Chapter Thirty-Four

We may stumble and fall but shall rise again. It should be enough if we did not run away from the battle - Mahatma Ghandi

------------------------------------------

Louise's POV

            Three weeks.

            Damn. Three weeks na walang paramdam si Edward. His family were asking me kung nasaan daw ang asawa ko. Ano ang isasagot ko sa kanila? Ako na nga lang ang nagtatakip sa lahat ng mga kagaguhang pinaggagawa ng magaling kong asawa. Kahit sa opisina ay hindi siya pumapasok. Binobomba na ako ng tawag ni Kuya Hans at tinatanong ako kung nasaan ang asawa ko.

            Nasaan nga ba siya? For all I know nandoon siya sa kandungan ng kung sinong babae. Wala naman akong pakialam doon. Kahit ilan ang babae niya, kahit kung sino-sino ang dalhin niya sa kama niya. Ang importante sa akin, ayusin niya ng trabaho niya. Ayusin niya ang kumpanya dahil nakasasalay din doon ang company ng pamilya namin. Ano 'yon? Isinakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan para lang sa wala? Ang ending din pala ay mawawala din ang company namin dahil sa kapabayaan niya?

            And three weeks staying in this house was hell. Ayaw ko nang mangyari uli na saktan niya ako tulad ng ginawa niya noon dahil lang sa hindi niya ako naabutan dito sa bahay. My family were asking me bakit hindi daw ako nakakadalaw. Kung ano-ano na lang ang dahilan ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanila na hindi ako puwedeng hindi maabutan ni Edward dito na hindi ko alam kung kailan darating. I never imagined that Edward was a violent man. Grabe ang panlolokong ginawa niya sa akin at sa pamilya ko. Pinaniwala kami na mabuti siyang tao. Ang galing-galing niyang magsinungaling. Ang galing niyang magpanggap na perpekto siya at kahit na sinong magulang ay papangarapin siyang maging asawa ng mga anak nito. But Edward was the wolf disguised as a sheep. Kung hindi lang talaga maaapektuhan din ang pamilya ko, sinabi ko na sa lahat kung anong klase siyang tao.

            Napatingin ako sa paligid ng silid ko. Nababagot na ako dito. Nabasa ko na ang ilan sa mga librong naroon. Tumayo ako mula sa kama at dumeretso sa banyo para maligo. Naisip kong magluto na lang ng kung ano pagkatapos ko dito. Nagbibihis ako at nagbukas ng drawer para kumuha ng under wear nang mapatingin ako sa packs ng mga sanitary pads na naroon. Natigilan ako. Wait. Muntik ko ng makalimutan. Two weeks na pala akong delayed at hindi pa nagkakaroon. And never akong nadi-delayed. Naitakip ko ang kamay sa bibig ko at nagmamadaling kinuha ang telepono para matingnan ang menstrual app na matagal ko ng gamit. Gusto kong makasiguro. At ang tindi ng kaba na naramdaman ko nang makitang tama nga. Dalawang linggo na akong delayed.

            Halos hindi ako makahinga habang nagbibihis. Sa totoo lang kung ano-ano ang pumapasok sa isip. Paano kung sa sobrang stress ko kaya ganito nadi-delay ang menstruation ko? O baka buntis ako at...

            Nanlaki ang mata ko sa naisip na iyon?

            Buntis ako? Possible ba 'yon?

            Gaga. Nakipag-sex ka kaya possible 'yon.

            And yes, I had sex. In the island. With someone not my husband. Kahit kailan ay wala pang nangyayari sa amin ni Edward. I had sex with Olie when we were still playing a couple in love in that place.

            Gosh. No. This can't be. Hindi puwedeng mangyari ito. Ang bilis ng pagbibihis ko at nagmamadali akong lumabas ng banyo. Nagpaalam ako sa mga maids na aalis lang saglit para may bilhin. Kailangan kong makasiguro dahil hindi ako mapapakali kung hindi ko malalaman ang totoo.

            Bumili ako ng pregnancy test kits sa botika na nasa labas ng village. Tatlo ang binili ko para masigurado ko ang result. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang pabalik na ako sa bahay.

            Only to find Edward sitting on the couch and waiting for me.

            "Where have you been?" Ang sama ng tingin niya sa akin. Sa gilid ay naroon ang maleta niya na alam kong puno ng mga pinaggamitang damit. He looked haggard. Parang hindi pa naliligo. Hindi nag-aahit. He doesn't look like the Edward that I used to know na laging nakabihis at malinis.

            "May binili lang ako," sagot ko sa kanya at pasimple kong isinuksok sa bulsa ang PT kits na binili ko.

