Chapter Thirty-One

"Sometimes what you're most afraid of doing is the very thing that will set you free."

------------------------------------

FREE

Louise's POV

Hindi ako makahinga habang sakay ako sa sasakyan ni Olie. Manaka-naka ko siyang tinitingnan pero tahimik lang siyang nagmamaneho. Naipagpasalamat kong tinted ang sasakyan niya kaya siguradong walang makakakita sa akin na nakasakay sa kotse ng ibang lalaki.

Saan ba papunta ito? Pumasok kami sa isang exclusive subdivision. Agad na sumaludo ang mga guards nang makita lang ang kotseng minamaneho ni Olie. Hindi ko magawang magtanong. Kung puwede nga lang ako tumalon palabas habang umaandar ang sasakyan, ginawa ko na.

Huminto sa isang bahay ang sasakyan ni Olie. Walang imik na bumaba tapos ay tinungo ang pinto sa gilid ko at binuksan.

"Get out," malamig pa ring sabi niya.

Napahinga na lang ako ng malalim at sumunod sa sinabi niya.

"Ano ba ito, Olie? Kidnap ba ito?"

Natawa siya sa sinabi ko tapos ay hinawakan ako sa braso at inalalayan na makapasok sa bahay. Dumiretso kami sa kusina at may nakahain ng pagkain sa mesa. Pakiramdam ko ay may bumukol sa lalalumunan ko. Paksiw na bangus ang ulam na naroon. Naalala ko noong mga panahong nagluluto si Olie sa isla. 'Yung simpleng Olie na laging naka-board shorts at t-shirt minsan nakahubad pa.

Ngayon, ibang-iba si Olie. Hindi ko na siya makilala.

He was wearing an Armani suit. Leather shoes. Clean and shaved face. Hair neatly cut. Alam kong mamahalin ang pabangong gamit. Kung hindi ko siya kilala, hindi ko iisipin na siya rin ang island boy na nakilala ko sa isla.

"Sit down and let's have a lunch." Walang anuman na sabi niya at umupo asa harapan ko at dinampot ang bowl ng kanin at iniabot sa akin.

Tiningnan ko lang iyon tapos ay siya.

"Get some. I am starving already," sabi pa niya.

Napalunok ako. "Olie, please stop doing this." Pinipigil ko ang sarili kong mapaiyak.

Sumama ang mukha niya at painis na binitiwan ang bowl na hawak.

"Stop what, LA? Stop what I feel for you? You fucking runaway. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa atin, ganoon na lang? Okay na tayo? Move on na tayo? Anong gusto mong mangyari sa akin?"

Napapikit-pikit ako para mapigil ang mapaiyak.

"I am married." Pagkasabi noon ay hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha.

Inis na pinukpok ni Olie ang mesa.

"Aagawin kita." Tumayo siya at lumhod sa harap ko. Hinawakan ang kamay ko at inilapit sa mga labi niya. "You know I love you. Hindi ka mahal ng gago mong asawa."

"I know," ngumiti ako ng mapakla sa kanya. "This is a marriage of convenience for our family. Our marriage will merge our company and you know what will happen after that. Wala akong karapatang tumanggi."

Mahinang napamura si Olie. "I've been there. I know how it will end and it will never end well. You will end up like me. Alone. Miserable. I was like that when we met. I was ready to face my life alone and never to go back in this kind of life. But you came. Why do you have to come in my life when you have plans of leaving anyway?"

Lalo akong napaiyak sa nakita kong hitsura ni Olie. Kitang-kita ko ang hirap sa mukha niya. Damang-dama ko ang sakit sa bawat salitang binibitiwan niya.

"I was hurt. Badly. I lost someone I love. People I cared about because my family manipulated my life and I let them do that. Because I was the good son, I let them take my happiness. In the process, I hurt the woman that I love. It killed my child. My life was fucked up before you came. Now that I have you, you're going to leave too?"

"I was never yours." Pinahid ko ang mga luha sa mata. "What we had was a dream that will never come true." Hinawakan ko ang mukha niya. "Olie, just like you I am a good daughter too and I can sacrifice my happiness for my family."

