Chapter Thirty-Six
Better to die fighting for freedom than be a prisoner all the days of your life.
------------------------------
Louise's POV
Galit na galit si Edward habang pabiyahe kami pauwi. Wala lang akong magawa dahil halos kaladkarin na niya ako maipasok lang dito sa kotse. Pero sisiguraduhin ko na pagdating sa bahay, talagang lalayasan ko siya. Kahit patayin na niya ako, hinding-hindi na ako makikisama sa kanya.
Paghinto pa lang ng sasakyan ni Edward sa tapat ng bahay namin ay agad na akong bumaba. Patakbo akong pumasok sa bahay pero hinabol ako ni Edward at hinablot ang buhok ko. Nanlilisik ang mata niya sa akin sa galit.
"You fucking bitch. I can't believe you can do that to me. Ipinahiya mo ako. Pinagbigyan na kita noon na lumayas ka. Pero ngayon, kasal na tayo kaya ako ang may karapatan sa iyo. Sasaktan kita kung gusto ko. Ako ang may-ari sa iyo." Hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa buhok.
"You fucking devil! Bitiwan mo ako!" Talagang pilit kong inaalis ang kamay niya sa buhok ko pero itinutulak lang niya ako na makapasok kami sa loob ng bahay. Agad na napatayo ang mommy niya at daddy nang makita ako. Hindi man lang nahiya si Edward sa ginagawa niya sa akin. Itinulak pa niya ako sa sofa na naroon nang bitiwan ako.
"Jesus Christ, Edward! What did you do to Louise?" Nanlalaki ang mata ng mommy niya na nakatingin sa akin. Iyak lang ako ng iyak habang pilit na umuupo sa sofa na naroon. Awang-awa na ako sa sarili ko. "Iha, anong nangyari sa iyo?"
"Sinasaktan ako ng anak 'nyo. Ito," itinuro ko ang mukha ko na puno ng pasa. "Ito ang ginawa niya sa akin.
Napahinga ng malalim ang mommy ni Edward tapos ay napailing. Nagtinginan lang ito at ang asawa na tingin ko naman ay hindi naaawa sa akin. Nakatingin lang ang daddy ni Edward. Wala akong nakikitang kahit kaunting simpatya sa mukha. Ibang-iba ang ipinapakita nila sa akin kumpara noong hindi pa kami mag-asawa ng anak nila. Sobrang sweet nila sa akin noon. Botong-boto para sa anak nila.
"Iha, baka naman kasi may ginagawa kang hindi maganda. Sa totoo lang, napahiya kami nang maglayas ka. Imagine my son just proposed to you then you decided to ran away. Hirap na hirap akong mag-explain sa mga kaibigan ko kung ano ang nangyari sa iyo. Mabuti nga at talagang gusto namin na maging iisa ang pamilya natin kaya kahit ganoon ang ginawa mo, pumayag pa rin kami na pakasalan ka ni Edward," mahabang sagot nito.
"What?" Naguguluhan ako sa sinabi nito. "Your son is hurting me. Physically violating me. At may babae iyan. Hindi iyan sa akin umuuwi. Don't you think that is ground for annulment?"
Tumaas ang kilay ng mommy ni Edward at tumingin sa anak.
"You idiot. Sinabi ko na sa iyo, tigilan mo na muna ang babae mo habang inaayos pa natin ang transfer of ownership ng business nila. Hindi ka makapaghintay." Inis na sabi ng babae.
Napaawang ang bibig ko. "Y-you knew? You knew about his other woman? What the hell is this?" nagugulahan akong nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanila.
Romolyo ang mata ng mommy ni Edward.
"That's what happen when people have an idiot daughter like you." Napahinga pa ng malalim ang mommy ni Edward. "I never liked you. But you are the only reason why we can continuously mingle with your family and other well-known family in the society that's why I talked to my son to be your boyfriend. Sabi ko magtiis na lang. Maganda ka naman. Mayaman pa. Malaking tulong sa pamilya namin kung magiging isang pamilya tayo. Mahirap tanggapin ang katulad namin na hindi naman tandang yaman ang kayamanan. We are just hardworking people and we learn how to deal wisely kaya kami nagkapera. But even if we have millions, still, people in your society doesn't accept our kind. Dahil hindi matunog ang apelyido namin. No one is taking us seriously. We are like clowns in the business world. Not until your father became close to us and became our business partner. That's the time, people started to notice our family. Giving us serious business deals." Ngumiti pa ang mommy ni Edward pero ngayon ay ang plastic-plastic na ng ngiti sa akin.
Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kanila. They were like different people. Ibang-iba sa pamilyang nakilala ko noon. Ibang-iba sa mabait at masayahin na pamilyang laging nakangiti sa tuwing makikita ako.
"W-who the hell are you people?" Umiiyak akong nakatingin sa kanila.
"I am so sorry, Louise. But our money and reputation is important than you. We are willing to sacrifice everything just to get what we want." Edward's mom was like the villain in every fairy tale story that I read. She looked like the devil just like her son. "I know people will ask why you were beaten by Edward. We are going to tell them that you have other man. You are having an affair with the new business partner. What his name?" Tumingin pa ito sa anak niya.
"Carlo. Carlo Ruiz Santos." Edward said that in between his teeth. "The fucking fisherman she had an affair when she ran away the first time."
"There. Carlo. Fisherman whatever." Hitsurang nandidiri ang mommy ni Edward. "Don't worry nagawan na namin ng paraan ang lahat. He will rot in jail." Maasim na ngumiti sa akin ang babae. "Louise naman. Pipili ka lang ng lalandiin na lalaki mangingisda pa. Hindi ka man lang pumilipili ng mabango at maayos."
"No! Wala siyang kasalanan dito. I ran away this time because your son is hurting me. Pakawalan 'nyo si Olie. If you want to punish me, ako lang. He doesn't have anything to do with this. Please." Nakikiusap ako sa kanila. Nagmamakaawa akong tumingin kay Edward.
"You love that asshole," walang emosyong sabi niya.
"Yes! At siya lang ang mamahalin ko kahit mamatay ako. Siya lang ang magiging ama ng anak ko."
Nakita kong nagulat ang magulang niyang napatingin sa akin. Pati si Edward ay halatang namutla ang mukha sa narinig na sinabi ko.
"W-what the fuck did you say?" Nanginginig ang boses ni Edward.
Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanila. "You think you won? Fuck you all. You can get whatever you want. My wasted life, our business. Inyo na lahat. But this?" Itinuro ko ang tiyan ko. "This womb will never produce an heir from your blood. Not in my life time. Because I am pregnant and Olie or Carlo Santos is the father."
Pakiramdam ko ay nanalo ako nang sabihin ko iyon sa kanila. Kitang-kita ko ang pagkataranta sa mga mukha nila. Halatang nasira ko kung ano man ang plano na mayroon sila. They can never use me again. I am done being used by them.
Kitang-kita ko ang pagtatagis ng bagang ni Edward. Lumapit siya sa akin at alam kong sasaktan niya ako. Pero pababayaan ko lang siya. Kahit patayin niya ako, wala na akong pakialam. Basta hinding-hindi na ako makikisama sa kanya.
"Edward!"
Pare-pareho kaming napatingin sa dumating na grupo sa bahay niya. Agad akong napaiyak nang makita kong ang mga kapatid ko iyon, si Mommy at si daddy na nakasakay sa wheelchair. Mabilis akong tumakbo kay Ate Lornie at humahagulgol na yumakap sa kanya.
"And this is the life that you're going to give my daughter? Kaya ba hindi kami puwedeng dumalaw dito?" Galit na galit si mommy na nakatingin kay Edward tapos ay bumaling sa mga biyenan ko. "At pinapabayaan 'nyo? Akala ko ba bibigyan 'nyo ng maayos na buhay ang anak ko?"
Agad na tumayo ang mommy ni Edward at pilit na pilit ang ngiti na lumapit kay Mommy. Akmang hahawakan ang mommy ko pero mabilis na lumayo at parang nandidiring tiningnan ang biyenan kong babae.
"Balae, nagkaroon lang ng misunderstanding ang mga bata. Hindi naman siguro maiiwasan na magkasakitan sila ng pisikal. Si Louise naman kasi. Alam mo naman ang anak mo may pagka-matigas ang ulo. Edward found out that she's having an affair." Nag-iba na ang hitsura ng mommy ni Edward. Nagmukha na itong maamong tupa.