            "At hindi mo puwedeng iutos sa iba? Ikaw pa ang talagang bibili?" Matigas niyang tanong.

            "Hindi ba ako puwedeng bumili ng personal kong gamit? And besides, diyan lang ako sa labas bumili. Wala naman sigurong masama doon. Ikaw nga hindi ko tinatanong kung saan ka nagsuot ng tatlong linggo at pag-uwi mo dito mukha kang ermitanyo," pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na siya pero agad niyang hinawakan ang braso ko.

            "Sigurado ako lumabas ka para makipagkita sa kabit mo. Sino 'yung mangingisda sa isla na pinagtaguan mo? Dahil alam mong dito ay makikita ng mga maids ang kagaguhan mo." Ang diin-diin ng pagkakawak niya sa braso ko. Halos pilipitin na niya iyon.

            "A-aray. Edward ano ba? Nasasaktan ako." Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya.

            Mariin niyang hinawakan ang mukha ko. "'Tangina ka, sa tindi ng sakripisyo ko para sa iyo ganito pa ang gagawin mo. Lolokohin mo pa ako. 'Di ba sinabi ko sa iyo na ayaw kitang lalabas ng bahay. Gusto kong madadatnan kita dito. Tapos lumabas ka pa rin." Nanlilisik ang mata ni Edward sa akin.

            Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Sinampal niya ako ng malakas. Napasubsob ako sa couch at hindi pa nakuntento, marahas akong itinayo at ngayon ay sinuntok na ako sa mukha.

            Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. This was the first time that he hurt me so bad like this. Halos lasugin niya ang katawan ko sa tindi ng paghawak niya. Para akong manyika kung ibalibag niya sa sofa. Pakiramdam ko ay mapupunit ang anit ko sa higpit ng paghawak niya sa buhok ko. Basta galit na galit siya. Ilang beses niya akong pinagsasasampal. Parang demonyo ang tingin ko kay Edward. Wala akong magawa kundi ang umiyak lang.

            "I hate you. Fuck, I hate you and your family." Galit na galit na sabi niya sa akin.

            "And I hate you too! You and your family too!" Sagot ko sa kanya.

            Malakas akong sinuntok sa mukha ni Edward.

            "Sasagot ka pa. If only you knew what I did just to save your fucking family business. Wala kang utang na loob." Tinabig niya ako at dere-deretso siyang umalis doon at pumasok sa kuwarto niya. Iyak lang ako ng iyak dahil sa sobrang sakit ng mukha ko at katawan ko. Pakiramdam ko ay nakalog ang ulo ko sa lakas ng pagsampal at pagsuntok sa akin ni Edward. Napatingin ako sa isang gilid at nakita kong nakatayo doon ang mga maids at agad na nagpulasan nang makitang nakatingin ako. Humihikbing bumalik ako sa kuwarto ko at nagkulong sa banyo.

            Naawa ako sa hitsura ko nang humarap ako sa salamin. Magang-maga ang mukha ko sa bugbog na ginawa ni Edward. Ano ba ang kasalanan ko para maranasan ko 'to? Nakapa ko ang bulsa ko at naalala ang PT kits na binili ko at inilabas iyon. Sinunod ko ang procedure kung paano gawin at inilapag ko sa counter ang kit habang hinihintay kong lumabas ang resulta. Naupo ako sa toilet seat habang naghihintay.

            Nanginginig ang kamay ko nang damputin ang kit para makita ang resulta noon.

            I saw two red lines.

            Nabitiwan ko ang kit at napapailing na umiyak ng umiyak.

            I am pregnant.

            How will I explain this to Edward? Kahit kailan walang nangyari sa amin tapos biglang buntis ako? Baka mapatay lang niya ako.

            Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at pilit na kinalma ang sarili ko. I needed to do something. I am not going to be safe here lalo na ang magiging anak ko. Hindi rin ako puwedeng umuwi dahil masusundan lang ako doon ni Edward. Wala akong puwedeng takbuhan na hindi ako matutunton ng asawa ko.

            Pero kailangan ko nang umalis dito. Hindi na ako puwedeng magtagal dito.

            Kinuha ko lang ang importanteng gamit ko at nagdala ng maliit na bag. Siniguro kong walang nakakita sa akin na aalis ako dito.

            At may alam akong isang lugar na kahit sino ay hindi ako hahanapin doon. 

----------------------------------

Carlo's POV

            It's been three weeks since I last saw LA. I tried many times to call and see her, but she was avoiding me. Three weeks na rin na hindi namin nahaharap si Edward. Ilang linggo nang nakabinbin ang mga kontrata na kailangan niyang pirmahan. Mainit na ang ulo ni Hans dahil siya ang nayayari ni Les para sa project na ito. Siya kasi ang nag-vouch para sa company nila Edward.