Inis na binitiwan ni Olie ang kamay ko at naiiling na tumayo. Nasasaktan sa nakikita kong paghihirap niya. Nahihirapan din naman ako sa sitwasyong ito pero wala akong magagawa.

"You are being unfair. To yourself. To me. Alam ko naman na mahal moa ko. Nararamdaman ko iyon. You can leave your asshole husband because he doesn't love you."

Umiling ako. "It's not that easy, Olie. Sana maintindihan mo naman."

Napahinga siya ng malalim at itinukod ang mga kamao sa mesa tapos ay tumingin sa akin.

"Now what?" Tonong talunan na siya.

"We need to end this. You. Me. We need to stop seeing each other. You need to stop seeing me. Kahit gago si Edward, he is still my husband and I don't want people to think that I am cheating on him."

Napapalatak siya at napangiti ng mapakla. "I don't think I can do that."

Kumunot ang noo ko. "Why? Olie, please. Huwag ka ng manggulo."

"I'm not. I am going to work with him." Walang kakurap-kurap na sagot nito.

"What?" Taka ko.

Nagkibit siya ng balikat. "Yeah. I'll be going to his office every day. We will go to meeting all the time. You can even ask your cousin Hans."

Napalunok ako at tumayo tapos ay lumapit sa kanya.

"Please. Please don't tell him about us. Please, Olie. Para wala na lang gulo." Pakiusap ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sa akin. Titig na titig sa mukha ko. Maya-maya ay lumambot ang mukha niya at hinawakan ang mukha ko.

"I missed you. So much." Kita ko ang lungkot sa mukha niya. "Why does it have to be complicated every time I fall in love?" Ngumiti siya ng mapakla. "Hindi naman ako masamang tao. Alam ko mabait naman ako. But still, when it comes to matters of the heart, I always lose."

Hindi ko mapigil ang pagtulo ng luha ko.

"You will find someone, Olie. Someone who is free. Someone who can love you whole. But right now, it's not me. I am married."

Napatango-tango siya at pilit na ngumiti. Hinahaplos pa rin ang mukha ko.

"I am so sorry. I wasn't able to save you from marrying your husband. If I had known it, hinding-hindi ako papayag." Ngumiti siya ng mapakla. "Don't worry, I'll do everything to get your asshole husband away from you." Nakita kong nagtagis ang bagang niya at napailing. "Shit, LA. Just thinking that he is going to kiss you, touch you. Sleeping together in one bed, it fucking makes me furious."

Napapikit ako at umiling. "Stop it. Please. Let go. Let me go."

Napabuga siya ng hangin at binitiwan ako tapos ay lumayo na sa akin.

"Sure. If that's what you want. But remember, I didn't give up on you. I was trying to get you, but you are the one who give up."

Binitbit ko ang bag ko tinalikuran ko na siya. Ayaw ko ng marinig ang kahit na anong sasabihin niya dahil baka ang katiting na pagpipigil ko sa sarili ko ay mawala pa. God knows how hard this is for me. I love Olie but I can never betray Edward. Sa mata ng tao, kasal kaming dalawa at siya na ang nagmamay-ari sa akin.

Paglabas ko sa gate ng bahay ni Olie ay may nakaparadang kotse na doon. Bumaba ang bintana at tumingin sa akin ang driver.

"Miss Louise? Ako po ang maghahatid sa inyo pauwi. Na-instruct na po ni Sir Carlo kung saan kayo ihahatid." Magalang na sabi ng driver.

Walang imik akong sumakay at umandar paalis doon ang sasakyan. Hindi pa man kami nakakalayo ay hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Kahit nakakahiya sa driver ay talagang humahagulgol ako.

I gave up the love of my life because that's the most sensible thing to do.

----------------------

Carlo's POV

Umaalingasaw sa pang-amoy ko ang asim paksiw na bangus na nakahain sa mesa. Alam kong masarap ito pero dinampot ko at itinapon sa basuharan. Ang mga platong nakahain doon ay inis kong pinagbabato sa lababo.

Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magalit sa lahat. Dahil hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan na naman ako ng ganito.

It's fucking unfair.