Umiiyak akong umiiling kay Ate Lornie. "Hindi totoo, ate. Impiyerno ang buhay ko sa lalaking iyan. I ran away because he was beating me, They are fake. They are just using us. I-I don't want to stay here anymore. Please. Take me home."
Mabilis akong nilapitan ni Edward at hinihila palayo kay ate pero talagang hindi ako bumibitaw sa kapatid ko. Doon lumapit si Kuya Lonmar at itinulak palayo si Edward.
"We know the truth." Nagpipilit na magpakahinahon si Kuya pero halatang galit na rin ito. "Dad told us everything. Kung bakit siya na-stroke."
Doon ko nakitang natakot ang hitsura ni Edward at kinakabahang tumingin sa magulang niya.
Napapailing si Mommy. Nang tingnan ko si daddy ay nakatingin lang siya sa akin at umiiyak siya.
"Bakit ba dinala 'nyo pa dito si Ruben? Diyos ko naman. Wala ba kayong isip? Nakita 'nyo ng gulay 'yan ibiniyahe 'nyo pa," kunwari ay concern ang mommy ni Edward pero halatang kinakabahan. "Away mag-asawa ito ng mga bata. Hindi tayo dapat nakikialam."
"S-sinungaling k-ka. K-kayo." Halatang pinipilit lang ni daddy ang magsalita. Lalo akong napahagulgol ng iyak nang makita kong talagang sinusubukan niyang igalaw ang katawan niya. "K-kayo m-man-loloko."
"D-dad. Stop. Don't push yourself too hard." Awat ko sa kanya.
"Hindi lugi ang negosyo namin. Edward just made it up. The day that dad had his stroke, Edward was with him. They had a confrontation kaya na-stroke si dad. Dahil nalaman ni daddy na niloloko lang tayo ng pamilyang iyan. Mula pa umpisa they were manipulating our business. Nagkaroon si Edward ng pagkakataon na mas lalong mamanipula iyon ng ma-stroke si daddy at kaya dali-dali kayong ipinakasal." Ang sama ng tingin ng kuya ko kay Edward. "I've been my father's puppet for so long. Me and Lornie. I didn't have a voice in our family. I just kept on following what my father wanted me to do. But we cannot allow you to do that to Louise. She deserve a better life away from you."
"L-Lonmar, you had it all wrong. I-I showed everything that your company is losing investors. Our company is the only thing that helps your company to survive. Your father knew that." Halatang kinakabahan si Edward sa sasabi niya. Tumingin pa ito sa gawi ng magulang at halatang nagpapakampi pero hindi makapagsalita ang dalawa.
"I've seen the data! Umamin na ang lawyer na kasabwat mo. Sa totoo lang dapat ginugulpi kita ngayon, but they begged me not to. Louise will file for an annulment from you. You cannot do anything about it. She has lots of reasons to leave you. As for the partnership of our business, we will see you in court. We have a fucking witness and all of you will go down." Tinalikuran na ito ni kuya at itinulak na ang wheelchair.
Sabay-sabay na kaming lumakad doon para umalis pero humabol pa si Edward.
"Louise! Bumalik ka dito. Asawa kita!" Hinawakan pa niya ako sa braso pero si Kuya Lonmar na ang humarap kay Edward. Malakas na sinuntok si Edward sa mukha. Bagsak sa semento si Edward.
"Stay away from my sister! You and your family can go to hell!"
Hindi ko mapigil ang mapahagulgol habang lumalakad kami palabas ng bahay ni Edward. Wala akong masabi. Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag. Nakawala sa isang napakadilim na kulungan at ngayon ay malaya nang makakahinga.
"We are so sorry, Louise." Umiiyak na sabi ni mommy habang nakasakay kami sa kotse. Nasa gitna nila ako pareho ni daddy.
Umiling lang ako at patuloy na humagulgol.
"This is all our fault." Hinawakan ni mommy ang kamay ko at bahagyang pinisil.
"S-sorry," hirap na hirap si daddy na sabihin iyon. Kahit nakangiwi ang bibig ay talagang pinipilit niyang magsalitaz Doon ako lalong napaiyak at yumakap sa kanya.
"Don't. Please. Don't say sorry. It's fine. Everything will be fine."
Umiiyak ako dahil sa saya. Dahil nakalaya na ako sa preso na ibinigay nila sa piling ni Edward.
Magkakaroon na kami ng bagong buhay ni Olie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top