Chapter Thirty-Two

CHAPTER THIRTY-TWO

GARBAGE

Louise's POV

            Living with Edward was a nightmare.

            Ibang-iba siya sa taong nakilala ko noon. Napakalaki ng difference noong mga panahong nagsasama pa lang kaming mag-boyfriend. Dahil ang lahat ng iyon pala ay palabas lang niya. Para ipakita sa magulang niya at magulang ko na mabuti siyang tao. He wanted everyone to know that he was capable of having a perfect family that he and his family could brag to their society.

            And I was the sacrificial lamb for that.

            Pero kung ano man ang miserableng buhay mayroon ako ngayon ay kailangan kong harapin. I am already married to him. And that means I am forever bound to him. Only death could break us apart.

            Even if I am in love with someone else.

            Mabilis kong pinahid ang luha ko inayos ang sarili ko nang malapit na sa bahay ang kotseng sinasakyan ko. Huminto ito sa tapat ng gate at agad akong bumaba at pumasok.

            Malaki ang bahay ni Edward. But still, it felt empty. Wala akong madamang kahit na ano. Just like my life before with himo. I still felt empty.

            At ano ang gagawin ko dito? Magmumukmok maghapon at maghihintay sa pag-uwi ni Edward? No. Kahit kasal ako sa kanya hindi ako papayag na maging tau-tauhan niya. Tumayo ako at binitbit ang bag ko tapos ay muling lumabas. Nagpa-book ako ng masasakyan at uuwi muna ako sa amin. I can't stay in this miserable house.

            Wala ang mommy ko nang dumating ako sa bahay. Tuloy-tuloy ako sa kuwarto ni daddy at naabutan ko siyang natutulog. Malungkot akong napangiti. Ang dating makisig kong daddy. Ang dating kinatatakutan namin. Nandito at nakaratay sa kama. Ang dating dumadagundong na boses niya sa buong bahay namin, ngayon ay puro ungol na lang ang kayang gawin.

            Tahimik akong naupo sa couch na naroon at tiningnan lang si daddy. My dad that manipulated our lives ever since. I wanted to hate him because of what was happening to me right now. I was suffering because he chose this life for me. But while I was looking at him, all I could feel was pity. Even if my dad was a manipulator, he doesn't deserve this kind of pain.

            Hindi ko napigil ang mga luha na bumagsak sa mga pisngi ko. Mabilis kong pinahid iyon at dinukot ang telepono ko. Nag-browse ako doon. Carlo Santos ang una kong hinanap at napakaraming articles tungkol kay Olie ang nakita ko doon. And I couldn't believe in what I was seeing. Ibang-iba si Carlo Santos sa Olie na nakilala ko sa isla. Nakita ko pa sa Facebook na ikinasal siya. May mga litrato doon. He was married to someone named Charlotte. At hindi ko maintindihan kung bakit parang pinipiga ang puso ko habang nakatingin sa litrato nilang dalawa kahit nga may mga balitang hiwalay na rin ang mga ito.

            But he said he had the life I was experiencing right now that's why he ran away and lived alone in the island. Mapait akong napangiti nang maalala ko ang masasayang alaala na magkasama kami ni Olie doon. Those were the happiest days of my life and I would trade everything just to have that kind of life again.

            Muli kong pinahid ang luha sa pisngi ko nang marinig kong umungol si Dad. Ibinalik ko sa bag ang telepono ko at nakangiting lumapit sa kanya.

            "Hi, Dad." Pilit na pilit ang ngiti ko sa kanya. Ayaw kong makita niyang malungkot ako. Gusto kong makita niyang masaya ako kasi ito na. Natupad na ang gusto niyang maging asawa ako ni Edward.

            Umungol lang si Daddy. Halatang may gustong-gustong sabihin pero hindi magawa.

            "Don't stress yourself. If you're going to ask me, I am okay. I am married with Edward. Just like what you wanted," bahagya pa akong pumiyok nang sabihin iyon.

            Sa pagkakataong iyon ay nakita kong nangilid ang luha ni Daddy. Halatang may gustong sabihin pero umungol lang ng umungol.

            "Stop it, Dad. No. Don't worry I won't run away anymore. I had my chance. I experienced the life that I wanted, and this time it's my turn follow what you want. For you. For our family." Napapikit-pikit na ako para mapigil ko ang mapaiyak.

            Umungol lang si Daddy at ngayon ay tuluyan na siyang napaiyak. Pinipilit na igalaw ang kamay at parang gusto akong abutin kaya kinuha ko iyon at pinisil.