            "Damn this asshole. Nakapatay ang telepono? 'Tangina nito. Ubos na ubos na ang pasensiya ko sa kanya. Kung hindi lang talaga ito asawa ng pinsan ko talagang tinunton ko na kung nasaan ang animal at talagang gugulpihin ko."

            Painis na ibinagsak ni Hans ang hawak na bote ng beer at iiling-iling na hinilot ang magkabilang sintido. Nakatingin lang ako sa hawak ko din beer at pareho naming hindi iniintindi ang ingay sa loob ng bar.

            "And even Louise doesn't know where her husband is. Gusto ko nang kutusan ang pinsan ko na iyon. Three weeks na hindi umuuwi si Edward tapos hindi man lang siya nag-aalala?" Ngayon ay dinampot naman ni Hans ang bote ng beer at uminom doon.

            "Maybe she doesn't care," mahinang sagot ko at nanatiling nakatingin sa bote ng beer.

            "Puwede ba namang she doesn't care? Asawa niya iyon. Kung ikaw hindi mo ba hahanapin ang asawa mo kung tatlong linggo nang nawawala?" Sagot niya sa akin.

            "If it's Charlotte, no." Maikling sagot ko.

            "You're still mad at her," ngayon ay nakatingin na sa akin si Hans tapos ay napapailing. "I think she learned her lesson already. Nagsisi sa mga nagawa niya. She is trying to pick up the pieces of her life. Yes, she ruined your life, but it ruined her life too." Tonong nagpapaliwanag siya.

            Napahinga ako ng malalim at dinampot ang bote ng beer at uminom doon. Kung nasira man ang buhay ni Charlotte, kagagawan niya iyon. Dapat lang sa kanya iyon. Kung ano mang kamalasang nangyayari sa kanya ngayon, she fucking deserved that.

            "Nakuha mo na naman ang gusto mo. Annulled na kayo. Single ka na. Makakakuha ka na ng kung sino mang babaeng gusto mo. I think, you should let your hate for Charlotte go."

            Sinamaan ko ng tingin si Hans. "And you are team Charlotte now?"

            "Gago," tinapik pa niya ang balikat ko. "What I am trying to say is you can never move on if your heart is still filled with hate. Magalit ka man ngayon, may magagawa ka pa ba? Amy moved on. She's happy with Bullet Acosta. You and Amy are never meant for each other. Siguro kahit hindi nakialam ang mommy mo, later on maghihiwalay kayo. I think there is someone for you. Not Charlotte. Not Amy. Someone out there waiting for you to be found." Uminom si Hans sa hawak na bote ng beer.

            "I found her already." Napahinga ako ng malalim at napailing. Hindi ko pinansin ang panlalaki ng mata ni Hans habang nakatingin sa akin at patuloy na umiinom ng beer. Huminto lang nang masamid at napaubo-ubo pa.

            "What?" Paniniguro niya.

            "I found someone. I fell in love with her, still in love with her. I found my second chance. But..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

            "But what?" Halatang excited ang kumag na ito na marinig ang sinasabi ko.

            "She's married."

            Napanganga si Hans sa narinig na sagot ko. Parang ina-absorb kung tama ba ang narinig niya.

            "What do you mean she's married?"

            Nagkibit ako ng balikat. "She's married. And her husband is an asshole dick. She is stuck in an arranged marriage. I told her we could run away, but like me, she chose to help her family. And now she is miserable with her asshole husband." Napakuyom ang kamay ko nang maalala ko ang mga kagaguhang ginagawa ni Edward kay LA.

            "What the fuck? 'Tangina, Carlo. Kailan ka ba magkakaroon ng matinong lovelife?"

            Nag-sign lang ako ng dirty finger sa kanya at muling umorder ng dalawang beer para sa amin. Kaming dalawa lang ang nandito ni Hans. Hindi nakasama si Travis at Les dahil parehong busy sa mga asawa nilang buntis.

            "Sa totoo lang gusto ko na siyang agawin sa asawa niya. That dick doesn't deserve her. I know he is hurting her." Nagtagis ang bagang ko. "Do you think it's a good idea if I kidnap her?"

            Ang lakas ng tawa ni Hans. "Fuck you. Ganyan ka ka-desperado?"

            "Yeah." Napabuga ako ng hangin at naihilamos ang kamay sa mukha ko. "I know she loves me. What we have is the perfect love, pero bakit kailangan niyang isakripisyo iyon para sa pamilya niya?"

