Chapter Twelve
Carlo's POV
Pakiramdam ko ay pumipitik ang ugat sa sintindo ko sa ingay sa loob ng barangay. Walang tigil sa pagrereklamo si Vinah kasama ang nanay niya. Sa isang gilid ay naroon naman ang grupo ni Aling Netay at nagrereklamo din kay Kapitan. Napatingin ako sa gawi ni LA na tahimik lang na nakaupo sa isang sulok. Nasa-suot pa rin ng shades at naka-de-kuwatro ang paa tapos ay nakasandal ang ulo sa dingding. Walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.
Bakit ba ako napasama dito? Wala akong pakialam sa problema ng mga taong ito. Si Kapitan ay nakaupo lang sa harap ng mesa niya at nakatungo. Hinihilot ng kamay ang batok habang ang dalawang panig ay walang tigil sa pagtatalo.
"Naka-ready na ang lahat, Kapitan. Ang damit ni Vinah. Ang sapatos. Ang make-up artist. Alam mo naman na taon-taon siya ang nagre-Reyna Elena. Bakit kailangang magkaroon ng ibang gustong maging Reyna Elena?"
Jesus Christ. They are fighting over that issue? Kung pagbibigyan ko kaya ng tig-iisang cross ang mga ito at sila na ang mag-Reyna Elena?
"Hoy! Osang! Hindi naman taon-taon ang anak mo ang gusto ng mga tao na mag-Reyna Elena. Pagbigyan mo naman ang iba. May ibang mas maganda sa anak mo!" Mataray na sabi ni Aling Netay.
"Huwag kang ilusyunada, Netay. Si Vinah ang pinaka-maganda dito sa isla. Siya nga lang ang bukod tanging babae mula dito sa isla na nakakapag-trabaho sa sikat na hotel dito. Lahat ng mga empleyado doon ay puro galing pa sa ibang bansa at sa Maynila. At ilang taon ng Reyna Elena si Vinah. Hindi siya puwedeng palitan," mataas din ang boses ni Aling Osang. Patango-tango naman si Vinah sa pag-ayon sa sinasabi ng nanay niya.
Natawa si Aling Netay. Pumameywang at pinaypayan ang sarili tapos ay hinarap si Kapitan.
"Bakit hindi natin idaan sa botohan 'to? Para magkaalaman na tayo na hindi lahat dito ay gusto ang anak mo," inirapan pa nito si Aling Osang.
"Walang botohan! Disqualified na agad 'yang pinipilit 'nyong ipalit sa anak ko. Hindi naman taga-dito 'yan!" Dinuro pa ni Aling Osang si LA na walang kibo na nakaupo sa gilid.
Ano bang nangyayari sa babaeng iyon? Bakit walang kibo? Hindi gumagalaw. Walang pakialam sa nangyayari.
"Puwede ba, manahimik na kayo? Nakakarindi na ang ingay 'nyo," iritableng sabi ni Kapitan tapos ay napatingin sa akin. "Olie, ikaw na naman ang may dahilan nito?"
Nanlaki ang mata ko. "Ako? Bakit ako? Anong kasalanan ko?"
"Ikaw naman talaga ang laging may dala ng gulo dito. Punong-puno na naman ng babae itong opisina ko." Napakamot ng ulo si Kapitan.
"Wala akong alam diyan, Kap. Nagpunta lang ako sa palengke para maningil. Anong alam ko sa Santacruzan?" Naiirita na ako. Bakit na naman ako nadamay dito?
"Kap, ayusin na natin ito. Nandito si LA at siya ang gusto namin na maging Reyna Elena sa Santacruzan. Pagbigyan naman natin ang iba hindi 'yung taon-taon na lang, pagmumukha ng anak ni Osang ang nakikita namin," umirap pa si Netay kay Vinah.
"Hoy! Palengkerang babae! Hindi magiging Reyna Elena 'yang singaw 'nyong pambato! Walang-wala iyan sa anak ko." Humarap din si Aling Osang kay Kap. "Papayag ka ba na dayo ang magiging Reyna Elena?"
Tingin ko ay parang gusto ng iumpog ni Kapitan ang ulo niya sa mesa. Inis nitong sinabunutan ang sarili.
"Magsitigil na kayo. Kapag hindi kayo huminto, ipapa-cancel ko ang Santacruzan na 'yan para wala kayong pinag-aawayan." Banta ni Kap.
Pare-parehong natahimik ang mga naroon sa silid. Muli akong tumingin sa gawi ni LA at talagang nagtataka ako sa kanya kung bakit hindi talaga siya gumagalaw sa pagkaka-upo niya. Bahagya pang nakanganga ang bibig nito.