            "I'll be fine." Ngayon ay tuluyan na akong umiyak. "I promise, I'll be fine." Basag na basag ang boses ko. "But I just want to tell you that I will never love Edward. I am in love with someone else, Dad. Someone who loves me too. Someone who cares for me."

            Panay ang tulo ng luha ni Daddy habang umuungol pa rin ito. Kumuha ako ng tissue at pinahiran ang luha niya.

            "Don't cry. This is what you wanted and like Kuya Lonmar and Ate Lornie, I'll follow what you want. Because you think this is the best for me. Even if there is no love." Napabuga ako ng hangin. "Bakit ganoon, Dad? Why us your children have to sacrifice our own happiness just to follow what you want?"

            Nakatingin lang sa akin si Daddy at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

            "But for your name, for your company I am going to do it. Don't worry I know everything is going to be fine," napapiyok ako at muli ay napaiyak tapos ay pinahid ang mga luha ko. Ngumiti ako ng pilit. "Edward has a nice house, though."

            Umiiling si Daddy at umuungol pa din habang pilit na pinipisil ang kamay ko.

            "It's okay. I told you it's okay. Gusto ko magpagaling ka, Dad. Gusto kong mabawi mo ang company natin at gagawin ko ang lahat para doon."

            May sasabihin pa ako nang tumunog ang telepono ko. Nang kunin ko ang telepono sa bag ay napasimangot lang ako nang makitang si Edward ang tumatawag.

            "What?" Iritable kong sagot.

            "Where the fuck are you?" Halatang inis ang boses niya.

            "I'm in our house. I visited my Dad."

            "Umuwi ka na dito. Inuuna mo pang pumunta diyan. Walang pagkain dito sa bahay."

            "What? You have maids who can cook for you." Asar kong sagot.

            "Damn it! I told you to go home! Now! Huwag mo akong hintayin na puntahan kita diyan at talagang kapag ginawa ko iyon ay kakaladkarin kita pauwi dito. Go home now!" Bago pa ako makasagot ay pinatayan na ako ng call ni Edward.

            Napahinga ako ng malalim at pilit na ngumiti kay Daddy.

            "I'll see you again. I need to go home. My husband is waiting for me. I love you, Dad." Kahit umuungol pa si Daddy ay humalik ako sa noo niya nagpaalam na. Nagbilin ako sa maid namin na tingnan si Daddy dahil gising na. Muli akong nagpa-book ng masasakyan para puntahan si Edward.

            Deretso akong pumasok sa loob nang makarating sa bahay niya. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa at halatang naghihintay sa akin.

            "I am here," walang buhay kong sagot.

            Ang sama ng tingin niya sa akin tapos ay inilang hakbang lang niya ang paglapit sa akin. Walang sabi-sabing sinampal ako ng malakas. Pakiramdam ko ay bumiling ang ulo ko sa lakas noon. Nalasahan ko pa ang dugo sa gilid ng labi.

            "What the hell?!" Nahawakan ko ang pisngi ko na namanhid. Pakiramdam ko ay nakalog ang ulo ko sa ginawa niya.

            Napa-aray ako nang mariing hawakan ni Edward ang buhok ko at ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Ibang-iba ang hitsura niya ngayon. Para siyang biglang nag-transform na demonyo.

            "Sa susunod, ayaw kong hindi kita aabutan dito sa bahay. Naiintindihan mo? This is your fucking place. Not anywhere else." Lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ko.

            "Ouch! Let go!" Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa buhok ko pero sa tuwing gagawin ko iyon ay lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakasabunot sa akin.

            "I am not going to let go. Huwag mo akong ginagawang gago, Louise. Alam mong dito ka dapat. Nakakulong sa bahay ko. Gagawin ang lahat ng gusto ko. I fucking own you. Alam mo 'yan. Kung hindi dahil sa akin, sa amin ng pamilya ko, lugmok na ang negosyo 'nyo ngayon." Mariin niyang sabi.

            "You're hurting me!" Gusto ko ng makawala sa kanya.

            Hinawakan niya ng mariin ang mukha ko.

            "Huwag mo akong ginagago. Sinasabi ko sa iyo, ako ang nagmamay-ari sa iyo. Asawa lang kita kaya huwag kang aasta na akala mo ay may pakinabang ka sa bahay na ito at sa buhay ko. Ang tanging pakinabang mo lang ay ang pagsilbihan ako." Pagkasabi noon ay marahas niya akong binitiwan at muntik pa akong masubsob sa semento.