            "Hindi mo pa alam ang sagot diyan?" Sarcastic na sagot niya. "You've been there. You know the reason. Pero kung talagang mahal mo, susuportahan kita sa pag-kidnap sa new-found love mo. Just tell me when at ako ang driver ng get away car 'nyo." Kumindat pa sa akin si Hans.

             Natawa ako sa kanya. Kung alam lang ni Hans kung sino ang babaeng tinutukoy ko baka siya na ang unang bumugbog sa akin.

            "What can you tell about Edward?" Iyon ang naitanong ko sa kanya. Hindi ba niya nahahalata ang sitwasyon ng pinsan niya kasama ang lalaking iyon?

            "Well, he is douche. But Louise's family like him. Kasi mabait. Alam mo 'yon. Mr. Perfect." Romolyo ang mata ni Hans. "But I don't believe in that shit. Perfect? There is no perfect guy. Mas nagdududa ako sa lalaking parang walang mali. My Uncle chose him for my cousin. Kasi nga galing sa mayamang pamilya, you know. They arranged everything. Four years silang mag-on ni Louise until my cousin ran away. Tapos pag-uwi, ipinakasal na agad."

            "And your cousin didn't object?"

            Umiling si Hans. "I know their company is on the brink of bankruptcy. Hindi naman kasi magaling sa negosyo si Lonmar. 'Yung panganay na kapatid ni Louise. Medicine kasi ang gustong kunin 'non. But knowing my uncle to be a manipulative a-hole, they couldn't do about it. Kailangan sumunod sila sa kung anong gusto." Natawa si Hans. "Ayan. Nai-tsismis ko na pati ang buhay ng pinsan ko."

            "But do you think she is happy with Edward? Wala kang napapansin? I mean three weeks of not going home and your cousin doesn't know where her husband is? That's fucking red flag." Gustong-gusto ko nang sabihin kay Hans na gago talaga ang asawa ni LA.

            "Well, that's their married life and we cannot do anything about it. Malaki na si Louise. Alam na niya kung ano ang dapat niyang gawin." Dinampot ni Hans ang beer niya at nakipag-cheers sa akin. "At kung ako sa iyo, pag-iisipan ko na kung paano mo makukuha ang babaeng gusto mo. Susuportahan kita diyan. Tell me when we will kidnap her," kumindat-kindat pa siya sa akin. Natawa na lang ako nakipag-cheers din sa kanya.

            Hindi na rin naman kami nagtagal pa doon ni Hans. Inihatid ko siya sa condo niya at dumeretso ako sa bahay ko. Naka-receive ako ng text galing kay Travis na may nangyari daw kay Charlotte. Nag-overdose daw three weeks ago. Talagang lahat ng pagpapapansin gagawin ng babaeng iyon. As if I care. Nalaman lang daw nito ang nangyari dahil nabanggit ni Xander. Ang kaibigan niyang doctor nang magkita ang mga ito sa ospital.

            Marahan ko pang hinihilot-hilot ang batok ko nang pumasok ako sa loob. Pahagis kong inilagay sa table na naroon ang susi ng kotse ko at dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Bumalik ako sa sala at sinindihan ang speakers na naroon. Mag-a-unwind na muna ako. Masakit na ang ulo ko kakaisip kung paano mapupunta sa akin si LA.

            "Olie."

            Napahinto ako sa ginagawa nang marinig ang boses na iyon. Agad akong lumingo at nanlaki ang mata ko nang makita ko si LA na nakaupo sa couch. Hindi ko napansin na may tao doon. Bumuka ang bibig ko pero wala akong masabi dahil sa nakita kong hitsura niya.

            Magang-maga ang mata gawa ng pag-iyak. Namamaga din ang mukha gawa. May pasa sa pisngi. May putok sa labi. She even got a fucking blackeye.

            Mabilis akong lumapit sa kanya at hindi ko malaman kung hahawakan ko ang mukha niya. What the hell happened to her?

            "I need a place to stay. I cannot stay with Edward." Umiiyak na sabi niya.

            Lumuhod ako sa harap niya at marahang hinaplos ang mukha niya.

            "You can stay here for as long as you want. I am going to keep you safe here. I am not going to hurt you. You know that LA." Hindi ko inaalis ang tingin sa mukha niya.

            Lalong napahagulgol ng iyak si LA kaya niyakap ko siya. Gumanti din siya ng yakap at doon umiyak ng umiyak.

            Hindi ko na pala siya kailangan pang i-kidnap. Dahil siya na mismo ang pumunta sa akin.

            And I am not going to let her go away this time.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top