"Hindi ba ang babaeng ito ang nakatira sa bahay mo, Olie?" Paniniguro ni Kapitan at tumingin sa lugar ni LA. Lahat ng mga tao doon ay napako ang tingin sa babae.
Pilit akong ngumiti. "Inaayos namin ang problema namin, Kap. Hinihintay pa naming dumating si Attorney 'di ba?"
Napabuga ng hangin si Kap at muling humarap kay LA. "Miss. Ano nga uli ang pangalan mo?"
Hindi sumagot si LA. Nanatili lang ito sa ganoong posisyon. Nagbubulungan na rin ang mga tao doon.
"LA," sabi ni Aling Netay. Pero hindi pa rin gumagalaw ang babae. Tinanggal ni Aling Netay ang shades na suot ni LA at doon namin nakita na tulog na tulog pala siya.
Pinigil ko ang sarili kong mapangiti. LA was sleeping while the whole room almost exploded because of the fight between these women. I have never seen a woman so cool like her. Wala siyang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. Gagawin niya kung anong gusto niya.
"Grabe. At natulog pa? Ang cheap naman," komento ni Vinah habang inis na nakatingin kay LA.
"LA. Gumising ka diyan. Kinakausap ka ni Kapitan," bahagya ng kinalabit ni Aling Netay si LA kaya doon ito nagising. Pupungas-pungas pa ito at tumingin sa paligid niya.
"Anong meron?" Kinusot-kusot pa nito ang mata.
"See? Nakikita mo ba, Kap kung anong klaseng babae ang gusto nilang ipalit sa akin? Napaka-cheap. Napa-bargas. Nakakadiri. Wala siyang quality ng pagiging Reyna Elena. Ako. Subok 'nyo na, ako 'di ba? Taon-taon ipinagmamalaki ang Santacruzan dito dahil sa akin," si Vinah ang nagsalita noon.
Natawa si LA at napailing. "Hindi pa rin tapos ang issue sa Santacruzan? Uwing-uwi na ako. Wala na tayong nagawa." Reklamo nito.
Napangiti na ako. Naiinis ako sa pagiging makulit at atribida ni LA pero sa pagkakataong ito ay cute ang tingin ko sa kanya. Ang lakas niyang mang-asar sa mga bully.
"Kap, lahat ng babae sa isla na ito ay may karapatan na maging Reyna Elena. Kaya nga ang suggestion ko, idaan natin sa botohan kung sino ang gusto nila. Si Vinah o si LA. Kung mananalo naman si Vinah, hindi naman kami magpo-protesta," paliwanag ni Aling Netay.
"Sige. Sige! Para matapos na lang ito. Magbotohan na. Sa susunod na araw ilalabas ang resulta. Magsialis na kayo sa opisina ko para makapagtrabaho na ako. Labas na!" Sumigaw na si Kapitan kaya kanya-kayang unahan sa paglabas ang grupo ni Aling Netay. Si Vinah at ang nanay niya ay halatang magpo-protesta pa pero pinili na lang din na manahimik. Alam nilang mainit na ang ulo ni Kapitan.
"Olie, maiwan ka dito. Pati ang babaeng 'yan," tinuro nito si LA na akmang tatayo na sana para sumunod sa mga kasama nito.
"Ano na naman ang kasalanan ko, Kap? Maniwala ka, wala akong alam diyan. Hindi ko nga alam ang Santacruzan," padaing na sagot ko. Dahil totoo naman. I don't know anything about that shit. I haven't tried joining that event. Hindi uso sa village namin iyon.
"Kayong dalawa. Totohanin ko talaga ang sinasabi ko sa inyo na pareho ko kayong paaalisin sa isla kapag hindi kayo nagkasundo para diyan sa bahay hangga't hindi dumarating si Attorney. Ayokong makakarinig ng reklamo sa inyong dalawa laban sa isa't-isa. Nakita mo naman ang problema ko dito sa barangay. Pati ang Reyna Elena, problema ko pa rin," halatang pikon na pikon na si Kapitan.
Nagkatinginan kami ni LA.
"Hindi naman kami nagrereklamo sa isa't-isa, Kap. Sa katunayan nga, napakabait kong kasama sa bahay. Alam na alam ho ni Olie 'yun," ngumiti pa ng nakakaasar sa akin si LA.
Hindi naman ako ngumiti sa kanya.
"Huwag kang mag-alala, Kap. Wala hong gulo sa aming dalawa. Wala rin hong reklamo. Inaayos namin sa maayos na paraan ang problema namin sa bahay," iyon na lang ang sinabi ko.