Bakit laging ako na lang kailangang mag-sakripisyo. Kay Amy. Kay Charlotte. Ngayon naman kay LA. Hindi ko maintindihan kung isinumpa ba talaga ako kaya ganito ang nangyayari sa akin. Karma ko na siguro sa pag-abandona kay Amy. Ngayon nararamdaman ko ang sakit ng iwan at hindi piliin.

Napatingin ako sa telepono ko at nakita kong unregistered number ang tumatawag sa akin. Iiling-iling na sinagot ko iyon dahil baka sa opisina ni Edward. I am going to work with that asshole after all.

"Hello?" Pabagsak akong naupo sa silyang naroon.

Wala akong sagot na narinig pero alam kong may tao sa kabilang line.

"Hello?" Ulit ko.

Mahinang ehem ang narinig ko. "C-Carlo?"

Napa-angat ako sa kinauupuan ko dahil sa pagkagulat. Pero unti-unti rin napalitan ng galit ang gulat na naramdaman ko.

"What do you want, Charlotte? Manggugulo ka naman sa akin? You heard that I am back kaya nandito ka na naman at susunod-sunod ka na naman?" Inis kong sabi sa kanya.

Ang tagal bago niya sumagot. Panay ehem lang ang naririnig ko tapos maya-maya ay sumisinghot.

"I-I'm sorry if you think that I am going to make your life hell again." Gumagaralgal ang boses ni Charlotte pero wala pa rin akong nararamdaman na awa sa kanya. Ang totoo, naiinis ako dahil narinig ko pa ang boses niya.

"Then what do you want? Ano na naman ang plano 'nyo ng mommy ko para guluhin ang buhay ko?"

"Nothing. Nothing, Carlo. I am calling to tell you that I agreed for our annulment."

Napa-diretso ako ng upo sa narinig ko. Ang tagal ko ng hinihintay ito. Nabinbin lang talaga ng nabinbin dahil sa ayaw pumayag ni Charlotte. What made her change her mind? Baliw na baliw sa akin ang babaeng ito.

"I am sorry." Pagkasabi noon ay hagulgol ang narinig ko. Hindi siya makapagsalita. Maya-maya ay humihikbi na. "I know what I did was unforgivable. I know I messed up your life. Amy's too. I know I was one of the reasons why you lost your baby, and I am really, really sorry about it." Basag na basag ang boses niya.

Unti-unti akong kumakalma. This was not the Charlotte that I know. Sa sama ng babaeng ito, she was not going to ask for forgiveness kaya kakaiba ito.

"I fell in love with you, and I made a mistake. I was selfish. I was only thinking about myself. I was thinking that no one could have you but me. Because there were people backing me up and telling me that it was okay. I was blinded and all I could think about was to have you, to be married to you. But I didn't realize that I was hurting you in the process and it never occurred to me that you will never be mine."

Hindi ako kumibo at nakikinig lang sa kanya. Nararamdaman ko naman ang sincerity sa tono ni Charlotte. Pero sa tuwing maaalala ko ang ginawa niyang panloloko sa akin, nabubuhay ang galit ko sa kanya.

"Carlo, I am really sorry. I called you to personally tell you that we need to meet regarding our annulment. I just want this to be over. I want to focus myself on building my life again and taking care of my kid."

"Kid? You have a kid?" Taka ko. Paano magkakaanak si Charlotte alam kong hinding-hindi ito puwedeng magbuntis.

"Yes." Sa pagkakataong iyon ay ramdam ko na sumaya ang boses ni Charlotte. "His name is Theo, and he is six months old. I adopted him." Napahinga siya ng malalim. "My kid made me realize my mistakes. He made me realize that before I forgive myself, I need to ask your forgiveness first then we will move on. New life with him. I realized I don't need a man in my life just to make me complete."

Hindi ako nakasagot.

"Just talk to my lawyer." Iyon na lang ang naisagot ko at pinindot ko na ang end button.

Nakatingin lang ako sa telepono at naalala ko ang mga sinabi ni Charlotte.

She was asking for my forgiveness. And I can tell her sincerity. She was agreeing with the annulment and I know I will free from her soon.

But how come I don't feel happy? That's what I wanted all this time. But I still feel empty and incomplete even if I am going to be released in a marriage made in hell.

I will be free, but the woman that I love was imprisoned in her marriage.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top