwas sa kanya. Mabilis akong nakapagtago at lakad-takbo ang ginawa ko para makarating sa room ng daddy ko.

            Kung hindi naman talaga importante, hindi ko naman pupuntahan si daddy. Nang umalis ako noon, akala ko hindi ko na makikita uli na buhay ang daddy ko. Nagka-stroke siya kaya si mommy na ang namahala sa welfare ng family namin and that's when she decided to ruin my life by forcing me to marry Charlotte. Alam kong kung malakas si daddy, hindi siya papayag na mangyari iyon.

            Pero sa malas, pagdating ko sa hospital, nalaman kong naroon din pala ang mommy ko kaya dali-dali din akong umalis. Hindi ko rin nakausap si dad at dumiretso na lang ako na makipagkita kina Hans. Mabilis naman naming naayos ang mga kailangan na ayusin tungkol sa mga Japanese Investors kaya hindi na rin ako nagtagal pa sa Maynila. Dumiretso na din agad akong umuwi sa isla.

            Kinuha ko kay Hans ang kotse ko at isinakay sa roro para makarating dito. Kahit naman wala akong garahe sa beach house, puwede ko naman itong iparada malapit sa barangay hall. Napatingin ako sa relo at nakita kong pasado alas diyes na ng gabi. Nilakasan ko ang sounds na nanggagaling sa stereo at kalmadong tinatahak ang daan pabalik sa bahay ko.

            Madilim ang lugar na dinadaanan ko kaya imposibleng magkaroon ng tao dito. Pero malayo pa lang ay may nakikita na akong imahe ng tao na kumakaway sa akin. Pinapara ang sasakyan ko.

            Hitchhiker?

            Kailan pa nagkaroon ng hitchhiker dito?

            Bumagal lang ang pag-andar ko pero hindi ko iyon hihintuan. Pumanay-panay ang kaway ng taong naroon at noon ko napansin na babae ang gumagawa noon.

            Paglampas ko ay saka ko nakilala kung sino iyon.

            Si LA.

            Tumingin ako sa rearview mirror at nakita kong panay pa rin ang kaway nito.

            Ano na naman ang naisip gawin ng babaeng iyon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top