Napatango-tango si Kapitan at napabuga ng hangin. "Mabuti naman. Sige na. Lumakad na kayo."
Nagkibit-balikat lang si LA at tumayo na tapos ay lumabas sa opisina. Nakasunod lang ako sa kanya.
"Sana sinabi mo kay Kap na problema mo ang kuwarto mo dahil naglagay ako ng kama ko doon. Saka sana sinabi mo na rin ang iba pang mga issue mo sa akin para-"
"Para ano? Para pareho tayong mapaalis dito sa island? Aren't you grateful that I allowed you to stay in my house for a month?" Kung kanina ay naaaliw ako sa kanya, ngayon ay nag-uumpisa na naman akong mairita.
Ngumiti siya ng pilit sa akin at muling isinuot ang shades niya.
"Oo na. Sige na Mr. Sungit Singkit." Nakita kong papalapit sa lugar namin si Grayson at nilapitan si LA.
"Parang may issue daw sa palengke at nandito kayo sa barangay kaya pumunta din ako," kinawayan ako ni Grayson at ngumiti lang ako ng pilit sa kanya. Ang totoo kasi, naiinis ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pagpapabaya kay LA kagabi sa rock concert.
Kumumpas lang ako sa hangin at nagpahuli sa kanila habang naglalakad.
"Balita ko parang ikaw daw ang mare-Reyna Elena sa Santacruzan." Sabi pa ni Grayson. Kumunot ng noo ko ng lalo itong tumabi kay LA.
"Ewan ko sa kanila. Kung ano lang ang mangyayari, go lang ako." Tanging sagot ni LA.
"Kumusta ka naman? Nag-enjoy ka ba sa concert kagabi?"
"Concert na iniwan mo siya?" Sabat ko.
Pareho silang lumingon sa akin at ngumiti ako ng maasim sa kanila.
"I was talking with the band last night. They were looking for her parang gusto yata na i-invite siya uli sa next gig. Next thing I knew, you're bringing her home." Sagot ni Grayson sa akin.
Kumunot ang noo ni LA sa akin at parang nagtatakang tumingin din kay Grayson.
"Hindi ikaw ang naghatid sa akin?" Paniniguro nito.
Umiling si Gray. "'Nung sinabi sa akin nila Buddy na lasing na lasing ka na daw, hinatid ka na niya pauwi. You even puked on him all over," napangiwi pa si Gray ng sabihin iyon.
Napailing na lang ako at nilampasan ko lang sila. Bakit kailangan pang sabihin ng lalaking ito na ako ang nag-intindi sa babaeng ito kagabi? Wala lang akong choice kaya ko iyon ginawa.
"I did?" Parang hindi makapaniwala ang tono ni LA.
"Yeah." Kahit hindi ko sila tinitingnan ay alam kong tumatawa si Grayson. "You were so wasted last night. Wasted but happy. So, do you want to go out with me again?"
Bumagal ang paglalakad ko habang nakikinig sa pinag-uusapan nila. At sasama na naman ang babaeng ito? Wala na ba siyang kadala-dala sa nangyari sa kanya?
"Umm.. puwede naman sigurong-"
"Siguraduhin mo lang na kung makikipag-date ka sa susunod, hindi ka na magpapakawalwal uli para hindi kung sino-sino ang naghahatid sa iyo." Putol ko sa sinasabi ni LA tapos ay lumakad na ako ng mabilis. Iniwan ko na sila.
Bahala na sila sa buhay nila.
-----------------------
Charlotte's POV
Isa-isa kong tinitingnan ang litrato ng mga bagong panganak na sanggol sa harapan ko. Tingin ko naman iisa lang ang itsura nila. Mukhang sanggol. Pero sabi nga ni Dr. Xander Romero, kung gusto ko daw talagang mag-ampon ng bata, kailangan na makita ko muna sa picture tapos ay sa personal para makaramdam daw ako ng attachment.
Desperada.
Iyon na ang tingin ko sa sarili ko. Oo. Desperada na talaga ako at gagawin ko ang lahat para lang bumalik sa akin si Carlo. Hindi nga ba at ginawa ko na iyon para lang hindi niya ako iwan noon? Sinunod ko ang suggestion ng biyenan ko at ni Jean na magpanggap na buntis para lang hindi ako iwan ni Carlo. Pero ano ang nangyari? Nagkaleche-leche lang ang buhay ko dahil sa huli, kahit na hindi naman siya binalikan ni Amy, iniwan niya pa rin ako.