            Hinaplos ko ang pisngi kong parang nag-iinit pa sa lakas ng pagkakasampal niya tapos ay masama siyang tiningnan.

            "Who the fuck are you?" Naiiyak kong sabi. "Hindi bayolente ang Edward na nakilala ko."

            Tumawa siya ng nakakaloko. "I told you I can act. That was fucking four years. Four fucking years na nagtiis ko para ipakita sa lahat na perpekto akong tao. Stop whining, Louise. This is your life now. With me. And you will do everything that will please me." Lumakad siya at tinungo ang pinto. "I am not going home. But I will check if you are here. Ayokong lalabas ka ng bahay na 'to. Malalaman ko din kung gagawin mo."

            Napapitlag pa ako nang malakas na sumara ang pinto. Napapa-aray ako habang hinahaplos ang pisngi ko. And I wanted to run away.

            Pero malaking gulo ang mangyayari kapag ginawa ko. My family will be dragged in this mess na malaman ng mga tao ang totoong nangyayari sa pagsasama namin ni Edward. Malalaman din ng mga tao ang totoo na bagsak na bagsak na ang negosyo namin at ayokong mangyari iyon.

            If this was a part of my sacrifice, then I'll just shrugged this off.

-----------------------

Carlo's POV

            Just looking at Edward while he was talking to Hans, I wanted to sprint towards him and beat him to the ground.

            Nakakapikon siyang magsalita. Nakakapikon siyang tumawa. Nakakapikon siyang gumalaw.

            Basta. Nakakapikon siya.

            Sila ni Hans ang pinapabayaan kong mag-usap tungkol sa mga contracts. Hindi ko talaga kayang makipag-usap sa kanya. Pero wala akong magagawa. I had to play this game just to be with LA. I had to play the good business colleague and will act as his new friend just to know what was happening to my woman.

            "Kumusta naman si Louise? Pinapasakit ba ang ulo mo?" Natatawang sabi ni Hans at ganoon din ang ginawa ni Edward.

            "Just like before. Timid. Walang life." Naiiling na sabi ni Edward.

            Timid? Walang life? That was not the LA that I knew. The woman that I met in the island was full of life. Full of dreams.

            "Hindi ka pa nasanay doon? Alam mo naman si Louise. Dapat kasi mag-anak na kayo agad para alam mo 'yon. May pagkaabalahan kayong iba." Sabi pa ni Hans.

            Sa narinig ko ay napalakas ang pagbagsak ng hawak kong mga folders sa glass center table na naroon kaya pareho silang napatingin sa akin.

            "Can we talk about these contracts?" Pilit na pilit ang ngiti ko kay Edward.

            Lumapad ang ngiti niya sa akin at tumayo tapos ay lumapit.

            "Sorry. Nakakaaliw kasing pag-usapan ang asawa ko. Masyadong maraming nakakatawang bagay sa kanya." Komento ni Edward at dinampot ang isang folder at binuksan iyon.

            Plastic na plastic ang ngiti sa mukha ko habang nakatingin sa lalaking ito. Just looking at him makes my blood to boil. Just thinking that he was kissing my woman. Making love to her. Napapikit ako ng mariin. No. LA won't do that. I knew she doesn't love this man. Ako lang ang mahal niya at hindi niya magagawa iyon. Hindi niya magagawang ibigay ang sarili niya sa iba bukod sa akin.

            Gago. Asawa niya iyan. May karapatan siya doon. Huwag kang mag-ilusyon, Carlo.

            Pakiramdam ko ay pinipiga ang dibdib ko kaya napahinga ako ng malalim.

            "What was that for?" Tinapunan ako ng tingin ni Edward. "Ang lalim noon."

            Napakamot ako ng ulo at pilit na ngumiti. "Nothing. Just fixing something about my life."

            Tingin ko ay nakuha ko ang atensyon niya. "About what?"

            "On-going ang annulment case niya. And malaki ang chance na mapapawalang-bisa ang kasal niya. Kaya magiging binata uli si Carlo," tumabi pa sa akin si Hans at inakbayan ako. "Maghahanap ka na ng ibang babae?"

            Ngumiti lang ako ng mapakla at umiling.

            "O? Bakit naman? Binata na uli. Dapat women hunting na." Natatawang sabi ni Edward.

            Ngumiti lang ako ng mapakla sa kanya.

            "I already found what I'm looking for." Maikli kong sagot.

            "My man! For real? May kapalit na si Amy?" Ang lakas ng boses ni Hans kaya sinamaan ko siya ng tingin.

            "I am already over Amy. Can we please stop dragging her name? Please?" Pakiusap ko sa kanya.

            Alam kong alam ni Hans na seryoso ako kaya sumenyas siya ng sorry sa akin.

            "But please tell me about the new girl that made your heart, beat again." Panunukso pa ni Hans.

            Umiling ako. "Too personal."

            "Too personal? Mukhang nahihiya ka lang sa akin. You can trust me. Matagal-tagal tayong magkakatrabaho kaya I am sure magiging magkaibigan din tayo," sabat ni Edward.

            No. Fuck you. We will never be friends, you fucking animal.

            Gustong-gusto ko iyong sabihin sa kanya pero ngiti lang ang isinagot ko. Natatawang kinuha ni Hans ang telepono nito na tumutunog at sumenyas sa akin na sasagutin muna at tuloy-tuloy na lumabas.

            "Let's just talk something else. These contracts. I mean we could discuss it. Wait, is your wife not working here?" Kunwari ay nagpa-inosente ako sa tanong na iyon kay Edward.

            Ngumiti siya ng pilit. "I don't want her to work. I told her she can live like a queen with me. Kaya gusto ko doon lang siya bahay. Waiting for me to come home."

            Hindi ako nakasagot pero naikuyom ko ang mga kamay ko. And he will make LA a prisoner in their marriage. She won't never like it. She wanted freedom ever since.

            "Don't you think men should let their women to decide what they want? To be free even if they are already married?" Nakataas ang kilay na sabi ko.

            Natawa si Edward. "Once those women are married to us, all they need to do is to satisfy us. Sundin ang lahat ng gusto natin. Because women are like thst. We are the superior beings, and they should follow whatever we want them to do. I mean, women don't have any space in this kind of job. Ano naman ang alam ni Louise sa construction? Pangbahay lang siya. Tagaluto, tagalaba, taga-asikaso ng mga pangangailangan ko."

            Pinipigil ko ang sarili ko sa nag-uumalpas kong galit. LA was not like that. She doesn't deserve a life like that.

            "Hindi ba maid ang kailangan mo kung ganyan ang turing mo sa mga babae?" Hindi ko na natiis na sabihin iyon.

            Tumaas ang kilay niya sa akin at ngayon ay pilit na ang ngiti. Alam kong magsasalita siya pero pareho kaming napatingin sa pinto nang bumukas iyon. Pakiramdam ko ay huminto ang mundo ko nang makilala kung sino ang pumasok.

            Si LA iyon at may dalang paper bag. Pero napakunot ang noo ko nang makita ang mukha niya.

            Bahagyang namamaga ang kaliwang pisngi. May putok sa gilid ng labi kahit alam kong tinakpan iyon ng make-up. Alam kong nagulat si LA nang makita ako doon at halatang gustong umalis na lang. Pero agad itong nilapitan ni Edward at hinalikan sa pisngi.

            "Wifey." Bati niya kay LA tapos ay tumingin sa akin at kumindat pa habang inakbayan si LA. Halatang nagmamalaki. "Remember Carlo Santos? From our meeting yesterday."

            Pilit na pilit ang ngiti ni LA. "Dinala ko lang ang lunch na pinapaluto mo." Iyon ang sagot ni LA at ibinigay kay Edward ang dala niyang paperbag. "I-I have to go." Pilit siyang kumakawala kay Edward at gusto ng umalis.

            "Okay. I'll see you at home." Nakangising sabi ni Edward.

            Hindi ko alam kung narinig pa iyon ni LA dahil nagmamadali na siyang lumabas ng opisina.

            "My wife." Natatawang sabi nito tapos ay nilapitan ang paper bag na dala ni LA. Binuksan tapos kinuha ang isang Tupperware at inamoy ang laman. Napangiwi pa ito at tinakpan iyon. Ibinalik sa lalagyan, binitbit ang paper bag at itinuloy iyon sa basurahan.

            Gulat na gulat ako sa ginawa niya.

            "Why did you do that?" Taka ko.

            "The food is garbage." Naiiling na sabi niya. "You want to have lunch somewhere?"

            Hindi ako nakasagot at talagang gusto kong basagin ang mukha ng lalaking ito.

            Dahil sa ginagawa niya, mas lalo lang akong nagkakalakas ng loob na agawin si LA sa kanya.

            At gagawin ko talaga iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top