It's been more than a year ng umalis si Carlo. Wala kaming balita kung nasaan siya. Hindi ko alam kung buhay pa. Nagagalit ako kay Amy. Bakit siya nagkaroon ng happy ending? Bakit ako? Bakit kami ni Carlo kailangan na magkahiwalay samantalang ibinigay ko naman ang lahat sa kanya. Halos magmakaawa ako sa kanya para lang mahalin niya pero hindi niya magawa. Nakasal nga siya sa akin pero kahit kailan hindi ko naman naramdaman na itinuring niya akong asawa.
Napaayos ako ng upo ng bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Xander na nakangiti sa akin.
"Nakapili ka na?" Tanong nito at naupo sa harap ng mesa.
Ngumiti ako ng pilit at iniligpit ang mga litrato ng bata.
"Is this legal?" Naitanong ko iyon dahil ayoko ng maulit ang nangyari noon. Nakaladkad ang pangalan ng pamilya namin dahil sa ginawa namin ni Jean na pinangpanggap niya akong buntis. Nasira ang career ni Jean doon. Natanggalan ng lisensya. Siyempre, gagawin naman ni daddy ang lahat ng paraan para hindi ako madamay. Kahit naaawa ako kay Jean dahil siya lang ang sumalo lahat ng kasalanan, wala naman akong magawa.
"Yes. Alam mo kasi sa araw-araw na maraming nanganganak dito sa ospital, minsan 'yung mga bata iniiwan na lang ng magulang. We don't even know where to find them. We will turn over the babies to DSWD but if I can do something about it, if I can give a child a better life, I'll do that. Huwag kang mag-alala. Dadaan ito sa lahat ng legal na proseso." Ngumiti pa siya sa akin.
Muli kong tiningnan ang mga litrato na kanina lang ay iniligpit ko. Sino ba sa mga batang ito ang pipiliin ko?
"But I am going to ask you. Are you sure you really want to adopt a baby? Hindi madali ang magpalaki ng bata," sabi pa ni Xander sa akin.
Sunod-sunod akong tumango.
"Para pagbalik ni Carlo makita niya na capable naman akong maging nanay kahit nga hindi ako capable manganak," bahagyang nabasag ang boses ko ng sabihin iyon.
Sumeryoso ng mukha si Xander at napapailing na tumingin sa akin tapos ay nahinga ng malalim.
"Charlotte, you know I've been your friend and I would say this to you because I am a true friend. Stop waiting for him. He is not going back to you. Kung babalikan ka ng asawa mo, matagal na niyang ginawa. When are you going to realize that you meant nothing to him?"
Tuluyan na akong napaiyak sa sinabi ni Xander. Nayuko ako at napahagulgol ng iyak. Ang sakit-sakit na marinig iyon kahit alam kong iyon naman ang katotohanan.
Tumayo si Xander at umupo sa harap ko tapos ay hinawakan ang kamay ko.
"Move on, Charlotte. You don't deserve an asshole like him. If you still want to adopt a baby, I am going to help you. But if you want to be happy? Forget Carlo." Seryosong-seryosong sabi ni Xander.
"I can't." Umiiling na sabi ko. "Mahal na mahal ko si Carlo." Humihikbi pa ako.
Napakamot ng ulo si Xander.
"You are no longer in love, Charlotte. You are obsessed. There's a big difference between the two. Kung ipipilit mo sa sarili mo na mahal mo pa rin si Carlo, then you will never be happy. You are going to grow old full of resentments. Pangit ang tingin mo sa lahat. Kontrabida ang tingin mo sa mga taong naging dahilan bakit kayo nagkahiwalay when the truth is that, Carlo was never been yours from the start."
"I hate you. I thought you're my friend," humihikbing sabi ko.
"Yes. I am your friend that's why I am telling this to you. True friends tell their friends their faults. I am not going to sugar coat your mistakes." Hinawakan ni Xander ang mga kamay ko. "Fix your life, Charlotte. No one is going to help you but yourself."
Pinahid ko ang mga luha ko at muling tiningnan ang litrato ng mga bata.
"Cute nila 'no?" Nakatingin din si Xander sa mga litratong tinitingnan ko.
"Can I see them personally? The babies?"
Tumango si Xander at may dinukot sa bulsa niya. Panyo iyon at pinahiran ang luha ko sa pisngi.
"Huwag ka ng umiyak. I think it's about time to think about for yourself. Kung saan ka sasaya ng hindi kasama si Carlo." Seryosong sabi niya.
Napalunok lang ako. Makakaya ko ba talagang kalimutan si Carlo?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top